Share

Chapter 253

Author: Aceisargus
last update Last Updated: 2025-06-25 23:02:26

Naglapat ng mariin ang labi ni Raine. Blangkong tinitigan lang niya si Tia. Hinawakan pa nito ang laylayan ng dress saka humarap sa kanya. Kaagad naman itong nagtaray. Humalipkip ito habang nakairap.

"Lamok ka ba? tanong pa ni Raine.

Kumunot ang noo ni Tia. "What did you just say?"

"Kasi parati ka na lang sumusulpot kahit saan," sagot pa ni Raine sa sarili niyang hugot.

" Of course! I'mma star. Siyempre madalas ako may taping kahit saan lupalop pa iyan ng mundo," mayabang na sagot ni Tia.

"E di lamok ka nga," pangatuwiran pa ni Raine. "Kung saan maraming tao, doon ka nagngangaggat, nagpapansin."

Tumatango-tango si Tia. "Atleast nasa akin ang atensiyon nila. Lalo na si Crassus. Hindi katulad mo. Nagpakahirap na pansinin."

Umismid si Raine. "Baka ikaw?" Saka siya ngumisi. "Wala naman akong natandaan na kailangan ko pang gumawa ng eksena para kausapin ako ni Crassus. Siya nga naghahabol sa akin tuwing gabi. Bakit kailangan ko pa magpapansin?"

Namilog ang mata ni Tia. Dinuro niya si Rain
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 254

    Imbes na mawala ang inis ni Raine ay domoble pa iyon mula nang makausap niya si Tia. Dala-dala niya iyon hanggang sa kanyang pag-uwi. Kahit si Diana ay hindi na nakaimik nang sinikmatan niya ito ng tingin.Kaya pala matagal ito nakabalik kanina. Tumambay pala ito sa nadaanan nito na estante ng mga ukay-ukay. Dumikit na naman ito roon at namili ng mga damit.Wala itong kaalam-alam sa pagkikita nila ni Tia. Paano at nasa ibang parte ito ng mundo. Mabuti na lang siguro iyon. Baka kasi madamay pa ito.Sabay na sila na umuwi ni Diana, pero una niya ito pinahatid sa driver ng taxi. Pagkatapos niyon ay nagpahatid na siya sa villa. Hanggang gate lang siya nagpahatid dahil hindi pumayag ang security guard. Naintindihan naman niya ito. Mahigpit kasi si Crassus tungkol sa privacy nito. Nang sinundo na siya ni Mang Timo ay mabilis siyang pumasok sa loob ng villa. Gaya ng inaasahan niya ay hinihintay siya ni Crassus sa sala."It's almost nine, Raine. Where have you been?" Crassus asked while star

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 253

    Naglapat ng mariin ang labi ni Raine. Blangkong tinitigan lang niya si Tia. Hinawakan pa nito ang laylayan ng dress saka humarap sa kanya. Kaagad naman itong nagtaray. Humalipkip ito habang nakairap."Lamok ka ba? tanong pa ni Raine.Kumunot ang noo ni Tia. "What did you just say?""Kasi parati ka na lang sumusulpot kahit saan," sagot pa ni Raine sa sarili niyang hugot. " Of course! I'mma star. Siyempre madalas ako may taping kahit saan lupalop pa iyan ng mundo," mayabang na sagot ni Tia."E di lamok ka nga," pangatuwiran pa ni Raine. "Kung saan maraming tao, doon ka nagngangaggat, nagpapansin."Tumatango-tango si Tia. "Atleast nasa akin ang atensiyon nila. Lalo na si Crassus. Hindi katulad mo. Nagpakahirap na pansinin."Umismid si Raine. "Baka ikaw?" Saka siya ngumisi. "Wala naman akong natandaan na kailangan ko pang gumawa ng eksena para kausapin ako ni Crassus. Siya nga naghahabol sa akin tuwing gabi. Bakit kailangan ko pa magpapansin?"Namilog ang mata ni Tia. Dinuro niya si Rain

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 252- Woman in the SUV

    Habang namamasyal sina Raine at Diana sa plaza ay marami na silang nakita. Doon na rin sila kumain ng hapunan dahil may nagtitinda roon ng meal set. Affordable lang iyon at mainit pa. Natatakam si Raine kaya inaya niya si Diana. Nilibre niya ito.Pagkatapos kumain ay nagpatuloy sila sa pag-wiwindow shopping. Madami silang nakita roon na magagandang bagay pero hindi makuha ni Raine na bumili. Si Diana na hindi na naman matatangal ang paa nito nang makita ang estante ng mga damit ay napabili na naman na wala sa oras."Diana, di ba kabibili mo lang din noong nakaraan? Bibili ka na naman ngayon?" Napahalukipkip si Raine.Padabog na binaba ni Diana ang damit. Binato niya ng masamang tingin si Raine. "Pera mo?""Hindi, pero ako na ang naaawa sa closet mo. Awat na nga iyan, ang dami mo pang bago," sabi ni Raine sabay hila kay Diana.Napadpad sina Raine at Diana sa isang istante na may nagtitinda ng sabon. Nagkatinginan ang magkaibigan. Wala pang isang minuto ay mabilis silang lumapit sa sale

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 251

    "Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?" naiinis na wika ni Sasha. Salubong ang kilay na dinampot niya ang mga papeles na nagkalat. "Sipsip ka na nga, lampa ka pa."Napalunok si Raine. Tinulungan niya si Sasha sa pagdampot pero muli na naman nito tinabig ang kamay niya."Ako na, baka mas lalo pa iyan malulukot. Inaantala mo lang oras ko, alam mo ba iyon.""Sorry.""Tch!" Umirap si Sasha. "Ganyan talaga basta maldita. Pa-arte-arte na mahina pero kapag nakatalikod na iyong kaharap, sing taas pa ng baka ang sungay," pagpaparinig pa niya."Hindi ko naman sinasadya," malumaymay na sabi ni Raine."Ganyan ka naman eh. Lahat na lang hindi sinasadya." Umayos ng tayo si Sasha. "Kapag meron na namang problema rito sa papel ko. Wala akong dapat sisihin kung hindi ikaw."Naglapat ng mariin ang labi ni Raine. "Sorry ulit." Yumuko siya at tinitigan ang papel ni Sasha. "Ano nga pala ang ginagawa mo rito?""Inutusan ako ni Mr. De Guzman. Thanks to you, libre na panay ang oras ko. Wala na akon

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 250

    Pagkatapos sabihin ni Raine ang ulam na iniluto niya ay walang namutawing ingay sa kanilang dalawa ni Crassus. Malamig niya ito'ng tinitigan at binato ng nagtatanong na tingin.Hindi nagtagal ay si Raine rin ang nagbasag ng katahimikan. "Hate mo na pala ngayon ang adobong baboy at calamares? Bakit ka pa nagpaluto kung ayaw mo naman pala?"Hindi nakaimik si Crassus. Ang dami niya gustong itanong pero ayaw lumabas sa bibig niya. Nagdadalawang isip siya na buksan ang paksang iyon. Kakabati pa lang nila at ayaw niya na mag-aaway naman sila. But his head is running out of space. Kapag hindi niya ito itatanong ay baka mas lalo lang siya maiinis dahil dami ng mga katanungan na bumabagabag sa isip niya."What do you mean? Are you trying to fool your husband?" Crassus asked in strained calm voice.Well, He should be. Dahil kung hindi ay pareho na naman sila sasabog.Ayaw sana ni Crassus na maninigarilyo pero napilitan siyang magsindi. Unti-unti na siyang kinakain at inatake ng inis. Kailangan

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 249

    Kinabukasan, gaya ng pangako ni Raine; pinaglutuan niya pa rin si Crassus. Kahit na nadidismaya siya sa nalaman, pinilit na lang niya na itago. Alam naman niya ang dahilan kung bakit hindi nito maiwas-iwasan si Tia. May binitawan ito na pangako sa Ama ng ex nito.Pero may parte ng kanyang puso na umaasa na sana ay naghanap na lang ito ng ibang paraan. Pwede naman siguro utusan ni Crassus si Mr. Tamayuto. Na ito lang ang mag-aasikaso sa gusto ng mag-ina. Iyon sana ang gusto niya sabihin kay Crassus, pero nahihiya siya. Baka sasabihin pa nito na iuunahan niya ito mag-desisyon.Sabay pa rin sila pumasok sa trabaho. Wala siyang gana na kausapin ito kaya tahimik ang byahe nila."What are you thinking?" Crassus asked while driving his SUV.Umiling si Raine. "Wala naman." Saka niya inayos ang kanyang ulo mula sa pagkakasandal sa bintana. Napakunot ang noo ni Crassus sa narinig. "Ikaw na muna ang magdala sa baon ko. I have a meeting. Ipapakuha ko iyan mamaya kay Tamayuto kung hindi mo maih

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status