Sana mawala na iyong hika ko :( para makapag- ud na ako ng maayos :'(
Tatlong linggo na ang nakalipas simula nang ma-ospital si Raine. Sa loob ng panahon na iyon, parang gulong ang buhay ni Crassus. Ang dami niyang pinagdaanan at inaasikaso. Ang dami niyang kinikimkim na pagsisisi at lungkot, pero ang lahat ng iyon ay kanyang isinantabi ala-alang kay Raine.Sa tulong ni Dr. Bianchi at ang iba pang mga kasamahan nito na doctor, naging matagumpay ang operasyon kay Raine. Crassus pulled his strings and connections. Lahat ng mga sinabi ni Dr. Bianchii ay kanyang sinunod. Wala siyang sinasayang na oras. Lalo na at buhay ni Raine ang nakataya. Nang hindi makarating ang dalawang doctor na galing Maynila ay siya na ang sumundo. Na-delayed ang flight nila, at dahil kailangan maoperahan ni Raine as soon as possible. Personal niyang sinundo ang mga ito gamit ang kanyang helicopter. Kasama si Kien, sinuguro niya na makakarating sa tamang oras ang dalawang doctor.Ngayon na maayos na ang sugat nito sa ulo at kasalukuyang nagpapagaling. Isa na lang hinihintay nila,
Nang marinig ni Crassus ang balitang iyon ay pinuproseso pa ng utak niya ang kanyang narinig. Nang maunawaan na niya ang lahat ay hindi siya makapagsalita dahil sa gulat. Nagpagting ang tainga niya at sabay iling ng dahan-dahan."B-bud, that's not true."Kaagad nilukob ng pag-alala ang Doktor nang makita ang mukha ng kaibigan. Nilapitan niya ito. Akmang hahawakan niya sana sa magkabilang balikat ni Crassus nang bigla nitong tinabig ang kanyang kamay."Bud..." sambit ni Alessandro na may pagsusumamo. Nang makitang umiling ulit si Crassus ay huminto siya. Pinagbigyan niya ito."Tell me it's not true," Crassus said in disbelief, hos tone laced with agony.Lumunok si Alessando. Bagaman nag-alala sa kaibigan. Sinabi niya pa rin ang katotohanan dito. "She was three weeks pregnant," Alessandro announced.Napasinghap si Diana. Si Alexa na gulat na gulat sa nangyari ay natutop ang bibig. Sinabihan na siya ni Diana kanina tungkol sa nakikita nito kanina. Nang mabasa niya iyon ay kaagad siyan
Itinulak nina Diana at Crassus ang stretcher na kinahihigaan ni Raine. May kasama silang dalawang male nurse at isa pang female nurse. Habang binabaktas nila ang hallway papunta sa emergency room ay hindi tumitigil sa pag-check ng vital signs ang isang female nurse. Tumigil na sa pagdugo ang noo ni Raine. Habang nasa ambulance sila kanina ay nilapatan na ng first aid si Raine. Iyon nga lang, wala pa rin itong malay. Nang marating nila ang emergency room ay sinalubong sila ni Dr. Bianchi. Kaagad nitong chineck ang vital signs ni Raine."Sir, Ma'am. Labas na po muna kayo. Sterile po rito. Bawal po kayo rito," magalang na sabi ng isang male nurse. Ito iyong tumulong sa kanila kanina.Itinulak sila papunta sa labasan ng emergency roon pero si Crassus ay nakikipagmatigasan pa. Tinulak niya ang braso ng isang male nurse."Don't touch me! I wanna see my wife!" Crassus hissed.Umiling ang male nurse. "Pasensiya na po pero bawal po talaga kayo sa loob."Ubod lakas na tinulak ng male nurse si
Napalunok si Crassus. Muli niyang niyakap si Raine. Mabuti na lang at hindi na ito pumalag. "Calm down, okay? Uuwi na ako. Mamaya sabay tayo. I'll wait for you, okay?"Tumingala si Raine. "S-sure ka na?" tanong pa niya habang sumisigok. "Baka mamaya si Tia na naman ang hihintayin mo.""Wait, what?" Crassus said, amusement in his voice. He pinched her nose lightly. "Why would I? You're my wife. Waiting for you after work is normal."Namula ang mukha ni Raine pero sumimangot pa rin siya. "M-malay ko," ani niya sabay hikbi. "B-baka mamaya, nag-cha-chat n-naman k-kayo tapos bigla na naman susulpot. Gano'n naman siya rati.""Tsk, silly. That's not gonna happen. Stop thinking about her. Hindi mangyayari iyang sinasabi mo," paniniguro pa ni Crassus.Sumimangot si Raine. "Tapos ngayon pinagtanggol mo pa siya?"Napakamot sa sentido si Crassus. "I'm not protecting her. Ayaw ko lang siya pag-usapan kasi wala naman siyang kwenta. So, stop it. Okay? Hihintayin talaga kita mamaya sa parking lot."N
Napalunok si Raine. "C-Crassus..." sambit niya habang nakatitig.Naglapat ng mariin ang labi ni Crassus. Binalingan niya ang trabahador at nagpatuloy sa pakikipag-usap.Napasimangot si Raine. Yumuko siya at pinagsalikop ang kamay habang mabagal na lumapit kay Crassus.Nasa gilid ito ng parking lot ng Forgatto Celestina. Sa gilid kasi niyon ay kasalukuyang pinapalitan ng bago pintura ang gusali. Hindi katulad dati, maraming naka-parking na mga company vehicle roon. Ngayon na may pinagawa si Crassus ay pinalipat muna ng parking space para iwas abala sa mga trabahador. Para makaiwas na rin sa disgrasya.Maraming naka-kabit na scaffolding sa gilid nito. Ito kasi ang ginawang hagdanan ng mga trabahador para maka-akyat sa mataas ng building. Bukod kasi sa pagpipintura, may pinapaayos din si Crassus sa wall ng building."Sabihin ni'yo lang kapag may kailangan pa kayo," rinig ni Raine mula kay Crassus habang kinakausap nito ang construction worker. Tumango ang kausap nito. "Sige po. Babalita
Pikit-matang bumangon si Raine mula sa kanyang higaan. Kumunot pa ang kanyang noo habang nakatingalang napapikit. Hindi niya alam kung ilang minuto siya nasa ganoong posisyon. Wala siyang pakialam. Umagang-umaga pa lang ay tinamad na siya gumalaw. Parang mas gusto lang niya humilata buong araw sa kwarto. Magluklok o di kaya matulog. May hinahanap siya na kinaiinisan na ewan.Inunat ni Raine ang kanyang braso. Nang mapansin niya ang pananamlay ng kanyang katawan ay napangiwi siya. Salubong ang kilay na tumayo siya at dumiretso sa kurtina. Tinabing niya iyon at itinali.Lumingon siya sa kama. Nalukot ang kanyang mukha nang makitang wala pa ring bakas ni Crassus na nandoon.Tatlong araw na ang nakalipas pero hindi pa rin umuuwi si Crassus. Sa loob ng araw na iyon, hindi siya namimintis na tawagan ito. Pero katulad ng dati, hindi niya ito ma-contact. Hindi niya alam kung patay pa talaga ang telepono nito o sadyang binoblock na siya nito para hindi siya makaistorbo. Alin man sa dalawang i