Share

Chapter 272

Author: Aceisargus
last update publish date: 2025-07-12 23:57:13

Nagkasukatan ng tingin sina Raine at Crassus. Parehong ayaw magpatalo sa pagtitigan ang dalawa. Bagaman nalulungkot man si Raine dahil sa nangyayari sa kanila ngayon, mas pinili na lang niya na hindi na magpakahina sa harap nito. Pinagbigyan na niya kanina ang kanyang mata na umiyak pero hindi na ngayon. Pinilit niyang pantanyan ang pagtitig nito kahit na kakaiba na kung pumintig ang kanyang puso.

Ayaw na niyang magpakahina sa harap nito, dahil anumang oras ay kaya nitong baliktarin ang senaryo
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Zosima Alcalde
next update Po thanks
goodnovel comment avatar
Zosima Alcalde
bkit nman Raine n maghiwalay Kyo kng Kilan mhal nyo Ang isat Isa haay napaiyak ako hmp
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 502

    ‎"Shut up!" Sergio hissed. "Let me through! I'm gonna kill that bîtch!"‎‎Napatda si Raine sa narinig. Binalingan niya ang kanyang mama. Tinapunan niya ito ng isang nagtatanong na tingin.‎‎"Raine," Crassus said. Isinenyas niya ang pinto habang pinipigilan ang kanyang Daddy. "Go."‎‎Hindi umimik si Raine, at mas lalong hindi siya gumalaw. Nalilito siya sa nangyayari. Gusto niya pa sana magtanong pero mas lalong nagwawala si Sergio. Talagang nanggigigil ito dahil hindi makalapit sa kanyang ina.‎‎"Go!” Crassus yelled as he grabbed and restrained his father, desperately trying to stop him from going after her.‎‎Biglang sumigaw si Sergio. Napaigtad sila Raine. Tinulak na rin nito si Crassus subalit hindi ito nagpapatinag. ‎‎Tumakbo si Scott papunta kina Raine. "Raine, let's go."‎‎Walang magawa si Raine kung hindi sumunod kay Scott na giyahin palabas ng villa si Mama Roberta. Dinaanan nila sila Crassus. ‎‎"Ako na ang maghahatid kay Tita," presenta ni Scott.‎‎Naglakad sila pa

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 501

    Habang hinihintay nina Raine at Roberta ang Daddy ni Crassus ay naisipan muna nila'ng magpahangin sa garden. Si Crassus ay nasa sala at kinakausap si Scott."Raine, may hindi pa ako nasabi sa'yo," panimula ni Roberta. Napalingon si Raine sa kanyang mama. "Ano po 'yon, ma?" tanong niya habang hinihimas ang balahibo ng pusa na kanyang kinakandong.Bumuntonghininga si Roberta. "Buntis si Maria."Napahinto si Raine sa paghihimas. Gulat na tinitigan niya ang kanyang mama. "Ano?" gulat na usal niya. "Sino ang Papa? Si Athelios ba?"Tumango si Roberta. "At plano nila'ng magpakasal sa lalong madaling panahon. Ayaw ni Maria na ikakasal siya na hakat na ang tiyan niya."Napaawang ang labi ni Raine sa narinig. Binaba niya ang pusa sa damuhan at hinayaan ito'ng umalis. Saka niya binalingan ang kanyang mama."Mabuti naman at naisip ni Athelios na magpakalalaki. Akala ko ay tatakbuhan niya si Maria," sabi ni Raine."Kung ibang babae pa siguro ang nabuntis ni Athelios, masisiyahan pa ako. Hindi ko

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 500

    ‎"Nak..."Napalingon si Raine sa pinto. Lumiwanag ang kanyang mukhang nang makita niya si Mama Roberta. Tinakbo niya ang distansiya nilang dalawa at niyakap ito."Mama..." ani ni Raine habang nakayakap sa kanyang ina. Pumikit siya. Napansin ni Mama Roberta ang reaksiyon ni Raine. Napangiti siya. Mabagal niyang hinagod ang buhok nito at inamoy iyon."Tahan na," ani niya na mapansing iiyak na naman ito. Humiwalay siya sa yakap nito at tinitigan ito sa mga mata. Inayos niya ang buhok nito. "Ang iyakin mo talaga kahit kailan."Ngumuso si Raine. "Mama naman eh."Nagsalubong ang kilay ni Roberta. Marahan niya'ng pinitik ang pisngi ni Raine. Napakislot ito."Huwag ka ng mag-asal bata. May asawa ka na. Aba!" Panenermon ni Roberta subalit may nakasupil na tipid na ngiti sa kanyang labi. "Naglalambing lang, ayaw mo?" Nagtatampong wika ni Raine. ‎Mas lalong kumunot ang noo ni Roberta. May napansin siya kay Raine pero ayaw niya'ng sabihin. Bumuntonghininga siya. Ininguso niya ang living area.

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 499- The love of a mother

    ‎"Ma...sorry po."Natahimik sa kabilang linya si Roberta. Natulala siya sa sinabi ni Raine. Bahagyang umawang ang kanyang bibig dahil sa gulat. Bagaman hindi niya ito nakita, alam niya'ng umiiyak si Raine. Halata sa boses nito dahil natunugan niya ang pagkagaralgal niyon."Sorry po, Ma.." ani ni Raine sa kabilang linya. "N-nadala lang po ako sa emosiyon ko rati. H-hindi ko po..." Lumumok siya at bumuntonghininga. "Nagulat lang po ako—""Raine... Naintindihan kita," sagot ni Roberta. Malungkot siyang ngumiti. "Pasensiya na rin dahil nasampal kita. Nawala sa isip ko na kakaopera mo pa lang."Natahimik si Raine. Pinagmasdan niya ang punongkahoy. Umihip ang simoy ng hangin dahilan upang magsisayawan ang mga dahon na kanyang tinititigan."Raine..." sambit ni Roberta. "Kayo pa rin ba ni Crassus?" Natigilan si Raine. Napayuko siya. Kinukot niya ang railings gamit ang kaliwa niyang kamay."Opo," tapat na sagot niya. "Hindi ko po ako makipaghiwalay sa kanya."Muling natahimik sa kabilang liny

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 498

    Kinabukasan, maagang nagising si Raine. Wala silang katulong kaya magandang pagkakataon iyon para pagsilbihan niya si Crassus. Medyo maaga pa at hindi na siya makabalik sa pagtulog kaya naisipan niyang bumangon na lang.Tahimik na nangagayat si Raine ng sibuyas. Tapos na siyang maghiwa ng ibang rekados at nakalatag na ang mga iyon sa harap niya. Nang biglang may yumakap sa kanya mula sa likod. Napangiti si Raine.Hînalikan ni Crassus ang pisngi ni Raine. Pagkatapos ay kanyang inamoy ang leeg nito. Napatawa si Raine dahil sa kiliti. Binaba niya ang hawak na kutsilyo at humarap kay Crassus.Kinantalan niya ito ng halik. "Morning," bati ni Raine.Tipid na ngumiti si Crassus. "Good morning." Hînalikan niya ang noo ni Raine. Pagkatapos ay ngumuso siya sa mga ingredients na inihanda nito."You'll cook?" Crassus asked in surprise. Tumango si Raine. "Oo." Muli siya'ng humarap sa mga rekados. "Ano'ng gusto mo?""As long as you cook it, I will eat," Crassus answered without hesitation."Tch!"

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 497

    ‎"Raine, open it." ‎ ‎Kanina pa kumakatok sa pinto si Crassus pero hindi siya pinagbuksan ng pinto ni Raine. ‎ Pagkatapos nilang maghapunan ay umakyat kaagad ito sa kwarto nila. Naiwan lang siya sa baba kanina dahil kailangan niya'ng maghugas ng plato. Only to find out na pinagsarhan pala siya nito ng pinto. Muling kinatok ni Crassus ang pinto. "Raine, open—" Biglang bumukas ang pinto. Sinalubong siya ni Raine na nakahalukipkip. "Ano?" Hindi maipinta ang mukha ni Raine habang nagtatanong. Tumikhim si Crassus. Sumilip siya sa kwarto saka siya tumingin kay Raine. "I-I want to get—" Hindi na natapos ni Crassus ang kanyang sasabihin. Muling nagsara ang pinto. Napakamot sa ulo si Crassus. Tatalikod na sana siya nang muli itong bumukas. Lumabas si Raine na dala-dala lang ang teddy bear nito. "Wait..." Crassus said. "Where are you going?" Naniningkit ang mata na humarap si Raine kay Crassus habang hawak niya ang teddy bear. "Sa kabila. Sa'n pa?" ‎ ‎"Ahm..." Kinamot ni Crassu

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 191 - Build an Empire for her

    Habang nakatitig sa pinto ng banyo ay hindi maipinta ang mukha ni Crassus. Unti - unting kumulo ang kanyang dugo nang mas lalong lumakas ang yabag nito sa kanyang pandinig."Raine!" Sigaw ng isang pamilyar na boses. "Raine!"Naikuyom ni Crassus ang kanyang kamay. Lumingon siya kay Raine. "Sit. You

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 190 - Flowing in her veins

    Habang nagbibiyahe sina Raine at Crassus ay panay ang kanilang banggayan. Ang plano sana ni Crassus ay ipagamot ito sa ospital pero biglang nagbago ang desisyon ni Raine. Ayaw na niyang magpa - ospital. Kaya imbes na doon sila didiretso ay napadpad sila sa villa. Pagkarating nila sa villa ay salub

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 189 -

    Mabigat ang loob ni Paul Tyler na umakyat sa ikalawang palapag ng bahay nila Athelios. Nang nasa bungad na siya ay bumulaga sa kanya ang nakaawang itsura ni Athelios. Nakaupo ito sa kama. Sapo nito ang sugata'ng panga habang katabi si Marie. Nang makita siya ni Athelios ay tumayo ito. "Sir, ano gi

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 188 - As you wish

    Natatakot ako sa magiging sagot mo. Na baka hindi ka papayag kasi may pinagkaabalahan kang iba."Pait na ngumiti si Raine. Si Crassus na tahimik na nagmamasid sa kanyang asawa ay binalot ng pagtataka sa kanyang mukha. "You don't even try and you keep assuming," Crassus eyebrows furrowed. Naiwas

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status