Share

CHAPTER 42

Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa trabaho. Wala pa man akong ginagawa ay tila nabugbog na ang katawan ko sa pag-iisip.

"Jazzie!" masiglang salubong sa 'kin ni Ken nang pumasok ako sa silid naming mga trabahante.

Agad namang kumunot ang noo ko sa siglang ipinapakita niya. "May 13th month pay na?" tanong ko.

"September pa lang, Jazzie. Naghihirap ka na ba?" sarkastikong sagot niya at saka ako hinila patungo kung saan. "Pero sa dami nang ipinadala sa 'yong pagkain, para ka na ring nagpasko," aniya at itinuro ang lamesang ginagamit namin.

Napaawang naman ang labi ko at napatitig sa mga pagkain na nakahain doon. May kanin, adobong manok, pritong itlog, bacon, hotdog, pasta, salad at...

"Lechon?" bahagyang tumaas ang tono ko nang nakita ang lutong biik.

"Dinala 'yan kanina ng isang lalaki," sambit ni Ken.

Humarap ako sa kanya at pinilit ang sarili ko na umakto ng normal kahit pa luluwa ang puso ko sa kaba.

"K-Kilala mo?" usisa ko

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status