LOGINPANAY PA RIN ang pagtunog ng cellphone ni Raine. Nasa loob ng bus si Crassus kaya walang nangahas na magsalita. Tanging ang tunog ng pagbyahe at ang tunog ng ringing tone ng cellphone niya ang tanging naglikha ng ingay.
Nang tinulungan niya ito kagabi ay nasa paketa pa ng suot niya na trouser ang kanyang cellphone. Napaisip siya. Paano napunta sa amo nila ang kanyang cellphone? Siguro ay nahulog ito nang maghubad siya ng damit. Nakalimutan niya ang aparato sa kakamadali. Hindi siya nagpa anod sa dagat ng pagkagulat. Kaagad niyang sinita ang sarili nang mahinuhang halos matangay na siya sa agos nito. Saka lang niya naisip na baka sumakay ng bus si Mr. Almonte ay para komprontahin siya. Napalunok siya. Baka alam talaga nito na siya ang nakasama nito sa pagtulog. Isa pa panay ang pagtunog ng kanyang cellphone sa kamay nito. Idagdag pa ang sinabi ni Diana kanina na tiyak niyang narinig nito, kung pagtagpi – tagpiin ang lahat ay hindi malabong alam na ni Mr. Almonte ang nangyari. Nahulog sa malalim na pag – iisip si Raine. Nagtatakang tinitigan ni Diana ang kanyang kaibigan. Ininguso nito ang kanilang CEO. “Hoy!” “Tumigil ka nga!” Bulong pa niya at hinawakan ang kamay nito. Nilukop ng hiya si Raine. Hindi niya alam kung paano magpaliwanag. Para siyang isang pusa na nahuling nagnakaw ng pagkain. “Anong nangyari? Bakit napunta sa kanya ang cellphone mo?” Pang – uulit pa ni Diana sa mahina ng boses. “A-ano…” “Is this your phone number?” Mr. Almonte asked Diana while holding up Raine’s phone. The phone lockscreen showed,”Crazy Diana.” Crazy Diana kasi ang inilagay ni Raine na pangalan sa contact number. Tumango na parang naasar si Diana. Inismiran niya pa ang kanyang kaibigan bago sumagot. “Opo, Mr. Almonte. Nawawala kasi ang cellphone ni Raine kaya pina – tawagan niya sa akin ang phone niya.” Sabay lingon sa kaibigan. Nang binanggit ni Diana ang kanyang pangalan ay gusto niyang buksan ang bintana para lumundag. Gusto niyang maglaho ng parang bola dahil sa kahihiyan. “Your phone? Just now you were carrying the suitcase and your phone fell on the front seat.” Mr. Almonte turned his eyes on Raine. His eyes were indifferent but deep, although the eyes are very kind and familiar, they were deep, unfanthomable. Iyon ang nakita ni Raine nang magtama ang paningin nila. Bagay na hindi niya maintindihan. “S – sorry, k- kasalanan ko, salamat Mr. Almonte.” Kinabakabahan man pero yumuko nang bahagya si Raine. Gamit ang dalawang kamay ay kinuha niya ang kanyang cellphone sa kamay nito. Pagkatapos siyang sagipin ni Crassus mula sa kahihiyan ay kaagad itong tumalikod na parang wala lang. Siya naman ay naiwang tulala. Nang mahimasmasan ay nagpanggap siyang may tinipa sa cellphone pero hindi niya man lang ito binasa. Naglalakbay ang utak niya sa paraan ng pakikipag – usap nito. Ang paraan ng pagbalik nito ng kanyang cellphone ay parang binigyan siya nito ng pahiwatig. Kung pagbabasehan din ang galaw nito ay hangin lang siya kung ituring nito. Malinaw na malinaw na narinig ni Raine mula sa bibig nito. Sa paraan ng pagsalita nito. Na kung anuman ang nangyari kagabi ay iyon lang! Iyong lang at wala ng iba. Matanda na si Raine at alam niya ang aksiyon nito. Hindi sa hindi siya marunong maglaro at umitindi. Kung iyon ang gusto nito, sino naman siya para maghabol dito. Isa pa, sa kanilang dalawa ay siya itong nasa wastong hulog nang may namagitan sa kanila. Gusto niyang ituring na pawang isang panaginip ang nangyari kagabi. Isang sekreto iyon sa pagitan nilang dalawa at mas nanaisin niyang itago nalang iyon. Kung anumang uri iyon ng panaginip, saka na lang niya iisipin. Hindi niya alam kung masama o mabuting tao ba siya paningin ni Crassus. Pero sa isang banda, paano nitong iisipin ang mga ganitong bagay? Baka sa sobrang abala nito ay hindi na sumagi sa utak nito ang nangyari. Oras, araw, linggo, hanggang sa naging kalahating buwan, hindi na nakita ni Raine si Crassus. Kahit na may meeting ang mga kagrupo, ang mga Senior, at ang mga Executives ay hindi siya umaattend kung hindi naman kailangan ang presensiya niya. Isa pa kung may pagpupulong naman sila ay hindi naman niya ito nakikita dahil sa mataas na katungkulan nito sa kompanya. Isa lamang siyang hamak na intern sa negosyong pinapatakbo nito. Habang tumatagal ay nag – alala na rin si Raine. Gustuhin man niyang manatili sa kompanyang pinagtrabahuan pero hindi na siya pwedeng magtagal. Sa gulong napasukan niya ay tiyak na puputaktihin siya ng mga kasama niya kapag nabisto ng mga ‘to ang sekreto niya. Paminsan – minsan ay sumagi sa isip ni Raine si Crassus. Gusto man niya itong kausapin pero nag – aalagan siya. Baliktarin man ang lahat, Amo niya pa rin ito at isang hamak na intern lang siya mala – palasyo nitong mundo. At isa pa, ito ang unang pagkakataon na nakapasok siya sa ganitong sitwasyon. Nangangapa siya, ni hindi nga niya alam kung ano ang gagawin. Hanggang sa isang araw, tumunog ang internal phone sa ibabaw ng mesa ni Raine. Sinagot niya ito. “Ms. Villanueva?” The other end asked. Namilog ang mata ni Raine. Ang boses na ito … Parang sirang plaka na naulit sa kanyang utak ang nangyari noong gabi na iyon. Uminit ang mukha ni Raine. Parang may nagising sa kanya nang maalala na naman niya ang boses nito. That night when he said ,” turn off the lights.” His magnetic voice, his deep, husky voice while he’s whispering in her ear. Napahawak si Raine sa kanyang tainga. Pakiramdam niya kasi ay sariwa pa ang ginawa nitong pagbulong sa kanya. Umiling siya sabay buntonghininga. Kailangan niyang umayos kung ayaw niyang mabuking. Lumunok ulit siya bago siya sumagot. “Yes, Sir?” “Come to my office for a while.” “P-po?” Saglit na natigilan ang nasa kabilang linya. “You hear me. I said come to my office.” He said then ended the line. Hindi na nakapagsalita si Raine. Samu’t – saring rason na ang pumasok sa utak niya. Dahan – dahan niyang naibaba ang aparato habang nakatitig sa kawalan. Paniguradong hindi tungkol sa trabaho ang pag – uusapan nila dahil magkaiba sila ng posisyon. At kung trabaho naman ang pag – uusapan ay hindi naman siya ang hahanapin nito dahil dalawa ang secretary nito. Sa kaka – isip niya ay walang sa sariling naglakad si Raine papunta sa huling floor ng building nila. Inisip niya na baka tungkol sa Team Building ang sadya ng kanilang CEO. Pero ang isang banda ng utak niya ay nagpoproresta. Alam niyang may posibilidad na mapag – usapan ang tungkol doon. At iyon ang ikinakatakot niya, ang buksan ang paksa tungkol sa nangyari nilang dalawa. Paano kung gusto pala ni Crassus na paalisin siya sa kompanya nito? Napailing si Raine. ‘Hindi – Hindi maari. Huwag naman sana. Kailangan ko ng trabaho.’ Nang nasa harap na siya ng opisina ng kanilang amo ay saglit siyang natigilan. Bigla siyang nawalan ng lakas. Itataas niya ang kanyang kamay para sana kumatok pero hindi naman niya kaya. Kapag lalapat na ang kanyang kamay sa pinto ay kusa naman itong hihinto. Namilog ang mata niya nang kusa itong bumukas. Nabungaran niya ang assistant nito na lalaki. “Pasok ka. Kanina ka pa niya inaantay,” saad pa nito. Yumuko siya saglit. “S- sige.” Iginiya siya nito papunta sa isa pang pinto. Saka palang niya nalaman na hiwalay pala ang opisina nito sa dalawa nitong sekretarya. Iniwan siya nito sa tapat ng Executive Office. Saka ito bumalik sa mesa nito. Napilitan siyang katukin ang pinto."Pero mas marami talaga akong kaaway. Kadalasan, mga crush ang puno't-dulo ng away."Tumikyas ang kilay ni Crassus dahil sa narinig. Napabalikwas siya ng bangon. Hindi maipinta ang kanyang mukha na binalingan niya si Raine."You seem proud," Crassus said sarcastically. "Flings and crushes, huh?"Kumunot ang noo ni Raine. Lumingon siya kay Crassus at takang tinitigan ito."Problema mo? Totoo naman iyong sinasabi ko," giit pa ni Raine. "Alangan naman na mag-imbento ako?""Tch! So my wife had plenty flings and crushes since her teenage days," Crassus said, his tone is dripping with sarcasm. Nice!"Mas lalong kumunot ang noo ni Raine. "Ano naman sasabihin ko? Iyon naman talaga ang madalas na dahilan kung bakit marami akong kaaway. Kung hindi sa academics, pagtripan naman nila ako kasi raw pangît ako. Hindi ko nga alam kung bakit marami ang nagkakagusto sa akin na lalaki ano. At saka, hindi ko naman kasalanan kung marami ang mag-kacrush sa akin. Naiirita sila sa mukha ko
"Luh!" Bulalas ni Raine nang makitang nasa kwarto niya si Crassus.Kakalabas niya pa lang galing sa banyo. Nag-halfbath siya at nagpalit ng damit. Akala niya ay uuwi na ito kanina. Nauna kasi siyang pumasok ng bahay. Hindi niya inaasahan na aakyat ito sa kanyang kwarto.Prente itong naka-upo sa sofa niya na color pink. Hindi niya alam kung anong trip ni Crassus pero iyong pa talaga ang binili nito na kulay na sofa. Buti na lang at hindi nito pinagalaw ang study table niya. Kasi kung hindi, mawawalan talaga siya ng gana na umupo at mag-aral doon.White at pink ang tema ng kwarto niya. Hindi katulad dati na simpleng puti lang, ngayon ay dinadagdan nito ng ibang kulay. Sumasakit ang ulo niya sa kulay na pink. Sa lahat kasi ng kulay ay isa lang iyon sa pinakaayaw niya. Masyado kasi matingkad para sa kanya. Mas papasa pa sa hilig niya ang kulay lila, pero kung pink.Ngumiwi si Raine. Mabuti na lang at mga poste lang ng kwarto ang may pintura na color pink.Nameywang si Raine. "Bakit ka
Naabutan ni Crassus na tahimik na naka-upo sa ilalim ng punong mangga si Raine. Nilapitan niya ito. Hindi pa man siya tuluyan nakalapit at lumingon na si Raine sa kanya."Ba't ka naman nandito?" napipikang tanong ni Raine. "Umuwi ka na sa villa."Crassus eyebrows frowned. "Not with my wife."Naglapat ng mariin ang labi ni Raine." Umuwi ka na. Ayaw kitang maka-usap. Wala naman akong ginagawang masama sa'yo pero kung pagtripan mo ako parang ang laki ng kasalanan ko.""Your fault. Pumunta ka rito nang hindi ka nagpaalam. Are you afraid that I might refuse you to leave? Bumabiyahe ka rin ng mag-isa papunta rito. Paano kung mapaano ka sa kaka-commute mo? Pwede ka naman magpahatid sa akin."Iniwas ni Raine ang kanyang paningin. Hindi na umimik. Sa halip ay nagpunta siya sa duyan na de gulong at umupo roon.Parang bumalik sa nakaraan si Raine. Kaagad niya naalala ang mga oras nandito sila ni Athelios para maglaro. Hinawakan niya ang tali niyon at unti-unting nagduyan.Naramdaman niya na para
Naniningkit ang mata ni Raine habang kumakain ng hapunan. Hinawakan niya ng mariin ang kutsara't tinidor. Saka niya ng tinitigan ng matalim si Crassus.Kanina pa sila kumakain pero hindi niya makuha na maging masaya kahit nakakatakam ang luto ng kanyang Ina. Kakauwi pa lang nito at dapat ay tuwang-tuwa siya. Pero ito siya, bugnot na bugnot na tila ba may kaaway.Nabubuwesit siya sa asal ni Crassus. Simula ng bumalik ang Mama niya ay panay na ang papansin nito."Oh, kumain ka ng marami," ani pa ni Mama Roberta. "Ito pa. Maraming pagkain, kumain ka ng mabuti.""Thank you po, Tita," magalang na saad ni Crassus sabay subo ng pagkain."Ano'ng Tita, Mama kamo." Umiling si Mama Roberta. Inilapit niya kay Crassus ang eskabetse. Pasensiya ka na at iyan lang ang nakayanan namin. Talaga bang kumakain ka ng ganyang pagkain?""Yes, po," saad ni Crassus sabay subo at dahan-dahan na ngumuya. "Manang does cook like this but not that often."Tumango si Roberta. "Siya."Binalingan niya si Raine. Nagtak
Hindi makapaniwala si Raine sa kanyang nakita. Nanigas ang leeg niya at napalunok. "A-anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ni Raine. Napahawak siya ng mahigpit sa hamba ng pinto. "H-hindi ko naman sinabi sa'yo na nandito ako."Tumikyas ang kilay ni Crassus. Tinanggal niya ang kaliwang kamay sa bulsa. Humawak siya sa hamba ng pinto at marahan na itinulak iyon. Mabagal siya yumuko. Nahigit ni Raine ang kanyang hininga. Nagkalapit ang mga mukha nila ni Crassus. Ilang dangkal na lang ay sasagi na ang tungki ng ilong nito sa pisngi niya. Naramdaman na niya ang hininga nito. "It's not that hard to guess, Raine." Crassus said with a grin. "Why won't you tell me, by the way?"Pakiramdam ni Raine ay parang kakapusin siya ng hininga. Kaya lumayo siya ng kaunti. Akala niya ay makakatakas na siya pero mas lalo lang lumalapit si Crassus."A-ano ba." Tinulak ni Raine ang leeg ni Crassus saka nag-iwas ng tingin. "Umayos k-ka nga, n-nandiyan ang Mama."Umangat ang gilid ng labi ni Crassus. Lum
Malapit ng mag-alas singko kaya nagligpit na ng mga gamit si Raine. Plano niya sana ay mag-over time pero nagbago ang kanyang isip. Bigla siyang tinamad. Naalala niya rin ang sinabi ng doktor kaya mas minabuti niyang ipagpabukas na lang ang mga natitirang paper works. Sa kalagitnaan ng pag-iimis niya ng gamit ay tumunog ang kanyang cellphone. Dinampot niya iyon at sinagot ang tawag."Ma..." sambit ni Raine. "Kamusta po? Okay lang kayo riyan?""Oo nak," ani ni Mama Roberta. "Pumasok ka ba ngayon?""Opo," ani ni Raine. "Papauwi na po ako. Hinintay ko lang po iyong oras ng uwian.""Sa'n ka uuwi?"Natigilan si Raine. Nilagpat niya ang hawak na notebook sa la mesa. "Sa villa po. Bakit mo po natanong, Ma?""Hindi ka ba nasabihan ng asawa mo?" takang tanong ni Mama Roberta.Kumunot ang noo ni Raine. "Ang alin?"Sandaling natahimik ang Mama niya sa kabilang linya."Ma..." muling sambit ni Raine. "Ano po ba iyon?""Ah, ano kasi nak. Tumawag kasi siya kaninang umaga. Sabi niya, pwede ko na raw







