Share

CHAPTER 43

Sa dinami-rami ng go-see na pinagdaanan ko. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng kaba. Namamawis ang mga palad ko at halos hindi kumalma ang tibok ng puso ko.

"Welcome back, Ms. Zamora," nakangiting pagbati ng isa sa mga hairstylist na nasa loob ng dressing room.

Agad na napunta sa 'kin ang atensyon ng ibang modelo na kasama ko sa silid. Naroon ang panunuri ng kanilang mga mata sa presensya ko. Hindi na ako nagtataka dahil sa paglipas ng maraming taon ay nagawa kong patahimikin ang pangalan ko, o mas dapat ko bang sabihin—ng dati kong asawa. Kung may mga nakakatanda man sa akin ay iyon ang mga taong dati kong nakasama o nakasalamuha.

Tipid akong ngumiti sa hairstylist. "Salamat," nahihiyang sambit ko.

Kung noon ay mataas ang kumpyansa ko sa sarili ngayon ay hindi ko maiwasan na mabahala. Isa sa mga dahilan kung bakit nagdalawang-isip ako sa pagbalik ay dahil na rin ng katawan ko. Nagkaroon na ako ng anak, hindi ko alam kung gano'n pa rin ba kaganda an

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status