로그인
(Natalia pov)
"Hanggang kailan kaya magiging tanga si Ma'am Natalia sa asawa niya? Naaawa na ako sa kanya. Marami nga siyang pera, hindi naman siya masaya. Uso pa rin pala ang martyr ngayon. Akala ko noong unang panahon lang uso 'yon!" "Hindi mo ba alam? Kaya ganyan si Sir sa kanya kasi marumi daw siya! Napulot lang daw ni Sir si Ma’am sa club!" Ani ng isa. "Kinakahiya siya ni Sir kaya hindi siya mapakilala sa publiko bilang asawa! Natatakot yata na baka marumihan ang pangalan nila at mapag usapan ang pamilya nila!” Napahinto ako sa pagbaba ng hagdan ng marinig ang usapan ng mga kasambahay. Ngumiti ako ng pilit kahit na parang patalim na tumusok iyon sa dibdib ko. "Ang Sir niyo?" Agad silang nagpulasan ng makita ako. "N-Nakaalis na kanina pa, Ma'am." Nakayukong tugon ng isa habang nakayuko. "Gano'n ba. Sige magpatuloy na kayo sa ginagawa niyo." Bilin ko bago umakyat ulit sa taas. Paglingon ko ay nahuli ko silang naaawang nakatingin sa akin. Imbes na pagalitan ay hinayaan ko na lang sila. Hindi naman nila ako, o si Victor kilala. Pressure lang ang asawa ko dahil tagapagmana ito ng kanilang kumpanya. Marami lang siyang inaasikaso kaya hindi niya ako maipakilala sa publiko bilang asawa niya. Mahal ako ng asawa ko. Tama. Mahal niya ako. "At sinong niloko mo?" Kausap ko sa sarili sa salamin ng makapasok ako kwarto namin. Hindi dapat ako magpaapekto pero hindi ko mapigilang masaktan sa narinig ko. Kahit ano ang deny ko alam ko sa sarili ko na pinapaniwala ko na lang ang sarili ko. Tatlong taon na kaming kasal ni Victor subalit hindi na nito ako tinrato kagaya ng dati—trato na may halong pagmamahal at pag iingat. Simula ng ikasal kami ay nagbago sa isang iglap. Pagkatapos kong maligo ay bumaba ako para mag almusal. May Yoga class pa ako na kailangan puntahan. Nasa kalagitnaan ako ng biyahe papunta ng Yoga class ko ng biglang magring ang phone ko. Sinagot ko ito ng makitang si Victor ito. Bihira lang ito tumawag kaya natutuwa at nasasabik ko na sinagot 'to. "Hon— "Where are you? Hindi mo ba binasa ang text ko?!" Galit na bungad nito. "Tonta ka talaga! Nasa bahay ako para sunduin ka! Kailangan kita ngayon dahil on-leave ang secretary ko! May meeting ako at kailangan ko ng alalay ngayon!" Nabura ang excitement ko. Akala ko tumawag siya dahil naalala niya ako. "Gano'n ba, sige pabalik na ako." Mabuti at hindi ko pa nalalagpasan ang malapit na u-turn kaya nakaliko agad ako. Malayo-layo kasi ang sunod na u-turn kung lumagpas ako. Humingi ako ng pasensya kay Victor ngunit pagtingin ko ay wala na ito sa kabilang linya dahil binabaan na niya ako. "Oh god!" Hiyaw ko. Nataranta ako ng mabangga ang kotse ko sa likuran ng isang sasakyan. Hindi ko napansin na naka-stop signal pala kaya huminto ang nasa unahan. "Yan cellphone pa habang nagda-drive, Natalia!" Sisi ko sa sarili ko. Pinuno ko muna ng hangin ang dibdib ko bago bumaba. I hope na hindi ako masapak ng may ari ng sasakyan. Mamahalin pa naman ang sasakyan nito. Kapag minamalas ka nga naman. Kung kailan nagmamadali ay saka pa 'to nangyari Kinatok ko ang bintana ng kotse. Mas maganda kung makipag areglo agad para hindi na lumaki ang gulo. Pagkababa ng sasakyan ay tumambad sa akin ang isang may edad na lalaki. Nakita kong may nakaupo sa backseat kaya I assume na driver ang nagmamaneho. "Ito ang number ko, kung may kailangan ipaayos ay tawagan niyo lang ako. I'm willing to pay the damages." "Sandali lang, Ma'am," Sumilip ito sa likuran. Narinig ko may sinabi ang lalaki sa likod, habang naghihintay ay lumayo ako ngunit sapat na para matanaw ako mula sa tinted na salamin ng sasakyan nito. Nakangiting bumaling sa akin ang driver matapos makausap ang amo nito. "Sige, Ma'am. Pumapayag ang amo ko. Tatawagan na lang niya kayo." "Salamat ho." Pagdating sa bahay ay isang malakas na sampal ang tumama sa mukha ko. Halos mahilo ako sa lakas ng sampal ni Victor. Hindi man lang ako pinaabot sa kwarto, sa hagdan pa lang ay sinalubong na ako nito. Nang sampal nga lang. "Wala kang silbi, alam mo 'yon? Bukod sa masangsang mong amoy, mahina pa ang utak mo?! Bakit ba nagpabulag ako tangang kagaya mo!" "Ano ang sinabi mo?" Maang at nasasaktan kong tanong. Umaasa ako na babaguhin niya ang sinabi niya at sasabihin sa akin na nabigla lang siya. Kahit masakit ay pikitmata kong tatanggapin ang dahilan niya. Mahal ko ‘eh. "Bingi ka ba? Kailangan ko pang ulitin para tumatak sa walang kwenta mong utak?" Nang iinsulto niya akong tiningnan mula sa ulo hanggang paa. Nakalarawan ang pandidiri sa mukha. "Ang sabi ko 'nakakadiri ka. Marumi ka at walang utak— Tumama ang palad ko sa kanya. Gusto kong lunukin ang sinabi niya subalit sobra na ang narinig ko. Hindi ako manhid, may pakiramdam at nasasaktan din ako. Ang eksenang iyon ang nadatnan ng biyenan kong babae. Galit na galit ako nitong sinugod. Hindi lang sampal ang natamo ko rito, hinatak din nito ang buhok ko hanggang sa magsawa ito. Yung asawa ko na akala ko ay magtatanggol sa akin ay pinanood lang ako habang minamaliit at sinasaktan ng ina nito. "Wala kang karapatan saktan ang anak ko, Natalia! Wala!" Dinuro ako ng mother-in-law ko at tiningnan ako ng may panunuya. "Napulot ka lang ng anak ko kaya alamin mo kung saan ka lulugar!" Pinahid ko gilid ng labi ko na dumudugo habang umiiyak na tumango. Akala ko noong una ang swerte ko. Iyon pala ay pinatikim lang ako ng panandaliang kilig ng asawa ko. Naligo ako at nagbihis na parang walang nangyari. Pagkababa ay naabutan ko si Victor na inip na inip. May meeting pala ito ngayon sa isang potential investor. Kasama nito ang asawa kaya kailangan ni Victor ng secretary para i-tour ang mag asawa sa Golf field kung saan sila magkikita. Hindi daw ito basta meeting lang, kundi isang friendly meeting. Kailangan makuha ni Victor ang loob ng mag asawa para mapapayag ito na mag-invest sa kumpanya nila. Sumunod agad ako ng magpatiunang lumakad si Victor. Nalagay ako ng concealer sa pasa ko sa mukha. Ire-retouch ko na lang mamaya kapag nabura. Habang nasa biyahe ay panaka-naka akong tumitingin sa kanya. 'Ano ba ang nangyari sa aming dalawa? Masaya naman kami noon.' Nagkakilala kami sa bar kung saan ako nagtatrabaho noon. Unang araw ko palang noon sa trabaho bilang GRO noong magkakilala kaming dalawa. Araw-araw niya akong tini-table hanggang sa magkapalagayan kami ng loob. Sinagot ko agad siya ng manligaw siya sa akin. Mahal ko siya kaya hindi na ako nagpakipot. Nangako siya sa akin na magiging mala-prinsesa ang buhay ko sa piling niya. Na mamahalin niya ako hanggang sa pagtanda at tatanggapin kahit saan ako nagmula. Naniwala ako sa mga pangako niya at matatamis na salita. Pero nagbago siya pagkatapos ng kasal naming dalawa. Naging malupit siya at naging malamig. Pinandirihan niya ako kung saan ako naggaling. Nasasaktan ako sa tuwing minamaliit niya ako at pinandidirihan pero hindi ko siya maiwan dahil kasal kami at mahal ko siya. Akala ko ay magbabago siya. Na maaalala niya ang pinangako niya sa akin at matatauhan. Sinabi ko naman sa kanya na wala pa akong karanasan kaya hindi pa ako nadudungsan. Dahil bago pa ako tuluyang malawayan ng iba't ibang lalaki ay nakilala ko siya at minahal. Siya ang nagligtas sa akin sa club. Kung hindi dahil sa kanya ay baka nandoon pa ako at tuluyan na naging p****k. Kaya hindi ko alam kung bakit marumi ang tingin niya sa akin at pinandidirihan niya ako. "Ano pa ang hinihintay mo?! Dalian mo dahil kanina pa naghihintay sila Mr. Nunez!" "Hon--- "Sir ang itawag mo sa akin, ayokong malaman nila na asawa kita!” Naiwanan akong nasasaktan. Daig ko pa ang nakatikim ulit ng sampal. May matandang mag asawa na sumalubong sa amin pagdating namin. Kinamayan sila ni Victor. Pinakilala niya ako bilang secretary lang sa mga ito. Hindi na ako nagulat dahil ilang beses na niyang ginawa 'to. Victor apologized and began to explain what happened. "I fetch my secretary but I caught her beating by her husband. Hindi ko naman matiis na hindi siya tulungan kaya natagalan kami sa pagdating. Sometimes hindi talaga nakakatulong ang pagiging mabuting tao." "Don't say that, Mr. Oliveros! You did a right thing! Hindi ba, Miss Natalia?" Nakabaling na tanong sa akin ng matanda. "Tama kayo, Mr. Nunez. Sir Victor did the right thing. Baka kung hindi siya dumating ay baka hindi lang ito ang natamo ko." Kinagat ko ng madiin ang loob ng bibig ko at pinigilan na huwag maiyak sa sama ng loob. "Ahm, excuse me, I need to go to the restroom." Magalang na paalam ko sa mga ito. Paalis na ako ng mabangga ako sa isang lalaki. I looked up and gasped when I saw his face. Ngayon lang uli ako nagwapuhan sa ibang lalaki bukod sa asawa ko—no, hindi lang siya basta gwapo, he is a perfect example of a God greek look-a-like man. Matangkad. gwapo at matipuno ang katawan. Parang nililok ng isang magaling na pintor ang angkin nitong kakisigan. "Ninong!" Tawag ni Victor sa lalaki. Ninong? Ninong ng asawa ko ang lalaking ito? Paano nangyari 'yon gayong mukhang wala pa itong forties? O baby face lang talaga ito? Gumilid ako para bigyan ito ng daan. Pagtingala ko ay nahuli ko siyang tumingin sa akin. Yumuko agad ako para itago ang mukha ko. Baka mamaya visible na pala ang pasa ko. Bago ako maglakad palayo ay lumingon ako. Nakita ko ang pagkawala ng ngiti sa labi ng asawa ko ng hindi tanggapin ng Ninong nito ang nakalahad na kamay nito. Malamig ang pakikitungo nito sa asawa ko: Pamilyar ang lalaki. Saan ko nga ba nakita ang taong 'yon? Inalala ko sandali kung sino nga ba ito Nanlaki ang mata ko ng maalala ko ito. It was Anzel Quinn—ang tagapagmana ng IDC Company. Hindi ko akalain na ninong ito ng asawa ko. Hindi nito nabanggit sa akin na may koneksyon ito sa pamilya ng mga Quinn. Halos baliktarin ko ang bag ko pagdating sa restroom. Hindi ko makita ang compact powder ko at concealer. Mukhang naiwan ko ito sa pagmamadali. Tumingin ako sa salamin. Medyo halata ang pasa ko sa gilid ng labi. I'm wearing an Aran knit slipover. Pinailaliman ko ito ng Ralph Lauren shirt blouse long sleeve at pinarisan ng Wimbledon pleated skirt. White rubber shoes at puting sumbrero. I looked beautiful in this outfit. I suits perfectly to me. Hindi nila alam ay marami akong pasa na nakatago sa ilalim ng long sleeve na suot ko. Nag init ang sulok ng mata ko ng maalala ang sinabi ni Victor kanina. Ginamit ako nito para bumango ang pangalan niya. Naging bayani pa ito sa mata nila Mr. Nunez. Naging bayani ito sa pananakit na siya naman talaga ang may gawa. Pagkalabas ay nabangga ako sa matigas na katawan. Nakayuko ko kasing inaayos ang pagkatupi ng suot kong long sleeve. Pagtingala ko ay nagtama ang mata namin ng ninong ng asawa ko. Sinuri ko ang kabuohan nito. Gwapo. Matangkad. Mukhang nasa thirty-six, or thirty eight pa lang ang edad. Kapansin-pansin ang malaki nitong pangangatawan. Halatang alaga iyon sa ehersisyo.NAGTULUNGAN kami sa pagluluto para sa gabihan. Nasa studyroom kasi si Anzel at may kausap. Alam kong pagod ito kaya hindi ko na ito pinagluto. Saka ako ang babae sa amin, nandito rin sila mama at Leisa kaya may katulong ako sa paghahanda ng makakain. Pagkatapos magluto ay umakyat ako sa studyroom para tawagin ito. Napahinto ako sa pagpasok ng marinig ko ang sinabi nito sa kausap nito. “Great. Bantayan niyo at wag hahayaan na mawala sa paningin ninyo ang taong iyan. Gusto kong malaman ang bawat galaw niya.“ Sino ang pinapabantayan niya? Dahan-dahan kong tinulak ang pinto at pumasok. Nakita ko ito na kuyom ang kamao at nakatiim ang bagang habang nakikipag-usap. “Sa oras na manggulo siya at magtaka na saktan uli ang asawa ko ay ako mismo ang magbabalik sa kanya sa loob ng kulungan. Magpasalamat siya dahil ama siya ni Natalia. Kung hindi ay baka hindi lang suntok ang nagawa ko sa kanya!” Bumuntonghininga ako. Akala ko tungkol sa negosyo ang pinag uusapan ng mga ito. May inut
“Are you okay?” Tumango ako sa kanya. Nandito na kami sa loob ng kotse ngayon. “Si mama dapat ang tanungin mo. Mukhang nabigla yata siya sa ginawa mo.” Nguso ko sa isang sasakyan kung nasa’n silang dalawa ni Leisa. Pumikit ako ng pahirin niya ang nabasang luha sa pisngi ko. Agad pala ako nitong sinundan ng sabihin ni Jose ang sinabi ko. “Sa susunod wag kang aalis ng wala ako. What if hindi ako dumating? Paano kung may nangyari sayo?” Yumuko ako. “Sorry. Ang totoo niyan nahihiya talaga ako sayo.” Amin ko. “Alam ko kasi na pera na naman ang dahilan kaya nakipagkita si papa kay mama. Saka alam ko naman na susunod ka. Palagi ka kayang dumadating kapag kailangan kita.” Tumingala ako sa kanya at puno ng tiwala ang mga mata na tumingin sa kanya. “Ramdam kong dadating ka.” Lumamlam ang mata niya sa sinabi ko. Nakita ko ang pagsilay ng mumunting ngiti sa labi nito. “Nah. Hindi porke alam mong mahal na mahal kita papairalin mo ang pagiging kampante mo. I want you safe, mine. Mang
Dumaloy ang masaganang luha sa mga mata ko. Damang-dama ko ang labis na pagsisisi ni mama sa pambabalewala na ginawa niya sa amin noon. Kahit si Leisa ay napahagulhol. Hindi na siya ang dating asawa na noon ay pipiliin na balewalain kami at tahimik na iiyak sa gilid, na walang gagawin kundi ang sumang ayon sa lahat ng sasabihin ni papa. Ang ina na nakikita namin ngayon ay matapang at natuto ng mahalin ang sarili niya at piliin kaming mga anak niya. Ina na pipiliin kong tularan balang araw at ipagmamalaki ko. “Pinili ko sila dahil natauhan ako, Nando. Natauhan ako at nagising at iyon ay dahil sayo.” Wika ni mama na parang naging sampal kay papa. Nagulantang kami ng hampasin ni papa ang mesa ng malakas. Nag aalalang nilapitan namin si mama. “Ano ang sabi mo? Pipiliin mo na sila ngayon kaysa sa akin na asawa mo?! Nagkapera ka lang yumabang ka na ngayon! Bakit sino ang pinagmamalaki mo? Ang mga anak mo?! Walang mag aalaga sayo kapag tumanda ka! Sa akin at sa akin pa rin ang ba
Nanlaki ang mata ko sa gulat. Nakalaya na si papa? Kailan pa? “Papunta na ako diyan! Si Leisa?” “Sinundan niya sila mama, ate! Tatawagan ka daw niya para sabihin sayo kung saan ni papa dadalhin si mama!” Nagmamadali kong binulsa ang phone ko at pumasok sa loob ng opisina. Lumabas ako at nilapitan si Jose. Halatang nagtataka ito dahil sa pagkataranta ko at pamumutla. “Ang sir mo?” Kumamot ito sa ulo. “Nakalimutan ko sabihin, ma’am. Umalis sandali si sir. Dumating kasi si Sir Em kaya lumabas sandali.” Tumingin ako kay Natnat. Ayoko itong iwa pero hindi ko ito pwdeng isama. “Pwede bang bantayan mo muna si Natnat? Pagdating ni Anzel sabihin mo umuwi ako. Babalik din agad ako!” Sabi ko kahit hindi ko alam kung makakabalik agad ako. Lumuhod ako at humarap sa anak ko. “Hintayin mo si papa, okay? Kapag dumating siya sabihin mo pinuntahan ko si lola. Hmm? Mag-behave ka, okay?” “Okay po, mama!” Ngumiti ako ng pilit sa harapan niya. Ayoko kasing magtaka ito kapag napansin na
“WOW, Ate!!! Ang ganda!!!” Mangha na mangha na bulalas ni Pete ng makita ang magiging kwarto niya. “Nagustuhan mo ba?” Tanong ni Anzel. “Aba hindi lang gusto… mahal na yata, kuya!” Natawa ako sa sagot ni Pete sa asawa ko. Nasopresa ito dahil nagpalagay si Anzel dito ng malaking aquarium at sa kabilang side malapit sa mini library ay kulungan naman ng mga pusa. Parang naghugis puso tuloy ang mata ng kapatid ko. Si mama naman ay daig pa ang nasa loob ng isang royal palace ang loob ng kwarto. Puro maroon at gold ang kulay ng mga gamit sa loob nito. Kay Leisa naman ay puro kulay pink ang disenyo. At siyempre ang kwarto naman ng anak namin ay puno ng mga mamahaling Figure ng mga kilala at sikat na Superheroes. Pinagawa pa ng daddy nito ang karamihan do’n sa ibang bansa para sa kanya. Sa susunod na linggo pa kami lilipat pero parang gusto ng tumira dito nila Pete at Leisa. Tingin ko nga pati si mama gusto na rin lumapit kami. “Mali-late ka na!!!” Ani ko kay Anzel ng maalala na m
(Natalia pov) Hindi ko mapigilang mapangiti habang namimili kami ng mga kagamitan sa bahay kasama sila mama, Leisa at Pete. Paano ay kanina pa tanong nang tanong ang mga ito kung sigurado kami ni Anzel na gano’n kamahal ang bibilhin naming gamit para sa mga ito. Nandito kasi kami ngayon sa isang Furniture shop upang mamili ng mga kagamitan na gagamitin para sa magiging kwarto nila. Noong una tumanggi sila mama na tumira kasama namin. Nakakahiya daw dahil dagdag bagahe daw sila sa aming mag asawa. Pero si Anzel mismo ang nagsabi na walang dapat ipag alala. “Pamilya ko sila kaya pamilya na daw niya ito” kapag naaalala ko ang mga sinabi ni Anzel ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na maging emosyonal. Pati sila mama at mga kapatid ko ay naging emosyonal din gaya ko ng sabihin iyon ng asawa ko. “Ay diyos ko… tatlong daang libo ito? Ang mahal nama nito, anak! Pwede na tayo bumili ng lupa sa presyong ito!” Bulalas ni mama ng makita ang isang set ng sofa na naka-display na kulay mar
"Hindi ka lang nabayaran agad ay nagkakaganyan ka na? Wag kang mag alala dahil babayaran kita—a-ano ba—w-wag mo nga akong hawakan... ahhh." Hindi ko matuloy ang sinasabi ko sa tuwing humahaplos ang kamay niya sa hita ko. Yung kuryenteng naramdaman ko kanina ay mas lalong sumidhi. Wala naman ak
“Saan ka galing?” Napahawak ako sa dibdib sa gulat. “Alam mo bang nag aalala na kami? Dalawang araw kang nawala. Akala namin pina-salvage ka na ng asawa mo.” Ani ni Jeffy. “Ex. Hiwalay na kami no’n.” humawak ako sa leeg ko ng tingnan ako ni Meryl. Napalunok ako ng laway. Hindi kaya may markang na
"Parang hindi minahal, ah..” "Yun na nga. Ano ba ang nagustuhan ko sa kanya at tatlong taon bago ako natauhan." Bumuga ako ng hangin. Gusto ko sanang sabihin sa kanila ang tungkol sa problema ko pero nahihiya na ako. Alam kong mag ooffer sila ng tulong. Sobra-sobra na ang naitulong nila kaya ay
Isang linggo pa lang ay gamay ko na ang trabaho at mga product na nasa shop. Karamihan dito ay mga Thailand product at Korean product. Mas mabili kasi ito dahil epektibo. Magaling ako makisama kaya hindi na ako nahirapan na makisama sa mga tauhan ng shop ni Meryl. Alas singko pa lang ay nagsasarado







