LOGIN
Chapter 1
SA KALAGITNAAN NG GABI, habang tulog ang karamihan sa mga tao ay naalimpungatan si Raine mula sa kanyang paghimbing. Kumilos siya para mag – iba ng posisyon. Hindi pa siya nangangalahati mula sa kanyang pagkilos ay natigilan na siya. Napakunot ang kanyang kilay. Ramdam niyang may masakit. Parang nasugatan siya. Pakiramdam pa niya ay kay bigat ng kanyang katawan. Hindi niya mapangalanan ng diretso. Sa sobrang sakit niyon ay hindi niya alam kung alin ang uunahin. Pagmulat niya ng mata ay isang pamilyar na lalaki ang kanyang nakaharap. Kaagad naglaro sa utak niya nangyari. Namilog ang kanyang mata. Hindi siya makapaniwala. Ang lalaking nakasama at nakatabi niya sa pagtulog ay walang iba kung hindi si Crassus Adam Almonte. Ang CEO ng kompanyang pinasukan niya. Nayanig ang kanyang buong sistema. Kung ganoon ay naibigay niya ang kanyang sarili sa … Napapikit siya sabay buntonghininga. First time niya iyon, at wala siya ibang nararamdaman kung hindi masakit. Hindi lang niya matukoy kung dapat ba siya magpaapekto sa nangyari. Basta ang alam niya, nawala ang pinagka – ingatan niyang puri, ang kanyang pagkababae. Ang tanging bagay na nag – iwan na malalim na impresyon sa kanya ay ang pinagdaanan ng stubble nito na dumampi sa kanyang mukha. Ang mainit nitong hininga ang siyang dahilan upang magising ang milyon – milyong boltahe sa kanyang katawan. Hinalikan pa nito ang kanyang tainga. Hindi niya mabilang kung ilang beses pa siyang nakiliti sa ginagawa nito. Pero iba ang kiliting iyon, may kakaibang enerhiya iyon na kayang gumising ng isang natutulog na emosiyon. Namula ang kanyang mukha. Crassus Adam Almonte’s smoothering gaze, his skin to skin contact along with his deep and low voice made Raine Athena Villanueva hot. During the love making. Wait, love making ba tawag niyon? Hindi naman sila magkasintahan at mas lalong hindi sila mag – asawa. “Nanakit ang ulo ko sa sitwasyon namin. Ano ba itong napasukan ko.” Naibubulas niya. Masakit man isipin pero may tawag sa ginawa nila kagabi. Ayaw lang niya marinig at ayaw niya rin lumabas sa mismo niyang bibig. Habang nagtatalik sila ay panay ang pagbulong nito sa kanyang tainga. May tinatawag at sinasambit ito na pangalan. Bagama’t hindi malinaw sa kanya ang isinambit nito mula simula hanggang dulo, hindi niyon nabawasan ang naramdaman niyang sakit. Isang napakasakit na katotohanan na kayang sumampal sa kanya bilang isang kahihiyan. Sa kalagitnaan ng gabi, heto siya at nagising sa kawalan. Habang ang kasama niya ay ito at nasa tabi pa niya. Himbing na himbing sa pagtulog na tila ba nanggaling ito mula sa nakakapagod na araw. Tinitigan niya ang mukha ng lalaki. Sa hinding maipaliwanag na dahilan ay gusto niyang mapalapit sa lalaki. Nananabik siya sa init ng yakap nito. Gusto niya pa magpatuloy sa paghiga at namnamin ang yakap nito sa pagtulog. Pero alam niya ang kanyang kahihitnan kapag hindi pa siya umalis. Mapapahamak lang siya, at mas lalong magiging komplikado ang lahat. Pagmamay – ari ni Mr. Almonte ang ‘Forggato Celestina’, isang brand wine Company na kasalukuyang namamayagpag sa mundo ng luxury wine. Isa siyang intern sa kompanyang pinapatakbo nito. At ngayon ito siya, katabi ang kanyang amo, at kasama pa sa iisang higaan. Raine knew the consequences on her toes. Oras na malaman nito ang nangyari ay tiyak na malalagay siya sa alanganin. Kapag nagkataon ay mawawalan siya ng trabaho at may mas malala pa roon. Kapag nakarating ito sa mga kasamahan niya ay ma – aakusahan pa siyang malandi. Na sinadya niya itong lasingin at inakit niya ito. She would be accused as ‘seducing the CEO.' Baka hindi na siya makatapak sa pinagtrabuan niya kung pumutok ang isyong iyon. Kahapon kasi ang unang araw ng Team Building nila. Idinaos iyon sa napili nitong hotel. At dahil nga team building ay madalas sa mga kasama ang magkasiyahan at hindi mawawala sa kasiyahan ang inuman. Hindi niya alam kung ano ang sumagi sa isipan nito pero napadami ang inom nito kagabi. Tila natangay ito sa likidong iniinom nito. Nakainom lang ito ng isa ngunit sunud - sunod na ang paglagok nito. Kaya tinulungan niya ito para makapahinga na ito sa kwarto nito. Balak lang niya sana itong ihatid. Wala kasing nangahas na ihatid ito sa kwarto. Kilala kasing terror ang isang ito kaya takot ang karamihan sa mga empleyado. Kaya siya na ang naglakas ng loob. Naaawa na kasi siya rito. Paano at pasuray – suray na ito. Ihahatid lang sana niya ito sa kwarto nang bigla siya nitong halikan. Natuliro siya. Nablangko ang kanyang utak dahil hindi niya inaasahan ang ginawa nito. Itutulak niya sana ito ngunit nang makita niya ang mukha nito ay nataranta na siya, at hindi na makatanggi. Inalog ni Raine ang kanyang ulo nang maalala niya ang mapusok nila na halikan. Sinipat niya ang lalaki. Nang mabusog na ang kanyang mata ay dali – daling niyang pinulot ang kanyang mga damit. Umalis siya sa kwarto at nagkunwaring walang nangyari. Pagkarating ng alas sais ng umaga ay bumalik na ang ilan sa mga bus ng kompanya. Huminto ito sa tapat ng hotel. Sumakay si Raine kasama ang isa pang intern nila, si Diana. Ito ang naging matalik niya na kaibigan habang nagtatrabaho siya sa kompanya. Pagkapasok pa lang niya sa bus ay kaagad niyang nakita ang taong nakatulog sa first row ng bus. Natakot si Raine nang maanalisa niya kung sino ito. Papapuno na ang bus. Ang tanging natitirang bakanteng upuan ay ang katabi at ang likod mismo ng kanilang CEO. Namula ang mukha ni Raine. Nahuli na silang dalawa ni Diana, at wala silang ibang magagawa kung hindi ang umupo sa likod ng kanilang amo. Kailangan nilang magtiyaga kung gusto nilang umuwi ng maaga. Pagkaupo pa lang ni Diana ay inulan na kaagad siya ng tanong nito. “Hindi ba may sariling sasakyan si Mr. Almonte? Bakit nag – bubus siya ngayon? At kasama pa natin?” Bulong pa ni Diana sa tainga ni Raine. Malakas ang boses ni Diana, at kahit bumulong pa ito ay maririnig pa rin ito ng kasamahan nila. “Hindi ko alam, at bakit ba ako ang tinatanong mo. Hindi naman kami close,” sagot pa niya ng pabulong. Sabay baba ng kanyang ulo. Kaagad na tinakpan ni Raine ang kanyang mukha sa takot na maalala siya ni Mr. Almonte. May oras pa na pasimple niyang iaalis ang kamay kapag nakatingin si Diana sa kanya. Baka kasi may makahalata at maweweirduhan sa kanya ngayong araw. Pero maswerte si Raine ngayon at hindi kumapit sa kanya ang malas. Parang hindi naman naalala ni Mr. Almonte ang nangyari. O baka naalala nito pero hindi lang nito maalala ang taong nakatalik. Bukod pa roon ay hindi naman kasi sila magkakilala. Baka nga ngayon pa siya nitong namukhaan sa dami ng empleyado nito. Isa pa ay lango ito sa alak nang may mangyari sa kanila. Nakasara rin ang ilaw kaya may posibilidad na hindi siya nito maalala. Habang tumatagal ay na – bobored na si Diana sa biyahe kaya naglaro ito ng cellphone. Nainggit si Raine kaya binunot niya rin ang sa kanya. Nang hanapin niya ito sa kanyang bag ay hindi niya ito mahagilap. Pati ang upuan niya ay kaliwa’t – kanan na niyang tinignan. Siniko ni Raine si Diana. “Tawagan mo ang cellphone ko. Hindi ko kasi mahanap.” “Saan mo ba kasi inilagay?” Kaswal na tanong ni Diana habang i- dinial ang kanyang numero. Hindi nagtagal ay umalingawngaw ang isang pamilyar na ringing tone, pero hindi sa bag o sa suitcase ni Raine nanggaling ang tunog. Nasa harap iyon. Nasa mismong kamay ni Mr. Almonte. Nagsitayo ang balahibo ni Raine.Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Paul Tyler ay hindi na mapakali si Erasha. Halos hindi na maampat ang kanyang ngiti. Kung may dadaan lang sa harap niya ngayon, baka mapagkamalan pa siya na may saltîk."Ay pakshît!" Bulalas ni Erasha nang mabasa ang oras.Mabilis na tinawagan ni Erasha si Raine. Malapit na ang lunch break kaya kailangan niyang makausap ito. Habang papalabas siya ng department nila ay panay niya itong tinawagan pero ayaw nitong sumagot. Inis na binaba ni Erasha ang cellphone. Hinanap niya ang numero nito. Saka siya nagpadala ng text messages.....[Pasagot ng tawag, please?] pakiusap pa ni Erasha habang inis na nagtitipa ng cellphone.Tsk! Ano ba 'yan." Tinapik niya sa kanyang baba ang hawak na cellphone. "Ayaw pang sumagot eh. Parang iyan lang," inis na wika ni Erasha.Muli niyang tinawagan si Raine— at sa pagkakataon na iyon ay sumagot na ito sa tawag niya."Raine," masayang bati ni Erasha. "Mag-lulunch ka na?""Bakit ba?" Hindi na maitago ni Raine ang kanyang inis.
Kalmadong bumaba si Erasha sa sala. Nakahawak siya sa railings ng hagdan habang nakatingin kina Athelios at Paul Tyler na nag-uusap. Biglang lumingon sa kanya ang amo ng kanyang pinsan kaya ngumiti siya ng napakatamis.Nilapitan niya si Athelios. Tinapik niya ang balikat nito. "Naistorbo ko ba kayo?"Napatingala si Athelios kay Erasha. "May sadya ka ba?Umiling si Erasha. " Oo." Saka niya tinuro ang kusina. "Kukuha lang ako ng maiinom.""Ah—" tipid na usal ni Athelios sabay tingin ulit kay Paul Tyler.Naglakad si Erasha patungo sa kusina. Lumapit siya sa ref para kumuha ng isang pitcher. Saka siya nagsalin ng tubig sa baso.Habang umiinom ng tubig ay tahimik siyang nakikinig sa usapan ng dalawa. Pagkatapos uminom ni Erasha ay dahan-dahan niyang nilapag sa lababo ang ginamit na baso. Maingat niyang ibinalik sa ref ang pitcher. At saka pumagilid para makinig sa usapan nila Athelios.Sinubukan ilapat ni Erasha ang tainga niya sa pinto pero hirap pa rin siyang sumagap. Masyadong malabo s
Tumaas ang kilay ni Raine sa narinig. Manghang napalingon siya sa kanyang pinsan na si Erasha. Umismid siya. "Akala ko ba mas magaling ka sa akin?" Pagpapaalala ni Raine sa sinabi ni Erasha noong nakaraan. "Bakit magpapatulong ka pa?"Nagkibit-balikat si Erasha. "Para mas madali." Ngumiti siya ng matamis. "Saka mabait ka eh. Nature mo na ang tumulong sa mga kaanak mo."Umangat ang gilid ng labi ni Raine. "Kaya aabusuhin mo? Bulong pa niya sa sarili."May sinabi ka? Takang tanong ni Erasha "Ah-!" Umiling si Raine at saka pekeng ngumiti. "Wala."Mabilis na ipinasok ni Raine ang mga gamit niya sa kahon. Hindi na niya initindi si Erasha. Ams ugustuhin pa niya na magmadali para maiwasan niya ito.Kaso, paglabas niya ng opsina ay nakasunod pa rin ito sa kanya. Kahit na nakarating na sila sa hallway ay parang wala itong balak na bumalik sa department nito.Binalingan ni Raine si Erasha. Huminto siya sa paglalakad. Napahinto naman ito."Hindi ka ba babalik sa department mo?" Tanong ni Raine
"Raine Athena..."Nagkaharap sina Raine at Crassus. Sinikap ni Raine na hindi makipagtitigan pero kahit ano'ng gawin niya, natantangay siya sa ginagawa nito. Napansin ni Crassus na hindi maayos ang lapel ni Raine. Kumunot ang noo niya. Sa halip na makipagkamay, inayos niya ang kwelyo nito."What's the matter with you?" Crassus asked.Raine wore a black suit with a white shirt underneath. Because she was the most qualified, she stood at the very end of the row."You can't even fix your collar," Crassus said. ''Let me help you."Inayos ni Crassus ang collar ni Raine. Kaagad na inulan ng tukso ang dalawa. Namula ang pisngi ni Raine at hindi siya makatingin kay Crassus."Hold still," Crassus ordered. "There." Inilapit ni Crassus ng bahagya ang kanyang ulo kay Raine. Kaunti na lang ang kulang ay pwede na niya ito mahalikan. Tinabingi niya ang kanyang ulo at tinitigan ang tungki ng ilong nito."Congratulations," bati ni Crassus. "Ang sweet!" Hindi mapigilang usal ng babaeng katabi ni Rai
"Gusto mo, huhulaan ko?"Sumimangot ng husto si Raine. Kahit na kaharap pa niya si Crassus, talagang hindi na siya nahihiya na ipakita ang kanyang emosiyon.Tumalim ang mata ni Raine. "Tigilan mo na nga ako," asik niya. "Kailan ba ako pwedeng pumasok sa trabaho?""Next week."Hindi makapaniwalang kumurap si Raine. "N-next week? Napaawang ang labi niya. "Ang tagal pa no'n. Lunes pa lang ngayon.""So take your time to rest," Crassus said. "Ayaw mo no'n?""Hindi naman pwede na buong araw ako matutulog," pangatuwiran pa ni Raine. "Mabuburyo na ako rito. Wala akong kausap.""Nandiyan si Lolo. Bakit hindi mo siya samahan?"Ngumuso si Raine. "ng buong araw?""Yes."Lumaylay ang balikat ni Raine. "Gusto kong magtrabaho, Crassus. Matutuyo ang utak ko sa trip mo.""Then study. May mga libro ka naman diyan hindi ba?"Natahimik si Raine. Sandali siyang napaisip.Umangat ang gilid ng labi ni Crassus. "Kung kulang pa ang mga libro mo, pwede kang pumunta sa study room ko. May mga libro rin sa librar
Kanina pa naka-alis Crassus pero hanggang ngayon ay lutang pa rin si Raine. Gabi na at nasa garden na siya ng villa tumatambay. Tapos na sila mag-usap pero laman pa rin ng kanyang isip ang naging paksa nila kanina.Pagkatapos nila mag-usap ni Crassus ay umalis na ito. Iniwan siya kasama ang tray na dala nito.Tulalang nakatayo si Raine sa gitna ng garden. Hindi niya alam kung ilang beses na siya tumayo at umupo—pero wala siyang pakialam. Sadyang puno lang talaga ang laman ng utak niya ngayon.Napalitan ng malamig na ekspresiyon ang mukha ni Raine nang maalala niya ang sinabi kanina ni Crassus. Naglapat ng mariin ang labi niya. Sa sobrang tensiyon ng kanyang nadarama, nakurot pa niya ang kanyang braso habang nakahalukipkip."Bwesît," bulong ni Raine. "Ano ba, Raine. Bakit ka umiiyak?" Pagkastigo niya sa kanyang sarili.Marahas na pinahid niya ang kanyang luha. "Tama naman talaga ang sinabi niya. Bakit ka pa nasasaktan? Mas importante sa kanya ang negosyo. Tandaan mo, hindi pa tapos ang







