Share

Chapter 248

Author: Glazed Snow
“Maxine, ayos ka lang ba? Ano ang ginawa sa ’yo ni Mr. Velasco nang dalhin ka niya rito?” tanong ng isa sa mga kaibigan ni Maxine.

Mabilis na dumiretso sina Jessica at Althea sa loob, saka agar na hinawakan si Maxine sa kanyang kamay.

At dahil diyan, biglang napakunot ng noo si Maxine. Wala siyang ideya kung ano ang iniisip ng lunatikong si Shawn. Dinadala siya nito sa mansyon para lang sabihin ang mga salitang 'I'm sorry' ng dalawang beses.

Tila ba, umaakto si Shawn ng kakaiba sa mga panahon na ito.

Ngunit sa sandaling naalala niyang buntis si Arriana, hindi na nais ni Maxine na mag-aksaya ng kahit isang segundo pa para sa kanya. Bigla na lamang kumukulo ang kanyang dugo sa tuwing maaalala niya ang bagay na 'yon.

“Jessica, Althea, alis na tayo.”

“Sige.”

Magkasama silang tatlo na umalis, habang si Shawn ay nakaupo pa rin sa sofa, ibinaba ang tingin upang itago ang bahagyang pagnanasa na kumikislap pa rin sa kanyang mga mata.

Ilang saglit lang, biglang pumasok si Mike at nagbali
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (70)
goodnovel comment avatar
Silnamae Villaniza Hari-on
paulit ulit nalang nakakainis na
goodnovel comment avatar
H i K A B
Mabuti at malinaw na talaga k Shawn n si Maxine ang babae nung gabing yun. Sana mag stay sina Maxine para masaksihan nila ang gagawin ni Shawn, mukang babagsak na ang career ni Arriana.
goodnovel comment avatar
Kai Kai
palayo ng palayo sa bida ung kwento, parang probinsyano na wla na sa hulog kwento ng author, sobrang nkaka disappointed
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 357

    'Imposible. Paano 'yon maaaring mangyari?'Napangiti si Shawn sa sarili. Paano niya naisip na maiuugnay si Maxine sa tanyag at kamangha-manghang founder na iyon? Ang ideya ay tila katawa-tawa, at sa kabila ng lahat, nakakaaliw.“Mr. Velasco, pwede mo ba akong ihatid?”Kanina pa nakatayo si Maxine sa labas ng kanyang sasakyan, malinaw na nagmumungkahi na siya ay ihatid pauwi. Napangiti si Shawn. Sa isip niya, may sarili naman na kotse si Maxine, ngunit sinadya niyang pakinggan ito. Alam niyang may rason ang tanong. Gusto niyang tuksuhin si Monica. At saka, may halong pagsubok rin. Lalo lang nagiging matapang ang babaeng ito sa bawat pagkakataon.Sa sandaling iyon, sumakay na sina Monica, Amanda, at Nora sa kanyang sasakyan. Umupo si Monica sa pasaherong upuan, habang sina Amanda at Nora ay sa likod. Pinindot ni Shawn ang accelerator, at maayos na gumulong sa kalsada ang luxury car niya.Talagang hindi matanggap ni Monica ang katotohanan. Nagmamaneho si Maxine ng isang Rolls‑Royce,

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 356

    Tila nawalan ng mga salita si Maxine. Sa sandaling iyon, dumating na ang kanyang bagong kotse na kumikislap sa liwanag sa labas ng ospital.“Naghihintay lang ako ng kotse ko rito, kaya hindi na ako makikipagkwentuhan. Kailangan ko nang sumakay,” ani Maxine sa kanila.“Naghihintay ng kotse? O, naghihintay ng taxi?” natawa si Monica nang may halong pangungutya sa boses nang sabihin'yon. “Maxine, mahirap talagang makakuha ng taxi sa labas ng ospital.”Noon, palaging taxi ang sinasakyan ni Maxine, kaya hindi nakapagtataka na iyon ang naiisip ni Monica.Tumingin naman si Amanda kay Maxine nang may paghamak sa mga mata nito.“Talagang ang liit ng tingin ko sa 'yo, Maxine. Tingnan mo ang mga nakatatanda, sino ba sa kanila ang walang bahay o kotse? Lahat sila ay maayos. At ikaw? Nag-ta-taxi ka pa rin. Talagang napapahiya mo ang titulong babaeng henyo!” bulalas ni Amanda.Hinila naman ni Nora si Amanda, ang kanyang tingin ay sobrang lamig.“Amanda, tigilan mo na. Huwag mong sabihin iyan.

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 355

    Nag-angat ng tingin si Shawn at doon niya nakita si Maxine.Nasa ospital sila ng Hope. Isang lugar na tila hindi man lamang niya inasahan na muling pagsasalubungan nila ng landas.Sa mismong sandaling iyon, mahigpit na nakayakap sa braso ni Shawn si Monica, halos hindi ito humihinga sa sobrang takot at pagkabalisa. May panginginig sa tinig niya nang magsalita.“B-Bakit narito si Maxine? Shawn, a-ayoko siyang makita. Sa tuwing nakikita ko siya, parang may h-humihiwa sa puso ko,” utal na sambit ni Monica.Nag-angat ng tingin si Shawn kay Maxine. Isang tingin na blanko lamang, walang init, tila walang galaw. Pagkatapos ay marahan niyang inalis ang kanyang braso mula sa pagkakahawak ni Monica. Walang sinabi ang kanyang mga mata, ngunit ang kilos niya ay malinaw at diretso.“Bumalik na tayo. Ako na ang magmamaneho.”Pagkasabi no'n, tumalikod na siya at lumabas nang hindi na muling nilingon si Maxine.Sa pagtalikod nila, lalo pang kumapit si Monica sa kanya, parang natatakot na kung b

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 354

    Napatigil naman si Nora, tila may biglang naalala.“Mayroon akong natatandaan. Naging publiko ang Hope sa ibang bansa noong March 11. Ang tawag nila roon 'The Legend 311',” ani Nora sa kanila.Tumango naman si Amanda, tila kumpirmado ang alaala.“Tama 'yon.”Tumingin naman si Monica sa gamot na hawak-hawak niya, may bahagyang pagtataka sa mga mata.“Sa narinig ko, ang founder na ito ay itinuturing na isang pambihirang genius. Shawn, kilala mo ba ang founder?” sabat naman ni Monica.Sa loob-loob ni Monica, tila apoy ang kumukulo. Galit na pilit niya iyong nilulunok. Hindi niya maipakita kay Shawn ang tunay na bagabag sa dibdib niya, kaya idinidiretso niya ang lahat ng tensyon kay Maxine. Kailangan niyang maging maingat, mahigpit ang kapit sa sarili, at huwag hayaang makita ng iba ang pagkirot ng kanyang puso.Nag-isip sandali si Shawn bago tumugon.“Nakilala na natin siya minsan.”At sa isang iglap, bumalik sa alaala niya ang nakaraan.Anim na taon ang nakalipas, nasa Australi

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 353

    “Sandali!”Agad na sumabat si Maxine sa panglalait ni Monica. Tila biglang huminto ang hangin sa pagitan nila, parang napunit ang manipis na pisi na nagdurugtong sa dalawang babaeng matagal nang nagtatagong may bitbit na galit.“Monica, nagkakamali ka!” mariin niyang wika. “Kagabi, hindi ako ang nang-akit kay Shawn. Sa katunayan, buong-lakas ko siyang nilabanan, pero ginamit niya ang pagkakataon. Ang lagnat ko, ang panghihina ko, at pinilit niya ako.”'Ano?' ani Monica. 'Gumamit ng dahan si Shawn!?'Hindi agad nakapagsalita si Monica. Alam niya kung ano'ng uri ng lalaki si Shawn. Hindi kulang sa babaeng lumalapit sa kanya, ngunit madalas ay malamig at mailap. Ilang ulit na itinapon ni Monica ang sarili niya, lumapit, nagbigay-lambing, ngunit palagi siyang tinatanggihan nito. Kung ang pagpipigil sa sarili ay may mukha, iyon ay kay Shawn.'Pero pinilit niya si Maxine?'“Imposible!” mariing sigaw ni Monica. “Hindi ako naniniwala. Lahat ng sinasabi mo ay kalokohan lamang 'yan!”Lumi

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 352

    “Jared, bakit mo ako tinitingnan nang ganyan? Pinaghihinalaan mo ba ako? Iniisip mo ba na gusto kong pasabugin kayong dalawa kasama siya?”Nagsimulang tumaas ang boses ni Monica, puno ng hinanakit na halatang sinadya upang maka-apekto sa damdamin ni Jared. “Jared, ako kabigan mo rin ako at ang taong minahal at pinagkatiwalaan mo. Napakasakit na pagdudahan mo ako. Nagbago ka na,” dagdag ni Monica.Hindi pa siya nakuntento. Lumapit pa siya nang kaunti, pilit hinuhuli ang mga mata nito.“Bakit hindi ka nakabalik sa oras? Sa bangka, nag-atubili ka bang lumapit o gumawa nang kahit ano kay Maxine?”Matalino at mapanganib si Monica. Tumira siya nang nauuna, inunahan ang akusasyon, at ginamit ang emosyon para kontrolin si Jared. Bago niya pa man masabi ang alinmang pagdududa, siya na agad ang umarte bilang biktima.Nang maalala ni Jared ang nangyari sa bangka, ang katotohanang hindi niya kayang saktan si Maxine ay bahagyang lumambot ang matalim niyang anyo.“Monica, hindi 'yon ang ibig

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status