LOGINHINDI ko alam kung paano ko nagawang makaalis sa condo ni Matt. hinayaan ko ang mga paa ko na magturo sa akin kung saan ako dapat magpunta at sa isang club ako napadpad. Napaingay at napakatinding usok ang sumalubong sa akin ngunit wala akong pakialam.
Agad akong dumiretso sa counter kung saan ay nag-order ako kaagad ng maiinom. Iilang beses pa lang akong pumasok sa bar dahil palagi akong pinagbabawalan ni Matt na pumasok doon. Isang malungkot na ngiti ang muling sumilay sa aking mga labi nang muli ko siyang maalala. Hindi ko lubos akalain na magagawa nila akong lokohin ni Marga.
Bakit hindi ko man lang napansin na niloloko na pala nila ako? Bakit hindi ko man lang napansin na sa likod ko ay iba na pala ang galaw nilang dalawa? Dahil ba sa bulag ako? Dahil sa tanga ako?
Anong dahilan? Bakit? Para na kaming magkapatid halos ni Marga, idagdag pa na alam niya ang tungkol sa relasyon namin ni Matt pero base sa pag-uusap nilang dalawa ay para bang mas matagal na silang dalawa kaysa sa amin.
Habang iniisip ko ang panloloko nila sa akin ay parang may tumutusok sa aking dibdib. Sa dami-dami ng pwedeng manloko sa akin ay bakit sila pa? Dahil sa sobrang pag-iisip ko ay bigla ko na lang inisang lagok ang inuming inorder ko. Medyo matapang ito kaya napapikit ako ng mariin nang gumuhit sa aking lalamunan ang napakainit na likido, na para bang sinusunog ang bawat dinadaanan nito ngunit wala akong pakialam.
I was too hurt and devastated. Hindi ako palainom pero parang kailangan kong magpakalasing para mabawasan ang sakit na nararamdaman ko. Sa totoo lang ay ito ang unang beses na nasaktan ako kaya sobrang sakit sa pakiramdam ko. Para akong mamamatay.
Muli akong umorder ng isa pang inumin. Dahil nga hindi naman ako sanay na uminom at wala pa akong kain ay agad akong nahilo. Akala ko ay wala na lang sa akin pero muli na namang rumagasa ang aking emosyon. Nag-init ang sulok ng aking mga mata.
Ang ingay sa paligid ay walang silbi dahil ang masasakit na salitang sinabi lang sa akin ni Matt ang pauulit-ulit kong naririnig sa aking isip.
Walang kasing sakit. Ni hindi man lang pumasok sa isip ko na maghihiwalay pa kami ni Matt dahil mala-fairytale na ang relasyon namin. Ipinakilala ko na siya sa mga magulang ko at ganun din naman siya, ipinakilala niya rin ako sa mga magulang niya at hindi lang sa mga ito kundi maging sa buo niyang pamilya kaya bakit?
Tumutulo ang luha ko na parang tanga habang nakaupo sa counter. Hindi pa man ako nakakabawi sa init ng unang paglagok ko ng alak ay muli kong pinulot ang kalalapag lang ng barista at muli ko itong nilagok. Para akong masusuka ngunit napapikit ako ng mariin at pilit na tiniis ang pait.
Halos maging pangit ang aking mukha dahil sa tapang ng alak. Nang imulat ko ang aking mga mata ay halos umikot na ang aking paningin. Muli kong itinulak ang aking baso sa counter. “One more please…” sabi ko sa barista.
Ilang sandali pa ay hindi ito gumalaw, nakatitig sa akin na para bang tinatantiya kung nasa tamang katinuan pa ba ako o hindi na. Sa nanlalabo kong tingin ay napataas ang kilay ko sa kaniya. “What? Hindi mo ba ako narinig?” inis na tanong ko sa kaniya. Hindi pa rin siya gumalaw at dahil sa inis ko ay agad kong inilabas ang wallet ko at inilapag sa ibabaw. “Baka kaya ayaw mo akong bigyan dahil ang akala mo ay wala akong pangbayad? Heto o.” sabi ko at inilabas ang ilang libuhin sa aking wallet.
Gusto ko lang namang makalimot kahit na sandali lang, bakit ba umeepal pa ito?
Hindi nagtagal ay bigla na lang itong muling naglapag ng baso sa aking harapan. “Magbibigay ka rin naman pala e.” inis na sabi ko at muli kong inisang lagok ang laman ng baso.
Nang muling gumuhit ang init ng alak sa aking lalamunan ay agad na nag-init ang sulok ng aking mga mata na para bang napuwing na lang bigla. Kasabay nito ay parang biglang nag-flashback sa akin ang lahat ng mga alaala kung saan ay masaya kami ni Matt.
Parang isang panaginip ang lahat. Parang isang bangungot. Paano ako gigising ngayon sa umaga nang walang goddmoring galing sa kaniya? Paano ako makakatulog sa gabi kung walang goodnight galing sa kaniya? At paano ko ipagpapatuloy ang buhay ko kung hindi na ako mahal niya? O minahal niya nga ba ako?
Sunod-sunod ang luhang bumagsak sa mga mata ko. Akala ko ba ay kailangan kong uminom para makalimot pero bakit parang mas tumitindi lang naman ang nararamdaman ko? Bakit parang mas sumasakit lang naman ang dibdib ko?
“Athy?” isang tinig ang nagmula sa tabi ko dahilan para mapalingon ako.
Bigla akong natigilan nang makita ko ang bulto ng katawan nito. Naningkit ang aking mata at pilit na kinikilala ito. Sa kanyang katawan pa lang ay alam ko na kaagad kung sino siya, si Matt!
Tumayo ako sa aking kinauupuan, ang galit at sakit na nararamdaman ko ay bigla kong nakalimutan. Niyakap ko siya ng mahigpit. “Matt please let’s talk. Please… please…” nagmakaawa kong saad habang yakap-yakap ko siya.
Naramdaman ko ang pagtigas ng katawan niya na para bang nagulat siya sa aking ginawa. Marahil ay hindi niya inaasahan na pagkatapos ng pakikpaghiwalay niya sa akin ay heto ako at muling nagmamakaawa sa kaniya.
Ilang sandali pa ay bigla niyang hinawakan ang aking mga braso at bahagyang inilayo sa kaniya. “Athy calm down. Look at me…” sabi niya kaya sinundan ko naman siya ng tingin at napatitig sa kanyang mukha. Dahil nakailang bote na rin ako ng nainom ay halos hindi ko na siya mamukhaan pero naaaninag ko ang kanyang mukha. It was clear, he was Matt.
“I’m not Matt okay? Lasing ka na.” sabi niya sa akin at pagkatapos ay hinawakan niya ako sa aking kamay. Inilagay niya ang wallet ko sa aking bag at pagkatapos ay kinausap ang barista na para bang tinatanong kung okay na ang bill ko.
Pagkalipas ng ilang sandali pa ay muli niyang hinawakan ang kamay ko at akmang hihilahin na ako palabas ngunit bigla ko siyang pinigilan. Napalingon siya sa akin ng wala sa oras. Ang aking mga mata ay nag-umpisa na namang magtubig. Napakagat-labi ako ngunit nilakasan ko ang loob ko. Sinalubong ko ang kanyang mga mata. “Bakit ka ganyan Matt?” puno ng sakit na bulong ko.
“Sabihin mo nga sa akin kung anong nagawa ko sayo para gawin mo sa akin ito? Bakit parang pinaparusahan mo ako? You’re even telling me na hindi ikaw si Matt.” napapahikbing tanong ko sa kaniya.
“Ganito mo na lang ba talaga ako ngayon ituring na parang hindi mo na ako kilala? E bakit mo ako nilapitan ngayon?”
“Why Matt?” muling bumuhos ang aking luha.
Napabuntong hininga siya at pagkatapos ay muli akong hinawakan. “Let’s get outside, doon tayo mag-usap.” sabi niya sa akin kaya wala na akong nagawa pa kundi ang hayaan siyang hilahin ako.
Dinala niya ako sa may parking lot kung saan medyo malamlam ang mga ilaw. Binitawan niya ang kamay ko at bahagyang lumayo sa akin. “Makinig ka sa akin Athy,” umpisa niya. “Nagkakamali ka, hindi ako si Matt dahil ako si—”
“No!” mabilis kong sigaw sa kaniya. Hindi ko na siya hinayaan pang matapos sa pagsasalita. “Please, ayoko nang marinig pa ang mga susunod na sasabihin mo okay?” muli na namang akong napahikbi.
Humakbang ako palapit sa kaniya at pagkatapos ay ikinawit ko ang aking mga kamay sa kanyang balikat at tumingkayad para halikan siya sa labi. Katulad kanina ay muli na nanamang tumigas ang katawan niya marahil sa gulat. Bahagya akong lumayo sa kaniya at pagkatapos ay bumulong. “I’m yours tonight Matt.” pagkasabi ko nito ay muli ko siyang hinalikan at sa pagkakataong iyon ay mas naging mapusok pa ako.
Ilang sandali siyang hindi gumalaw na para bang nag-aalangan pa siya ngunit sa huli ay hindi na rin niya napigilan pa ang sarili at sinagot na ang bawat pagkibot ng aking labi hanggang sa tuluyan na niya akong ipinasok sa kotse.
…
THIRD PERSON’S P.O.V“Kamusta ang kasal mo?” tanong ng ina ni Marga sa kaniya pagkaupo niya ng sofa.Umuwi muna siya sa bahay nila dahil sobrang stress lang ang inaabot niya kasama si Matt. hindi niya alam ngunit parang naging ibang tao na ito simula nang magkabalikan silang dalawa. Mas naging malamig ito sa kaniya na dati ay hindi naman.Isang buntong hininga ang pinakawalan niya. “Tapos na ang lahat ng preparasyon.” walang gana na sagot niya. Ilang sandali pa ay nilingon niya ito. “Naipamigay mo na ba ang mga invitations na hiningi niyo sa akin?” nakataas ang kilay niyang tanong dito.Kaagad itong tumango sa kaniya at sumandal sa kinauupuan pagkatapos ay isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi. “Syempre naman. Alam mo, tuwang-tuwa nga silang malaman na ikakasal ka na at higit sa lahat ay nagulat sila syempre. Alam mo naman na halos kialala nilang lahat si Athy at ang akala nila ay siya ang mapapangasawa ni Matt.” biglang sabi nito dahilan para magdilim ang kanyang mga mata at
THIRD PERSON’S P.O.VPAGKATAPOS maligo ni Lily ay kaagad siyang namili ng isang sexy na damit. Ilang araw na lang ay ikakasal na si Matt at iyon na ang tamang oras para magpakita siya kay Marcus. Sa loob ng ilang taon na hindi sila nagkita ay gusto niyang malaman kung ano ang magiging reaksyon nito. Magugulat kaya ito na buhay pa ba siya?O magagalit dahil hindi pa siya natuluyan noon?Nang muli niyang maalala iyon ay muling napakuyom ang kanyang mga kamay dahil sa matinding galit. Huminga siya ng malalim at pagkatapos ay isinuot na ang napili niyang damit. Ngayong malapit na silang magkita ni Marcus ay malaya na siyang nakakagalaw sa loob ng bahay na hindi na kailangan pa ng bantay. Hindi na rin siya nakakulong lang basta sa may basement kaya nga lang ay hindi pa siya pinapayagan na lumabas ng bahay. Ni hindi pa rin siya pinapayagan ni Victor na magkaroon ng sarili niyang cellphone na kung tutuusin ay kailangan niya hindi ba? Pero kahit na ganun ay hindi pa rin siya nangungulit na b
ATHY’S P.O.VNAGMAMADALI akong sumakay sa kotse at doon ay hindi ko na napigil pa ang aking mga luha na tumulo sa aking pisngi. Napayuko at pagkatapos ay nagmamadaling pinunasan ang mga ito. Ayokong makita ako ng driver na nasa ganitong estado. Mabuti sana kung mag-isa lang ako ngayon ay pwede akong umiyak. Kaya nga lang ay hindi ko talaga kayang pigilan ang aking mga luha, parang may sariliing isip ang aking mga mata. Ayaw nitong tumigil.Napakagat labi ako ng wala sa oras. Wala naman sana akong plano na itakwil sila sa totoo lang dahil kahit papano ay magulang ko pa rin sila. Totoo naman ang sinabi ng aking ina na kung wala sila ay wala rin ako sa mundong ito kaya nga lang ay sumusobra naman na sila. Magulang pa ba ang turing nila sa mga sarili nila pagkatapos nilang sabihin sa akin ang mga iyon?At tyaka, saan ba nanggagaling ang mga ganung salita ng kanyang ina? Parang hindi na siya ang aking ina, parang hindi ko na siya kilala. Napakalaki na ng ipinagbago niya.Pinunasan ko ang a
THIRD PERSON’S P.O.VNAGTATAGIS ang mga bagang ng ina ni Athy nang bigla na lang itong umalis sa harap nila at hindi na sila muling nilingon pa. Hindi maiwasang hindi mag-apoy ng mga mata ng babae sa sobrang galit. Paano nangyari na ang napaka-masunurin niyang anak ay naging ganito na katigas ang ulo?“Hindi ba at masyado naman yatang masasakit yung sinabi mo sa anak mo?” tanong sa kaniya ng kanyang asawa dahilan para panlakihan niya ito ng mga mata at pinukol ng masamang tingin.“Ako pa ngayon ang masama para sayo? Hindi mo ba nakita kung gaano na siya kabastos ngayon?” nanggagalaiti sa galit na tanong niya. “Malakas lang ang loob niya na ganun na lang tayo dahil mayaman ang lalaking napangasawa niya, pero kung hindi? Saan naman kaya siya pupulutin?” puno ng panunuya niya pang dagdag.Narinig niya ang mahabang pagbuntong hininga ng asawa. “Nitong mga nakaraang araw, sa totoo lang ay napapaisip ako…”Nilingon niya ito nang may malalamig pa ring mga mata. “Hindi mo man lang namimiss a
ATHY’S P.O.VWALA na akong nagawa pa nang hilahin ako ng aking ina sa isang cafe para mag-usap. Kasama niya ng mga oras na iyon ang aking Daddy at sa totoo lang, ayoko pa sana silang makita e pero hindi ko akalain na sa mall ko pa sila makikita. Kung bakit ba naman kasi hindi ko naisip na pwede ko nga pala sila ritong makita ng wala sa oras.Napabuntong hininga na lang ako. Wala pa rin silang imik hanggang sa mga oras na iyon at maging ako ay tahimik lang din naman sa harap nila. Ano bang sasabihin ko sa kanilang kung sakali hindi ba?Hindi nagtagal ay narinig ko ang pagtikhim ng aking ama. Kasunod nito ay naramdaman kong hinawakan niya ang aking mga kamay at marahang pinisil. “Athy anak… miss na miss ka na namin ng mommy mo, alam mo ba iyon?” puno ng emosyon na tanong niya sa akin.Nang mag-angat ako ng aking ulo at tumingin sa kanila ay nakita kong halos mangilid na ang kanilang mga luha ngunit sa totoo lang ay wala akong maramdaman. Para akong manhid at walang emosyon habang nakati
ATHY’S P.O.VPAGKATAPOS kong kumain ay bumalik ako sa aking silid. Wala naman akong magawa sa mansyon. Ilang sandali pa ay umupo ako sa kama at inilibot ang aking tingin sa paligid. Wala pa kaming pinag-usapan ni Marcus kung saan kami titira.Ngayong wala na ang kanyang ama ay hindi naman siguro tama na iwanan ng walang tao o walang nakatira sa mansyon dahil tiyak na magiging napakalungkot naman nito kung iiwan itong abandonado. Bigla akong napapikit at hindi ko alam ngunit bigla na lang pumasok sa isip ko ang isang eksena kung saan ay may mga batang nagtatakbuhan sa mansyon, nagtatawan at nagkukulitan. Nakasunod sa mga ito ay si Marcus habang tumatawa din.Napamulat akong bigla ng aking mga mata at napahawak ng wala sa oras sa aking tiyan. Anong ibig sabihin nun? Ibig bang sabihin ay babalik na sa akin ang anak ko?Napakagat labi ako at hindi ko namamalayan ay nag-iinit na naman pala ang sulok ng aking mga mata. Ngayong mag-isa na naman ay hindi ko na naman maiwasang hindi mag-isip n







