Mag-log inISANG MAHABANG buntong hininga ang pinakawalan ko at pagkatapos ay napahilot ako sa aking sentido. Paano ba ako humantong sa ganito?
Noong gabing iyon ay wala naman talaga akong balak na patulan si Athy. Ang buong akala ko ay kayang-kaya kong kontrolin ang sarili ko, ang katawan ko pero mali pala ako. Noong sandaling dumampi ang labi niya sa akin ay natagpuan ko ang sarili kong natangay na sa halik niya. Ang simpleng pagdampi ng labi niya sa labi ko ay nagdulot ng isang emosyon na hindi ko pa naramdaman sa buong buhay ko. Para rin akong nawala sa sarili ko. Nakalimutan ko na siya pala ang girlfriend ng pamangkin kong si Matt. Ilang beses ko na siyang nakita sa family gatherings namin dahil palagi naman siyang nagpupunta pero hindi ko siya personal na kinakausap dahil palagi namang nakabantay si Matt sa kaniya. Hindi rin naman kami close ni Matt dahil na rin sa away namin ng kapatid ko at maging siya na pamangkin ko ay nakikisali. Higit pa doon ay hindi ko akalain na matutukso ako, na matatangay sa isang simpleng halik niya when in fact, halos dalawang dekada ang pagitan ng edad naming dalawa. Napapikit ako ng mariin nang muli kong maalala ang eksaktong tagpo noong gabing iyon. ~~~~FLASHBACK~~~~~ NAKAKUNOT ang noo kong pumasok ng bar noong gabing iyon. Pumunta ako doon para lang tingnan kung ano na ang lagay ng bar dahil hindi ako naka-bisita doon ng halos isang linggo. Kagagaling ko lang sa ibang bansa dahil may business trip ako at halos kararating ko nga lang kaninang umaga. Nagpahinga lang ako ng isang araw. Pagpasok ko sa loob ay agad kong iniikot ang aking paningin sa loob. As usual ay wala ka namang ibang makikita sa mga bar kundi ang mga taong naglalasing. Ang ilan pa nga ay nasa gitna ng dance floor at nagsasayawan. May mga lasing na at ang iba pa nga ay kung ano-ano na ang ginagawa sa gilid kung saan ay medyo malamlam ang ilaw. Wala namang pakialaman sa loob ng bar, gawin mo ang lahat ng gusto mong gawin at normal na ang mga ganuong eksena doon. Ilang sandali pa ay biglang natuon ang paningin ko sa counter kung saan ay may nakatalikod na babae habang umiinom. Agad na naningkit ang mga mata ko. Wala naman akong pakialam kung sino ang magpunta sa bar para magpakalasing kaya lang ay nang lumapit ako ay bigla na lang akong napakunot ng noo nang mamukhaan ko ang babae— walang iba kundi si Athy— ang girlfriend ni Matt. Nang titigan ko siya ay agad kong nahalata na lasing na siya. Napalingon ako sa aking likuran, hinahanap si Matt dahil baka kasama niya kaya lang ay ni anino nito ay hindi ko nakita. Ibig bang sabihin ay mag-isa niya lang na nagpunta rito? “Athy?” bigkas ko ng pangalan niya. Hindi ko alam kung kilala niya ako pero siguro naman hindi ba? Idagdag pa na ilang beses na rin naman kaming nagkita sa ilang family gatherings. Bukod pa roon ay halos may hawig kaming dalawa ni Matt at masasabi mo na kaagad sa unang tingin na may koneksyon kaming dalawa. Dahan-dahang siyang lumingon sa akin. Ang kanyang mga mata ay namumungay at pulang-pula na ang mukha. Naningkit ang mga mata niya na para bang kinikilala niya ako. “Matt?” tanong niya na halos bulong na lang. Habang nakatitig ako sa kanyang mukha ay agad kong napansin ang luha sa gilid ng kanyang mga mata. Maging ang pamumula nito na para bang hindi dahil sa pag-inom ang dahilan kung bakit namumula kundi sa pag-iyak. “Lasing ka na. And I am not Matt.” Sabi ko sa kaniya pagkatapos ay hinarap ko ang empleyado ko. Agad niya naman akong binati. “Kanina pa ba siya rito?” Tanong ko sa aking staff. Tumango ito sa akin. Nagsalubong ang kilay ko nang makita ko ang wallet niya sa ibabaw kung saan ay kaagad ko naman itong pinulot at inilagay sa kanyang bag. “Wala ka bang napansin na kasama niya?” Umiling ang staff ko. “Mag-isa lang po niya sir at mukha siyang problemado simula nang dumating siya.” magalang nitong sagot sa akin. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko at hindi maiwasang magtanong sa isip ko kung nag-away ba silang dalawa ni Matt para maglasing siya ng ganito. Muli kong hinarap si Athy at hinawakan ang pulso niya. Hindi naman siya nagreklamo pero nagulat ako nang bigla na lang siyang tumigil at hinablot ang kamay niya mula sa akin. Natigilan ako dahil sa ginawa niya. Ibubuka ko na sana ang aking bibig para magsalita nang unahan niya ako. “Pati ba naman ang pagkakakilanlan mo ay itatangi mo na?” halos sapat lang ang lakas ng boses niya para marinig ko. Mababanaag din sa kanyang tinig ang magkahalong sakit at sama ng loob. Napakagat labi siya. Sa sumunod na segundo ay tumutulo na ang luha sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko at isasagot ko sa kaniya ng mga oras na iyon. Naguguluhan ako. “Athy, listen to me. I am not—” gusto kong ipaintindi sa kaniya na namamalikmata siya, na mali siya ng akala. Na hindi ako si Matt ngunit paano ko iyon gagawin? “No!” sigaw niya sa akin dahilan para manlaki ang aking mga mata. Sa huli ay isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan ko. Muli kong hinawakan ang kanyang kamay at hinila siya palabas. Mas tahimik sa labas, baka mas maayos ang magiging pag-uusap namin doon. Sa tanang buhay ko ay ito pa lang ang unang beses na nag-akay ng babaeng lasing sa totoo lang. Nang makalabas kami ay agad ko siyang hinarap para subukan na namang ipaintindi sa kaniya na hindi ako si Matt. Isa pa, wala naman akong pakialam dapat sa kaniya pero hindi ko ba naman alam kung ano ang pumasok sa isip ko at bigla ko na lang siyang nilapitan, siguro marahil ay dahil girlfriend siya ng pamangkin ko pero sapat ba iyon? “Athy, listen—” “No!” Muli niyang sigaw sa akin at nagulat ako nang bigla na lang niya akong hinalikan. Nanlaki ang aking mga mata at hindi nakagalaw. “I’m yours tonight Matt…” malambing na saad niya bago niya ako muling halikan. Pagkatapos nun ay napakabilis ng pangyayari. Nadala ako sa aking emosyon at nang bumalik ang aking katinuan ay nakahiga na siya sa aking bisig at walang damit. Napatitig ako sa kanyang mukha, pauulit-ulit kong minumura ang sarili ko dahil hindi ko lang sinamantala ang kalasingan niya, ako pa ang nakauna sa kaniya! …THIRD PERSON’S P.O.V“Sir, may bisita po kayo…” sabi ng isang kasambahay kay Victor. Nasa study room siya ng mga oras na iyon at nag-iisip ng pwede niyang maging hakbang para makabawi kay Marcus. Hindi pwede na tatahimik na lang siya sa isang gilid sa kabila ng ginawa nito sa kaniya. Hindi siya papayag na maging ganito na lang siya at magtago na lang habang buhay.Nagsalubong ang kanyang mga kilay nang marinig niya ang sinabi ng kasambahay niya. Sino naman sana ang magiging bisita niya e nasa pagtatago siya at isa pa, wala naman gaanong nakakaalam ng mansyon nilang iyon.Hindi na niya nagawa pang magtanong pa dahil sa halip ay tumayo na lang siya mula sa kanyang kinauupuan at naglakad patungo sa pinto para bumaba sa sala. Nang makarating siya sa pinakahuling baitang ng hagdan pababa ay halos matigilan siya nang makita niya ang kanyang ama na naroon. Naging madilim ang kanyang mga mata nang makita niya ang pagmumukha ni Robert Esteban, ang kapatid ni MArcus Esteban.Madilim ang mga ma
ATHY’S P.O.V“Mommy…”Palingon-lingon ako, ngunit wala akong makita. Mag-isa lang ako. Pauulit-ulit ang naging pagtawag sa akin, tinig iyon ng isang bata. Pauulit-ulit at halos mahilo na ako kung saan lilingon hanggang sa isang bata ang lumitaw sa aking harapan.Isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi, bukod pa doon ay natigilan ako dahil kamukhang-kamukha ko siya pero hindi naman siya ako. Ilang sandali pa ay bigla na lang siyang tumalikod sa akin at naglakad palayo.“Teka! Sandali! Saan ka pupunta?!” sigaw ko at kaagad siyang hinabol, kaya nga lang ay hindi ko siya maabutan. Napakalayo niya. Naramdaman ko na ang pagod ko sa paghabol sa kaniya ngunit hindi ko pa rin talaga siya magawang abutan.“Sandali…”“Athy…”“Athy…”Bigla kong narinig ang pagtawag na iyon sa pangalan ko, kasunod nito ay ang pagyugyog ng balikat ko. “Athy…”Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Ramdam na ramdam ko ang pamamasa nito, medyo malabo pa noong una ang tingin ko hanggang sa unti-unti na itong
THIRD PERSON’S P.O.VNAPATAYO si Kendra sa kanyang kinauupuan nang marinig niya ang pagdating ng sasakyan ng kanyang asawa. Sa totoo lang ay kanina niya pa ito inaabangan at halos inabot na rin siya ng madaling araw sa paghihintay rito ngunit wala siyang pakialam. Gusto niyang masiguro na ligtas ang kanyang asawa.Bumukas ang pinto at pumasok si Greg. halata ang gulat sa mukha nito nang makita siya na gising pa rin hanggang sa mga oras na iyon. “Bakit gising ka pa? Anong oras na ah.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay lumapit para bigyan siya ng halik.Agad niyang niyakap ito. “Hindi ako makatulog. Nag-aalala ako para sayo.” sabi niya rito. Naramdaman niya lang na hinaplos nito ang kanyang likod at hinalikan ang tuktok ng kanyang ulo.Sa tagal na nito sa serbisyo, sa bawat gabi ay napupuno siya ng pag-aalala sa bawat may misyon ito. Naiintindihan niya naman ito dahil iyon nga ang trabaho nito pero hindi niya lang talaga maiwasang hindi mag-alala. Matagal na niya itong kinukumbinsi n
THIRD PERSON’S P.O.VNAPAPAILING si Greg habang pinapanood ang mga batang isa-isang isinasakay sa mga truck at ambulansya. Hindi niya lubos akalain na sa murang edad ng mga ito ay ipinangangalakal na nila ang kanilang mga katawan.Walang ibang dapat panagutin kundi ang mga magulang ng mga ito na ayon sa isa sa mga biktima ay ibinebenta daw sila di umano ng kanilang mga magulang doon para maging mga prostitute sa mga murang edad. Sa totoo lang ay ikinalulungkot niya ang ganung klaseng sitwasyon ng mga ito. Hindi niya maiwasang kwestyunin ang mga magulang ng mga ito kung paano nila naatim na ibenta ang kanilang mga anak para lang babuyin ng mga kung sino-sinong tao.Bukod pa doon ay hindi niya rin lubos akalain na may ganuong pasilidad sa lugar na iyon. Hindi naman ito tago kaya nga lang ay napakahigpit ng seguridad at tanging mga miyembro lang ang nakakapasok. Sa tinagal tagal niya sa serbisyo ay marami na rin naman siyang nakaharap na kaso ng mga rape pero ngayon ay kakaiba ito. Isa i
HABANG lulan ng helicopter si Lily ay hindi niya maiwasang hindi tumanaw sa ibaba, kung saan ay punong-puno ng nagliliwanag na mga ilaw. Napapikit siya habang sinasamyo ang preskong hangin. Ilang taon na ba ang lumipas noong huli niyang nalanghap ito?Sampu? Labinlimang taon? Hindi na niya masiguro pa, sa tagal ng panahon ay hindi na rin niya halos matandaan pa. Napakuyom ang kanyang mga kamay at nagdilim ang kanyang mga mata. Sa totoo lang, sa tagal niyang nakakulong sa kamay ni Victor ay walang araw na inasam niyang makalaya, hindi para muling ipagpatuloy ang buhay kundi upang gumanti kay Marcus.Noong una ay ayaw niyang paniwalaan si Victor na ito mismo ang nag-setup sa kaniya noong gabing iyon para magkita silang dalawa. Nag-usap na daw sila na kapalit ng hindi panggugulo ni Victor sa negosyo ni Marcus ay siya ang kapalit.In-denial pa siya noong una dahil alam niya kung gaano siya kamahal ni Marcus. Noong panahong iyon ay bulag na bulag siya pero sa paglipas ng panahon ay doon
MARCUS P.O.VHINAWAKAN ko ng mahigpit ang kamay ni Athy habang nakahiga siya sa kama. Wala pa rin siyang malay hanggang sa mga oras na ito at hindi ko alam kung kailan siya magkakamalay. Napakagat labi ako. Hinalikan ko ang kamay niya.Nang malaman kong nawala na ang baby ay hindi ko halos mailarawan ang nararamdaman ko. Sobrang sakit oo. Idagdag pa na sinisisi ko ang sarili ko ang sarili ko dahil sa nangyari. Alam kong ako ang puntirya nila at hindi si Athy. kung sana ako na lang ang naghatid sa kaniya e di sana ay hindi ito nangyari.Nanlamig ang kanyang mga mata nang sumagi sa isip niya ang mga taong gumawa nito. Alam niyang hindi ito isang aksidente lang dahil plinano talaga ito. “Hahanapin ko ang mga taong may gawa sayo nito Athy pangako.” bulong ko sa kaniya at pagkatapos ay hinalikan ang noo nito bago lumabas ng silid.Sa labas ay naghihintay na sa kaniya si Lance. “Anong balita? Nakita mo ba yung driver?” tanong niya rito.Umiling ito kaagad. “Hindi po sir, I’m sorry.” nagyuk







