LOGINGumilid ako para paraanin ito. Kumunot ang noo ko. Guni-guni ko lang ba, o talagang nagtagal ang mata nito sa sugat sa gilid ng labi ko?
Hindi kaya kita na ang pasa ko? “Daan na ho kayo, Sir.” Nakanging iminuwestra ko ang kamay sa daan subalit hindi ito natinag sa kinatatayuan. “May problema ba, Sir?” Nakatayo lang kasi ito. Nakapamulsang nilagpasan ako nito. “Tingnan mo ‘yun ang sungit. Uso ba sa mayayaman ang ganyang ugali ngayon?” Bulong ko habang pabalik ako. Nadatnan ko si Victor na masayang kausap si Mr. Nunez. Nang makita ako ng asawa nito ay inanyayahan ako nito na maglaro ng golf malayo sa pwesto ng mga asawa namin. Mabait si Mrs. Nunez, hindi matapobre o mapagmataas kagaya ng iba. Yun nga lang ay puro tungkol sa pag aasawa ang bukambibig nito simula ng mapagsolo kaming dalawa. “Think about what I said, Miss Natalia. Baka may pagkukulang ka kaya ka niya sinasaktan. Hindi mo malalaman kung hindi kayo mag uusap ng masinsinan. Ganyan din noon ang asawa ko, but he changed himself when he told his side and when I told mine. Pareho kami may pagkukulang na napunan namin agad. Kausapin mo ang asawa mo upang malaman ninyo ang kakulangan ninyo sa isa’t isa.” Tumingin ako kay Victor. Tama si Mrs. Nunez baka may pagkukulang nga ako. Nang mapagod sa paglalaro ay niyaya ako nitong magpahinga. Sinamantala ko ang pagkakataon upang makausap ang asawa ko. “Dad, paano ko gagawin ‘yun kung walang ginawa ang dating kaibigan mo kundi ang ipahiya ako?!” Mainit ang ulo na kausap ng asawa ko sa biyenan kong lalaki. Hindi na tumuloy dahil alam kong mapagbabalingan lang ako ng galit nito. Hinintay kong lumamig ang ulo nito ngunit dumating si Mr. Nunez kaya hindi na ako nakalapit sa kanya. Bumalik ako sa mesa namin ni Mrs. Nunez at inaliw na lang ito kagaya ng utos sa akin ni Victor. Pagkauwi sa bahay ay sumalubong sa amin ang magulang ng asawa ko. Nagtaka ako dahil nagpunta ang biyenan kong lalaki. Sa loob ng tatlong taon naming pagsasama ng anak nito ay hindi kami dinalaw nito. Hindi ako nito matanggap at nangako na saka lang pupunta sa bahay kapag hiwalay na kami ng anak niya. Bebes0 sana ako sa mga ito ng umatras sila sa akin palayo na tila pinandidirihan ako. Pilit na ngumiti ako kahit napahiya ako. “Napadalaw ho kayo, Dad.” Tumingin ako sa mommy ni Victor, “I’m sorry sa nangyari kanina. Hindi na mauulit ‘yon, Mommy.” Wala akong kasalanan pero ako pa ang humingi ng pasensya. Ayoko kasi na maging dahilan ‘yun para lalo nila akong ayawan para sa anak nila. “Nakakasawa na. Ilang beses ko ng sinabi na wag mo akong tawaging Mommy dahil hindi kita tanggap!” Pinaypay ng biyenan kong babae ang kamay sa mukha na bakas ang labis na pagkairita. Lumapit ang biyenan kong lalaki kay Victor at may inabot. “Napag isipan mo na daw sabi ng mommy mo ang tungkol dito. I’m glad you made a decision, son. Natauhan ka rin sa wakas!” Kumunot ang noo ko ng abutan ako ni Victor ng ballpen, kasabay na inabot niya sa akin ang lamang dokumento ng envelope na inabot dito ng kanyang ama. Nanlabo ang mata ko ng napipintong luha ng mabasa ko ang nilalaman ng dokumentong inabot niya. Isa itong divorce paper—na may pirma niya. Halos malukot ang hawak ko. “H-hindi ko maintindihan. Saan ako nagkulang? V-victor, ano ‘to?” Samo’t saring damdamin ang sumalakay sa dibdib ko. Panghihinayang, katanungan at sakit. “B-bakit tayo umabot sa ganito? A-ano ba ang nagawa ko para manlamig ka ng ganito? N-nangako ka sa akin na hindi mo ako sasaktan at iiwan. N-nangako ka!” Hindi ko na napigilan ang luha ko. “S-sabihin mo ang dahilan hindi yung iiwanan mo ako ng ganito. Saan ako nagkulang bilang asawa mo?” Hinilot nito ang noo na parang naiirita sa kadramahan ko. “Come on, Natalia. Just sign it. Wag ka magpanggap na walang alam. Alam mo ang tunay na dahilan kaya wag mo akong artehan na parang ang linis-linis mo. Alam mo kung saan kita napulot kaya wag kang magmalinis!” Totoo nga ang sinabi ng mama ko. Sa una lang masaya ang pag aasawa. Pagkatapos ng matatamis na pangako at salita ay masasaktan ka na. “Ano pa ang hinihintay mong babae ka? Pumirma ka na,” singit ng biyenan kong babae. “Wag kang mag alala dahil makakatanggap ka ng dalawang daang libo! Pwede kang magsimula ulit pagkahiwalay niyo ng anak ko. Wala akong paki kung ano ang gawin mo sa pera, magpatayo ka ng club, o kung ano pa man, wag mo lang uli lalapitan ang anak ko! Ano pa ang hinihintay mo? Pumirma ka na!” Dagdag nito. “Kung umaasa ka na madaragdagan ang perang ito, nagkakamali ka, Natalia. Ito lang ang offer na matatanggap mo mula sa pamilyang ‘to. Take it or leave it.” May mapanuyang dugtong naman ng ama ng asawa ko. Ang liit talaga ng tingin nila sa akin. Akala ko mala-fairytale ang buhay ko sa piling ni Victor, ngunit nagkamali ako. Mauuwi pala ito sa isang bangungot. “Kailangan ko pa bang lumuhod para pumirma ka?” Galit na bulong ng asawa kong walanghiya. “Wag mo akong ipahiya sa harapan nila! Pumirma ka na at maglaho na sa buhay ko. Hindi ko na kayang itago ang baho ko!” Maang ko siyang tiningnan. “Kaya mo ba ako tinago dahil isa lang akong baho para sayo?” “Oh come on! Ano ba ang gusto mong itawag sayo ng aking anak? Kayamanan? Kayamanang napulot sa club?!” Namula ako sa galit at hinanakit. Iyon pala ang tingin nila sa akin—sa akin ng asawa ko. Isang baho kaya itinago niya ako. Pinahid ko ang luha gamit ang likod ng palad ko. Kahit masakit ay pumirma ako. Ayoko na, sawa na akong maghintay na mahalin at ipaglaban niya. Natauhan na ako. Alam kong hindi na darating ang araw na ‘yon. Pagkatapos pumirma ay maingat kong nilapag sa mesa ang divorce paper naming dalawa. Kumikislap ang mata ng magulang ni Victor, tuwang-tuwa na mawawala na ako sa buhay ng anak nila. “Look, Natalia. Bata pa tayo noong alukin kita ng kasal. Hindi pa ako marunong kumilala ng malinis sa hindi. Immature pa ako at walang alam sa pagpili ng tamang babae. Intindihin mo naman ako. Para din naman sa atin ito.” Kumuyom ang kamay ko. Paulit-ulit na sampal sa akin ang sinabi nito. Napakasakit marinig mismo ito sa lalaking minahal ko. “Ako din, Victor. Hindi pa ako marunong kumilala ng lalaking may bayag at kayang tumayo sa sarili niyang paa at manindigan ng desisyon. Lahat ng iyon ay wala ka, Victor.” Patuya kong saad bago ito talikuran. NAMAMAGA ang mata na kumatok ako sa bahay ng Tita ko. Ito ang kaisa-isang kamag anak na mapagkakatiwalaan ko kaya dito ako pumunta. Nagulat ito ng makita ako. "Ano ang nangyari sayong bata ka?!" Pinapasok ako nito at inakay hanggang sa sala. Nang makita nito ang maleta kong dala ay bumuntonghininga ito ng mahulaan ang biglaan kong pagdating sa kanila. Umiiyak na yumakap ako rito. "Tama si mama, Tita... tama siya. Kung nakinig lang sana ako noon sa kanya. Hindi sana ako nasasaktan ng ganito ngayon.” Binalaan na ako noon ni mama na masyado pa akong bata para magpakasal. Ngunit hindi ako nakinig at nagpadala sa damdamin ko. Ngayon kahit magsisi ako ay huli na ang lahat. Nasayang na ang tatlong taon ng buhay ko sa lalaking walanghiya at walang bayag. Akala ko iba ito sa ama ko, subalit mali ako. "Wala na tayong magagawa, nangyari na. Ang magagawa mo na lang ay mag move on at kalimutan siya.” Pinahid ko ang luha. Tama ito. Kailangan kong magmove on. Kahit hindi madali at sariwa pa ang sakit ay kailangan kong magpatuloy. "Ano? Dalawang daang libo lang ang inoffer sayo? Kung tutuusin ay kulang pa 'yon! At saka bakit hindi mo tinanggap? Pagkatapos ka nilang tratuhin na masama sa loob ng tatlong taon dapat tinaasan nila! Mga salbahe talaga ang pamilya ng ex mo!" Nagpatiuna itong pumunta ng kusina. "Kumain ka na muna. Ang payat payat mo na!" Pagdating sa kusina ay pinagalitan ako nito. Hindi ko na daw sana pinairal ang pride ko at tinanggap ang perang binigay ng asawa ko. Para kahit papano ay makapagsimula ako. Pero kung gagawin ko 'yun ay lalo lang bababa ang tingin nila sa akin. Iisipin ng mga ito na pera lang ang habol ko sa asawa ko. Mabuti na rin ang ginawa ko para wala silang maisumbat sa akin. Kilala ko si Victor at ang pamilya nito, lalo nila akong kukutyain kapag ginamit ko ang perang galing sa kanila para makaahon. "Alam na ba ng papa mo na hiwalay na kayo?" Nag aalala nitong tanong. Nakahinga ito ng umiling ako. "Mabuti naman. Mas mabuti pang wag na lang niyang malaman." May takot na dumaan sa mata ko ng tumango ako. "Iyon din ang naisip ko. Baka kapag nalaman niya na hiwalay na ako ay ibenta na naman niya ako. Siguro naman karapatan ko ng lumaya sa anino niya ngayon nasa tamang edad na ako." Naaawang tumingin sa akin si Tita Tess. Palagi itong nasa tabi ko noon at kakampi ko sa lahat ng oras. Pero wala itong laban sa papa ko. Kagaya ng mama ko ay wala itong magawa para protektahan ako. Nag init ang sulok ng mata ko ng bumalik sa isip ko ang dahilan kaya ako napunta sa club noon. Matagal na 'yon kaya dapat kalimutan ko na. Ang dapat kong isipin ay kung paano ko kakalimutan si Victor. "Bata ka pa, Natalia. Marami ka pang panahon para maging masaya. Nagkamali ka lang ng lalaking minahal. Hindi pa huli ang lahat. Magiging masaya ka din maniwala ka." "Salamat, Tita. Buti na lang nandiyan ka. Sa ngayon ayoko na munang magmahal. Natatakot na akong masaktan. Ang iisipin ko muna ay kung paano ako makakalayo kay Papa. Hindi gaganda ang buhay ko kapag nanghimasok ulit siya sa buhay ko. Tita, may balita ka na sa kapatid ko?" Tanong ko ng maalala ito. Nang umiling ito ay pumikit ako at nagpakawala ng malalim na hininga. "Isipin na lang natin na nasa mabuti siyang kalagayan. Sigurado ako na maayos lang siya kung nasaan man siya ngayon kaya wag kang mag alala. Ang mabuti pa ay magpahinga ka na sa kabilang kwarto. Linisin mo na lang dahil puro lumang gamit at alikabok na 'yon. Siya nga pala lumabas ka kasama ng mga kaibigan mo para hindi ka mabaliw sa kakaisip sa dati mong asawa. Baka mamaya magulat na lang ako makipagbalikan ka sa kanya." "Tita, naman. Hindi ako marupok 'noh. Hindi na ako babalik sa walang bayag na lalaking 'yon." Natawa ito sa sinabi ko. "Aba dapat lang. Ayokong magaya ka sa mama mo na hanggang ngayon ay martyr pa rin sa ama mo. Sige na pumasok ka na at magpahinga!" Tumingin ako sa daliri ko na wala ng singsing. Bakat pa ang singsing na inalis ko rito kanina bago ako umalis ng bahay namin ni Victor noon. Ang bata ko pa para maging seperada. Nakakahiya kung malalaman ng iba na hiniwalayan ako ng asawa ko kahit sariwa pa ako at bata. Naalala ko ang sinabi nito sa akin. Hindi ko matanggap na tinuring niya ako na isang baho kaya niya ako itinago. Oo nagtrabaho ako sa club noong nakilala niya ako. Ngunit kakasimula ko pa lang noong araw na 'yun. Malinis pa ako ng pakasalan niya ako. Tumayo ako sa salamin at sinipat ang katawan at mukha ko. I'm twenty-one and still fresh. Tapos si Victor mukha ng uhuging kwarenta anyos na medyo panot na kahit bente kwatro palang ito. Dahil sa pressure sa trabaho at pamilya ay nagmukha itong matanda. "Ano ba ang nakain ko at gwapong-gwapo ako sa kanya noon?" Hindi naman ito gwapo, average lang ang itsura nito. Kung tutuusin mas mukha itong basura sa aming dalawa. Basura na ang mukha, basura pa ang pag uugali. Kinuha ko ang phone ko ng tumawag ang kaibigan kong si Jeffy. Isang malakas na "Konichiwa" ang bungad nito kaya halos mabingi ako. Dati ko itong katrabaho sa club noon. Naging malapit kami nito hanggang sa makapag-asawa kami. Nakapag asawa ito ng Japanese at isang Afam naman ang napangasawa ng isa pa naming kaibigan na si Meryl. "On the way na kami ni Meryl sa bahay ng Tita mo. Nakabihis ka na ba?" Kumunot ang noo ko. "Gagi hindi ko ba nabanggit sayo na magpapapakasaya tayo ngayong gabi para tulungan kang makalimot?" Nang hindi ako agad nakasagot ay pumalatak ito. "Don't tell me na wala kang plano bukod sa magkulong sa kwarto? Hello! Paano mo makakalimutan ang gag0 mong ex kung wala kang gagawin?! Come on, Natalia! Have some fun and enjoy your single life! Hindi kawalan ang Victor na 'yon para buruhin mo ang sarili mo diyan! Magbihis ka na parating na kami ni Meryl! See yah!" Pumasok si Tita Tess na may dalang cocktail dress na kulay pink. "Tumawag sa akin si Meryl, on the way na daw sila ni Jeffy. Tamang-tama dahil nandito pa ang dress ng kapatid mo. Ito ang suotin mo sa lakad niyo ng mga kaibigan mo mamaya." Nahulaan nito na tatanggi ako kaya inunahan na niya ako. "Hindi ko naman sinabi na maghanap ka ng bago, ang akin lang lumabas ka para hindi ka maburyo. Mas madali kang makakalimot kung lalabas ka at lilibangin ang sarili mo. Oh siya lalabas na ako. Iiwanan ko na lang na bukas ang gate para makapasok ang mga kaibigan mo. May bibilhin lang ako. I-lock mo na lang ang gate pagkaalis niyo." “Sige, Tita.” Tama si Tita. Baka mabaliw ako kapag nagkulong lang ako sa kwarto. Saka matagal na rin kaming hindi nakakalabas ng mga kaibigan ko. Maganda na rin 'to para libangin ang sarili ko.“WOW, Ate!!! Ang ganda!!!” Mangha na mangha na bulalas ni Pete ng makita ang magiging kwarto niya. “Nagustuhan mo ba?” Tanong ni Anzel. “Aba hindi lang gusto… mahal na yata, kuya!” Natawa ako sa sagot ni Pete sa asawa ko. Nasopresa ito dahil nagpalagay si Anzel dito ng malaking aquarium at sa kabilang side malapit sa mini library ay kulungan naman ng mga pusa. Parang naghugis puso tuloy ang mata ng kapatid ko. Si mama naman ay daig pa ang nasa loob ng isang royal palace ang loob ng kwarto. Puro maroon at gold ang kulay ng mga gamit sa loob nito. Kay Leisa naman ay puro kulay pink ang disenyo. At siyempre ang kwarto naman ng anak namin ay puno ng mga mamahaling Figure ng mga kilala at sikat na Superheroes. Pinagawa pa ng daddy nito ang karamihan do’n sa ibang bansa para sa kanya. Sa susunod na linggo pa kami lilipat pero parang gusto ng tumira dito nila Pete at Leisa. Tingin ko nga pati si mama gusto na rin lumapit kami. “Mali-late ka na!!!” Ani ko kay Anzel ng maalala na m
(Natalia pov) Hindi ko mapigilang mapangiti habang namimili kami ng mga kagamitan sa bahay kasama sila mama, Leisa at Pete. Paano ay kanina pa tanong nang tanong ang mga ito kung sigurado kami ni Anzel na gano’n kamahal ang bibilhin naming gamit para sa mga ito. Nandito kasi kami ngayon sa isang Furniture shop upang mamili ng mga kagamitan na gagamitin para sa magiging kwarto nila. Noong una tumanggi sila mama na tumira kasama namin. Nakakahiya daw dahil dagdag bagahe daw sila sa aming mag asawa. Pero si Anzel mismo ang nagsabi na walang dapat ipag alala. “Pamilya ko sila kaya pamilya na daw niya ito” kapag naaalala ko ang mga sinabi ni Anzel ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na maging emosyonal. Pati sila mama at mga kapatid ko ay naging emosyonal din gaya ko ng sabihin iyon ng asawa ko. “Ay diyos ko… tatlong daang libo ito? Ang mahal nama nito, anak! Pwede na tayo bumili ng lupa sa presyong ito!” Bulalas ni mama ng makita ang isang set ng sofa na naka-display na kulay mar
Lalong nanubig ang bagang nito ng makita ang dibdib ko na tayong-tayo. Napahawak ako sa naghuhumíndig nitong sandatá ng dilaan niya ang ut0ng ko. “Ugh. Tangna hawak mo pa lang parang lalabasán na ako. Anong mayro’n sayo kaya kahit ang hawak mo ay halos ikabaliw ko?” Kinabit niya ako kaya napaupo ako ng tuluyan sa kahabaan niya na tayong-tayo na para bang handang sumabak sa giyera. Nasaktan ako ng tumama iyon sa buto ng gitna ko kaya umusod pa ako, napangangá kami ni Anzel ng sabay ng hindi nakatiis na hinatak niya ako at i-usod para sumakto ang galit na galit nitong arí sa bukanà koz “Fvck! Ughh!” “Ahhh!” Halos mapugto ang hininga ko sa sarap ng sumagad ang sandatá ng asawa ko sa loob ko. Hindi agad ako nakagalaw. Parang may nakatarak na malaki at matabang tubo sa pagkababáe ko sa laki nito. “Come on, Nat. Move your hips. Let my c0ck savor your wet and delicious core!” Dumiin ang hawak ko sa matipunong braso ni Anzel ng ito mismo ang magtaas-baba ng katawan ko. Ang sabi n
(Natalia pov) “Saan ba kasi tayo pupunta?” Tanong ko kay Anzel habang nakatakip ang dalawang kamay nito sa mata ko. Niyaya kas ako nitong umalis kanina. Hindi naman nito sinabi kung saan kami pupunta kaya kanina pa ako nanghuhula. “Wag mo sabihin na itatanan mo na ako?” Biro ko. Tumawa ito sa sinabi ko. “I hope you like it, mine.” Pagkatanggal niya ng kamay at tumambad sa harapan ko ang pinapagawa niya dating bahay. Tapos na ito ngayon at mukhang pwede ng lipatan. Tumingin ako sa kamay ko ng ilagay niya ang susi ng bahay sa kamay ko. “If there’s a marriage proposal, I guess there is also a proposal to live with me.” Tumingin siya ng may pagsamo sa mata ko. “Let’s build our family here, mine. Sumama ka na sa akin, kayo ni Natnat sa akin. Walang saysay ang bahay na ito kung wala kayo ng anak natin.” Nag init ang sulok ng mata ko. Yung mga kataga na pinangarap ko lang noon na marinig sa kanya, mga kataga na matagal ko ng gustong maranasan ay nangyari na. Sinaktan niya ako noon p
Tulala at nakatingin sa kawalan na lumuluha na naiwan ang ina ni Victor. Galit na tumingin ito sa asawa. “Kasalanan mo ‘to! Kung hindi ka nagsinungaling ay hindi magkakaletse-letse ang pamilya natin! Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito!” “Ako?!” Galit na hinaklit ni Vic ang braso nito. “Ginusto mo rin ang ginawa kay Natalia! Aminin mo, nagseselos ka pa rin kay Tes hanggang ngayon kaya ang pamangkin niya ang ginantihan mo! Wag mong isisi sa akin ang lahat! Pareho lang tayong dalawa!” Galit na tumayo ito. “Ako?! Kung hindi ka nambabae at hindi mo inutusan ang babaeng ‘yon na paikutin si Anzel noon hindi mangyayari ang lahat ng ito, Vic! Hindi ka na nga naging mabuting asawa, hindi ka pa naging mabuting ama! Ikaw ang may kasalanan ng lahat kung bakit galit sa atin ang nag iisa nating anak!” Humagulhol ito. “A-ano na ang gagawin natin ngayon, Vic? Kapag kinalaban niya si Anzel baka mapahamak siya! Gumawa ka ng paraan para pigilan siya! Gumawa ka ng paraan!” “Oo na! Mag iisip ako
Napalundag ang ina ni Victor ng ibato niya ang cellphone sa pader. “A-ang tanga tanga ko dahil nagpasulsol ako sa inyo! Gusto niyp ako maging masaya at tutukan ang kumpanya ng walang balakit? Asawa ko si Natalia, hindi siya magiging balakit kung tinanggap niyo siya! Sa tingin niyo sasaya pa ako pagkatapos kong malaman ang totoo? P-Pagkatapos akong iwan ng babae na minahal lang ako noon? Hindi na… hindi na at dahil iyon sa inyo!” Suminghot ang mommy ni Victor. Hindi niya kinaya ang nakikitang paghihirap at sakit sa mata ng kanilang anak. Ito ang bunga ng kanilang ginawa. Akala nila kapag nawala si Natalia ay makakalimutan agad ito ni Victor ngunit mali siya. Kung hindi lang sana pamangkin si Natalia ng naging kalaguyo ng kanyang asawa ay baka matanggap niya ito. “Wag na natin pagtalunan ang taong patay na, Victor. Tama ang mommy mo, wala ng magagawa ang paninisi mo sa aming dalawa!” Tumawa ito ng pagak. “Patay? Akala ko rin, dad. Pero hindi pa patay si Natalia. Buhay siya at k
Isang linggo pa lang ay gamay ko na ang trabaho at mga product na nasa shop. Karamihan dito ay mga Thailand product at Korean product. Mas mabili kasi ito dahil epektibo. Magaling ako makisama kaya hindi na ako nahirapan na makisama sa mga tauhan ng shop ni Meryl. Alas singko pa lang ay nagsasarado
"Hindi ka lang nabayaran agad ay nagkakaganyan ka na? Wag kang mag alala dahil babayaran kita—a-ano ba—w-wag mo nga akong hawakan... ahhh." Hindi ko matuloy ang sinasabi ko sa tuwing humahaplos ang kamay niya sa hita ko. Yung kuryenteng naramdaman ko kanina ay mas lalong sumidhi. Wala naman ak
“Saan ka galing?” Napahawak ako sa dibdib sa gulat. “Alam mo bang nag aalala na kami? Dalawang araw kang nawala. Akala namin pina-salvage ka na ng asawa mo.” Ani ni Jeffy. “Ex. Hiwalay na kami no’n.” humawak ako sa leeg ko ng tingnan ako ni Meryl. Napalunok ako ng laway. Hindi kaya may markang na
“Kakain ka, o tatayo ako at pakakainin kita sa paraang gusto ko. Choose, Natalia.” Naniningkit ang mata ko. “Tinatakot mo ba ako?” Tumaas ang sulok ng labi nito. “Sa anong paraan mo ba naisip na pakakainin kita?” Hindi ako nakasagot. “Tell me, sa anong paraan? Gusto kong malaman.” Nang mamula a







