LOGINISANG buwan ang mabilis na lumipas sa buhay ko. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong mabigat na kasalanan para parusahan ng ganito. Isang buwan na simula noong may mangyari sa amin ng Tito ni Matt at kaninang umaga lang ay nalaman ko na buntis na pala ako at sino pa ba sana an ama kundi ito hindi ba?
Simula noong araw na iyon ay halos iwasan ko ang posibleng mga lugar kung saan ko siya pwedeng makita dahil nahihiya ko sa nangyari. Alam kong hindi niya ito gusto pero dahil makulit ako ay baka nadala na rin siya. Sino ba naman ang tatanggi sa babaeng desperada at handa nang ipagkaloob ang sarili sa lalaki hindi ba? Ganun naman talaga ang mga lalaki. Palay na ang lumalapit sa manok kaya natural ay hindi na siya tatanggi pa.
Ngayong gabi naman ay narito ako sa harap ng aking mga magulang dahil ipinatawag nila ako para kausapin. “Wala na kaming ibang paraan pa para makabawi Athy. hindi ko man gusto na ipakasal ka sa anak ni Mr. Rodriguez ay wala akong magawa. Kailangan nating makabayad ng utang dahil kung hindi ay baka kung ano ang gawin nila sa amin ng Mommy mo.” sabi sa akin ng aking ama.
Wala akong maramdaman habang pinapakinggan ang sinasabi niya dahil parang namanhid ang buo kong pagkatao bigla. Para bang binuhusan ako ng kamalasan. Napakuyom ng mahigpit ang aking mga kamay. Paano nila maaatim na ipakasal ako sa lalaking iyon? Hindi ba nila ito kilala?
Isa itong adik at walang ibang ginawa kundi ang uminom ng uminom. Idagdag pa na ang bali-balita ay nakailang palit na ito ng asawa. Ang masaklap pa, ang mga dati nitong asawa ay bigla-bigla na lang nawawala at hindi na muling nakikita pa. Malinaw na pinapatay nito ang mga ito at dahil mapera ang pamilya nito ay natatakpan ng pera ang pamilya ng mga naging asawa nito.
Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng matinding galit sa mga magulang ko ng mga oras na iyon. Nag-iisa lang nila akong anak pero handa nila akong dalhin sa yungib ng leon. Sa tingin ba nila ay mabubuhay ako sa lugar na iyon? O iyon talaga ang plano nila para lang masunod ang luho nila?
Nitong mga nakaraang taon ay bigla na lang naadik ang Daddy ko sa sugal. Ang aming negosyo ay maayos naman ngunit simula nang matuto itong magsugal kasama ng Mommy ko ay bigla na lang itong bumagsak. Unti-unting nasira ang lahat dahil lang sa pagiging adik nila sa sugal.
Palagi ko silang naririnig na nag-aaway dahil lang sa pera kaya rin ako humanap ng condo na matitirhan ko dahil ayoko yung palagi na lang silang naririnig na nag-aaway. Halos araw-araw silang nagsisigawan sa totoo lang at ni wala nang maayos na pag-uusap.
Napasinghot ang aking ina na para bang nalulungkot sa balitang iyon. “Pasensya ka na anak, alam mo naman na matanda na kami ng Daddy mo. hindi na namin kayang magtrabaho pa at isa pa, malaki ka na. Nasa tamang edad ka na para lumagay sa tahimik.” sabi nito sa akin dahilan para manlamig ang aking mga mata.
Naririnig ba nito ang sinasabi niya? Gusto kong matawa ng mga oras na iyon. Para nila akong ibebenta at base sa sinasabi niya ay para bang gina-gaslight niya ako. Kasalanan ko ba na nalulong sila sa sugal? Kasalanan ko ba?
Ako ba talaga ang dapat na magbayad ng pagkakautang nila at maging sakripisyo para lang mabuhay pa sila ng matagal? Anong klaseng mga magulang ba sila?
Napakarami kong gusto kong sabihin ng mga oras na iyon pero wala akong lakas na ibuka ang aking bibig. Parang bigla ko na lang gustong maglaho bigla sa dami ng dumarating na problema. Pagsubok pa ba ito o parusa na?
“Anak naiintindihan mo ba ang pinupunto namin ng Mommy mo?” tanong sa akin ng Daddy ko. Nakatingin siya sa akin, punong-puno ng pag-aalala pero alam ko na peke lamang iyon. Hindi siya tunay na nag-aalala dahil kung totoo man na nag-aalala siya, dapat ay maisip niya ang magiging buhay ko kung magpapakasal ako sa lalaking iyon hindi ba? Pero hindi. Sa halip ay ito pa ang namimilit sa akin na pakasalan ang lalaking iyon.
Napalunok ako at pagkatapos ay tumingin sa kanila. “Kung kayo ang nasa kalagayan ko, papayag ba kayo?” tanong ko sa kanilang dalawa.
Bigla silang nagtinginan. “Bakit naman hindi?” tanong sa akin ng aking ina. “Para ito sa kapakanan ng mga magulang mo.”
Ngumiti ako ng mapait. “Para sa kapakanan ninyo.” ulit ko sa sagot niya. “Pero naisip niyo ba kung ano ang magiging buhay ko kapag nagpakasal ako sa kanya?” balik kong tanong sa kanila.
“Hindi naman siguro lingid sa kaalaman niya kung anong klase siyang tao hindi ba?”
“Paano niyo maatim na ipakasal ang anak niyo sa ganung klaseng tao?” puno ng hinanakit na tanong ko sa kanila. Halos hindi sila makatingin sa akin.
“Anak…” sinubukang hawakan ng aking ina ang aking kamay ngunit mabilis akong lumayo sa kanila.
“Huwag na kayong magpalusot pa. Huwag niyo na akong i-gaslight pa. Alam ko ang tunay na dahilan kaya niyo ako gustong ipakasal sa kaniya dahil gusto niyong bayaran niya kayo hindi ba?” tanong ko sa kanila. Hindi sila makasagot at para akong sinaksak ng wala sa oras dahil dito.
Sa huli ay wala akong nagawa kundi ang tumayo na lang at umalis ng hindi na sila nililingon pa. Ayokong magpakasal sa lalaking iyon. Mas gugustuhin ko na lang sigurong mamatay kapag nagkataon.
Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ng aking ina ngunit hindi ko ito pinansin sa halip ay tuloy-tuloy ako sa paglalakad hanggang sa tuluyan na akong makalabas ng bahay namin.
~~~~
“Sigurado ka ba?” tanong ko sa aking assitant nang ibalita niya sa akin ang tungkol sa pagbubuntis ni Athy.
Napatango ito. “Tinanong ko ang doktor mismo at ang sabi niya ay limang linggo na raw po sir ang ipinagbubuntis niya.” dagdag pa niyang sabi sa akin.
Napakuyom ang akin mga kamay nang siguruhin niya sa akin na hindi nga siya nagkakamali ng balita. Nang magising ako noong umagang iyon ay gusto ko siyang hanapin. Gusto ko siyang kausapin at bigyan ng offer ngunit hindi ko rin alam kung ano ang mukha kong ihaharap sa kaniya. Hindi ko alam kung anong paliwanag ang sasabihin ko na nadala lang ako sa init ng aking katawan at hindi ko rin ginusto ang nangyari pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang mga iyon.
Ilang bses kong sinubukan ngunit pinangunahan ako ng takot pero ngayon, iba na ang sitwasyon. Dala-dala niya ang aking anak at hindi ko sila pwedeng pabayaan lang. Sigurado ako na ako ang ama ng dinadala niya dahil ako ang nakauna sa kaniya. Napahilamos ako sa aking mukha.
“Anong balak niyo ngayon sir?” tanong sa akin ni Lance, ang aking assistant.
Napasandal ako sa aking kiinauupuan at pagkatapos ay bumuntong hininga bago pumikit. Hindi ko alam kung ano ba ang tama kong gawin. Dapat ba ay puntahan ko na siya at kausapin?
“Anong balita sa mga magulang niya?” muli kong tanong kay Lance.
“Tama nga po ang hinala niyo sir. Nabaon na sila sa utang at ayon sa latest update ay parang ginigipit na sila para magbayad ng utang at higit pa doon ay tinatakot na sila na baka kung hindi pa sila makapagbayad ay papatayin na nila sila.” pagbabalita niya sa akin.
Isang ideya ang mabilis na pumasok sa aking isip. “Bukas na bukas ay gumawa ka ng paraan para makapag-usap kami ni Athy. kahit na anong paraan.” utos ko rito.
Tumango naman ito kaagad sa akin. “Noted sir.” sagot nito at pagkatapos ay tuluyan nang nagpaalam sa akin.
THIRD PERSON’S P.O.V“Kamusta ang kasal mo?” tanong ng ina ni Marga sa kaniya pagkaupo niya ng sofa.Umuwi muna siya sa bahay nila dahil sobrang stress lang ang inaabot niya kasama si Matt. hindi niya alam ngunit parang naging ibang tao na ito simula nang magkabalikan silang dalawa. Mas naging malamig ito sa kaniya na dati ay hindi naman.Isang buntong hininga ang pinakawalan niya. “Tapos na ang lahat ng preparasyon.” walang gana na sagot niya. Ilang sandali pa ay nilingon niya ito. “Naipamigay mo na ba ang mga invitations na hiningi niyo sa akin?” nakataas ang kilay niyang tanong dito.Kaagad itong tumango sa kaniya at sumandal sa kinauupuan pagkatapos ay isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi. “Syempre naman. Alam mo, tuwang-tuwa nga silang malaman na ikakasal ka na at higit sa lahat ay nagulat sila syempre. Alam mo naman na halos kialala nilang lahat si Athy at ang akala nila ay siya ang mapapangasawa ni Matt.” biglang sabi nito dahilan para magdilim ang kanyang mga mata at
THIRD PERSON’S P.O.VPAGKATAPOS maligo ni Lily ay kaagad siyang namili ng isang sexy na damit. Ilang araw na lang ay ikakasal na si Matt at iyon na ang tamang oras para magpakita siya kay Marcus. Sa loob ng ilang taon na hindi sila nagkita ay gusto niyang malaman kung ano ang magiging reaksyon nito. Magugulat kaya ito na buhay pa ba siya?O magagalit dahil hindi pa siya natuluyan noon?Nang muli niyang maalala iyon ay muling napakuyom ang kanyang mga kamay dahil sa matinding galit. Huminga siya ng malalim at pagkatapos ay isinuot na ang napili niyang damit. Ngayong malapit na silang magkita ni Marcus ay malaya na siyang nakakagalaw sa loob ng bahay na hindi na kailangan pa ng bantay. Hindi na rin siya nakakulong lang basta sa may basement kaya nga lang ay hindi pa siya pinapayagan na lumabas ng bahay. Ni hindi pa rin siya pinapayagan ni Victor na magkaroon ng sarili niyang cellphone na kung tutuusin ay kailangan niya hindi ba? Pero kahit na ganun ay hindi pa rin siya nangungulit na b
ATHY’S P.O.VNAGMAMADALI akong sumakay sa kotse at doon ay hindi ko na napigil pa ang aking mga luha na tumulo sa aking pisngi. Napayuko at pagkatapos ay nagmamadaling pinunasan ang mga ito. Ayokong makita ako ng driver na nasa ganitong estado. Mabuti sana kung mag-isa lang ako ngayon ay pwede akong umiyak. Kaya nga lang ay hindi ko talaga kayang pigilan ang aking mga luha, parang may sariliing isip ang aking mga mata. Ayaw nitong tumigil.Napakagat labi ako ng wala sa oras. Wala naman sana akong plano na itakwil sila sa totoo lang dahil kahit papano ay magulang ko pa rin sila. Totoo naman ang sinabi ng aking ina na kung wala sila ay wala rin ako sa mundong ito kaya nga lang ay sumusobra naman na sila. Magulang pa ba ang turing nila sa mga sarili nila pagkatapos nilang sabihin sa akin ang mga iyon?At tyaka, saan ba nanggagaling ang mga ganung salita ng kanyang ina? Parang hindi na siya ang aking ina, parang hindi ko na siya kilala. Napakalaki na ng ipinagbago niya.Pinunasan ko ang a
THIRD PERSON’S P.O.VNAGTATAGIS ang mga bagang ng ina ni Athy nang bigla na lang itong umalis sa harap nila at hindi na sila muling nilingon pa. Hindi maiwasang hindi mag-apoy ng mga mata ng babae sa sobrang galit. Paano nangyari na ang napaka-masunurin niyang anak ay naging ganito na katigas ang ulo?“Hindi ba at masyado naman yatang masasakit yung sinabi mo sa anak mo?” tanong sa kaniya ng kanyang asawa dahilan para panlakihan niya ito ng mga mata at pinukol ng masamang tingin.“Ako pa ngayon ang masama para sayo? Hindi mo ba nakita kung gaano na siya kabastos ngayon?” nanggagalaiti sa galit na tanong niya. “Malakas lang ang loob niya na ganun na lang tayo dahil mayaman ang lalaking napangasawa niya, pero kung hindi? Saan naman kaya siya pupulutin?” puno ng panunuya niya pang dagdag.Narinig niya ang mahabang pagbuntong hininga ng asawa. “Nitong mga nakaraang araw, sa totoo lang ay napapaisip ako…”Nilingon niya ito nang may malalamig pa ring mga mata. “Hindi mo man lang namimiss a
ATHY’S P.O.VWALA na akong nagawa pa nang hilahin ako ng aking ina sa isang cafe para mag-usap. Kasama niya ng mga oras na iyon ang aking Daddy at sa totoo lang, ayoko pa sana silang makita e pero hindi ko akalain na sa mall ko pa sila makikita. Kung bakit ba naman kasi hindi ko naisip na pwede ko nga pala sila ritong makita ng wala sa oras.Napabuntong hininga na lang ako. Wala pa rin silang imik hanggang sa mga oras na iyon at maging ako ay tahimik lang din naman sa harap nila. Ano bang sasabihin ko sa kanilang kung sakali hindi ba?Hindi nagtagal ay narinig ko ang pagtikhim ng aking ama. Kasunod nito ay naramdaman kong hinawakan niya ang aking mga kamay at marahang pinisil. “Athy anak… miss na miss ka na namin ng mommy mo, alam mo ba iyon?” puno ng emosyon na tanong niya sa akin.Nang mag-angat ako ng aking ulo at tumingin sa kanila ay nakita kong halos mangilid na ang kanilang mga luha ngunit sa totoo lang ay wala akong maramdaman. Para akong manhid at walang emosyon habang nakati
ATHY’S P.O.VPAGKATAPOS kong kumain ay bumalik ako sa aking silid. Wala naman akong magawa sa mansyon. Ilang sandali pa ay umupo ako sa kama at inilibot ang aking tingin sa paligid. Wala pa kaming pinag-usapan ni Marcus kung saan kami titira.Ngayong wala na ang kanyang ama ay hindi naman siguro tama na iwanan ng walang tao o walang nakatira sa mansyon dahil tiyak na magiging napakalungkot naman nito kung iiwan itong abandonado. Bigla akong napapikit at hindi ko alam ngunit bigla na lang pumasok sa isip ko ang isang eksena kung saan ay may mga batang nagtatakbuhan sa mansyon, nagtatawan at nagkukulitan. Nakasunod sa mga ito ay si Marcus habang tumatawa din.Napamulat akong bigla ng aking mga mata at napahawak ng wala sa oras sa aking tiyan. Anong ibig sabihin nun? Ibig bang sabihin ay babalik na sa akin ang anak ko?Napakagat labi ako at hindi ko namamalayan ay nag-iinit na naman pala ang sulok ng aking mga mata. Ngayong mag-isa na naman ay hindi ko na naman maiwasang hindi mag-isip n







