Home / Romance / Wild Plan: CEO's Desire / Chapter 166 - The initials

Share

Chapter 166 - The initials

Author: Aceisargus
last update Last Updated: 2025-04-22 23:48:14

"What?"

Naglapat ng mariin ang labi ni Raine. "Magbibihis lang ako at dapat pagbalik ko rito ay wala na 'yan sa katawan mo. Huwag mo akong hamunin, Crassus," malamig na wika niya.

Saka siya umalis sa harap ni Crassus. Pumasok siya sa closet room nila para magbihis. Nilapa niya ang kanyang tote bag sa mesa. Tahimik siyang nagbibihis at nang matapos ay lumabas kaagad siya.

Naikuyom niya ang kanyang kamay nang hindi man lang natinag mula sa kinatatayuan si Crassus. Mataman itong nakatitig sa kanya habang nakapamulsa. Nang maanalisa niya na wala itong balak na hubarin ang damit ay mabilis siyang lumapit. Marahas niyang tinanggal mula sa pagkabutones ang suot nito.

Pinigilan ni Crassus ang kamay ni Raine. "What are you doing?"

"Tatanggalin ko ang damit. Ayaw mong maghubad kaya ako na ang gagawa," sagot ni Raine.

Hinila nito ang kamay niya. "Bakit ba galit na galit ka?"

"Huwag ka ng magtanong. Basta hubarin mo na lang iyang damit," hirit pa ni Raine.

Pero hindi nakinig si Crassus. Pinigila
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
ayayyy nagustuhan Niya Raine Kaya tumigil kna SA pagsinti mo
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 273- End of us

    Dinampot ni Crassus ang kanyang susi ng sasakyan. Bago siya tumalikod ay tinitigan niya muna si Raine."Are you sure about this?" Crassus asked for the second time.Ngumiti ng pilit si Raine para hindi mahalata ni Crassus ang nararamdaman niya. "Oo." Itinaas niya ang kanyang noo. "Matagal ko ng gustong gawin ito, Mr. Almonte."Crassus nod. "If you need help, don't hesitate to call me.""Oo naman," magaan na sagot ni Raine. "Hindi pa naman ako makakalimot."Mataman na tinitigan ni Crassus si Raine. "Ayaw mo bang bigyan ng chance ang sarili mo para sa ating dalawa? I mean..." He shrugged. "Maybe we can work this out."Umiling si Raine." Ayaw ko ng umasa pa." Muli niyang kinalikot ang kanyang kuko. "Hindi porke umamin ako sa'yo ay pwede pang maisalba kung anuman ang namagitan sa atin, Crassus. Ikaw mismo ang nakakaalam kung bakit. Kung ipipilit pa natin, mas lalo lang tayo masasaktan."Lumamlam ang mata ni Crassus. May gusto pa sana siya sasabihin pero mas pinili na lang niya na huwag

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 272

    Nagkasukatan ng tingin sina Raine at Crassus. Parehong ayaw magpatalo sa pagtitigan ang dalawa. Bagaman nalulungkot man si Raine dahil sa nangyayari sa kanila ngayon, mas pinili na lang niya na hindi na magpakahina sa harap nito. Pinagbigyan na niya kanina ang kanyang mata na umiyak pero hindi na ngayon. Pinilit niyang pantanyan ang pagtitig nito kahit na kakaiba na kung pumintig ang kanyang puso.Ayaw na niyang magpakahina sa harap nito, dahil anumang oras ay kaya nitong baliktarin ang senaryo. Baka kung hindi pa siya titigil sa pag-iyak ay may mangyayari na naman na hindi maganda. Blangkong tinitigan niya si Crassus. "Kung hindi ka papayag, maghahanap ako ng tao na pwedeng tumulong sa akin. Pwede ko naman siguro ito ilapit sa attorney," pananakot pa ni Raine nang hindi ipinutol ang pagtitigan nilang dalawa.Naglapat ng mariin ang labi ni Crassus. "Really?" He faked a laugh. "It's that what you want? Fine, you win but in one condition."Napaismid si Raine. "Kakalas na nga ako, may g

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 271

    Napatiimbagang si Crassus. Hindi siya papayag na basta-basta na lang ito mawawala sa tabi niya. Hindi siya papayag ito na lalayo ito sa kanya. Marami na itong nakuha. Maliban doon ay nagkalapit na rin ang loob nito kay Lolo Faustino.Binato niya sa paanan nito ang cellphone nito. Napaawang ang labi ni Raine."You're not going anywhere," Crassus hissed. His jaw are clenching while his eyes are burning in madness. Naikuyom ni Raine ang kanyang kamay. Biglang uminit ang kanyang ulo. Akala niya ay magiging madali lang ang lahat. Na papayag kaagad ito since siya ito lumabag sa rules nila. Binibigyan na nga niya ito ng pagkakataon para makasama muli nito si Tia. Tapos hindi ito papayag?"Baliw ka ba?" Bulalas ni Raine. Kinuha niya ang kanyang cellphone at kinipkip iyon sa dibdib. "Bakit ayaw mo pumayag? Nasa kontrata natin iyon. Ikaw mismo ang gumawa niyon pero bakit ayaw mong tumupad sa usapan?"Hinaklit ni Crassus ang braso nito. Napangsinghap si Raine. Sinubukan niyang pumalag pero inal

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 270 - Begging for her freedom

    Pagkatapos umamin ni Raine ay parang ilog na rumagasa ang damdamin niya. Namimigat ang puso niya. Sa tuwing naalala na naman niya ang kanyang pinagdaanan ay hindi niya maiwasang malungkot at maawa sa sarili. Ilang beses na siya nakatikim ng dagok sa kamay nito at sa ex nito pero kailangan niyang magpigil dahil lang sa kontrata nila. Naging martyr siya at tanga para lang mapasaya ito. Pait na ngumiti si Raine. "Alam mo ba kung gaano kabigat sa parte ko ang magselos ng palihim? Na kahit anong inis at galit ko sa Tia mo, hindi ko pwedeng ipakita dahil ex mo siya. Na hindi ko siya pwedeng saktan dahil siya ang mahal mo. Ano bang laban ko? Kontrata lang ang pinanghahawakan ko, Crassus. Hindi katulad ng sa kanya na may pinagsamahan talaga kayo. Ako ang asawa, pero hindi mo naman mahal. Ako ang kasama mo sa kama, pero hindi rin ako ang laman ng isip mo."Nabato si Crassus sa kanyang kinatatayuan. Biglang nanlamig ang kamay niya. Maging ang kanyang tiyan ay parang may paru-paro na nagsilapar

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 269- I like you

    Hindi kaagad makahuma si Crassus. Tahimik niyang tinitigan si Raine. Kakatapos pa lang nila mag-usap ni Alessandro at binalaan na siya nito na huwag i-stress si Raine. Kaya lumabas sila kanina para mapag-usapan nila ng maayos ang health conditions ni Raine. Para hindi nito dibdibin ang payo ni Alessandro.Pero sa naririnig niya ngayon, mukhang hindi nito mapigilan ang ma-stress. Gusto niya sana ay makabawi ito sa lakas nito pero sa nakikita niya ngayon, mukhang wala sa bokabolaryo nito ang pumreno. Sa bibig na nito nanggaling na mas gugustuhin pa nito na umalis. Hindi na siya magtatanong kung para saan pa.Surely, she wants to escape from him. From his domain, but he will not allow it. Pagkatapos ng mga naitulong niya rito? Hindi siya papayag na aalis ito sa tabi niya. Lalo na ngayon.Naglapat ng mariin ang labi niya. "I'm sorry but I can't fulfill your wishes. Maayos ang usapan natin, Raine. Na hindi tayo maghihiwalay hangga't hindi pa tuluyang gumaling si Lolo.""Gagaling ng kusa an

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 268- Ending their contract

    Mistulang tumigil sa pag-ikot ang mundo ni Raine nang marinig niya ang sinabi ni Manang. Lumunok si Raine. "S-siya po ang nagbabantay sa akin?""Oo." Marahan na tinapik ni Manang ang balikat niya. "Sabi ni Timo, inutusan daw ni Señor si Señorito lara bantayan ka. Pero sabi ni Señorito, hindi na siya kailangan pang pagsabihan dahil siya raw talaga ang magbabantay sa'yo. Nagulat ang Señor. Akala niya kasi ay puro Tia lang alam ng apo niya."Natahimik si Raine. Napatingin siya sa pagkain at ginagalaw lang iyon.Bigla niyang naalala ang nangyari sa villa. "Manang..." pambibitin pa ni Raine. "Noong nahimatay ako, may ganap pa ba sa bahay?""Oo, Señorita. Nako!" Umayos ng upo si Manang Lena. Kumuha siya ng isang saging. Binalatan niya iyon at binigay kay Raine. Kinagatan naman kaagad nito ang prutas."Nagkagulo sa bahay nang mawalan ka ng malay. Nasigawan ni Señorito si Ma'am Tia. Buti nga sa babaeng iyon. Sa kakasigaw ni Sir ay napalabas ng kwarto si Señor. Nang malaman niya na hinimata

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status