Helloooo ~ 2/2 updates for this day. Pero bukas hindi ko sure kung kaya ko ang 2 updates kasi may school project akong uunahin. But I'll try to find some free times pa rin. Kung hindi talaga kaya, at least one chapter po bukas. Bawi ako sa Friday to Sunday kasi mas maluwag ang oras ko noon. About my reports, ayos naman daw sabi ng prof ko kaya hapi ako kahit masakit ang ulo kasi puro admin. order inaaral ko haha salamat sa nag-wish ng luck sa akin. Dedicated po 'tong chapter na 'to sa inyo. Mwah! —Twinkle ×
“CINDER, are you really going to do this? You're going to talk to her?” tanong ni Dace sa kanya. Sinamahan siya nito para puntahan ang hospice kung saan doon na nananatili ang lola na nagpalaki sa kanya. Nakabihis sila bilang hospital staff dahil hindi na oras ng dalaw. Isa pa, ayaw mag-iwan ni Serena ng record dahil alam niyang may nagbabantay sa lola niya. Baka magulo ang tahimik niyang buhay kung isang maling desisyon, mailantad na buhay pa talaga siya. She's just here for closure. Gusto niyang makausad na. At hindi mangyayari iyon kung hindi niya tutuldukan ang dating buhay. Sinilip ni Serena ang oras sa cellphone na nasa bulsa at binalik iyon sa bulsa noong makita na pasado alas diyes na ng gabi.Sinenyasan siya ni Dace na pwede na siyang pumasok sa private room ng lola at tumalima naman si Serena. Nang makapasok siya, unang bumungad sa kanya ang tunog ng heart monitor na nasa gilid. May nakakabit ding oxygen sa ilong ng matanda at mukhang mahimbing ang tulog nito. Napalunok
PINASADAHAN ni Serena ng tingin ang buong katawan at dahil nakapagbihis na ng simpleng shirt at pantalon, at maging ang buhok ay itim at tuwid, nasa isip niya na hindi siya makikilala ni Kevin. She'd changed her apperance ever since they went on in their separate lives. Dahil pinalabas na ng pamilya niya ngayon na namatáy siya sa car accident, Cinder na ang gamit niyang katauhan ngayon. Ngunit habang nakatitig kay Kevin ngayon, natagpuan ni Serena na papalapit siya sa direksyon nito. Nakita ni Dace na pahakbang siya patungo sa bar island kaya hinuli nito ang braso niya at pinaharap dito. “Cinder? Where are you going? May private lounge tayo rito.”“Gusto kong magpagawa ng cocktail drink, Dace. Can I do that? Doon muna ako. Don't worry, I'll take care of myself. Doon lang ako, promise.”Sa narinig, sandaling nag-isip si Dace. Matagal na itong hindi nagkakaroon ng night life at dahil ito ang sinama ni Serena, naisip nito na pumasyal na sa club. He's going to take care of Cinder while
INALALAYAN ni Serena si Kevin noong muntik na naman itong mabuwal dahil sa kalasingan. Pinilit niyang iwinaksi ang sinabi nito dahil mas importante na unahin itong mapaupo. “Kevin, let me go, please,” aniya. Ngunit mas lalo lamang pagkapit sa kanya nf lalaki. Umiling-iling pa ito na parang bata. Kumpirmadong lasing nga. “No! No! I won't let you go, Wife. Just stay close to me! I'll be good, okay?” Kevin sniffed as he said that. Gustong itulak ni Serena ang lalaki pero sa huli, napabuga na lang siya ng hangin. Ang ginawa niya, hinaplos niya ang likod nito at bumulong sa may tainga nito. Maybe she'll try to coax him to make him follow her. “Kevin, bitaw ka lang sandali, ha? Hindi ako aalis. Iuupo lang kita, hmm?”Lumuwag ang pagkakayakap sa kanya ni Kevin at tiningala siya. May mga butil pa ng luha na nakasampay sa mahabang pilikmata ni Kevin at parang gustong punasan ni Serena iyon. “You won't go away? Really?”Tumango si Serena. Kahit nag-aalangan, bumitiw si Kevin at si Serena,
“CHLYRUS, tell me the truth. Tama ba ang nalaman kong impormasyon tungkol kay Kevin? You already knew it but you kept it from me?”Walang katok-katok na binuksan niya ang pinto ng study room ni Chlyrus at tinanong iyon. Natigil sa meeting si Chlyrus at inangat ang tingin mula sa screen ng macbook na kaharap. “Meeting adjourned,” anito sa mga kausap at saka siya hinarap. Sinara nito ang macbook pagkatapos i-idle mode iyon. “You're here?”“Tama ba ang nalaman ko?” imbes, iyon ang tanong niya. Parang wala lang na tinango ni Chlyrus ang ulo na kinasinghap ni Serena. Halos dalawang taon na ang lumipas na ngunit ngayon niya lang nalaman ito! “It's because you're busy with your training in HQ. Also, you already buried your past so I don't see the importance of telling that to you. Sinabi mo na kalilimutan mo na ang nakaraan kaya nirerespeto ko iyon.”Pabagsak niyang sinara ang pinto at saka lumapit sa pinsan. Nakipagtitigan naman si Chlyrus sa kanya, hindi alintana ang galit ni Serena.
NANG matapos si Serena magbalik-tanaw at masabi ang ilan sa mga napagdaanan niya kay Kevin, kinabig siya nito para yakapin nang mahigpit. Muli na namang nabasa ang balikat niya at nagsumiksik si Kevin sa kanya, parang takot itong pakawalan siya. “Kevin, ayos na ako. Hindi na ako aalis muli, okay? You don't have to worry.”Umungot din si Chiles na buhat ni Kevin dahil naipit ito noong kinabig siya ng yakap ng asawa. Bumitiw siya kay Kevin at kinuha rito si Chiles. Ang anak niya ngayon ang hinaplos-haplos niya ang likod para makabalik ito sa pagtulog. Kevin shifted from his seat and adjusted it to make way for her. Noong maayos siyang makaupo habang buhat pa rin ang mahimbing na si Chiles, umupo sa likod niya si Kevin at pinalibot nito ang dalawang braso payakap sa kanya. “I'm sorry if I'm not on your side when you are suffering, wife. I'll forever regret the choice I made back then. If only I think of a better solution, you and our son won't endure agony and pain. I'm so sorry. . .”
SA ISANG buong araw, sa loob lang ng bahay nanatili sila Serena at Kevin kasama ang anak nilang si Chiles. Kevin bonded with Chiles and their son really loves Kevin's presence. Umiiyak pa nga ito kapag hindi buhat ng ama na minsan, kahit bata ito, gustong kurutin ni Serena ang hita nito sa kakulitan. Kapag aakto naman siyang kukurutin ito, tatakbo si Chiles sa ama, magtatago, at saka isusumbong siya. Si Kevin, pagsasabihan siya na akala mo talagang inapi niya si Chiles. Napapanganga na lang talaga si Serena sa nangyayari. Napahawak pa siya sa dibdíb dahil hindi siya makapaniwala na ganoon si Chiles. She felt betrayed, okay? Kakikita pa lang nito kay Kevin, pinagpalit kaagad siya! Parang hindi niya ito inalagaan, ha? Isa pa 'tong si Kevin, pati siya napagalitan kahit na binibiro lang naman niya si Chiles. But on the other hand, she's glad that they're creating bonds with each other. Ilang taon din ang na-miss nila at kahit wala man dapat sisihin, nakalipas na iyon at hindi na maiba
CHLYRUS didn't give an exact day on when they needed to meet her family but Kevin told her that it's best if it's soon. Para tuloy siya lang itong takot dahil hindi niya nakikitaan ng kaba si Kevin. And instead, parang excited pa ito? Bakit noong pinakilala siya ni Kevin sa pamilya nito, kabado siya? Abnormal ba si Kevin o siya itong overthinker? “What's with the frown?” Kevin asked her when they were watching a movie on nétflix. Nasa sala sila at inurong nila ang sofabed sa gilid kaya sa carpeted floor sila nakaupo habang may unan na nakakalat sa gilid. Si Chiles ay kumakain ng popsicle na ginawa ni Kevin mula sa frozen fruits at ang dungis-dungis na nito. Kumuha ng bimpo si Kevin at marahang pinunasan ang mukha ni Chiles. Natatawang umiwas si Chiles at gumapang papunta sa kanya. Gumapang din si Kevin at mas lalong nagmadali si Chiles na gumapang patungo sa kanya. “Mama, help! Dada! Dada chasing me!” tili ni Chiles habang tuwang-tuwa at humahalakhak. Imbes na kunin ang anak, umu
“YOU'RE protecting him? B-But why?”Kitang-kita ang bumalatay na sakit sa mukha ni Kevin at napakagat ng ibabang labi si Serena. Nalito naman ang ekspresyon ng mga taong nakapaligid sa kanila. “You still didn't tell him about Zephyr, Cinder?” tanong ni Chlyrus. Lumunok si Serena ng namumuong laway sa bibig bago muling humarap sa direksyon ni Kevin. “Kevin, kasi. . . kapatid ko si Zephyr.”Nagbago ang itsura ni Kevin, napalitan ng pagtataka ang mukha nito at nagpabalik-balik ang tingin sa kanya at kay Zephyr. “H-Huh? But isn't Helia his sister?”Noong marinig ng mga tao roon ang pangalan na iyon, umasim ang itsura nila. Napailing pa si Dace at pumalatak. “Huwag na huwag mong mababanggit ang pangalan ng babaeng 'yan dito, bata. Hindi namin kaano-ano ang isang iyon at hindi kapatid ni Zephyr iyon,” ang nagsalita ay iyong Tito Claude ni Serena.Mukhang hindi pa rin maintindihan ni Kevin kung bakit ganoon kaya ang ginawa ni Serena, lumapit sa asawa at ngumiti rito. “Mag-e-explain ako,
Patuloy pa ring nagpupumiglas si Inez at Paris, pero sa totoo lang, babae lang naman sila at kapwa payat. Kahit anong gawin nilang pagsisigaw at paggalaw, wala rin silang nagawa. Hinawakan sila ng mga trabahador sa kamay at paa, tapos binuhat palabas ng bahay, diretso paibaba ng gusali...Hindi alam ni Patricia kung saan sila dadalhin sa huli, pero ang mahalaga... mas tahimik na ulit ang mundo niya!Isinara ni Chastain ang pinto, pumalakpak sa tuwa, at lumapit kay Patricia para magpasikat. "O, tingnan mo, ang laki ng naitulong ko sa'yo ngayon. Paano mo naman ako pasasalamatan? Hindi pa ako nakakakain ng hapunan, may nabili ka namang gulay, baka naman puwede nang may discount diyan?"Sandaling napaisip si Patricia... Sa totoo lang, hindi naman kalakihan ang hiling ni Chastain. Isang simpleng hapunan lang naman, kaya niya ‘yon.Pero naalala niya bigla ang panahon na nagluto sila ni Chastain sa villa ni Daemon. Pakiramdam niya, hindi niya talaga kayang pumayag. Siguro matigas lang ulo ni
Chapter 97PAGKATAPOS pumasok sa isip niya kung sino ang narinig, parang binuhusan ng malamig na tubig si Patricia mula ulo hanggang paa! Ang iniisip niyang dahilan kung bakit biglang nagtrabaho ang tatay niya - na dahil nahihiya ito at ayaw maging pabigat, ay isa lang palang kathang-isip niya. Kaya pala bigla itong nagtrabaho, para pala ihanda ang tirahan para kina Inez at ang anak nitong si Paris?Sobrang labo na ng nangyayari, parang hindi na kayang intindihin ni Patricia ang sitwasyon. Hindi na niya alam kung anong salita ang babagay dito, dapat bang tawagin na walang hiya sina Inez at Paris, o mas nakakahiya pa ang tatay niya?Yung lahat ng mga dati nitong paghingi ng tawad, puro salita lang pala. Ang mga sinabing hindi na raw tiwala sa mag-ina ay puro palusot lang?Nakatayo lang si Patricia sa pintuan, papalit-palit ang kulay ng mukha mula putla hanggang asul. Para talaga siyang pinagtawanan ng tadhana!Habang nasa ganu’n siyang lagay, sumunod sa kanya si Chastain at nagtanong,
Hindi siya pinansin ni Patricia, kinuha ang susi para buksan ang pinto, pumasok, at isinara ito.Sa totoo lang, ang pinakakinaiinisan niya ay ang paulit-ulit nilang panghihimasok sa pagitan nila ni Daemon, ang pakikialam at pagkontrol sa kanila. Kahit pa hindi na niya gustong makasama si Daemon, pipiliin niyang lumayo sa mundo nila at maghanap ng taong tunay na bagay sa kanya, kaysa magkunwaring sweet couple sila ni Chastain.Pag-uwi niya, napansin niyang wala ang tatay niya. Dati, kahit nasa business trip siya, kadalasan ay nasa bahay lang ito, nag-aasikaso. Bihira siyang wala. Napakunot-noo siya. Baka namili lang? Pero hindi naman ito ang karaniwan niyang oras para mamili.Dahil sa babala noon ni Carmina, naging alerto si Patricia at agad na kinuha ang cellphone para tawagan ang tatay niya.Nag-ring ito nang matagal bago sinagot. Narinig niya ang boses ng ama sa kabilang linya, “Pat? Bakit? Hindi ba sabi mo nasa set ka at hindi uuwi?”Nakahinga nang maluwag si Patricia nang marinig
Chapter 96KUMUNOT ang noo ni Daemon at parang nagyeyelong ang mukha niya. Halatang-halata na hindi talaga siya papayag na kainin ‘yung ganung pagkain...Dahil sa sobrang seryoso niya, napabuntong-hininga na lang si Patricia at sumuko. Habang tinitingnan siya ni Daemon na seryoso habang sunod-sunod na isinusubo ang pagkain, napailing na lang ito at pinisil ang sentido na may halong inis, “Patricia, dati ba talagang hilig mong kumain ng ganito?”Tumango si Patricia. “Bakit, may problema ba?”Matagal nag-isip si Daemon ng tamang salita pero wala siyang maisip. Sa huli, napilitan siyang banggitin ang salitang “junk food” habang nakakunot ang noo.Nagkibit-balikat si Patricia. “Eh ano ngayon kung junk food? Masarap naman.” Tapos, ngumiti siya na may kapilyahan, “Tikman mo nga. Wag kang paloko sa itsura. Masarap ‘yan, lahat ng kumain niyan, gusto!” Tumingin sa malayo si Daemon. “Ayoko…”Pero bigla na lang tumayo si Patricia, hinawakan ang baba niya, at pinilit ipasubo sa kanya ang betamax
BUMALING si Daemon at tiningnan siya, tapos pagkatapos ng ilang sandali ay nagtanong. "You are...?"Medyo napatigil ng konti ang ngiti ni Hennessy, pero dahil sanay na siya sa ganitong sitwasyon, hindi siya basta-basta masasaktan. Kaya muling ngumiti siya, hawak ang baso ng alak at lumapit kay Daemon, nakatungo nang bahagya at puno ng alindog ang mga mata. "Mr. Alejandro, talagang madali kang makalimot, ano? Gusto mo bang ipaalala ko sa'yo kung anong nangyari sa atin?"Nasuklam si Patricia nang makita ang pagiging malandi ni Hennessy, at nagpasalamat siya sa sarili na hindi na niya ito assistant.Binalik ni Daemon ang tingin, ininom ang red wine na inabot ng waiter, at walang ekspresyong sinabi. "Hindi ko naaalala ang mga taong hindi importante."Huminga nang malalim si Hennessy. Sinabihan siyang hindi importante? Hindi lang siya ngayon ang pinakasikat na aktres, kahit noong hindi pa siya sumikat, ang daming lalaking nagkakandarapa para sa kanya!Ang ganda-ganda niya, samantalang si Pa
Chapter 95BAGO pa man makasagot si Patricia, binaba na agad ng kausap ang tawag. Umupo siya sa bench sa rest area ng matagal at ang laman lang ng isip niya ay ang mga sinabi ni Carmina... Alam niyang maihahambing ang sitwasyon niya ngayon na parang may natapakan na naman siyang bomba, pero saan ito sasabog? Ano bang ibig sabihin ni Carmina?Sa mga sandaling iyon, bumaba na sa kabayo si Daemon at lumapit sa kanya. Pagkakita niya kay Patricia na hawak ang cellphone at mukhang litong-lito, agad na kumunot ang noo niya at inagaw ang cellphone mula sa kamay nito. Tiningnan niya ang call record. Hindi pamilyar sa kanya ang numero, pero tinawagan niya ito pabalik.Nang napagtanto ni Patricia ang nangyayari, gusto niyang sunggaban ang cellphone pero madali siyang pinigilan ni Daemon. Isang kamay lang nito ang ginamit para hawakan ang ulo niya, kaya hindi siya makalapit. Ang kabilang kamay naman ay hawak pa rin ang cellphone habang nakakunot-noo siyang naghihintay ng sagot mula sa kabilang li
May dalawang babae pa sa tabi ni Patricia na nagpapahinga rin. Bawat isa sa kanila ay may hawak na puting kabayo. Habang umiinom ng tubig, pinapanood nila si Daemon habang nakasakay. Nang mapansin ni Daemon si Patricia na nakasakay sa isang maliit na kabayo, parang naduwal si Daemon sa itsura niya.Tahimik na sinubukan ni Patricia na igalaw ang kabayo palayo... pero ayaw gumalaw ng kabayo! Kahit coach man lang sana, pero nung tumingin-tingin siya sa paligid, wala siyang nakitang coach... Biglang pumalo ng buntot ang kabayo at inalog ang katawan nito. Kung hindi mabigat si Patricia, siguradong nahulog na siya.Yung dalawang babae na umiinom ng tubig, nagtawanan nang may pangmamaliit. “Grabe, kung hindi ka naman pala marunong sumakay, bakit ka pa nagpunta dito? Ang laki-laki mo na, tapos ‘yan ang kabayong sinakyan mo? Nakakahiya ka naman.”“Sayang ang magandang kabayo.”Gusto na lang sanang maghukay ni Patricia at magtago sa ilalim ng lupa.Nang makalibot na si Daemon, bumaba siya sa ka
Chapter 94NANG magising si Patricia, hindi siya nasa ospital kundi sa isang attic na ang disenyo ay mukhang luma at vintage. Gawa sa kahoy ang mga pader at may maliit na bintanang may mga baging. Presko rin ang hangin at mukhang sobrang komportable ng lugar.Paglingon niya, nakita niyang katabi niya si Daemon na natutulog, kaya napakunot ang noo niya.Nakahiga si Daemon sa labas ng kumot, hindi nagbihis at kalmado lang ang mukha, parang hindi pagod at bahagyang nakangiti ang labi.Medyo tulala si Patricia habang nakatitig, pero sakto namang dumilat si Daemon at nagtama ang mga mata nila.Nabigla si Patricia at dali-daling umiwas ng tingin, tapos bumangon at bumaba ng kama.Napangiti si Daemon, nagniningning ang mga mata, saka sumandal gamit ang kamay at sinulyapan si Patricia. “Ang tapang mo ha, horror movie ang pinasukan mo, eh ang duwag-duwag mo.”Hindi sumagot si Patricia, kinuha na lang ang coat sa silya at sinuot, tapos tiningnan siya ng masama. “Dedikado ako sa trabaho ko!”Umi
Nagkagulo sa shooting site. Nakakainis na ngang may naaksidente, tapos bigla pang nahimatay ang manager sa gulat. Hindi napigilan ng director na pagalitan ang babaeng gumanap na multo na bigla na lang lumitaw. "Di ba sinabi ko na tapos na ang eksena mo at pwede mo nang tanggalin ang makeup mo? Bakit ka naglalakad-lakad pa diyan na naka-costume? Ikaw tuloy ang naging sanhi ng gulo!"Walang pakialam ang aktres at tinignan lang si Patricia na nakahandusay sa lupa, sabay malamig na buntong-hininga. "Kung matatakutin siya, wag siyang sumunod-sunod dito! Para siyang bubble gum na hindi matanggal kay Andrei, takot yatang hindi malaman ng iba na si Andrei ang boyfriend niya!"Ramdam ng lahat ang selos sa tono niya... Mukhang isa na namang tagahanga ni Andrei. Alam naman ng mga natitirang assistant kung anong meron, pero dahil magkakasama sila sa trabaho, wala silang magawa kundi magpakumbaba at huwag palakihin ang issue.Sabi ng onsite doctor, nawalan lang ng malay si Patricia pero wala naman