PAKIRAMDAM ko ay para bang may isang napakabigat na bagay ang nakadagan sa aking tiyan pagkagising ko. Sinubukan kong imulat ang aking mga mata ngunit napapikit din ako kaagad dahil parang umiikot ang paligid.Napahilot ako sa aking sentido. Napakurap-kurap ako, inalala ang nangyari kagabi. Naglasing ako kagabi nang bigla ko na lang makita si Matt sa bar at nang hilahin niya ako patungo sa labas ay bigla ko siyang hinalikan at ang mga sumunod na nangyari ay halos hindi ko matandaan pa.Naramdaman ko ang pananakit ng katawan ko, lalong-lalo na sa pagitan ng aking mga hita. Ilang sandali pa ay isang ngiti ang sumilay sa aking labi, siguro naman ay nakapag-isip isip na si Matt at hindi na niya ako iiwan pa diba pagkatapos ng nangyari sa aming dalawa?Nang makita ko ang ceiling ng silid ay napagtanto ko kaagad na hindi iyon pamilyar sa akin. Napalingin ako sa aking tabi, handa na sanang haplusin ang mukha ni Matt nang halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko ang lalaking himbing na him
Last Updated : 2025-10-14 Read more