"Kei te whakaatu ia i te mowhiti, ko te tikanga kua marena ia. (She is showing a ring, which means she is married.)" saad naman ng isa sa tatlo na hindi maunawaan ni Manuela ang pinag-uusapan ng mga ito.Inalis nalang ni Manuela ang tingin sa mga ito, at inaabangan ang pagbalik ni Uno. Pero nagulat siya ng hawakan siya ng lalaki at hilahin patayo."Ano ba! Let go of me!" singhal ni Manuela na pilit niyang inaalis ang pagkakahawak nito sa braso niya.Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng mga ito dahil ibang lenggwahe ang gamit ng mga ito, pero nagsimula ng kabahan si Manuela."Let me go! I am waiting for someone so please let me g--no! Uno!" sigaw ni Manuela ng buhatin siya ng lalaki na parang sako at dali-daling umalis.Hindi magawang makawala ni Manuela kaya tanging pagtawag sa pangalan ni Uno ang sinisigaw niya. Wala naman sa mga tao sa beach ang nagtangkang tulungan siya kaya dere-deretso siyang naisakay ng tatlong lalaki sa yate."This is kidnapping! Let me go, ano ba!" pilit k
SA INN nina Uno ay nakacross legs siyang nakaupo sa may sofa, pagkarating nila mula sa Waikiki Beach ay deretsong nagtungo si Manuela sa banyo. Ibinaling ni Uno ang tingin niya sa may banyo kung saan naroon si Manuela.Uno sensed Manuela was still deeply shaken by her near-abduction. He shuddered to think what might have happened had he not reached the yacht in time; the image of finding her at the mercy of those men, subjected to unspeakable acts, sent a chill down his spine.Iyon ang unang pagkakataon na sobrang nagalit si Uno para sa iba, nang makita niya ang naabutan niya kina Manuela at ang pag-iyak nito ay nagdilim ang paningin niya at ang gusto niya ay kitilin agad ang buhay ng mga lalaking gustong lumapastangan kay Manuela."I lost my cool when i saw her crying, that's weird." ani ni Uno nang buksan niya ang tv kung saan agad na bumungad sa kaniya ang isang balita patungkol sa yate at sa tatlong bangkay ng mga lalaking natagpuan doon."They fucking deserved it anyway." kument
NAGISING SI Manuela na sumasakit ang kaniyang ulo, parang binibiak sa sakit ang nararamdaman niya. Dahan-dahan siyang nagmulat kung saan siya lang ang tao sa inn nila."Bakit ang sakit ng ulo ko?" daing ni Manuela bago siya bumangon sa pagkakahiga niya.Naglakad si Manuela patungong kusina at kumuha ng malamig na tubig, pagsilip ni Manuela sa teresa ay masasabi niyang maganda ang panahon. Pangalawang araw na nila ni Uno sa Hawaii, at hindi man naging maganda ang unang araw ni Manuela pakiramdam niya ay hindi na siya ganun na maapektuhan."Marami ba akong nainom kaya may hang over ako? First time kong uminom pero mukhang di na ako uulit." ani ni Manuela na nagtungo sa teresa upanag bahagyang magpaaraw.Nare-relax si Manuela sa naririnig niyang alon ng dagat."Ano kayang magandang gawin ngay--" hindi natapos ni Manuela sa ang sasabihin niya ng makita niya si Uno sa may tabing dagat na tumatakbo."Ang unfair ng life, kahit sa malayo makikita mo ang kaguwapuhan ni Uno. Pero teka? Nagja-jo
PABALIK-BALIK si Manuela sa paglalakad niya sa loob ng inn dahil nag-aalala siya kay Uno. Hindi siya mapalagay ng loob dahil naiisip niya na baka makulong ito dahil sa ginawa nito sa mga lalaki sa yate na kumuha sa kaniya at nagtangka ng hindi maganda."Bakit wala pa siya? Magta-tatlong oras na simula ng sunduin siya ng mga pulis, huwag naman sana siya mapahamak." dasal ni Manuela sa kaniyang pag-aalala kay Uno dahil siya ang dahilan bakit napatay nito ang tatlong lalaki sa yate.Uno saved her, at kung makukulong ito dahil sa kaniya alam ni Manuela ang guilt na mararamdaman niya."May nakakita kaya kay Uno that time? Pero nasa gitna kami ng dagat? Baka may naiwan na fingerprints si Uno kaya natukoy siya ng mga pulis?" ani ni Manuela na stress na ikinagulo niya sa kaniyang buhok at pumaupo sa may sahig malapit sa may mesa."Kung ano-ano na ang naiisip ko! Bakit hindi pa kasi siya bumabalik?" ani ni Manuela ng matigilan siya at napakunot ang noo habang nakaupo siya sa sahig."Parang pam
"Ate!"Agad na sinalubong ni Manuela ang kaniyang kapatid na tumatakbo palapit sa kaniya. Niyakap ni Manuela si Lucas na ramdam niya sa yakap nito na namiss siya nito.Maaga silang umuwi ni Uno mula sa Hawaii, sa last day nila roon ay nagroadtrip nalang sina Manuela at maliban doon ay namili siya ng ipapasalubong niya kay Lucas at Don Victorino."Namiss mo ba si ate?""Opo.""Welcome back hija, kamusta ang honeymoon trip niyo ni Uno?" ngiting tanong ni Don Victorino kung saan napalingon si Manuela kay Uno na kalalabas lang ng kotse kung saan lumapit dito si Santi at bumulong dito."O-okay naman po, masaya po ang naging trip po namin ni Uno " ngiting sagot ni Manuela kung saan binalik niya ang tingin kay Don Victorino."Mabuti naman, then i'll have to wait to see the result of that honeymoon trip." malapad na saad ni Don Victorino.Wala pong nangyari Don Victorino, huwag na po kayo maghintay. ani ni Manuela sa kaniyang isipan."I'm leaving." ani ni Uno na ikinalingon nina Manuela dito.
"What?! May van na tumigil sa harapan mo at basta-basta kang kinuha?" hindi makapaniwalang ani ni Manuela na napatayo sa kinauupuan nito ng magsimulang magkuwento si Suzie sa nangyari sa kaniya.Nasa may yate sila ni Mr. Lacrose at doon napiling mag-usap habang ang mga tauhan ni Uno ay inaayos ang nadelay na transaction. Apat lang sila roon, si Uno, si Santi, si Suzie at Manuela."You don't have to stand up, you're exagerrating your reaction." sita ni Uno na hinila pabalik sa pagkakaupo si Manuela sa tabi niya."Hindi exagerrated ang react--""--yes it is, and let your secretary finished her story before you react." putol ni Uno kay Manuela na napaayos sa pagkaka-upo nito at nilingon si Suzie na nakatingin sa kanilang dalawa."Ano pang nangyari Suzie, after ka nilang kunin may ginawa ba sila sayo?""Wa-wala pero ikinulong nila kami sa isang apartel, bantay sarado sila sa amin since ayaw nilang masira ang bilang ng ipapadala nila. Natakot ako, hindi ko alam kung anong mangyayari sa ami
PAGKARATING NINA Manuela sa di kalayuan sa tapat ng isang mataas na pulang gate ay agad napansin ni Manuela ang isang lalaking nakasandal sa black rider nito na motor, na napaayos ng tayo nito ng dumating sila."We're here." ani ni Uno na inalis ang pagkaka seatbelt nito bago nilingon si Manuela."Stay here, you must not leave this car no matter what fucking happen, understand?" bilin ni Uno."Dito lang ako, promise hindi ako aalis kaya lang papasukin niyo ang malaking gate na 'yan na dalawa lang kayo?""Yes, Mozart is enough to handle this but because Lacrose tried to fucking fooled me, i'll personally visit him." sagot ni Uno habang nakatingin si Manuela kay Piero.Napapaisip si Manuela kung paano papasukin nina Uno ang malaking gate na nakikita niya. At habang tinitingnan niya si Piero, ay sa tingin niya ay mas bata ito sa kaniya at ang buhay nito ay nakatalaga sa pagiging parte ng isang mafia."Why are you staring at him?" tanong ni Uno ng mapansin niya si Manuela na kay Pieto nak
"What happened to el señor? It looks like he was favoring that woman who is just a temporary aid for getting the wealth he need to Don Victorino." Ngayon ko lang nakita ang ganoong kilos kay el señor, kailan pa siya nagkaroon ng simpatya sa iba, lalo na sa isang babae? Bakit parang hindi pagpapanggap ang nakita ko kanina? "Tapos iniwan ako sa mansion ni Lacrose, so ang ending linis ako mag-isa. That's freaking weird for el señor." "Oh? Mozart you're finally fucking home! Kamusta lakad niyo ni el señor?" Pagkarating ko sa mansion kung saan ako nakatira ay sumalubong sa akin ang isa sa tatlong na suwail na capos ni el señor na ang mga palaging lakad pang international. Honestly, ang manor na tinitirhan namin ay hindi nalalayo sa manor ni el señor, we're guarding el señor's manor pag wala kaming lakad outside. "We fixed Lacrose side agenda, kakabaon ko lang sa kanilang lahat sa lupa anim na metro ang lalim nang ako lang mag-isa. I did that alone, without calling any one of you?
"Lucas!"Patakbong lumapit si Lucas kay Don Victorino na natutuwang makita muli si Lucas. Naging abala si Don Victorino sa mga negosyo nito kaya hindi ito masyado bumisita sa manor ni Uno."Namiss mo ba ang lolo Rino mo?" ngiting tanong ni Don Victorino na ikinatango ni Lucas."Opo!""Maupo na tayo at kumain na, marami akong inorder para sa ating lahat."masayang ani ni Don Victorino kung saan inalalayan na nitong maupo si Lucas, habang pinaghila naman ng bangko ni Uno si Manuela.He's acting because of Don Victorino, bakit kailangan kong lagyan ng meaning ang ginagawa niya. mapait na saad ni Manuela sa kaniyang isipan bago umupo." Kamusta ka naman hija, tell me may morning sickness ka na ba? Am i expecting a grandson na?""Why are you asking my wife like that? Don't pressure her."sita ni Uno sa lolo nito." I'm not pressuring her, pero hindi ba at naghoneymoon kayo? Don't tell me that is a failure honeymoon? Puwede niyo namang uliti--""--Lucas is here lolo, stop talking things about
Don't sleep, wait for me.GUMISING NA NAKASIMANGOT si Manuela dahil wala siyang masyadong naging tulog dahil sa bilin ni Uno, na kulang nalang amg mamuti ang mga mata niya dahil walang Uno na bumalik sa kuwarto.Dinalhan siya ng damit pamalit ni Santi kaya agad siyang nagtungo sa banyo."Bakit bad mood ako today? Hindi sa umasa ako na babalik siya kagabi dito sa kuwarto, or ituloy niya ang inumpisahan niya kagabi. Naiinis ako dahil hindi na sana siya nagsabi na intayin ko siya para hindi ako napuyat kagabi!" reklamo ni Manuela habang nakatingin siya sa salamin sa banyo."Gusto ko si Uno pero hindi ko dapat nilo-look forward na may gawin siya dahil at the end of this contract marriage, ako ang masasaktan dahil ako ang nahulog. Hindi ko dapat ipakita kay Uno na naiinis ako, i should act normal." pagkausap pa ni Manuela sa kaniyang sarili bago tuluyan ng nag-ayos ng kaniyang sarili.Nang lumabas na siya ng kuwarto at dere-deretsong naglakad hanggang makababa ng hagdanan ay nadatnan niya
"I'm sooo dissapointed talaga! I'm their eldest pero hindi man nila sinabi sa akin ang mga problema nila! They are so unfair!"HINDI MAKAPANIWALANG pinanunuod nina Piero si Manuela na naglalabas ng sama ng loob dahil sa kalasingan nito. Nakarami ito ng beer na nainom kaya nalasing ito at kung ano-ano ang sinasabi habang umiiyak.Nagulat sila ng dalhin ni Uno si Manuela sa manor nila kung saan pinakilala ni Uno sina Hiro dito. Saktong nag iinuman si Piero at Hiro ng dumating sina Uno at nakisali si Manuela na hinayaan ni Uno. At pagdating nina Radjeev, Santi at Caleb at napasali din ang mga ito sa inuman kung saan mas marami pang nainom si Manuela sa kanila, habang si Uno ay naka cross legs lang na nakaupo sa sofa."Ba-bakit nilihim ni dad sa akin ang sakit ni mom!" iyak na hagulgol ni Manuela habang napapasinok ito sa kalasingan."Na-nasobrahan na yata ang asawa mo el señor sa ininom niya, nagwawala na." kumento ni Piero na ikinabuntong hininga ni Uno.Hinayaan niyang mag-inom si Manu
TAHIMIK LANG si Manuela na nakatingin sa bintana habang mabini niyang hinahaplos ang buhok ni Uno. Maraming katanungan sa isipan ni Manuela, isa naroon ang kaniyang ama. Akala niya kay Uno lang ito may utang, yet malalaman niya na may iba pa itong pinagkakautangan.Ngayon nauunawaan na ni Manuela kung bakit minsan umuuwing may mga pasa at sugat sa mukha ang kaniyang ama. Because of his debt, her fathef must be having a hard time before dealing with that shark loans.Dad, bakit wala kang sinasabi sa amin about this. pahayag ni Manuela sa kaniyang isipan.Miya-miya pa ay nawala sa pag-iisip si Manuela ng tumigil na ang kotse nila sa tapat ng isang malaking bahay kung saan may dalawang armadong bantay ang pintuan nito."El señor we are already here." pagbibigay alam ni Santi kung saan bahagyang nagulat si Manuela sa pagbangon ni Uno."How about Fortnite and Sadhi?""They are backing up in silence." sagot ni Santi kung saan lumabas na ito ng kotse."Don't leave my side, Manuela, stick to
DAHAN-DAHANG binuksan ni Manuela ang pintuan ng kuwarto nila ni Uno, after ng nakakabiglang halik ni Uno kay Manuela ay imbis na bumaba agad ito ay nagtungo na si Manuela sa banyo at naligo na.Hindi parin makapaniwala si Manuela sa paghalik ni Uno sa kaniya, at mas lalong nawiwindang siya dahil hindi lang simpleng halik ang gingawa ni Uno sa ka niya kaya hindi alam ni Manuela ang ikikilos niya pag nakita niya ulit si Uno."Para akong kriminal na nagtatago, bakit kasi nanghahalik ang lalaking 'yun?! Hindi porke't mag-asawa kami ay hahalik nalang siya bigla-bigla, we're even a fake husband and wife so bakit kailangan niya akong halikan? Kung naiingayan siya sa boses ko, there's so many ways to do make me silence, bakit halik pa niya!" reklamong ani ni Manuela na napabuga ng hangin at tuluyan na siyang lumabas ng kuwarto."May problema pa ako, anong gagawin ko ngayong aware na ako sa nararamdaman ko sa kaniya? Paano ba ako nahulog sa kaniya? This is not good for me since nasa contract n
"Nasaan ako? Bakit bigla akong napunta sa lugar na 'to? All i remember ay natulog na ako sa kama ni Uno since magtatabi na kami sa higa--wait? Bakit parang pamilyar ang bahay na 'to?"Iniikot ni Manuela ang tingin niya sa kabuuan ng isang bahay na kinalalagyan niya, na luma na at wala kahit isang gamit na laman. Walang ideya si Manuela kung nasaan siya, pero pakiramdam niya at pamilyar sa kaniya ang bahay kung nasaan siya."Ano bang lugar 'to--""--huwag ka ng umiyak, makakatakas din tayo dito."Natigilan at napakunot ang noo ni Manuela sa isang boses ng bata na narinig sa may bahay. May naririnig din siyang hikbi kaya hinanap ni Manuela kung saan nanggagaling ang hikbi at boses na naririnig niya. Nang makarating siya sa isang pintuan kung saan niya naririnig ang mga boses, ay akmang bubuksan niya ang pintuan pero laking gulat ni Manuela ng tumagos siya roon at deretsong pumasok sa loob ng kuwarto."Oh my gosh? Patay na ba ako? Ba-bakit ako tumagos sa pintuan? Teka? Binangungot ba ako
"Good night ate." Hindi magawang kumilos ni Manuela sa kinatatayuan niya matapos siyang pagsarhan na ng pintuan ng kaniyang kapatid, habang hawak-hawak niya ang unan niyang inabot nito. Manuela knew that Lucas can sleep alone on his own, may sarili itong kuwarto sa bahay nila yet, hindi niya expected na talagang pumayag ito na lumipat na siya ng kuwarto. "Lu-Lucas sigurado ka ba talaga na ayaw mo ng katabi si ate?"ani ni Manuela kung saan wala siyang nakuhang sagot kay Lucas. Hindi malaman ni Manuela kung anong dapat niyang gawin, hindi niya alam kung paano siya makakatulog ng maayos gayong makakatabi na naman niya sa isang kama si Uno. " Ano ba kasing naisipan ng lalaking 'yun at nagdesisyon siyang sa kuwarto na niya ako matutulog?" tanong ni Manuela kung saan tinaas niya ang kamay niya upang katukin si Lucas ng may humawak sa braso niya. Paglingon niya ay nakita niya si Uno kaya agad niyang binawi ang braso niya sa pagkakahawak nito. "Ba-bakit?" "Why are you standing here? Ge
NAKAUPO AT MALALIM na nag-iisip si Manuela sa kung bakit pinapasabay silang magkapatid ni Uno para sa dinner. Ang usual na dinner nila ay nauuna si Uno bago silang magkapatid, nagkasalo-salo lang sila ng sama-sama nitong mga nagdaang araw ay dahil kay Don Victorino kaya questionable kay Manuela kung bakit pinapasabay sila ngayon ni Uno na kumain sa kanila ng dinner."Ano kayang nakain ng lalaking 'yun? Hindi kaya sinisinat ang isang 'yun o nanuno sa punso kaya biglang nagdesisyon na pasabayin kami for dinner? Ang questionable kasi." pagkausap ni Manuela sa kaniyang sarili nang lingunin niya si Lucas na tutok sa pagsagot sa mga assignment nito."Patapos ka na ba Lucas?""Opo ate, i'm nearly finish na po." sagot ni Lucas kung saan tumayo si Manuela at nilapitan ang kapatid na seryoso sa pag-aaral nito."Lucas, okay lang ba sayo na sasabay tayo ng dinner kay kuya Uno mo?""Yes po, it's should be like that naman po talaga diba? Ang mag-asawa po ay dapat sabay kumakain, hindi lang po ako n
"Boss! Nasa conferen--ay? Bakit parang pang semana santa naman ang nakikita ko diyan sa mukha mo, okay ka lang?" Napabuntong hiningang sumandal si Manuela sa kinauupuan niya matapos siyang maabutan ni Suzie na nakapangalumbaba at nakatingin sa kawalan. Hindi makapag focus si Manuela sa kaniyang trabaho dahil sa nangyari kahapon sa mansion ni Lacrose. Hindi niya mapaniwalaan ang kaniyang sarili na nasabi niyang gusto niyang mamatay si Lacrose painfully. Pakiramdam niya hindi siya pinatulog kagabi ng kaniyang konsensya. "Kaya mo bang harapin ang mga staff mo?" tanong ni Suzie nang makalapit ito sa mesa ni Manuela. "Alam mo bang pinatay na ng tauhan ni Uno ang nasa likod ng mga kinukuhang mga babae at bata para ibenta, ang taong kumuha sayo." pagbibigay alam ni Manuela kay Suzie. "Talaga?" "Sa tingin mo tama ba na si Uno ang naghatol ng parusa sa taong 'yun?" "Hindi ko masasabi Manuela, pero alam mo naman ang gobyerno natin ngayon. Kung sinong may pera makakalusot anuman ang