Share

Kabanata 15

TULAD nga ng sinabi ni Sylvan ay doon ito magpapalipas ng gabi sa bahay niya sa di niya malamang dahilan dahil may bahay at condo naman ito na pwedeng uwian.

“Magpapalipas ka lang ng gabi pero bakit may backpack ka pa na dala?” Napansin niya ang bitbit nitong bag na sa hula niya ay mga personal na gamit nito.

“Just in case kailangan kong mag-extend ng stay rito.”

“Sylvan, hindi tayo maglive in partner. Kinaklaro ko lang sa ‘yo.” She’s against that idea lalo na pagdating sa side ng magulang niya.

Kapag nalaman ito ng mga magulang ay baka itakwil na siya ng mga ito. Pinagtutulakan siya ng mga ito na magboyfriend pero hindi ang magkaroon ng live in partner.

“I know, and it hurts me a lot.” Kunwari pa itong nasasaktan nang umupo sa couch.

“Hindi ako nagbibiro, Sylvan. Baka malaman nina Mama na dito ka natutulog, malilintikan talaga tayong dalawa.”

“Natulog ka na nga sa condo ko ‘di ba? Hindi naman sila nagalit.”

“Hindi naman kasi nila alam na doon ako nagpalipas ng gabi.”

Sylvan chortle
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status