Home / Romance / Wild Plan: CEO's Desire / Chapter 296 - If I court you

Share

Chapter 296 - If I court you

Author: Aceisargus
last update Last Updated: 2025-07-30 23:55:01

Hindi makapagsalita si Raine matapos ang mahabang paliwanag ni Crassus. Tikom ang bibig na tinitigan niya ito.

Pero may parte ng puso ni Raine na naguguluhan. Bakit ba ginagawa ni Crassus ang lahat ng ito. Akala ba niya na mas gusto pa nito si Tia pero bakit panay ito'ng humahabol sa kanya.

"Crassus, hindi kita maintindihan," malamig na wika pa ni Raine. "Nagparaya na ako para sa inyo. Bakit naghahabol ka pa?"

Hinawakan ni Crassus ang kanyang kamay. "Ikaw ang gusto ko."

Parang bomba na sumabog ang katotohanan iyon sa utak ni Raine. Maang napatitig siya kay Crassus.

Naging hudyat naman kay Crassus ang pananahimik ni Raine. Ginagap niya ang kamay nito. "Ikaw naman talaga ang gusto ko. Natural naman siguro na hahabulin ko ang isang taong may puwang na sa puso ko hindi ba?"

Napaawang ang labi ni Raine. Nagkarambola sa pagtibok ang kanyang puso. Nagsimula na rin mamawis ang kanyang kamay dahil sa samu't-saring emosiyon na kanyang nararamdaman.

Ang sarap sa pakiramdam na marinig ang mga s
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
sabihin mo Raine iwasan na Niya si Tia hwag na Siyang makipag mabutihan SA malandi na Yun
goodnovel comment avatar
Ashurii Mante Poli
kawawa nman c crassus..
goodnovel comment avatar
Judith Ganzan Ecaranum
thank you sa update
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 298- Endearment

    Hindi nakasagot si Raine. Nilaro niya ang kwelyo ni Crassus at napatitig doon.Napaisip tuloy siya. Paano kung gumaling na si Crassus. Babalik ba siya sa dating treatment nito?Kumunot ang noo ni Raine. "Nilalagnat ka na, iyan pa ang iniisip mo? Bakit hindi mo na lang eenjoy ang pagkakataon na 'to?"Isang beses na kumurap si Crassus. Mapungay na tinitigan niya si Raine Malungkot siyang ngumiti."It's good to be true, Raine. Kaya natatakot ako na baka babalik na naman sa dati," pag-amin pa ni Crassus.Iniwas ni Raine ang kanyang mata. "Huwag mo ng isipin yan." Dahan-dahan siyang kumalas sa pagyakap nito. "Magpagaling ka muna. Saka na natin pag-usapan 'yan."Pinahiga niya si Crassus. Tahimik naman itong sumunod. Bumaluktot ulit ito. Pumasok si Raine sa kumot ni Crassus. Ibinuka niya ang braso nito at dumaus-us para roon at humiga. Sumiksik siya sa dibdib nito at yumakap.Manghang napatingin si Crassus. "Raine?"Pumikit si Raine. "Tulog na, Babe,"ani niya. Sinadya pa niyang i-emphasiz

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 297 - Afraid of one thing

    Lumabas si Raine sa kwarto. Nilapag niya sa likod ni Crassus ang dala niya na unan at kumot. Saka siya umupoNaramdaman ni Crassus na may gumalaw sa likod niya. Paglingon niya ay mukha ni Raine ang kanyang nasilayan.Crassus frowned. "Raine? What are you doing here?"Napatigil ito sa pag-aayos sa unan. Lumingon ito sa kanya. "Samahan na kita rito."Crassus froze. He eyed Raine. "You don't have to. Bumalik ka na sa kwarto mo. Baka mahawa ka pa sa akin."Pero hindi nakinig si Raine. Sinalat pa nito ang noo niya. "Mainit ka pa. Walang magbabantay sa'yo rito.""I'm not a kid.""May sakit ka. Huwag ka ng magreklamo," panunupla pa ni Raine. Humiga siya. "Matulog ka na. Hindi uubra iyang gamot na ininom mo kung hindi ka magpapahinga."Saka ito tumalikod sa kanya. Walang magawa si Crassus kung hindi titigan ang likod nito. Muli na naman sumalakay ang pananakit ng kanyang ulo. Sa sobrang sakit niyon ay napapikit siya sa sakit. Ngumiwi siya. Tumalikod siya kay Raine at bumaluktot ulit. Niyakap

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 296 - If I court you

    Hindi makapagsalita si Raine matapos ang mahabang paliwanag ni Crassus. Tikom ang bibig na tinitigan niya ito. Pero may parte ng puso ni Raine na naguguluhan. Bakit ba ginagawa ni Crassus ang lahat ng ito. Akala ba niya na mas gusto pa nito si Tia pero bakit panay ito'ng humahabol sa kanya."Crassus, hindi kita maintindihan," malamig na wika pa ni Raine. "Nagparaya na ako para sa inyo. Bakit naghahabol ka pa?"Hinawakan ni Crassus ang kanyang kamay. "Ikaw ang gusto ko."Parang bomba na sumabog ang katotohanan iyon sa utak ni Raine. Maang napatitig siya kay Crassus. Naging hudyat naman kay Crassus ang pananahimik ni Raine. Ginagap niya ang kamay nito. "Ikaw naman talaga ang gusto ko. Natural naman siguro na hahabulin ko ang isang taong may puwang na sa puso ko hindi ba?"Napaawang ang labi ni Raine. Nagkarambola sa pagtibok ang kanyang puso. Nagsimula na rin mamawis ang kanyang kamay dahil sa samu't-saring emosiyon na kanyang nararamdaman.Ang sarap sa pakiramdam na marinig ang mga s

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 295 - Being naughty

    Napakurap si Crassus. Manghang napatingin siya kay Raine. "Kanina ka pa riyan?" tanong pa ni Crassus.Umiling si Raine. "Bago pa lang." Umalis siya sa hamba ng pinto at tumabi kay Crassus. "Bakit lumabas ka pa? Mahamog dito. Pwede naman kayo mag-usap sa loob."Tipid na ngumiti si Crassus. "I know, gusto ko lang magpahangin kaya lumabas ako saglit."Mataman tinitigan ni Raine si Crassus. Ewan niya pero hindi niya makuhang maniwala sa sinasabi nito. Napabuntonghininga siya. Pinulupot niya ang kanyang kanang kamay sa braso ni Crassus pero bigla siyang natigilan. Mabilis niyang sinalat ang noo nito."Tsk, mainit ka na naman," imbyernang saad ni Raine. "Dapat kasi hindi ka muna lumalabas."Matamlay na ngumiti si Crassus. "You're worried?"Naningkit ang mata ni Raine. Sa inis ay pinitik niya ang tainga ni Crassus. Namilog ang mata nito."Ano? Magagalit ka? Subukan mo. Lakas ng loob mong mamuna. Siyang-siya ka naman na inaalagaan kita ano?" saad pa ni Raine.Ngumisi si Crassus. "It's my fo

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 294 - Different woman

    Mabilis na namula ang mukha ni Raine. Napatingin siya sa crotch area ni Crassus. Muli niyang naalala kung ano ang nangyari nang bihisan niya ito.Napalunok si Raine. "Oo." Iniwas niya ang kanyang mata. "P-pero hindi naman ako t-tumitingin."Napakurap si Crassus. Inaanalisa niya muna ang sinabi ni Raine at nang mag-sink in nasa kanyang utak ay maang napatitig siya kay Raine. Tumikhim siya. "Imposible na hindi mo nakita," pangangatuwiran pa ni Crassus.Nagulat na lang siya nang binato siya ng sandok ni Raine. Mabilis siyang napailag. Namilog ang matang napatingin siya sa kahoy na sandok."Hindi nga! Ba't ba ayaw mo m-maniwala? May naaalala ka siguro ano? Tapos hinuhuli mo lang ako?" Galit na wika pa ni Raine.Ngumiwi si Crassus. "Nagtatanong lang naman ako."Umingos si Raine. "Nagtatanong, pero tuwang-tuwa ka naman. Basta kaharutan ang bilis tumaas ng antenna mo no?"Crassus grin. "Well, it's one of my ways to know something. So you still have some hots for me?"Naningkit ang mata ni R

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 293- He didn't remember

    "Kailan ka papasok?" tanong ni Kien sa kabilang linya.Napalingon si Crassus sa gawi ni Raine. Nagluluto ito ng tanghalian nila kaya abalang-abala ito sa kusina. Ngumiti si Crassus. Pasado alas onse na nang magising sila ni Raine kanina. Kaya abalang-abala ito sa pagluluto ng tanghalian.Tinanaw ni Crassus ang labas ng building. "Sa makalawa na siguro. Hindi pa ako masyado magaling. I want to take a rest. Can you handle the company?""Pwede naman. Icacancel ko na lang muna ang mga meetings mo. Itatawag ko na lang sa'yo kung sakali mang may problema."Tumango si Crassus. "Any news?"Napabuntonghininga si Kien. Hindi man specific ang tanong ni Crassus pero alam na niya kung ano ang pinapahawatig nito.Napailing siya. "Wala pa. Ewan ko ba. Hirap akong makahanap ng lead. Is it possible that someone tampered it?""Possible, lalo na kung mabigat ang rason niya," malamig na wika pa ni Crassus. "Anyway, just keep searching. For the meantime, you handle the company. Ask Rothan for supervision

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status