“YOU NEED to go with me!”Katatapos lang kumain ni Serena at balak niya sanang tumingin-tingin ng gagawin sa netbook para bukas ay handa siya sa kahit anong iuutos nang makita niya si Leila na walang anu-anong pumasok sa loob ng malaking pinto. Noong makita siya nito ay agad itong lumapit at hinatak siya palabas. “Teka, saan mo ako dadalhin! Sandali lang!”Leila turned around and threw her a haughty look. “Aren't you curious on what my cousin does when he's not with you?”Hinatak ni Serena ang kamay at pinilit kumawala. “Hindi ko kailangang malaman iyon dahil privacy ni Kevin iyon.”“No, you need to know so you know where to place yourself. You're going with me whether you like it or not.”Dahil tingin ni Serena ay hindi rin mapipigilan si Leila, nagpatianod na lang siya. Susunod at pipigilan sana sila ni Butler Gregory nang umiling siya rito bago tumango na ibig-sabihin ay siya nang bahala. “Leila, sasama na ako hindi dahil gusto kong malaman ang tungkol sa ginagawa ni Kevin kundi
UMALIS si Serena sa harap ni Leila dahil hindi niya makayanan ang mga sinasabi nito lalo pa't nakita niyang may kasamang babae si Kevin. Hindi ba't sinabi nito na gusto siya nito? Pero bakit may iba itong kasamang babae? Dapat lang talaga na hindi siya magtiwala rito kahit na sinasabi nitong gusto siya nito. Paulit-ulit na sinasabi ng isip niya na tinulungan lang nila ang isa't-isa, siya para makawala kay Alex at ito naman, para makaganti sa ex-girlfriend. Hindi na dapat siya umasa na may uusbong na pagmamahal sa pagitan nilang dalawa. She shouldn't raise her hopes up and in the end, she'll get disappointed. Pero kahit anong sabi niya n'on sa utak, taliwas ang puso niya. Makulit ito at nahulog na rin kay Kevin kahit na itinatanggi niya iyon. Kevin right now, holds a special place inside her heart and even if she wants to erase it, her feelings for him are hard to forget. Dahil sa malalim na pag-iisip at paglalakad sa kawalan, may taong nabunggo si Serena. “Hey, be careful!”Inan
PAGLABAS ni Kevin ay nakita niya si Leila na naroon. Halos magbuhol ang kilay niya dahil hindi ito ang lugar na dapat pinupuntahan nito. She's barely eighteen for Pete's sake! Kevin went to her and Leila was petrified when she saw his cousin that her face went ghastly pale! “What are you doing here?” Nabasa ni Kevin ang guilt sa mukha ng pinsan na napaisip siya kung anong kalokohan na naman ba ang ginawa nito. “I'm giving you a chance to tell me the truth, Leila. Otherwise, don't blame me if I get mad. And I can easily find it if you're lying to me.”Mas lalong natakot si Leila sa narinig. Kaya ito lumabas ay dahil hindi nito makita si Serena sa loob ng club at wala itong magawa kundi ang hanapin ang babae. “Leila Margo,” mariing ani Kevin. “I-I was looking for your wife! You don't know her at all, Kuya! She's a bítch! Pumunta ako sa inyo and since you're not there, she insisted on accompanying me to look for you! She even threatened me, don't you know!”Mas nanginig si Leila noo
HINDI AKALAIN ni Serena na dahil nagkaayos sila ni Kevin kagabi ay mahuhuli siyang pumasok sa trabaho ngayon! Paano ba naman ay napagod siyang sobra dahil sa mga ginawa ni Kevin at pareho silang hindi nagising sa tunog ng alarm clock. Pagdating, agad siyang humingi ng dispensa kay Miss Wendy dahil mukhang hinihintay siya nito.“Aren't you trained that you need to arrive at the office at least thirty minutes before the time of work? That's the proper work etiquette, Miss Garcia. Ganito ba ang mga empleyado na galing sa lower floor?”“Sorry, Miss Wendy. Aagahan ko na po simula bukas,” aniya. Kung magpapaliwanag pa kasi siya, mas iisipin lang ng babae na gumagawa siya ng dahilan at mas lalo siyang kaiinisan nito. “You were parachuted here by General Manager Sanchez, right?”Tumango si Serena. Umiling-iling naman si Miss Wendy. “I knew it. That guy couldn't complete a good project and instead ruined several projects under his management and he got the guts to vouch for someone? If I k
NGITING-NGITI si Serena habang hawak ang papeles na may pirma na ni Mr. Alejo. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang posisyon nito sa SGC pero kita naman na importanteng tao ito. “Salamat, Sir!” pasasalamat niya sabay paalam dahil kailangan na niyang bumalik sa department. Nang makalagpas si Serena, doon lang nakahinga nang maluwang si Dylan. Hindi nito inaasahan na pauwi na ay makakatanggap pa uto ng rawag mula kay boss na si Xavier. Hindi pa nakakapagbigay ng greeting, narinig na kaagad nito ang utos na kailangan nitong bumaba at salubungin ang asawa ni Xavier dahil may bitbit daw ang babae na dokumento na kailangan ng pirma ni Dylan. Dahil boss si Xavier at hamak na empleyado lang ito, walang nagawa si Dylan kundi ang sundin si Xavier. Napabuntong-hininga na lang si Dylan. Nakabalik naman si Serena sa department nila at nang makita ni Candy na nakangiti si Serena, iba ang naging kutob nito. “Napapirmahan mo? No, you're kidding,” hindi makapaniwalang anito. Ngiting tagumpay
MASAYANG pumasok si Serena sa office dahil akala niya ay tapos na ang problema ngunit iba ang sumalubong sa kanya. “Miss Garcia, see me at my office.”Pinatawag siya ni Miss Wendy. Halata sa mukha nito ang pagkainis kaya iniisip niya kung may nagawa ba siyang mali sa trabaho. “Miss Wendy?” Binaba nito ang portfolio sa harap niya at nang makita, naalala ni Serena na ito 'yong portfolio na naglalaman ng pinapirmahan niya kay Mr. Alejo, hindi ba? “This document was just a draft and deemed to be invalid. If that's the document we're sending the customer, do you think about the loss it will cause to us if this draft's the one that pushed through, huh, Miss Garcia? Answer me.”Mali ang portfolio na dala niya? Pumasok sa isip niya si Candy! Huminga nang malalim si Serena at kinalma ang sarili. “Miss Wendy, may mali po ako na hindi ko sinipat ang document na 'yan pero 'yan po ang inutos sa akin ni Candy kaya sa kanya galing ang document na 'yan.”Dahil sa sinabi niya, pinatawag din si Ca
NAGULAT si Miss Wendy noong nakabalik kaagad si Serena at mukhang hindi problemado ang babae. “Miss Wendy, here's the newly signed document. Paki-check po kung tama na 'yan.”Tumingala si Miss Wendy at sinulyapan si Serena. Nanatiling nakaupo ang babae at kunot ang noo nito. “Mr. Alejo signed this?”“Yes, Miss Wendy.”“Bakit ganoon kadali mong napapirma si Mr. Alejo? Are you close to him? I think you're with Nathan Sanchez?”Nagsalubong ang kilay ni Serena. Kailan pa naging sila ni Manager Nathan? Kahit kailan ay wala sa hinagap niya na mapagkamalang sila ng lalaking iyon!“Miss Wendy, hindi ko boyfriend si Manager Nathan. Mabait siya at kagusto-gusto pero wala kaming relasyon tulad ng nasa isip n'yo.”“Huwag mo akong lokohin, Miss Garcia. He won't vouch for you if you don't have a thing. Kilala si Nathan Sanchez na walang pakialam sa tao sa paligid niya at tanging ikaw ang iba ang treatment.”“Miss Wendy, Manager namin si Mr. Nathan at sandali niya akong naging assistant slash secr
“HINDI mo ako pinsan! Hindi ba't pinutol mo na ang koneksyon sa amin? Bakit sinasabi mo pa rin 'yan!” sigaw ni Jessa noong marinig ang sinabi ni Serena. Inalis ni Serena ang tingin sa lalaking kaharap at imbes, bumaling kay Jessa. “Sumama ka sa akin.”Hinawakan niya sa braso si Jessa at hinatak ito paalis para masiguro na ligtas ito. Sa tingin kasi ni Serena, oras na iwan niya si Jessa rito, ikapapahamak nito iyon. Lalo pa't nagawa na itong saktan ng lalaking kaharap nila ngayon. Pero hindi iyon na-appreciate ni Jessa. Hinila nito ang braso palayo kay Serena at gustong lumapit pa sa lalaking nanakit dito. Halos umusok ang bunbunan ni Serena sa umakyat na dugo sa ulo! Galit na galit siya!Sinaktan na nga ito ng lalaki, doon pa mas gustong sumama ni Jessa? Hindi siya pwedeng pumayag! “Sasama ka sa akin!”Hinatak niyang muli si Jessa at dahil mukhang galit na galit si Serena, hindi kaagad nakakibo si Jessa. Nagulat ang babae dahil parang maling galaw lang nito, sapok ni Serena ang sas
Kung may konting pagpapakumbaba lang siya, matagal na sanang alam niya na hindi na siya dapat sumali sa larong ito.Sa huli, umarangkada si Daemon at mabilis na umalis.Matagal na nakatitig si Patricia sa direksyong tinahak niya, hanggang sa maglaho ang pulang kotse sa dilim ng gabi.Nanlambot ang tuhod niya, sumikip ang dibdib, sobrang dilim ng gabi, at pakiramdam niya parang mababaliw na siya.Sa wakas, napaupo siya sa kalsada, ibinaon ang mukha sa tuhod at tahimik na umiyak.Akala niya noon, kaya niyang hawakan ang isang bagay… pero ang totoo, bumitaw pa rin siya.Isa pa rin siyang duwag, at sa totoo lang, parang nandidiri na siya sa sarili niya.Habang tulala pa siya, biglang may pumalakpak sa likod niya, malakas at mabilis. “Ayos, natuto ka rin sa wakas!”Hindi na niya kailangang lumingon para malaman na si Carmina ‘yon...Palagi ba siyang binabantayan nito dahil takot itong magbago ang isip niya at bumalik kay Daemon? Sa totoo lang, hindi naman kailangan...Naiinis siya sa pakir
Chapter 86UMALIS si Patricia pagkatapos ng huling eksena ng gabi. Minsan, maganda rin na abala ka. Kapag punong-puno ang isip mo ng mga bagay, wala ka nang oras para magreklamo.Pagkatapos niyang ihatid si Andrei pabalik sa hotel na tinutuluyan nito, balak niyang pumunta sa tinatawag na “bagong bahay” base sa address na binigay ng ama niya.Habang nakatayo siya sa gilid ng kalsada at naghihintay ng masasakyan, biglang may dumating na pulang sports car at huminto ng maayos mga limang metro lang ang layo mula sa kanya.Pagkatapos, bumaba si Jenny mula sa sasakyan, nagpaalam kay Daemon, at hinalikan ito sa may pinto ng kotse. Malambing ang boses niya habang sinasabi, “Honey, sunduin mo ako bukas ha!”Tumango lang si Daemon, hawak pa rin ang manibela, pero nakatitig lang siya sa unahan. Hindi man lang niya napansin kung kailan pumasok si Jenny sa hotel.Ramdam ni Patricia na sa kanya nakatutok ang matalim na tingin na parang kayang balatan ang balat niya. Galit si Daemon. Kapag galit si
Mayroon siyang maikling buhok, mga mata na maliwanag at inosente, at ngiting sobrang lambot na parang bulak. Isa siya sa mga bihira sa showbiz na parang malinis na tubig.Tatlong taon na siyang artista, pero bukod sa ilang chismis, wala pa siyang kahit anong negative na issue. Maganda ang image niya sa industriya. Galing daw siya sa pamilyang edukado, may maayos na background, may magandang ugali, at simpleng tao lang.Tinapunan ni Patricia ng tingin ang mga karne sa basurahan na inalis niya sa lunchbox, tapos pilit siyang ngumiti. “Nagpapapayat kasi ako.”Nakatingin pa rin sa kanya si Lara, hawak ang sariling lunchbox. “Ako rin nagpapapayat,” sabay labas ng dila.Hindi na naka-imik si Patricia. Sa tangkad ni Lara na halos 1.7 meters at timbang na siguro ay wala pa sa 100 pounds, hindi talaga siya mataba. Meron lang siyang baby fats sa pisngi na nagpapacute pa nga.Pero naisip din ni Patricia, karamihan sa mga babae sa showbiz, kailangan talaga bantayan ang timbang at bawal kumain ng
Naiwan ulit si Chastain... Napangiti siya ng mapait...Ganito na niya binaba ang sarili pero si Patricia parang bato pa rin. Siguro iniisip nito na biro lang ang lahat. Oo nga, baka nagsimula sa biro, pero minsan nagiging totoo ‘yung biro...Kahit nalinis na niya ang daan sa pamilya nila, may mga puwang pa rin sa pagitan ng bagong henerasyon at lumang management at matagal pa bago ‘yon masarado. Pero kahit ganon, ginugol pa rin niya ang oras niya para kay Patricia. Ewan na lang kung hindi siya baliw.Dati, siya pa ang nagsasabing nabulag si Daemon. Ngayon, parang gusto na rin niyang sabihin na bulag din ang mata niya. Pero may mga bagay talaga na kahit anong paliwanag mo, hindi mo kayang i-justify.*Si Andrei, ang bagong proyekto niya sa wakas ay nagsimula na ang shooting. Dumiretso si Patricia doon pagkatapos ayusin ang mga kailangang trabahuhin sa opisina. Simple lang naman, may interview lang sa reporters, tapos may mga linyang kailangang sagutin. Kahit hindi gaanong mahusay si An
Chapter 85“HINDI ko iniisip 'yan.” Walang pakundangan si Patricia na tumanggi. Hindi niya alam kung ano bang iniisip ni Chastain, ginagawa lang ba niyang laro ito o gusto lang nitong inisin si Daemon?Sa totoo lang, pakiramdam ni Patricia kahit random na estranghero pa ang kunin niyang boyfriend, mas kapanipaniwala pa siguro kaysa kay Chastain.Napabuntong-hininga si Chastain at napailing… Kailangan niyang tanggapin na nilalait siya ng isang babaeng hindi naman maganda o espesyal...Ang hirap talaga...Sa huli, bigla si Chastain prumeno, tapos humarap kay Patricia at seryosong nagtanong. “Bakit hindi mo pwedeng isipin man lang? Sabi ko nga, aktingan lang ‘to! Aktingan! Hindi mo ba naisip na ako pa nga ang talo dito? Kahit pa nabulag si Young Mr. Alejandro kaya ka niya nagustuhan, malinaw pa rin ang mata ng mga tao. Hindi ka naman lugi kung ako ang makikita nilang kasama mo.”Hindi makapagsalita si Patricia sa narinig, “Ayoko nga eh. Kahit ano pa sabihin mo.”Nakita ni Chastain na wal
Hindi sumagot si Daemon agad, pero ramdam ni Patricia ang bigat ng katahimikan, parang may bumagsak na malamig na hangin sa dibdib niya. Hanggang sa marinig niya ang isang linya. “Ganiyan ka lang pala.”Pagkatapos no’n, tumunog na ang busy tone. Parang tinapon si Patricia sa yelong tubig. Tumagos sa buto niya ang lamig at hirap siyang huminga...Alam niyang siguradong nainis at nadismaya na si Daemon sa kanya.Siguro, wala pang babae na umasta sa kanya ng ganoon. At siguro, hindi pa siya kailanman naging ganoon ka-pasensyoso sa kahit na sino. Pero anong magagawa niya?Mag-isa lang siya. Walang kakampi, walang kapangyarihan.Bago umalis si Carmina, may iniwang salita. “Patricia, hindi ganyan kasimple ang mga bagay-bagay. Balang araw, malalaman mong puro bomba ang nasa paligid mo… Kapag hindi mo ako pinakinggan, mababasag ka rin. Wag mong sabihing hindi kita binalaan.”Ibinato ni Patricia ang cellphone at pumikit na lang habang nararamdaman ang gulo ng isip niya.Buong gabi siyang hindi
“Ikaw talaga...” Parang gigil na si Daemon sa kabilang linya. Pero sandali siyang tumigil, saka tila pinipilit pigilan ang sarili at nagsalita ng kalmado, “May emergency ako ngayon, kaya kailangan kong umalis...”Nang marinig ni Patricia na nag-e-explain si Daemon kung bakit siya hindi dumating, una siyang nagtaka, tapos biglang parang tinusok ang puso niya at namasa ang mata niya.Matagal siyang natahimik bago siya sumagot, “Alam ko.”“Kung alam mo, bakit di ka pa umuuwi?” Bumalik na ulit ang pagiging iritable ni Daemon...Napangiti ng mapait si Patricia sa kabilang linya. “Saan ako uuwi?”“Sa bahay!” Buong kumpiyansa at walang pasubaling tono!“Bahay mo yun...” Pakiramdam ni Patricia sobrang hina ng boses niya at parang wala siyang tiwala sa sarili. Ni hindi niya alam kung malinaw ba niyang nasabi.Natahimik si Daemon ng galit, tapos bigla na lang pinutol ang tawag.Pagkatapos ng tawag, nakinig lang si Patricia sa busy tone, hindi muna niya pinatay ang cellphone niya. Mayamaya, bina
Chapter 84NANGINIG ang kamay ni Patricia at hindi niya magawang kunin ang file ni Queenie.“Patricia, kung aatras ka na ngayon, pwede pa kitang bigyan ng mas magandang trabaho. Gusto mong maging agent? Walang problema, kaya kitang ipasok sa mas maganda at sikat na kumpanya, at bibigyan ka ng top artists. Sa future, kung gusto mong gumawa ng pelikula o sumali sa show, basta kaya ng Alejandro family, ipapahanda ko ang daan para sa 'yo at bibigyan kita ng sapat na pondo.” Hindi siya binigyan ng pera ni Carmina diretso.Alam niyang matigas ang ulo ni Patricia at hindi basta-basta natitinag sa pera. Kaya ang ganitong klaseng offer, mas swak sa kanya.Hindi na narinig ni Patricia ang mga sumunod pang sinabi ni Carmina... Nakatingin lang siya ng tulala sa impormasyon ni Queenie.Hindi totoo kung sasabihin niyang wala siyang nararamdamang bigat sa loob.Si Queenie lang ang tanging kaibigan niya. Si Queenie ang tumulong sa kanya sa napakaraming bagay, at masasabi mong siya ang naging sandalan
Dinala siya ni Carmina sa isang pasilyo. Sa isang gilid ng pasilyo, may malalaking bintana na gawa sa malinaw na salamin, kaya kitang-kita ang nangyayari sa loob.Sa isang silid-aralan, may mga babaeng nag-eensayo ng sayaw. Magaan ang galaw ng mga katawan nila, parang mga paru-parong makukulay habang sumasayaw.Sa isa pang silid-aralan, nag-iisa lang ang isang babae na tumutugtog ng violin. Dahil maganda ang soundproofing, hindi marinig ni Patricia nang malinaw ang tugtog, pero halatang seryoso siya at sobrang focused. Siguradong matagal na siyang nagpa-practice.Habang patuloy sila sa paglalakad, puro mga klase ng espesyal na skills ang nadaanan nila.May nag-aayos ng bulaklak, may nagpa-practice ng tea art, chess, at good conduct. May nakita pa siyang mga babaeng nakatingin lang sa mangkok ng tubig, hawak ang tinidor nila habang umiiyak sa harap ng istriktong guro sa etiquette.Habang tumatagal, mas naiintindihan na ni Patricia kung ano ang gusto iparating ni Carmina.Gusto nitong i