MasukSorry po :) ngayon lang nakapag-update dahil na busy :)
Pagkarating nila Crassus sa villa ay napansin kaagad nila ang aso ni Raine. Nakahiga ito sa huling baitan ng hagdan sa harap ng malaking pinto. Pinarada ni Crassus ang kotse sa gilid ng front lawn.“Look..” Crassus said. Ininguso niya ang aso ni Raine na golden retriever. “Someone's waiting.”Mabagal na lumingon si Raine sa bintana. Tahimik niya'ng pinagmasdan ang aso. Mabagal siya'ng kumurap. Tinulak ni Raine ang pinto ng kotse. Dahan-dahan siya'ng bumaba ng sasakyan. Sumunod si Crassus. Aalalayan niya sana si Raine nang bigla ito'ng umuklo sa harap ng aso. Natigilan siya. Umupo siya sa hood ng kotse at tinitigan ito kasama ang aso.Humalukipkip si Crassus.“Hi…” bati ni Raine sa aso. Sinubukan niya ito'ng hawakan pero bigla ito'ng tumayo. Napahinto siya. Binawi niya ang kanyang kamay.Tinabingi ng aso ang ulo nito. Pinasadahan ito ng tingin ni Raine.. Kumawag ang buntot nito.Tipid na ngumiti si Raine. “Ba't ka nandito?” takang taong niya habang kinakausap ang aso. “Sabi ni Crass
“Mi reina…” Crassus swallowed hard as he wrapped her in a comforting embrace. “Please…”Dahan-dahan tumigil si Raine. Napansin iyon ni Crassus kaya mabagal niya itong inilayo kay Maria.Mabilis na sinaklolohan nina Kien at Rothan si Maria. Tinignan nila kung buhay pa ba ito. Inilapat ni Kien ang dalawang daliri niya sa gilid leeg ni Maria.Napabuntonghininga si Kien. Awang-awa na tinitigan niya si Maria. Saka siya lumingon kina Crassus. “She'll be fine. She's just unconscious.”Raine smirked. Marahas niya'ng tinanggal ang kamay ni Crassus. Tumalikod siya at lumabas ng abandoned building. Napalingon si Crassus.Mayamaya pa ay binalingan ni Crassus ang kanyang kaibigan. “Call Alessandro,” Crassus ordered. Rothan nodded. “So, what's the plan?”“Continue the Plan A,” Crassus said. Tinitigan niya si Maria. “Huwag ni'yong hayaan na makatakas iyan. Double her security. I have a gut feeling that someone will rescue her,” he said firmly. “Okay,”sabi ni Kien. Naglapat ng mariin ang labi ni C
“Masyado siya naging pabigat sa mga plano ko kaya dapat lang sa kanya ang mamatay!” walang abog na pasigaw na sagot ni Maria kay Raine.Natigalgal si Raine sa narinig. Parang binuhasan ng malamig na tubig ang kanyang ulo. Nanginig ang kanyang kamay dahil sa galit. Mas lalong tumawa ng nakakaloko si Maria. Pagkatapos ay tinitigan niya ng nakakasuya si Raine. “Simula't sapol pa lang, ayaw na ng mama ninyo sa akin! Wala na siya ibang ginawa kung hindi tumutol sa mga plano namin ni Athelios! Pilit niya kami pinaghihiwalay! Kahit ang mga pera niya, siya pa ang nagmamanage! Kesyo kailangan magtipid para may magamit kapag may emergency! Pûta! Ako ito'ng binuntis pero kailangan ang desisyon niya pa rin ang masusunod?!”“Pero hindi mo dapat sinet-up sina Sergio at Mama! Hindi mo kailangan idaan sa marahas ang inis mo kay Mama. Pwede ni'yo naman pag-usapan iyon ng maayos! Kailangan ba talaga na patayin mo ang mama para lang sa kapritso mo?” hindi makapaniwalang tanong ni Raine.“Hinding-hindi
Hirap makatulog si Raine nang gabing yon. Okupado ang isip niya at parati siya pabalimg-baling sa higaan. Ilang beses na niyang binaliktad ang unan pero ayaw talaga siyang dalawin ng antok. Napilitan si Raine na humiga sa guest room. Wala siyang choice. Walang ibang ginawa si Crassus kung hindi bwesetin siya. Kung hindi ito nagpapansin, gagawa naman ito ng paraan para lang magsasalita siya. Talagang gumagawa ito ng paraan para makalapit sa kanya. Katulad kanina. Nakawala sa hawla ang aso't pusa niya at tumakbo papunta sa loob ng sala. Nasa sala siya noong mga oras na iyon tumatambay. Nagulat na lang siya nang biglang pagtakbong pumasok si Crassus. Iyon pala ay hinabol nito ang pusa, at dahil hindi pa masyadong sanay ang aso niya sa pusa— sumali rin ito sa paghabol. Ang ending ay naghahanap ng mapagtaguan ang pusa niya at kung saan-saan ito sumuot para lang umiwas.Nagkagulo sa sala. Naawa na siya sa pusa kaya dinakip niya ito. Huli na niya na realize na nakatingin pala sa kanya si
Pagkatapos sabihin ni Crassus ang lahat ng iyon ay hindi nakapagsalita si Raine. Napatitig lang siya sa kisame, pero ang kanyang puso ay parang kampana na nag-iingay. Sa lakas ng pagtibok niyon ay dinig na dinig na niya ang pagpintig niyon.Lumamlam ang mata ni Raine, hanggang sa napalitan iyon ng lumungkot. Lumaykay ang balikat niya nang bigla siya'ng may maalala.Dahan-dahan niya'ng tinulak si Crassus. Litong napatitig ito sa kanya.“Kaya ko naman ang sarili ko, Crassus,” malamig na wika ni Raine. “Sanay na ako sa gulo.”Natigilan si Crassus sa narinig. “Noong wala ka, masyado ng magulo ang buhay ko,” paglintanya ni Raine. Walang buhay ang kanyang mata habang nakatitig kay Crassus. “Lahat ng nasa paligid ko, puro problema. Nakaya ko'ng tiisin ang lahat ng iyon nang wala ka. Buhay pa naman ako, pero ibig sabihin niyon ay wala na ako'ng karapatan pa na lumaban. Hindi ko kailangan ang awa mo, Crassus. Maraming maraming salamat dahil iniligtas mo ako pero kaya ko pa ang sarili ko.”Nag
Pagkagising ni Raine ay ang pamilyar na kisame ang bumubulaga sa kanya. Dahan-dahan siya'ng luminga sa paligid. Habang ginalugad ng tingin ang palibot ay pumungay ang kanyang mata. Nahilot niya ang kanyang noo nang bigla siya'ng masilaw sa liwanag ng araw.Saka pa lang niya naanalisa na nasa kwarto siya nila Crassus. Nakataas na ang kurtina at ang preskong hangin ay malayang nakakapasok sa kwarto nila.Bumuntonghininga si Raine. Ninamnam niya ang kapayaan na pumapalibot sa kanya. Dahan-dahan siya'ng umalis sa kama, nang bigla siya'ng matigilan. Titig na titig si Raine sa sahig. Hindi niya alam kung bakit pero roon na natulog si Crassus. May itim na comforter ito at tanging dalawang unan lang ang gamit nito. Nakabalot sa katawan nito ang comforter. Himbing na himbing ito at kahit sa pagtulog ay salubong pa rin ang kilay nito.Parang may humaplos sa puso ni Raine. Nandoon na rin ang konsensiya. Alam niyang wala ito'ng kasalanan sa pagkamatay ng mama niya pero hindi niya maiwasan na sis
Pagkatapos isiwalat ni Roberta ang lahat ng hinaing ay binalot ng katahimikan ang sala. Hindi makapagsalita ang mag-ina. Hindi rin ito makatingin sa kanya ng maayos. Halatang guilty ang mga ito.Kung hindi pa na-ospital ang Mama nila, hindi niya malalaman ang mga kalokohan ng mag-ina. Kaya pala ila
Sa kabilang banda, habang naka-upo sa loob ng bahay ni Lola Pansing ay hindi maampat ang inis ni Roberta. Simula nang dumating siya rito kahapon ay wala na ibang ginawa ang magaling niya na kapatid kung hindi magpaparinig at magpapaawa. Kaunti na lang ang kulang ay matutulili na siya sa boses nito.
Sabay na napatingin sina Raine at Crassus sa pinto. Hindi pa matagal mula nang lumabas si Dr. Bianchii sa kwarto pero nangangati na ang lalamunan ni Raine na magsalita. Sinabon ba naman ni Alessandro si Crassus. Ngumiwi si Raine. "Ba't parang kuya kung makapagsalita si Dr. Bianchii? Ganyan ba talag
Tahimik na pinagmasdan ni Crassus si Raine. Nasa kama ito at mahimbing na natutulog. Hinaplos niya ang buhok nito.Ilang oras ng tulog si Raine. Hindi pa ito nagising simula nang mawalan ito ng malay kanina. Dinala niya ito sa ospital na pagmamay-ari ni Alessandro para matignan ito. Hinihint







