Share

CHAPTER 41

"Wow! Para sa 'kin po ba ito, Mommy?" manghang usisa ng anak ko nang nabalik kami ng condo, patukoy sa teddy bear na ibinigay ni Valjerome.

Kauuwi lang namin galing sa unit ni Chaos dahil doon kami kumain ng dinner. Bago ako nagpunta roon ay iniwan ko muna ang mga gamit na dala ko rito sa bahay para wala akong maraming bitbit.

Hilaw akong ngumiti. Nag-iisip ng tamang sagot para sa anak ko.

"Gusto mo ba?" iyon na lang ang nasabi ko imbes na kumpirmahin kung para kanino iyon.

Mabilis na tumango si Erom at niyakap ang malaking teddy bear na mas malaki pa sa kanya. Hindi ko tuloy naiwasan na mapahalakhak nang mahina.

"He's cute!" aniya.

Napaangat naman ang kilay ko at lumapit sa sofa kung saan siya nakapwesto kasama ang teddy bear. "He?" tanong ko. "Paano mo nasabi na lalaki 'yan?" dagdag kong saad.

Erom smiled at me, then pointed something on the collar part of the teddy bear. May asul na ribbon kasi iyong design. Hinawakan niya iyon sak

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status