2/2 done for today's update ~
Chapter 6: Ang lampa moINAYOS ni Hanni ang palda na suot. May pagkagusot kasi iyon at kailangan niyang ayusin para magmukha siyang presentable. Ito ang unang araw niya bilang senior high student ng ABM Department. She's a transferee student and this is the first day of school. Dahil nagdesisyon siyang umalis ng HQ, iniwan niya rin ang bahay na bigay ng ama na si Damon. She still has the keys of the house and she locked it. Alam niya naman na babantayan iyon ng pamilya nila Chlyrus. Wala siyang ideya kung makakabalik pa ba siya o hindi na pero sa ngayon, susundin niya ang huling habilin ng Papa Damon niya - ang mamuhay ng simple at malayo sa gulo.Dala ang kaunting ipon na mayroon siya, nagrenta si Hanni ng isang studio type apartment na alam niyang safe. Dala niya ang motorsiklo na minana kay Damon dahil importante sa kanya iyon ngunit hindi niya ginagamit kundi pinarke niya lang sa parking space na mayroon ang apartment. Inasikaso rin ni Hanni ang lahat ng pwedeng asikasuhin - sa
Chapter 7: Can we be friends? MAYABANG si Hanni na nagsalita sa lalaki na bibigay niya ang pangalang tinatanong nito sa kanya kung magkikita pa sila dahil kampante siyang hindi na sila magkikita. Sa laki ba naman ng school, mas malaki ang tsansa na hindi na sila magkita pa, hindi ba? Malaki ang university dahil bukod sa senior high ay may college students na rin sa pinasukan niyang eskwelahan. May kanya-kanyang department kaya malabo ang ganoong pangyayari. Pero mali si Hanni. Dahil nagulat na lang siya na kaklase niya pala ito dahil ABM program din pala ang lalaki. At ang pinakamalaking biro ng tadhana kay Hanni? Seatmates silang dalawa. Dahil Madrigal ang apelyido niya at Magalona naman ito, magkasunod sila. Amused na tumingin si Yves sa babaeng seatmate. Hindi naman lumilingon si Hanni dahil nahihiya siya. Ang yabang-yabang niya pa kasi kanina tapos ay ito pala ang sasalubong sa kanya? Malay niya bang magiging magkaklase sila? “So, are you willing to tell me your name, Miss?”W
Chapter 8: Gwapo pala talaga siyaFRIENDS. Wala man gaanong alam si Hanni sa ganyang salita dahil hindi naman siya nagkaroon ng ganyan noong bata siya, medyo maayos naman pala sa pakiramdam kapag may kaibigan ka? Noong nasa poder kasi siya ng ama, ang tanging mga kaibigan niya ay mga tinuring niyang pinsan. But Chlyrus told her that they're different from friends because they're family of Hanni. Kaya wala siyang kaibigan habang lumalaki. She was homeschooled when she was young and when she was in highschool, sa exclusive academy ng HQ siya pumapasok. Oo at may mga nakakausap siya. Pero dahil anak siya ni Agent Wind na tinitingala ng lahat, intimidated ang mga kaklase niya. Ngayon pa lang si Hanni nagkaroon ng experience na normal na pumasok sa isang eskwelahan na halos lahat ng antas ng tao ay naroon. “Here's your food,” ani Yves noong dumating ito. Binaba nito ang dumplings pati ang sawsawan dahil iyon ang madalas na kainin ni Hanni. Si Yves naman ay hawak ang hotdog on stick. Ki
Chapter 9: Maraming may gusto sa kanyaDAHIL sa mini make-over na ginawa ni Hanni kay Yves, naging pansinin ito sa school. Partikular na sa loob ng classroom nila. Kung dati ay bilang na bilang lang ang babae na kumakausap kay Yves, ngayon halos lahat ng mga kaklase nilang babae ay kinakausap na si Yves - kunwari lang na nagpapatulong sila sa assignment o projects pero alam naman ni Hanni na gusto lang nilang mag-iwan ng impression kay Yves. Umiikot ang mga mata ni Hanni patungo sa langit dahil sa inis. Hindi niya alam kung bakit siya naaasar pero minsan gusto niyang hatakin ang buhok ng mga babaeng kinakausap si Yves. Magugustuhan niya sana na hindi na loner si Yves kung talagang mababait itong mga taong 'to. Ang kaso, naririnig niya na dati ay nilalait nila si Yves. Sinasabi nila na pangit, mabaho, at marumi. Pero hindi naman talaga ganoon iyon. Yves might be sweaty sometimes when he arrives at school. Pero pawis lang ito. Hindi ito mabaho o kung ano pa man. Minsan kasi ay galing
Chapter 10: Do you think a girl like you deserves him?“IBIGAY mo sa kanya 'yan, ha? Gusto kong malaman iyong reaksyon niya kapag nabasa niya 'yan.”Umasim ang mukha ni Hanni at may tawang umalpas sa bibig niya. Ayos din, ah? Akala yata ng babaeng 'to, nakakuha ito ng utusan?“What makes you think that I will follow your order?”Natigilan ang babae. “W-What? Pero magkaibigan kayo ni Yves, hindi ba?”Humalukipkip si Hanni at diretsong tiningnan ang babae. Sinuri niya ito. Maganda naman. Malinis ang itsura nito, may kikay vibes siyang nakukuha lalo sa pink headband nitong nakasuot sa ulo nito, maputi rin, at halatang mukhang anak mayaman. Pero kung papasa ba ang itsura nito bilang magiging girlfriend ni Yves? Hindi papayag si Hanni. “Hindi dahil magkaibigan kami ni Yves, gagawan na kita ng pabor at ibibigay 'yan sa kanya.”Nanlaki ang mga mata ng babae, nagulat at hindi makapaniwala na narinig iyon kay Hanni. “But-but I like Yves! Iaabot mo lang naman 'tong letter ko! Ano bang mahirap
Chapter 11: I like herTHE FIRST time Yves saw Hanni, he knows she's going to be special. Hindi niya alam kung paano niya nasabi iyon, basta alam niya lang na magiging espesyal ito sa kanya. Niligtas siya ni Hanni noong hinarang siya ng mga taong gusto siyang nakawan. Honestly, he couldn't see her clearly but she could hear her voice. It's nice. Kaya gamit ang malabong mata, pilit niyang inaaninag ang babae. Noong masuot niya ang salamin, mas lalo niyang napatunayan na maganda nga ito. Simple lang ang ganda ng babae. Tuwid ang mahaba nitong buhok, isang simpleng hair clip lang ang nakalagay sa gilid ng buhok nito pero para kay Yves, para itong diyosa. Dahil sa estado sa buhay, marami nang nakilala at nakita si Yves. May mas maganda pa sa babaeng kaharap niya kung physical looks lang ang usapan. Pero ewan niya ba at nahahalina siya sa babaeng ito. Nadismaya lang siya noong hindi nito ibigay ang pangalan nito at sinabi na kung magkikita sila, saka nito gagawin iyon. But in Yves' min
Chapter 12: ProtectorLUMAPAT ang malamig na tingin ni Hanni sa mga taong may hawak kay Yves at nagngitngit ang loob niya dahil nakita niyang mukhang naapi na naman 'tong Yves na ito. Sandali lang mawala sa paningin niya, pagbalik niya ay eto na, na-bully na naman. At anong sabi ng mga siráulong 'to? Siya ang paglalaruan? Baka kapag siya ang naglaro sa mga 'to, hindi nila kayanin? Umalis siya Hanni sa pagkakasandal sa pintuan at marahang naglakad sa direksyon nila. Dahil natahimik sila, dinig ang paglalakad ni Hanni. “Naloko na,” bulong ng isa. Tiningnan ni Hanni si Yves at mukhang namumutla ito. Sigurado siyang nasaktan si Yves ng mga lalaking 'to. Pero para sigurado, nagtanong siya. “Sinaktan ka nila?” Hindi kumibo si Yves. Ngumisi naman ang lalaking nakatayo sa harap ni Yves. “May reklamo ka kung nasaktan 'tong isang 'to? Since nandito ka na rin naman, pwede kang sumama sa akin. 'Wag kang mag-alala, hindi ka naman namin sasaktan. Samahan mo lang kami. Pramis, hindi ka magsisis
Chapter 13: Doon ka sa mga babae moBUMABA ang tingin ni Hanni sa mga regalong nag-pile up sa mesa ni Yves at kumunot ang noo niya. “Ano na naman 'yan?” reklamo niya. “From my suitors?” natatawang ani Yves. Umirap naman si Hanni. “From my suitors nyenye. Itabi mo nga 'yan at ilalagay ko 'tong agahan natin.”Nilagay naman ni Yves ang mga cake at chocolates sa isang plastic bag, ginilid iyon pero kinuha ni Hanni. Napatingin si Yves kay Hanni. “Akin na lang 'to. May reklamo ka?”Umiling si Yves. “Hindi ka naman mahilig sa sweets? Are you sure that you want it?”‘Kesa naman ikaw ang kumain nito at makita pa ng mga tagahanga mo. Baka ang isipin nila, nagbibigay ka ng special treatment at papansinin na sila!’ Iyon ang bulong ng isip ni Hanni pero hindi na niya sinabi kay Yves. Nilapag ni Hanni ang lugaw with egg na binili niya para kay Yves habang goto naman para sa kanya. College na sila at parehong Business Administration ang kinuha nila at saktong blockmates pa rin sila ni Yves. Maag
Tahimik lang ang buhay niya nitong mga nakaraang araw. Matagal na rin mula nang huli siyang makasalamuha sa mundo nila. Sina Daemon, Chastain, Zaldy, malayo na sa kanya. Tahimik na uli ang mundo niya.Pero maliit talaga ang mundo. May mga tao talagang hindi mo maiiwasang makita. Umasa na lang siyang dadaan lang si Sylvia at ipagpapatuloy ang pagrereklamo sa essential oil niya.Pero halatang mas interesado si Sylvia kay Patricia kaysa sa essential oil. Lumapit siya diretso at ngumiti na may halong pagmamataas. “Hindi ko alam na ang galing mo pala nung huling pagkikita natin. Ikaw pala yung dinala ni Daemon para ipakilala sa mga kamag-anak niya…” Saglit siyang tumigil, tapos tinuloy, “Pero anong silbi nun? Hindi ba’t para ka ring basang sisiw ngayon? Ako, legal na fiancée. Ikaw? Anong karapatan mo?”“Oo nga pala, wala ka ngang kwenta.”Napakunot ang noo ni Patricia... pero wala siyang sinabi. Kinuha lang niya ang card mula sa front desk at tumalikod papasok sa loob ng spa.Parang hindi
Chapter 88NAPAKATIGAS ng ulo ni Patricia para maglumuhod. Kanina lang, pinilit pa niyang tumayo at ipaglaban ang sarili. Pero kung hindi siya luluhod ngayon, siguradong hindi siya tatantanan ni Leo at ng barkada niya. Pero kung luluhod siya, mawawala naman talaga ang dignidad niya.Si Amarillo, nakangiting parang nanonood lang ng palabas, may halong yabang pa ang ngiti. Sa isip niya, si Patricia ay isang baguhang babae na hindi pa alam gaano kataas ang langit at kalalim ang lupa. Ang tapang-tapang na lumabas at nagsalita sa ganitong sitwasyon. Ngayon, nasabit na siya, tingnan lang natin paano siya lalabas dito.Pero sa harap ng lahat, kalmadong tumango si Patricia. “Okay lang sakin na magluhod, pero ibabalik sa 'yo ang ginawa mong pagsuntok kay Andrei.”Mas lalo pang naging mapanghamak ang tawa ni Leo. “Ibalik? Ikaw o siya? Sa payat ninyong katawan, kahit sampung suntok pa siguro ang gawin niyo, wala pa ring epekto. At ikaw, babae ka, umuwi ka na lang at maghanap ng lalaking papakasa
Nagulat si Patricia. Kasi karaniwan, pagkatapos ng shoot, kakain lang ito at matutulog agad. Wala na siyang pake sa ibang tao. Kaya nagulat si Patricia na nag-abala pa siyang lumapit.“Ano ‘yon?”Ngumiti si Andrei at nagkibit-balikat. “Wala lang…”Parang duda pa rin ang tingin ni Patricia.“Gusto ko lang magpasalamat sa ‘yo.” Ngumiti pa rin si Andrei. “Tama pala ang naging desisyon ko.”Isang simpleng salita lang ‘yon, pero nanginginig ang kamay ni Patricia habang hawak ang tinidor. Matagal na rin siyang nakakulong sa sarili niyang mundo. Laging nagtatrabaho, pero pakiramdam niya, walang laman ang puso niya. Pero sa sinabi ni Andrei, parang muling nagkaroon ng apoy sa dibdib niya.Tapos ngumiti si Andrei nang mahina. “Punta ka sa bar mamaya. Sasabihin ko na sa 'yo ang sikreto ko.”Hindi pa nakakareact si Patricia, tumayo na siya at umalis. Pero yung ngiting iyon, hindi niya malaman kung anong ibig sabihin.Sikreto?Matagal na siyang curious simula pa nung una niyang hinawakan ang kas
Chapter 87NAGKIBIT BALIKAT si Chastain at kalmado niyang tiningnan si Patricia. “Nagbibiro? Hindi ako nagbibiro.” Pagkatapos ay ngumiti siya ng palihim kay Patrick na nasa likod ni Patricia, “Hello po, Uncle.”Hindi alam ni Patrick kung sino si Chastain o kung dapat ba niya itong katakutan, kaya ngumiti na lang siya at tumango.Dahil sa sobrang kalmado ni Chastain, hindi na alam ni Patricia kung ano ang sasabihin. Sa huli, inilapag na lang niya ang maleta sa sahig at naupo doon. “Sige, gusto kong lumipat at maghanap ng matitirhan. Nasaan ang bahay? Magkano ang renta? Magkano ang bayad sa ahente?”Handang-handa si Chastain. Kinuha niya ang isang makapal na booklet mula sa likuran niya na may iba't ibang impormasyon tungkol sa mga bahay. Tinuro niya ang kotse sa likod niya at sinabi, “Kaunti lang naman gamit niyo, kasya na ‘to sa paglipat. Gusto mo bang ang singil ko ay parang pamasahe lang sa taxi?”Hindi inakala ni Patricia na talagang naghanda siya ng mga listahan ng bahay. Kinuha n
Kung may konting pagpapakumbaba lang siya, matagal na sanang alam niya na hindi na siya dapat sumali sa larong ito.Sa huli, umarangkada si Daemon at mabilis na umalis.Matagal na nakatitig si Patricia sa direksyong tinahak niya, hanggang sa maglaho ang pulang kotse sa dilim ng gabi.Nanlambot ang tuhod niya, sumikip ang dibdib, sobrang dilim ng gabi, at pakiramdam niya parang mababaliw na siya.Sa wakas, napaupo siya sa kalsada, ibinaon ang mukha sa tuhod at tahimik na umiyak.Akala niya noon, kaya niyang hawakan ang isang bagay… pero ang totoo, bumitaw pa rin siya.Isa pa rin siyang duwag, at sa totoo lang, parang nandidiri na siya sa sarili niya.Habang tulala pa siya, biglang may pumalakpak sa likod niya, malakas at mabilis. “Ayos, natuto ka rin sa wakas!”Hindi na niya kailangang lumingon para malaman na si Carmina ‘yon...Palagi ba siyang binabantayan nito dahil takot itong magbago ang isip niya at bumalik kay Daemon? Sa totoo lang, hindi naman kailangan...Naiinis siya sa pakir
Chapter 86UMALIS si Patricia pagkatapos ng huling eksena ng gabi. Minsan, maganda rin na abala ka. Kapag punong-puno ang isip mo ng mga bagay, wala ka nang oras para magreklamo.Pagkatapos niyang ihatid si Andrei pabalik sa hotel na tinutuluyan nito, balak niyang pumunta sa tinatawag na “bagong bahay” base sa address na binigay ng ama niya.Habang nakatayo siya sa gilid ng kalsada at naghihintay ng masasakyan, biglang may dumating na pulang sports car at huminto ng maayos mga limang metro lang ang layo mula sa kanya.Pagkatapos, bumaba si Jenny mula sa sasakyan, nagpaalam kay Daemon, at hinalikan ito sa may pinto ng kotse. Malambing ang boses niya habang sinasabi, “Honey, sunduin mo ako bukas ha!”Tumango lang si Daemon, hawak pa rin ang manibela, pero nakatitig lang siya sa unahan. Hindi man lang niya napansin kung kailan pumasok si Jenny sa hotel.Ramdam ni Patricia na sa kanya nakatutok ang matalim na tingin na parang kayang balatan ang balat niya. Galit si Daemon. Kapag galit si
Mayroon siyang maikling buhok, mga mata na maliwanag at inosente, at ngiting sobrang lambot na parang bulak. Isa siya sa mga bihira sa showbiz na parang malinis na tubig.Tatlong taon na siyang artista, pero bukod sa ilang chismis, wala pa siyang kahit anong negative na issue. Maganda ang image niya sa industriya. Galing daw siya sa pamilyang edukado, may maayos na background, may magandang ugali, at simpleng tao lang.Tinapunan ni Patricia ng tingin ang mga karne sa basurahan na inalis niya sa lunchbox, tapos pilit siyang ngumiti. “Nagpapapayat kasi ako.”Nakatingin pa rin sa kanya si Lara, hawak ang sariling lunchbox. “Ako rin nagpapapayat,” sabay labas ng dila.Hindi na naka-imik si Patricia. Sa tangkad ni Lara na halos 1.7 meters at timbang na siguro ay wala pa sa 100 pounds, hindi talaga siya mataba. Meron lang siyang baby fats sa pisngi na nagpapacute pa nga.Pero naisip din ni Patricia, karamihan sa mga babae sa showbiz, kailangan talaga bantayan ang timbang at bawal kumain ng
Naiwan ulit si Chastain... Napangiti siya ng mapait...Ganito na niya binaba ang sarili pero si Patricia parang bato pa rin. Siguro iniisip nito na biro lang ang lahat. Oo nga, baka nagsimula sa biro, pero minsan nagiging totoo ‘yung biro...Kahit nalinis na niya ang daan sa pamilya nila, may mga puwang pa rin sa pagitan ng bagong henerasyon at lumang management at matagal pa bago ‘yon masarado. Pero kahit ganon, ginugol pa rin niya ang oras niya para kay Patricia. Ewan na lang kung hindi siya baliw.Dati, siya pa ang nagsasabing nabulag si Daemon. Ngayon, parang gusto na rin niyang sabihin na bulag din ang mata niya. Pero may mga bagay talaga na kahit anong paliwanag mo, hindi mo kayang i-justify.*Si Andrei, ang bagong proyekto niya sa wakas ay nagsimula na ang shooting. Dumiretso si Patricia doon pagkatapos ayusin ang mga kailangang trabahuhin sa opisina. Simple lang naman, may interview lang sa reporters, tapos may mga linyang kailangang sagutin. Kahit hindi gaanong mahusay si An
Chapter 85“HINDI ko iniisip 'yan.” Walang pakundangan si Patricia na tumanggi. Hindi niya alam kung ano bang iniisip ni Chastain, ginagawa lang ba niyang laro ito o gusto lang nitong inisin si Daemon?Sa totoo lang, pakiramdam ni Patricia kahit random na estranghero pa ang kunin niyang boyfriend, mas kapanipaniwala pa siguro kaysa kay Chastain.Napabuntong-hininga si Chastain at napailing… Kailangan niyang tanggapin na nilalait siya ng isang babaeng hindi naman maganda o espesyal...Ang hirap talaga...Sa huli, bigla si Chastain prumeno, tapos humarap kay Patricia at seryosong nagtanong. “Bakit hindi mo pwedeng isipin man lang? Sabi ko nga, aktingan lang ‘to! Aktingan! Hindi mo ba naisip na ako pa nga ang talo dito? Kahit pa nabulag si Young Mr. Alejandro kaya ka niya nagustuhan, malinaw pa rin ang mata ng mga tao. Hindi ka naman lugi kung ako ang makikita nilang kasama mo.”Hindi makapagsalita si Patricia sa narinig, “Ayoko nga eh. Kahit ano pa sabihin mo.”Nakita ni Chastain na wal