Share

Chapter 377

Auteur: Real Silient
last update Date de publication: 2026-05-22 11:00:08

Isabela’s POV

Ilang minuto ring binalot ng mabigat na katahimikan ang Terasa. Tanging ang banayad na simoy ng hangin sa gabi at ang marahang kalansing ng aming mga tasa ang maririnig. 

Nakatitig lang si Mommy sa kawalan, ngunit kitang-kita ko ang panginginig ng kanyang mga labi.

Dahan-dahan niyang

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Latest chapter

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 378

    Isabela’s POVHinatid ko muna si Mommy sa kanyang kuwarto bago ako tuluyang bumalik sa amin ni Liam. Pagpasok ko, nakita kong kakaligo lang niya at mukhang kanina pa ako hinihintay.Nang makita niya ang itsura ko, hindi na siya nagtanong, sinalubong niya agad ako ng isang mahigpit na yakap.Agad kong isinubsob ang mukha ko sa kanyang dibdib, hinahayaan ang sarili kong lamunin ng pamilyar niyang bango at init.“Asawa ko...” bulong ko.Kasabay ng pagbanggit ko sa pangalan niya ang tuluyang pag-agos ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan.“Uhmmm...

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 377

    Isabela’s POVIlang minuto ring binalot ng mabigat na katahimikan ang Terasa. Tanging ang banayad na simoy ng hangin sa gabi at ang marahang kalansing ng aming mga tasa ang maririnig.Nakatitig lang si Mommy sa kawalan, ngunit kitang-kita ko ang panginginig ng kanyang mga labi.Dahan-dahan niyang ibinaba ang tasa sa mesa. Nang lumingon siya sa akin, tuluyan nang umagos ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.“Patay na siya...” mahina, paos, at tila hindi makapaniwalang bulong ni Mommy. Umiling siya nang paulit-ulit, hinahawakan ang kaniyang dibdib na tila ba may biglang sumakit doon.“Tatlong taon na pala siyang wala...”

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 376

    Isabela’s POVDahil sa sobrang pagod sa mahabang biyahe, pagkatapos ng ilang oras na pakikipagkuwentuhan at muling pagtitipon ng pamilya ay dumiretso na muna ako sa kuwarto namin ni Liam para magpahinga.Gabi na nang magising ako. Malamig ang tabi ko at napagtanto kong mag-isa na lang ako sa malawak na kama. Dahil na rin sa lagkit ng pakiramdam mula sa biyahe, nagpasya muna akong maligo bago tuluyang bumaba.Habang dahan-dahan akong bumababa ng hagdan, agad na humaplos sa pandinig ko ang masayang boses ni Maeva na umaalingawngaw sa buong sala.“Wow, Daddy! You are so good. Is that a dinosaur?”“Yes, baby, that’s a dinosaur... Rawr!”“Hahaha! Ang galing mo, Daddy!”Pagawi ng tingin ko sa gitna ng sala, nakita ko ang aking mag-ama. Masaya silang nakaupo sa sahig, napapaligiran ng makukulay na clay habang nag-aagawan at gumagawa ng kung ano-anong hugis. Napatigil ako sa isa sa mga baitang ng hagdan. Hindi ko muna sila inistorbo, pinanood ko lang ang tagpong iyon, lalo na at kitang-kita

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 375

    Isabela’s POVNagising ako sa banayad na tunog ng boses ng piloto sa mikropono, nag-aanunsyo ng aming nalalapit na pagdating sa Pilipinas. Sa pagmulat ng aking mga mata, ang unang bumati sa akin ay ang malamlam na liwanag sa loob ng first-class cabin at ang pamilyar na bango ni Liam na tila bumabalot sa buong pagkatao ko.Naramdaman ko ang kanyang kamay na mahigpit na nakahawak sa aking palad, isang kapit na tila ayaw akong pakawalan kahit sa gitna ng kanyang pagtulog o pagtatrabaho. Nang sulyapan ko siya, nakita kong abala ang kabilang kamay niya sa pagpindot sa kanyang ipad, sinagot ang napakaraming email niya na galing sa trabaho na tila walang katapusan.Naramdaman niya ang bahagyang paggalaw ko kaya agad siyang lumingon sa akin. Isang matamis at mapungay na ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi nang magtagpo ang aming mga mata.“Gising na ang asawa ko?” malambing niyang bulong. Binitiwan niya ang kaniyang ginagawa at masuyong hinalikan ang likod ng aking kamay. “How are you f

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 374

    Sean’s POVIlang araw na rin akong nananatili rito sa mansion ni Liam, ang lalaking pinili at pinakasalan ng kapatid ko. Alam kong napapansin ni Liam ang lantaran kong pagsiksik sa buhay nila, at wala akong pakialam kung naiinis siya sa presensya ko. Kailangan kong kilalanin ang lalaking pinagkatiwalaan ng puso ng nag-iisang prinsesa ko. Kailangan kong masiguro na karapat-dapat siya.Dahil bago pa man sila nagkakilala... bago pa man naging marangya ang buhay ko dahil na rin sa pagsusumikap ng aking ama, may isang pangakong binuo ko sa sarili ko na hinding-hindi ko tatalikuran.Noong mga panahong wala pa ako sa posisyong ito, noong mga gabi na blangko ang mga hawak kong impormasyon at tila ba itinatago ng mundo si Isabela sa akin, iisang panalangin lang ang hawak ko, ang mahanap siya. Lahat ng kaginhawaan na natamasa ko mula pagkabata ay dahil na rin sa pagsisikap ng aming ama, at nangako ako sa kaniya na gagawin ko ang lahat para mahanap ang kapatid ko at ibigay ang buhay na nararapat

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 373

    Liam’s POVHalos maghahating-gabi na, pero ang sala ng tinutuluyan naming mansyon sa Milan ay mukhang may sariling sikat ng araw dahil sa lakas ng tawanan ng dalawang taong nasa harap ko.Nakaupo ako sa solong sofa, naka-de-kuwatro habang ang magkabilang braso ay nakapako sa aking dibdib. Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa naging abo ang mayabang kong bayaw. Pakiramdam ko, nagdidilim ang buong mukha ko at umuusok na ang aking mga tainga, pero ang dalawa, walang pakialam. Walang nakakapansin sa presensya ko.“Talaga, Kuya? Sinabi mo talaga 'yan sa board members mo?” humahalakhak na tanong ni Isabela.Naka-upo siya sa mahabang sofa, komportableng nakasandal sa mga unan habang ang mga mata ay nagniningning sa tuwa. At sa tabi niya? Doon nakasalampak si Sean, bitbit ang kanyang tasa ng gabi-gabing espresso, na may suot pang mapang-aping ngiti.“Of course, princess. Binigyan ko sila ng tigtatlong segundong katahimikan bago ko pinunit ang proposal sa harap nila. You should’ve seen

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 79

    Liam’s POVPagpasok namin sa kwarto, marahan kong isinara ang pinto gamit ang paa, hindi binibitawan si Bela kahit isang segundo. Ramdam ko pa rin ang tibok ng puso niya sa dibdib ko, mabilis, magulo, parang tugon

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 77

    Liam’s POVMagdadalawang linggo na ako sa Singapore para sa isang client presentation. Pinaplantsa ko na ang lahat, pero kahit gaano ako kaabala, hindi nawawala ni isang minuto si Isabela sa isip ko. Miss na

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 76

    Isabela’s POVHabang palabas kami ng restaurant, naramdaman ko agad ang bigat ng hangin sa pagitan namin, hindi naman awkward, pero parang… sobrang tahimik. Pareho naming hindi alam kung saan ano ang sasabi

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 75

    Isabela’s POV“Mommy, nasaan na po si Lola? Miss ko na siya. Gusto ko na siyang puntahan,” marahan kong tanong habang kumakain kami. Sa kabila ng nangyari sa amin, kinailangan kong makipagkita kay Momm

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status