Share

Chapter 2

last update Last Updated: 2025-10-14 22:24:47

RAMDAM na ramdam ko ang pamumugto ng aking mga mata dahil sa pag-iyak ng walang tigil simula pa kagabi. Hindi ko alam kung paano ko nagawang umuwi sa condo ko. Parang biglang nagdilim ang mundo ko ng wala sa oras dahil sa nangyari.

Pagmulat ng mga mata ko ay muli na namang nag-init ang sulok nito. Parang walang kapaguran ang aking mga mata sa pag-iyak, sobrang sakit. Sobrang hirap tanggapin na bigla na lang akong iniwan ni Matt. napakahirap tanggapin, siguro ay maiintindihan ko naman siya kung sasabihin niya sa akin ang dahilan pero ang mapagod siya? Sapat ba iyon na maging dahilan niya?

Wala akong ibang ginawa kundi ang maging perpektong girlfriend sa kaniya. Isa lang naman ang hindi ko naibigay sa kaniya, iyon ay ang sarili ko. Pero kung iyon lang pala ang hinihingi niya ay handa ko itong ibigay sa kaniya bumalik lang ang pagmamahal niya sa akin.

Handa na sana akong bumangon ngunit parang walang lakas ang katawan ko. Ni hindi ko maitaas ang aking mga kamay, marahil dahil na rin sa matinding pag-iyak simula kagabi. Sinubukan kong ipikit ang aking mga mata at sa sumunod na segundo ay bigla na lang akong hinila ng antok.

Nang muli kong idilat ang aking mga mata ay madilim na. Hindi na ako nagdalawang isip pa, kaagad akong bumangon mula sa kama at naligo. Kailangan kong puntahan si Matt. kailangan naming mag-usap na dalawa. Tyaka kung ang solusyon ng pakikipag-ayos niya sa akin ay ang katawan ko, handa ko itong ibigay sa kaniya. Handa ko ng ialay sa kaniya ang kaluluwa at katawan ko para hindi lang siya mawala, ganun na ako ka-desperada. Mahal na mahal ko siya at hindi ako mabubuhay ng wala siya.

~~~

PAGKATAPOS kong maligo ay agad akong nagbihis ng sexy na damit. Yung alam kong magagandahan siya sa akin kapag nakita niya ako at maaakit siya kaagad. Alam kong mahina lang siya sa mga babaeng sexy, palagi ko siyang nahuhuli na nakatingin sa mga babaeng sexy na manamit at palagi din itong nanunuod ng mga babaeng sumasayaw na halos wala ng takip ang katawan kaya alam kong hindi ako mahihirapan para akitin siya.

Nang makita kong ayos na ang itsura ko ay dali-dali na akong lumabas ng aking condo dala ang aking bag.

HALOS tatlumpung minuto din ang itinagal bago ako makarating sa condo ni Matt. ilang beses na akong nakapunta doon kaya alam ko na kung saan ito. Palagi niya akong dinadala doon kapag may free time siya dahil palagi kaming nanunuod ng movie na dalawa.

Pagdating ko sa pinto ng kanyang condo ay kaagad kong pinindot ang passcode at mabuti na lang dahil hindi pa rin pala siya nagpapalit. Umaasa ako na sana ay nasa loob siya kahit na hindi ko sigurado. Pagbukas ko ng pinto ay agad kong narinig ang tunong tv at ang tawa nito. 

Halos itulos ako sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang isang tawa ng babae. Agad na nanlamig ang katawan ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng wala sa oras. Sa sumunod na segundo ay narinig ko ang sinabi nito. “Talaga? Nagmakaawa siya sa harap mo na parang tanga?” tumatawang tanong nito kay Matt.

Humakbang ako ng walang ingay at naglakad patungo sa sala. Nakatalikod sila sa akin kaya hindi nila ako napansin at mukhang kanina pa sila nagsasaya dahil napakarami ng bote ng alak ang nasa harapan nila.

Lumagok muna ng alak si Matt bago sumagot. “Kung nakita mo lang ang mukha niya. It was hilarious.” sagot nito at nagpipigil pa ng tawa.

Ang aking mga kamay ay awtomatikong napakuyom nang marinig ko ang sinabi niyang iyon. Parang hindi si Matt ang naririnig kong nagsasalita ng mga oras na iyon at para bang ibang tao.

“Kawawang Athy.” umiiling na sagot ng babae. Naningkit ang mga mata ko dahil para bang pamilyar sa akin ang boses nito. Saan ko na nga ba ito narinig?

Habang nag-iisip ay muli itong nagsalita. “Malamang na sobrang nasaktan siya sa bigla mong pag-iwan sa kaniya. Ikaw kasi e, pinatagal mo pa masyado. Sabi ko naman sayo na hiwalayan mo na siya noon pa.” dagdag pa nitong sabi.

“Alam mo naman na kinailangan kong pakisamahan siya ng ganun katagal diba para sa plano nating dalawa?” muling tanong nito sa katabi.

Sa pagkakataong iyon ay para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang sinabi ni Matt. plano? Anong ibig nitong sabihin? Ibig bang sabihin ay nakaplano ang lahat ang pakikitungo niya sa akin ay peke lang lahat? Paano ang mga ipinakita niya? Peke lang ba maging ang mga iyon?

Para akong binagsakan ng napakalaking bato sa ulo nang mga oras na iyon. So, pinaikot niya lang pala ako at pinaniwala sa mga kasinungalingan niya? Ibig pa lang sabihin ay walang totoo sa kahit na isang ipinakita niya sa akin?

Napakagat-labi ako. Ang aking mga mata ay halos mamula sa magkahalong galit at sakit. Ang aking dibdib ay naging mabigat maging ang aking paghinga. Paano niya ako nagawang lokohin? Wala akong ginawa kundi ang magpakatotoo sa kaniya. Wala akong ginawa kundi ang mahalin siya. Paanong?

Biglang nag-side ang babae dahilan para makita ko ang kanyang mukha. Napatakip ako sa aking bibig nang makita ko kung sino ito. Walang iba kundi si Marga, ang pinsan ko na napakalapit sa akin. Halos sabay kaming lumaking dalawa kaya super close kami. Wala akong kapatid kaya siya lang ang palagi kong nakakalaro pero bakit? Paano niya nagawa sa akin ito?

Anong dahilan niya para gawin ito?

“Hmm, alam mo naman ang ikinakatakot ko diba? Baka ma-inlove ka sa kaniya ng tuluyan.” sabi nito at pagkatapos ay humilig sa balikat ni Matt.

Sumasakit na nga ang aking dibdib ay para pang tinutusok ang aking mga mata habang pinapanood sila. Ang dalawang taong pinagkatiwalaan ko ng sobra ay lihim pala akong niloloko sa likuran ko. Ang plano ko sanang pagmamakaawa kay Matt ay kinalimutan ko na. 

Mabigat ang aking mga paa na humakbang at tumalikod sa kanila. 

SAMANTALA, biglang napalingon si Marga sa likuran nang parang pakiramdam niya ay may taong nakatayo doon at pinapanood sila. Lumingon din naman si Matt sa likod at wala naman silang nakita. Nilingon siya nito. “May problema ba?” may bahid ng pag-aalalang tanong nito sa kaniya.

Bahagya siyang ngumiti rito. “Wala naman. Akala ko ay may tao.” sabi niya rito.

Agad naman na pumulot ng alak si Matt at pagkatapos ay lumagok muli ng alak. “Sino naman sana ang pupuntang tao rito?” kaswal na tanong nito sa kaniya.

Nagkibit balikat lang siya at pagkatapos ay inagaw ang hawak nitong bote bago siya tuluyang pumatong sa ibabaw nito. “Why don’t we celebrate today? Hmm?” malambing na tanong niya kay Matt at pagkatapos ay hinalikan na ito sa labi na agad naman itong tumugon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Wild Night With My Ex's Uncle   Chapter 87

    THIRD PERSON’S P.O.V“Kamusta ang kasal mo?” tanong ng ina ni Marga sa kaniya pagkaupo niya ng sofa.Umuwi muna siya sa bahay nila dahil sobrang stress lang ang inaabot niya kasama si Matt. hindi niya alam ngunit parang naging ibang tao na ito simula nang magkabalikan silang dalawa. Mas naging malamig ito sa kaniya na dati ay hindi naman.Isang buntong hininga ang pinakawalan niya. “Tapos na ang lahat ng preparasyon.” walang gana na sagot niya. Ilang sandali pa ay nilingon niya ito. “Naipamigay mo na ba ang mga invitations na hiningi niyo sa akin?” nakataas ang kilay niyang tanong dito.Kaagad itong tumango sa kaniya at sumandal sa kinauupuan pagkatapos ay isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi. “Syempre naman. Alam mo, tuwang-tuwa nga silang malaman na ikakasal ka na at higit sa lahat ay nagulat sila syempre. Alam mo naman na halos kialala nilang lahat si Athy at ang akala nila ay siya ang mapapangasawa ni Matt.” biglang sabi nito dahilan para magdilim ang kanyang mga mata at

  • Wild Night With My Ex's Uncle   Chapter 86

    THIRD PERSON’S P.O.VPAGKATAPOS maligo ni Lily ay kaagad siyang namili ng isang sexy na damit. Ilang araw na lang ay ikakasal na si Matt at iyon na ang tamang oras para magpakita siya kay Marcus. Sa loob ng ilang taon na hindi sila nagkita ay gusto niyang malaman kung ano ang magiging reaksyon nito. Magugulat kaya ito na buhay pa ba siya?O magagalit dahil hindi pa siya natuluyan noon?Nang muli niyang maalala iyon ay muling napakuyom ang kanyang mga kamay dahil sa matinding galit. Huminga siya ng malalim at pagkatapos ay isinuot na ang napili niyang damit. Ngayong malapit na silang magkita ni Marcus ay malaya na siyang nakakagalaw sa loob ng bahay na hindi na kailangan pa ng bantay. Hindi na rin siya nakakulong lang basta sa may basement kaya nga lang ay hindi pa siya pinapayagan na lumabas ng bahay. Ni hindi pa rin siya pinapayagan ni Victor na magkaroon ng sarili niyang cellphone na kung tutuusin ay kailangan niya hindi ba? Pero kahit na ganun ay hindi pa rin siya nangungulit na b

  • Wild Night With My Ex's Uncle   Chapter 85

    ATHY’S P.O.VNAGMAMADALI akong sumakay sa kotse at doon ay hindi ko na napigil pa ang aking mga luha na tumulo sa aking pisngi. Napayuko at pagkatapos ay nagmamadaling pinunasan ang mga ito. Ayokong makita ako ng driver na nasa ganitong estado. Mabuti sana kung mag-isa lang ako ngayon ay pwede akong umiyak. Kaya nga lang ay hindi ko talaga kayang pigilan ang aking mga luha, parang may sariliing isip ang aking mga mata. Ayaw nitong tumigil.Napakagat labi ako ng wala sa oras. Wala naman sana akong plano na itakwil sila sa totoo lang dahil kahit papano ay magulang ko pa rin sila. Totoo naman ang sinabi ng aking ina na kung wala sila ay wala rin ako sa mundong ito kaya nga lang ay sumusobra naman na sila. Magulang pa ba ang turing nila sa mga sarili nila pagkatapos nilang sabihin sa akin ang mga iyon?At tyaka, saan ba nanggagaling ang mga ganung salita ng kanyang ina? Parang hindi na siya ang aking ina, parang hindi ko na siya kilala. Napakalaki na ng ipinagbago niya.Pinunasan ko ang a

  • Wild Night With My Ex's Uncle   Chapter 84

    THIRD PERSON’S P.O.VNAGTATAGIS ang mga bagang ng ina ni Athy nang bigla na lang itong umalis sa harap nila at hindi na sila muling nilingon pa. Hindi maiwasang hindi mag-apoy ng mga mata ng babae sa sobrang galit. Paano nangyari na ang napaka-masunurin niyang anak ay naging ganito na katigas ang ulo?“Hindi ba at masyado naman yatang masasakit yung sinabi mo sa anak mo?” tanong sa kaniya ng kanyang asawa dahilan para panlakihan niya ito ng mga mata at pinukol ng masamang tingin.“Ako pa ngayon ang masama para sayo? Hindi mo ba nakita kung gaano na siya kabastos ngayon?” nanggagalaiti sa galit na tanong niya. “Malakas lang ang loob niya na ganun na lang tayo dahil mayaman ang lalaking napangasawa niya, pero kung hindi? Saan naman kaya siya pupulutin?” puno ng panunuya niya pang dagdag.Narinig niya ang mahabang pagbuntong hininga ng asawa. “Nitong mga nakaraang araw, sa totoo lang ay napapaisip ako…”Nilingon niya ito nang may malalamig pa ring mga mata. “Hindi mo man lang namimiss a

  • Wild Night With My Ex's Uncle   Chapter 83

    ATHY’S P.O.VWALA na akong nagawa pa nang hilahin ako ng aking ina sa isang cafe para mag-usap. Kasama niya ng mga oras na iyon ang aking Daddy at sa totoo lang, ayoko pa sana silang makita e pero hindi ko akalain na sa mall ko pa sila makikita. Kung bakit ba naman kasi hindi ko naisip na pwede ko nga pala sila ritong makita ng wala sa oras.Napabuntong hininga na lang ako. Wala pa rin silang imik hanggang sa mga oras na iyon at maging ako ay tahimik lang din naman sa harap nila. Ano bang sasabihin ko sa kanilang kung sakali hindi ba?Hindi nagtagal ay narinig ko ang pagtikhim ng aking ama. Kasunod nito ay naramdaman kong hinawakan niya ang aking mga kamay at marahang pinisil. “Athy anak… miss na miss ka na namin ng mommy mo, alam mo ba iyon?” puno ng emosyon na tanong niya sa akin.Nang mag-angat ako ng aking ulo at tumingin sa kanila ay nakita kong halos mangilid na ang kanilang mga luha ngunit sa totoo lang ay wala akong maramdaman. Para akong manhid at walang emosyon habang nakati

  • Wild Night With My Ex's Uncle   Chapter 82

    ATHY’S P.O.VPAGKATAPOS kong kumain ay bumalik ako sa aking silid. Wala naman akong magawa sa mansyon. Ilang sandali pa ay umupo ako sa kama at inilibot ang aking tingin sa paligid. Wala pa kaming pinag-usapan ni Marcus kung saan kami titira.Ngayong wala na ang kanyang ama ay hindi naman siguro tama na iwanan ng walang tao o walang nakatira sa mansyon dahil tiyak na magiging napakalungkot naman nito kung iiwan itong abandonado. Bigla akong napapikit at hindi ko alam ngunit bigla na lang pumasok sa isip ko ang isang eksena kung saan ay may mga batang nagtatakbuhan sa mansyon, nagtatawan at nagkukulitan. Nakasunod sa mga ito ay si Marcus habang tumatawa din.Napamulat akong bigla ng aking mga mata at napahawak ng wala sa oras sa aking tiyan. Anong ibig sabihin nun? Ibig bang sabihin ay babalik na sa akin ang anak ko?Napakagat labi ako at hindi ko namamalayan ay nag-iinit na naman pala ang sulok ng aking mga mata. Ngayong mag-isa na naman ay hindi ko na naman maiwasang hindi mag-isip n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status