Beranda / Romance / Wild Plan: CEO's Desire / Chapter 182 - He doesn't spoil you

Share

Chapter 182 - He doesn't spoil you

Penulis: Aceisargus
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-06 22:25:35

"Ano?"

Blangkong tinitigan ni Raine ang kanyang kapatid. "Ano bang problema mo, ha?"

Tumaas ang kilay ni Athelios. Nakameywang ang kanan niyang kamay habang nakaturo naman sa maleta niya ang kaliwa nito.

"Sumagot ka rin kasi."

Nilapag ni Raine ang hawak na pajama. Itinukod niya ang dalawang kamay at saka tumayo. Kamuntik na siyang mapaigik nang bumalatay sa binti niya ang sakit. Lumunok siya para maitago ang hapdi.

"Hindi ko kailangan magpaliwanag sa'yo. Hindi ikaw ang sadya ko rito. Kaya pwede ba, tigilan mo na ako? Gusto kong magligpit ng matiwasay." bwelta pa ni Raine.

Dinuro siya ni Athelios kaya mas lalong sumama ang mukha niya. "Ang simple lang ng tanong ko pero hindi mo makuhang sumagot. Iyong pera lang naman ang gusto kong kunin."

Napangisi si Raine. "Para saan ba ang pera mo at bakit atat na atat ka?" Tinuro niya si Marie. "Dahil ba dito?"

"Labas ka na roon." Muling sinipa ni Athelios ang maleta kaya nausog iyon papunta sa kanan ni Raine. "Bakit ba kasi na ayaw mong aminin na
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 248

    After arriving at the company, Raine began to summarize the accounts. Chineck niya muna ang mga account kung may mali pa roon. Nang makita niya na wala pang perma iyon ni Crassus ay napahinto siya."May lakad ba siya kahapon?" takang tanong ni Raine. Tinabingi niya ang kanyang ulo at sabay na tinapik ang mesa gamit ang bolpen. "Baka may meeting."Nagkibit-balikat si Raine. She close the folder. Ibabalik na lang niya ito. Baka nakalimutan siguro ni Crassus na permahan ito kahapon.Akmang bubuklatin na niya sana ang ikalawang folder nang tumunog ang selpon niya.[Your cooking skills are quite good. I ate all the food you cooked yesterday, but the adobo was a little salty. Sad, Crassus seemed so proud yesterday when he said that you are a good cook. Paano ka naman maging magaling na cook kung ultimu asin ay hindi ka marunong mag- estimate?Put less salt in the future, will you?]Raine's whole body was shaking, and her teeth were clattering. Mariin niyang hinawakan ang selpon at titig na b

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 247

    Pagkarating nila Crassus sa puntod ni Agustino, ang yumaong Papa ni Tia ay kaagad na nag-iba ang hilatsa niya. Bahagya siyang yumuko. Pagkatapos niyon ay inilapag niya ang dala na bulaklak. Naglagay rin si Tia ng bulaklak. Si Anastasia naman ay umupo nasa harap ng puntod ng yumao nitong asawa. Pinagpag nito ang mga patay na dahon na nakatakip sa pangalan ng patay."Papa," saad ni Tia. Umupo na rin ito sa harap ng puntod. "Pa, nandito na kami."Napabuntonghininga si Crassus. Namulsa siya at tinitigan ang puntod ng isang taong minsan na naging Papa niya.Agustino Ranulfo Santiago is a good father to him. Simula ng mamatay ang Papa ay ito na ang tumayong Ama niya. Saglit man iyon pero hindi niya makakalimutan ang ginawa nito. Lalo na ang pagliligtas nito sa buhay niya.Kaya nga kahit ano'ng inis niya sa mag-ina ay hindi niya kayang tiisin ang mga ito. Lalo na kung may kinalaman kay Tito Agustino. Nakonsensiya kasi siya. Kaya sa abot ng kanyang makakaya ay sinusuportahan niya ang mag-ina

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 246

    "Raine cooked it."Kaagad nalukot ang kilay ni Tia sa narinig. Sinipat niya ang lunchbox. Biglang nangangati ang kamay niya. Ang sarap ibalibag sa labas ang pagkaing inihanda nito.Nag-iba na yata ang takbo ng mundo. Hindi naman ganito si Crassus dati. Hindi ito mahilig mag-baon. Ngayon na pinaglutuan lang ito ni Raine ay hindi man lang ito tumutol? Dinala pa talaga nito habang may lakad sila?Lihim na nagngitngit ang loob ni Tia. "Marunong pala siya magluto? She's quite skilled. Akala ko ay wala siyang alam sa mga gawaing bahay," pagparinig pa ni Tia. Humalipkip siya."It's one of her hobby. Her parents taught her to cook since she was a kid," Crassus said in a proud tone.Napatiimbagang si Tia. "You must be proud. You got a skillful wife.""Kinda.""Nice," Tia said in a force tone.Nanggigil si Tia. Nangangalit ang kanyang ngipin habang tinatanaw ang tanawin sa labas ng bintana.Mayamaya pa ay isang ideya ang pumasok sa isip niya.She pretended to wipe her tears. "Dad has been gone

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 245 - She cooks for him

    Inalapit niya kay Athelios ang kanyang mukha. "Dahil sakim sa pera ang amo mo. Kagaya mo, walang kayong pinagkaiba. Dapat sa mga taong katulad ninyo ay binubulok sa kulungan." Saka ngumisi si Raine.Umiba naman ang hilatsa ng mukha ni Athelios. "Nasasabi mo lang 'yan dahil protektado ka ni Crassus. Binibigay niya rin ang pangangailangan mo. Paano naman si Boss Xhun? Payag ka na lang na makukulong ang Papa niya dahil sa pagtatanggol mo riyan sa asawa mo?"Natahimik si Raine. Binato niya ng malamig na tingin si Athelios. "Tch! Parang hindi ka niya tinulungan ah? Ano? Wala ka ng awa sa kanya?" Umiling si Athelios. "Alam mo bang simula nang umuwi si Boss galing sa villa ninyo ay hindi na siya makausap ng matino? Hindi na rin siya pumapasok sa trabaho. Parati na lang siya nakakulong sa kwarto niya. Hindi niya rin ginagalaw ang pagkain hinahatid ng katulong nila. Ngayon mo sabihin na wala kang pakialam? Pagkatapos ka niyang tulungan. Ganyan na lang ang igaganti mo?""Problema niya na 'yon,

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 244

    Habang naghahanap ng masasakyan si Raine para papauwi ay tinawagan niya si Athelios. Pero hindi pa man siya nakapag- dial sa numero nito ay ito na mismo ang tumatawag.Sinagot niya ito. "Bakit?"Hindi na niya ito binati pa. Para saan pa? Matagal ng nagkaroon ng lamat ang relasyon nila bilang kapatid. Wala na siyang pakialam kung magagalit ito o maiinis kung paano niya ito tatratuhin."Ano'ng bakit?" tanong pa ni Athelios sa kabilang linya. "Alam mo ba kung ano'ng ginawa mo?"Napabuntonghininga si Raine. Kinamot niya ang kanyang ulo. "At alam mo rin ba na bukas na ang death anniversary ni Papa?""Huwag kang magmalinis. Alam ko rin na nakalimutan mo," matabang na wika ni Athelios. "At saka, pakialam ko ba kung anniversary niya bukas? Wala naman siyang ginawang matino noong buhay pa siya.""Mag-ingat ka sa pananalita mo," banta ni Raine sa malamig na boses."Ikaw ang mag-ingat. Tch," pabalik na sagot ni Athelios. "Tumawag ako dahil gusto kitang makausap. Pumunta ka rito sa Sabrina Coffee

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 243

    Habang nagtatrabaho si Raine ay lumilipad ang utak niya. Nakakahiya man aminin pero nasa ibang bagay nakasentro ang isip niya. Umaga pa lang ay panay na ito sumasagi sa isip niya. Panandalian lang iyong nawala dahil asaran nila ni Crassus kanina.Nang makita niya ang librong nakapatong sa gilid ng mesa niya ay naalala niya si Professor Xhun. May ibibigay pa pala siya rito. Mabilis niyang dinampot ang kanyang selpon. Pumunta siya sa banking app at kinalikot iyon.Sinabi na ni Crassus kanina na nahatid na ang mga regalo ni Mr. Tamayuto. Bahagyang nabunutan siya ng tinik. Hangga't maaari ay ayaw niya bigyan pa ng rason si Professor para muli makalapit sa kanya. Pati ang notebook nito at ang libro ay pina-deliver niya kanina via delivery app.Mas mabuti ng bibitawan niya kung anuman mang tawag sa relasyon nila. Guro lang ang turing niya rito, pero sa mata ni Crassus, iba ang nakikita nito. Kaya bilang respeto, nagpasiya siya na puputulin ang koneksiyon sa pagitan nilang dalawa.Masyadon

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status