“DAHIL HAPON na, sarado na ang HR. Bukas na kita ie-enroll sa biometrics pati na rin ang entry procedures mo.”Tumango-tango si Serena kay Ma'am Wendy. Dinala siya nito sa table na para sa kanya ngunit wala na itong sinabi kahit na naghihintay siya ng instructions mula rito. Ang tanging ginawa na lang si Serena ay umupo sa upuan na mayroon ang cubicle niya at saka nilibot ang paningin. Mas malaki ang department na ito kumpara sa pinanggalingan niya na lower floor. Isa rin sa napansin niya ang kaibahan ng mga empleyado ngayon. Kita niya na kumikilos lahat at madalang na madalang siyang makakita ng nag-uusap. Puro pagtipa sa PC nila ang naririnig ni Serena. Kaya kahit gustuhin man niyang magtanong, umuurong ang dila niya dahil alam niyang hindi rin siya papansinin ng mga ito. Nakailang punas na si Serena sa desk niya dahil wala nga siyang ginagawa. Naipon na tuloy ang tissue sa trashbin na nasa ilalim ng table niya. Nang dumating ang oras ng pag-out, akala ni Serena ay lalabas na ang
HINAYAAN lang ni Serena si Leila dahil sa tingin niya ay bata pa ito. Hindi niya tuloy maisip na pinagselosan niya ito, e sa totoo lang, mukhang baby pa itong si Leila lalo na sa inaakto nito. Dahil hindi ni Leila nakuha ang reaksyon na gusto niya kay Serena mas lalo yatang umusok ang ilong nito. “How did you and my cousin know each other?”Sandaling nag-alinlangan si Serena. Sasabihin niya ba ang totoo na dahil pareho silang niloko at nangangailangan siya ng groom, nagpakasal silang dalawa kahit 'di pa namang lubusang kilala ang isa't-isa? Pero pakiramdam niya ay mapapahiya siya o kaya naman ay si Kevin. “Nagkakilala lang kami at iyon... nagpakasal.”Mas lalong kumunot ang noo ni Leila at tinaas ang kilay, sinusuri kung totoo ba ang sinasabi ni Serena. “Maraming babaeng umaaligid sa pinsan ko. Heck, he also met them by chance. What makes you special that made you his wife?” Pinasadahan siya nito ng tingin. “Don't tell me you pikot him? Are you pregnant?”Nanlaki ang mga mata ni
“YOU NEED to go with me!”Katatapos lang kumain ni Serena at balak niya sanang tumingin-tingin ng gagawin sa netbook para bukas ay handa siya sa kahit anong iuutos nang makita niya si Leila na walang anu-anong pumasok sa loob ng malaking pinto. Noong makita siya nito ay agad itong lumapit at hinatak siya palabas. “Teka, saan mo ako dadalhin! Sandali lang!”Leila turned around and threw her a haughty look. “Aren't you curious on what my cousin does when he's not with you?”Hinatak ni Serena ang kamay at pinilit kumawala. “Hindi ko kailangang malaman iyon dahil privacy ni Kevin iyon.”“No, you need to know so you know where to place yourself. You're going with me whether you like it or not.”Dahil tingin ni Serena ay hindi rin mapipigilan si Leila, nagpatianod na lang siya. Susunod at pipigilan sana sila ni Butler Gregory nang umiling siya rito bago tumango na ibig-sabihin ay siya nang bahala. “Leila, sasama na ako hindi dahil gusto kong malaman ang tungkol sa ginagawa ni Kevin kundi
UMALIS si Serena sa harap ni Leila dahil hindi niya makayanan ang mga sinasabi nito lalo pa't nakita niyang may kasamang babae si Kevin. Hindi ba't sinabi nito na gusto siya nito? Pero bakit may iba itong kasamang babae? Dapat lang talaga na hindi siya magtiwala rito kahit na sinasabi nitong gusto siya nito. Paulit-ulit na sinasabi ng isip niya na tinulungan lang nila ang isa't-isa, siya para makawala kay Alex at ito naman, para makaganti sa ex-girlfriend. Hindi na dapat siya umasa na may uusbong na pagmamahal sa pagitan nilang dalawa. She shouldn't raise her hopes up and in the end, she'll get disappointed. Pero kahit anong sabi niya n'on sa utak, taliwas ang puso niya. Makulit ito at nahulog na rin kay Kevin kahit na itinatanggi niya iyon. Kevin right now, holds a special place inside her heart and even if she wants to erase it, her feelings for him are hard to forget. Dahil sa malalim na pag-iisip at paglalakad sa kawalan, may taong nabunggo si Serena. “Hey, be careful!”Inan
PAGLABAS ni Kevin ay nakita niya si Leila na naroon. Halos magbuhol ang kilay niya dahil hindi ito ang lugar na dapat pinupuntahan nito. She's barely eighteen for Pete's sake! Kevin went to her and Leila was petrified when she saw his cousin that her face went ghastly pale! “What are you doing here?” Nabasa ni Kevin ang guilt sa mukha ng pinsan na napaisip siya kung anong kalokohan na naman ba ang ginawa nito. “I'm giving you a chance to tell me the truth, Leila. Otherwise, don't blame me if I get mad. And I can easily find it if you're lying to me.”Mas lalong natakot si Leila sa narinig. Kaya ito lumabas ay dahil hindi nito makita si Serena sa loob ng club at wala itong magawa kundi ang hanapin ang babae. “Leila Margo,” mariing ani Kevin. “I-I was looking for your wife! You don't know her at all, Kuya! She's a bítch! Pumunta ako sa inyo and since you're not there, she insisted on accompanying me to look for you! She even threatened me, don't you know!”Mas nanginig si Leila noo
HINDI AKALAIN ni Serena na dahil nagkaayos sila ni Kevin kagabi ay mahuhuli siyang pumasok sa trabaho ngayon! Paano ba naman ay napagod siyang sobra dahil sa mga ginawa ni Kevin at pareho silang hindi nagising sa tunog ng alarm clock. Pagdating, agad siyang humingi ng dispensa kay Miss Wendy dahil mukhang hinihintay siya nito.“Aren't you trained that you need to arrive at the office at least thirty minutes before the time of work? That's the proper work etiquette, Miss Garcia. Ganito ba ang mga empleyado na galing sa lower floor?”“Sorry, Miss Wendy. Aagahan ko na po simula bukas,” aniya. Kung magpapaliwanag pa kasi siya, mas iisipin lang ng babae na gumagawa siya ng dahilan at mas lalo siyang kaiinisan nito. “You were parachuted here by General Manager Sanchez, right?”Tumango si Serena. Umiling-iling naman si Miss Wendy. “I knew it. That guy couldn't complete a good project and instead ruined several projects under his management and he got the guts to vouch for someone? If I k
NGITING-NGITI si Serena habang hawak ang papeles na may pirma na ni Mr. Alejo. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang posisyon nito sa SGC pero kita naman na importanteng tao ito. “Salamat, Sir!” pasasalamat niya sabay paalam dahil kailangan na niyang bumalik sa department. Nang makalagpas si Serena, doon lang nakahinga nang maluwang si Dylan. Hindi nito inaasahan na pauwi na ay makakatanggap pa uto ng rawag mula kay boss na si Xavier. Hindi pa nakakapagbigay ng greeting, narinig na kaagad nito ang utos na kailangan nitong bumaba at salubungin ang asawa ni Xavier dahil may bitbit daw ang babae na dokumento na kailangan ng pirma ni Dylan. Dahil boss si Xavier at hamak na empleyado lang ito, walang nagawa si Dylan kundi ang sundin si Xavier. Napabuntong-hininga na lang si Dylan. Nakabalik naman si Serena sa department nila at nang makita ni Candy na nakangiti si Serena, iba ang naging kutob nito. “Napapirmahan mo? No, you're kidding,” hindi makapaniwalang anito. Ngiting tagumpay
MASAYANG pumasok si Serena sa office dahil akala niya ay tapos na ang problema ngunit iba ang sumalubong sa kanya. “Miss Garcia, see me at my office.”Pinatawag siya ni Miss Wendy. Halata sa mukha nito ang pagkainis kaya iniisip niya kung may nagawa ba siyang mali sa trabaho. “Miss Wendy?” Binaba nito ang portfolio sa harap niya at nang makita, naalala ni Serena na ito 'yong portfolio na naglalaman ng pinapirmahan niya kay Mr. Alejo, hindi ba? “This document was just a draft and deemed to be invalid. If that's the document we're sending the customer, do you think about the loss it will cause to us if this draft's the one that pushed through, huh, Miss Garcia? Answer me.”Mali ang portfolio na dala niya? Pumasok sa isip niya si Candy! Huminga nang malalim si Serena at kinalma ang sarili. “Miss Wendy, may mali po ako na hindi ko sinipat ang document na 'yan pero 'yan po ang inutos sa akin ni Candy kaya sa kanya galing ang document na 'yan.”Dahil sa sinabi niya, pinatawag din si Ca
May dalawang babae pa sa tabi ni Patricia na nagpapahinga rin. Bawat isa sa kanila ay may hawak na puting kabayo. Habang umiinom ng tubig, pinapanood nila si Daemon habang nakasakay. Nang mapansin ni Daemon si Patricia na nakasakay sa isang maliit na kabayo, parang naduwal si Daemon sa itsura niya.Tahimik na sinubukan ni Patricia na igalaw ang kabayo palayo... pero ayaw gumalaw ng kabayo! Kahit coach man lang sana, pero nung tumingin-tingin siya sa paligid, wala siyang nakitang coach... Biglang pumalo ng buntot ang kabayo at inalog ang katawan nito. Kung hindi mabigat si Patricia, siguradong nahulog na siya.Yung dalawang babae na umiinom ng tubig, nagtawanan nang may pangmamaliit. “Grabe, kung hindi ka naman pala marunong sumakay, bakit ka pa nagpunta dito? Ang laki-laki mo na, tapos ‘yan ang kabayong sinakyan mo? Nakakahiya ka naman.”“Sayang ang magandang kabayo.”Gusto na lang sanang maghukay ni Patricia at magtago sa ilalim ng lupa.Nang makalibot na si Daemon, bumaba siya sa ka
Chapter 94NANG magising si Patricia, hindi siya nasa ospital kundi sa isang attic na ang disenyo ay mukhang luma at vintage. Gawa sa kahoy ang mga pader at may maliit na bintanang may mga baging. Presko rin ang hangin at mukhang sobrang komportable ng lugar.Paglingon niya, nakita niyang katabi niya si Daemon na natutulog, kaya napakunot ang noo niya.Nakahiga si Daemon sa labas ng kumot, hindi nagbihis at kalmado lang ang mukha, parang hindi pagod at bahagyang nakangiti ang labi.Medyo tulala si Patricia habang nakatitig, pero sakto namang dumilat si Daemon at nagtama ang mga mata nila.Nabigla si Patricia at dali-daling umiwas ng tingin, tapos bumangon at bumaba ng kama.Napangiti si Daemon, nagniningning ang mga mata, saka sumandal gamit ang kamay at sinulyapan si Patricia. “Ang tapang mo ha, horror movie ang pinasukan mo, eh ang duwag-duwag mo.”Hindi sumagot si Patricia, kinuha na lang ang coat sa silya at sinuot, tapos tiningnan siya ng masama. “Dedikado ako sa trabaho ko!”Umi
Nagkagulo sa shooting site. Nakakainis na ngang may naaksidente, tapos bigla pang nahimatay ang manager sa gulat. Hindi napigilan ng director na pagalitan ang babaeng gumanap na multo na bigla na lang lumitaw. "Di ba sinabi ko na tapos na ang eksena mo at pwede mo nang tanggalin ang makeup mo? Bakit ka naglalakad-lakad pa diyan na naka-costume? Ikaw tuloy ang naging sanhi ng gulo!"Walang pakialam ang aktres at tinignan lang si Patricia na nakahandusay sa lupa, sabay malamig na buntong-hininga. "Kung matatakutin siya, wag siyang sumunod-sunod dito! Para siyang bubble gum na hindi matanggal kay Andrei, takot yatang hindi malaman ng iba na si Andrei ang boyfriend niya!"Ramdam ng lahat ang selos sa tono niya... Mukhang isa na namang tagahanga ni Andrei. Alam naman ng mga natitirang assistant kung anong meron, pero dahil magkakasama sila sa trabaho, wala silang magawa kundi magpakumbaba at huwag palakihin ang issue.Sabi ng onsite doctor, nawalan lang ng malay si Patricia pero wala naman
Chapter 93NAGNGITNGIT si Patricia at sinabing, "Wag na, bye!" Sabay talikod at matigas ang lakad papasok ng kumpanya. Pero ang mga mata at boses ni Daemon ay parang naka-ukit na sa utak niya at hindi mawala-wala! Nakakainis talaga!Natapos na rin ang romantic idol drama ni Andrei at pinilit na ni Patricia na mag-umpisa na siya ng bagong thriller na pelikula. Kaya naman siya na ang nag-asikaso ng ibang trabaho sa kumpanya at iniwan muna ito sa assistant niya. Dumiretso na siya sa set para bisitahin ang shooting.Dati, wala lang sa kanya ang pagbisita sa set. Parang libangan lang. Pero iba na ngayon, thriller ang ginagawa, at ang location ay isang kilalang haunted village sa bundok sa labas ng Saffron City. Sa paligid ng baryo, puro libingan ang makikita. Karamihan sa mga bahay ay luma at halos magiba na. Ang mga kabataan ay nagpunta na sa siyudad para magtrabaho, at ang naiwan ay ilang matatanda. Marami ring bahay na bakante.Pagdating pa lang nila sa lugar, ramdam na agad ang lamig a
Paglabas ni Daemon mula sa banyo habang pinupunasan ang buhok, napangiti siya nang makita si Patricia na magulo ang buhok. May makahulugang ngiti sa gilid ng labi niya, “Anong problema? Nakalimutan mo na agad kung anong ginawa mo kagabi?”Nanlaki ang mga mata ni Patricia sa gulat habang nakatitig sa kanya, nakatopless, nakangiti ng malandi, at may mapang-akit na tingin. May kutob siyang may mali, kaya lalo pa niyang tinakpan ang sarili gamit ang kumot. “Anong kalokohan 'to?! Anong ginawa mo?!”Bahagyang ngumiti si Daemon. “Kahapon, ikaw ang naunang humalik at kumagat—”“Imposible!” mabilis na putol ni Patricia sa sasabihin pa nito. Nagulo ang isip niya at hindi niya alam ang gagawin.Pero wala nang balak si Daemon na makipagtalo pa. Lumapit siya sa sofa, kumuha ng dalawang paper bag at inihagis sa kama. “Dinala na sa laundry ang damit mo. Ito muna ang isuot mo.”Nakatitig pa rin si Patricia sa kanya, tulala.“Ay, oo nga pala, simula ngayon, kalimutan mo na ang pagtakas. Hindi ka na mak
Chapter 92"DON'T..." Gustong pigilan ni Daemon si Patricia na parang sumasakit ang ulo, pero may isang taong biglang binuksan ang mga butones ng kanyang coat. Manipis ang shirt sa loob at nang mahatak ang coat, napunit din ang bahagi ng shirt kaya nakita ang maputi at malambot na balat sa ilalim.Ang pinakamalaking epekto ng pagpapapayat ni Patricia ay siguro mas naging pino ang bewang at mga hita, pero hindi gaanong lumiliit ang dibdib niya. Madalas siyang magsuot ng coat para takpan ang sarili, kaya hindi halata ang figure niya, at walang parteng masyadong nangingibabaw...Pero ngayon, nabuksan ang coat at ang bahagyang cleavage sa gitna ng bilugan niyang dibdib ay nakakabaliw...Si Patricia ay patuloy na naghahabol ng lamig... Sobrang init ang nararamdaman niya, taliwas sa lamig sa labas kanina, kaya nalilito siya at wala na siyang ibang alam kundi ang init, at patuloy na hinuhubad ang damit niya.Sa malabong isipan, parang nakikita niya ang anino ni Daemon sa harap niya. Iniabot
"Bakit kahit anong gawin ko, parang wala ring kwenta?" Paunti-unti nang humina ang boses ni Patricia, at tinangay na ng malamig na hangin sa gabi ang natitira pa niyang salita.Lumambot ulit ang matigas na expression ni Daemon, bahagyang nawala ang kunot sa noo niya at may bahagyang liwanag sa mga mata niya.Parang bumalik sila sa simula. Si Patricia na mukhang laging pinapabayaan, nakaupo sa sulok kung saan walang pumapansin, tinatapakan at minamaliit ng mga tao, at tahimik lang na umiiyak habang umuulan. Pinapanood lang siya ni Daemon mula sa malayo at kahit noong una pa lang, napansin na niya ito, pero masyado siyang matigas ang ulo at ayaw umamin.Ang dami nang nangyari. Habang unti-unti silang nagkakalapit, bigla siyang lumayo, walang pasabi, at walang awa.Akala niya dati, kahit lumuhod pa sa harap niya si Patricia at magmakaawang bumalik sa kanya, hindi na niya ito papansinin.Pero nang makita niyang lasing si Patricia at nagsasalita ng walang kwenta, bigla niyang narealize...
Chapter 91HINDI na nagpaliwanag pa ang lalaki, pero iniabot nito ang isang business card. “Hindi ko pa kayang ipaliwanag ngayon, pero kapag may pagkakataon, pag-usapan natin nang mas detalyado.”Tiningnan ng lalaki si Andrei na nakahandusay pa rin sa lupa habang hinihingal, “Wala kang dapat ipag-alala. Simple lang ang relasyon niya sa babaeng ’yon. Andrei is mine.”Bigla na lang napalitan ng pagkabigla ang galit na ekspresyon ni Daemon… May kakaiba bang aura si Patricia na puro mga... bakla ang napapalapit sa kanya? Bigla ni Daemon naalala ang huling beses na “napagsamantalahan” siya at agad sumama ang pakiramdam niya. Napaatras siya nang hindi sinasadya, ayaw na niyang makasama pa ang dalawang taong nasa harapan niya.Pero hindi na siya hinintay magsalita ng lalaki. Yumuko ito, hinawakan si Andrei sa braso, saka binuhat sa balikat at naglakad papunta sa isang Mercedes-Benz na nakaparada sa gilid ng kalsada.Kumunot ang noo ni Daemon, halatang hindi natuwa, at ang buong ekspresyon n
Ano kaya ang itsura ni Daemon nang makita nito ang balita? Galit na galit? Gusto siyang patayin para maibsan ang galit? O baka naman wala siyang pakialam, parang nakakita lang ng taong di niya kilala?Kung nasa Pilipinas si Rowie, kaya niya bang ipaliwanag sa boss ang buong nangyari?Pero sa pag-iisip nito, napangiti lang ng mapait si Patricia. Siya lang talaga ang nakakaalam ng buong kwento.Pagkatapos ng huling presscon ni Andrei, nagyaya itong kumain sa labas.Ayaw sana ni Patricia, pero naisip niya na hindi pa tapos ang palabas at kailangan pang ituloy. Kaya sumama na siya sa isang mamahaling western restaurant.Nag-order si Patricia ng fruit salad para sa sarili niya, si Andrei naman ay steak. May baso na may kandila sa mesa, at ang liwanag nito ay maaliwalas at medyo romantic.Pero wala sa sarili si Patricia. Tahimik lang siya, nakatitig sa kandila, at parang malayo ang iniisip. Sa totoo lang, basta wala siya sa harap ng camera ng media, ganito na lagi ang itsura niya nitong mga