LOGIN“Ano ang kondisyon?”“Gusto kong kunin ang abo ng aking ama,” sagot ni Monica.Ang abo ni Louie ay matagal nang nasa pangangalaga ng pamilya Garcia. Minsan na itong hiningi ni Maxine, ngunit paulit-ulit siyang tinanggihan ng mga ito. Sa mismong pagbanggit ng pangalan nito, nagbago ang mga ekspresyon ng lahat sa paligid niya, parang may bigat na bumagsak sa silid.“Ano ang problema?” malamig ngunit matatag niyang tanong sa kanila. “Ako ang tunay niyang anak. Wala ba akong karapatang kunin ang abo ng sarili kong ama? Hindi n’yo naman siya itinuring na tunay na pamilya, kaya bakit ninyo pa gustong angkinin ang natitira sa kanya? Pumili kayo, abo niya o interes ng pamilya Garcia. Isa lang ang maaari niyong piliin.”Tumitig si Marivic kay Maxine. Malabo ang kanyang mga mata ngunit puno ng kalkulasyon. Doon niya napagtanto na hindi na bata at takot si Maxine.“Sige. Ibibigay ko sa ’yo ang abo ni Louie,” sa wakas ay sagot niya, pilit na pinipigil ang galit at kaba sa kanyang boses.Hina
Pinapaalala ni Maxine sa kanila na lumapit sila hindi para magyabang, kung hindi para magmakaawa.Napatitig sa kanya sina Marivic, Monica, at Amanda. Unti-unting pumusyaw ang kulay sa kanilang mga mukha, unti-unting nabura ang kayabangang ipinakita nila ilang sandali pa lamang ang nakalilipas. Para bang sapat na ang isang kilos ni Maxine upang isara ang pintuan at tuluyang putulin ang ugnayan.Ngunit mabilis na sumingit ang boses ni Marivic.“Maxine, huwag mong isara! Huwag! Lumapit kami para magmakaawa. Tulungan mo kami, okay?”Siya ang unang yumuko, ang hindi kailanman inaasahang luluhod sa harap ng dating batang itinataboy nila.Itinaas ni Maxine ang kanyang eleganteng kilay, malamig ang tingin habang nililipat ang paningin sa iba.Isa-isa ring yumuko sina Gregorio at Katie mula sa ikatlong sangay, at bahagyang nanginig ang kanilang boses nang magsalita.“Maxine, k-kasalanan namin noon. Para sa kapakanan ng pamilya, sana tulungan mo kami.”Sumunod naman si Wilbert na mababa
Nakasalalay sa isang larawan ang lahat. Nang makita ni Maxine ang ipinadala ni Franco, tila iyon ang naging patunay ng paghihingalo ng pamilya Garcia. Ang araw na sumadsad sila sa pinakamababang punto ng kanilang buhay. Mula sa dugong ipinuhunan ng kanilang ama at sa unti-unting pag-akyat na kanilang inaangkin, umangat sila nang mabilis sa itaas. Ngunit ang taas ay hindi palagiang ligtas at ngayong tapos na ang kanilang paglipad, mas malakas ang pagkakahulog.“Nakita ko na,” marahang tugon ni Maxine, malamig ngunit buo.“Sinabi ko sa kanila na ikaw lang ang makapag-aahon sa kanila ngayon,” sagot ni Franco, nakasandal sa sofa habang pinagmamasdan sila. “Ngunit kailangan nilang lumapit sa 'yo, magpakumbaba at magmakaawa. Sa tingin mo ba, magagawa nila?”Bahagyang kumurba ang labi ni Maxine ng isang ngiting may alam, puno ng katiyakan. “They will.”Kilalang-kilala niya ang pamilya Garcia. Kapag pera na ang nakataya, kapag ang survival na nila ang nakasalalay, agad nilang ibababa ang
Nanigas ang dalawang gintong bulaklak na sina Monica at Amanda ng pamilya Garcia. Hindi sila nakapagsalita, hindi rin nakakilos upang makipagtalo pa. Para bang ang katahimikan sa pagitan nila ay may bigat ng pagkatalo.Maya-maya, may narinig silang mahinang pagngitngit ng bakal. Dahan-dahang bumukas ang main gate ng villa, at sa ilalim ng malamlam na ilaw ay lumitaw si Franco na payapa, magalang, at tila walang bahid ng pagmamadali.Kuminang ang galit at pag-asang nagsasapawan sa mukha ni Marivic nang makita siya.“Mr, kamusta! Sa wakas nakita ka rin namin,” bungad niya, tila nagpipigil ng kaba.Nanatili si Franco sa may pintuan, marahang inikot ang tingin sa kanilang lahat.“Madam Garcia, ano ba ang nangyayari dito?”Napansin agad ni Monica na tila maaliwalas ang disposisyon ni Franco, para bang wala sa isip nitong mag-alala sa kanilang pagkatulala at pagkatuyo sa lamig at ambon. Ngunit mahirap itong paniwalaan, halos isang oras silang naghintay. At kung totoo mang siya ay nasa
“Mr. Damian, tulungan niyo po kaming makahanap ng paraan. Wala na po kaming ibang mapuntahan.”Halos mangusap na si Amanda na may halatang desperasyon sa kanyang boses na puno ng pakiusap at pag-aalala.Ngunit umiling lamang si Mr. Damian. Mabigat ang anyo ng kanyang mukha, tila ay may alam na hindi niya maipaliwanag. “Wala akong magagawa upang tulungan kayo. Nagkamali kayo ng nilapitan. Kung nais ninyong ma-resolba ito, kailangan ninyong humingi ng tulong sa iba,” sagot ni Damian sa kanila.Napakunot-noo ang mga Garcia, sabay-sabay na nagtanong.“Sino?”Matipid at malinaw ang tugon ni Mr. Damian, isang pangalang tila hindi nila inaasahang marinig.“Si Maxine.”Parang na-estatwa ang buong pamilya Garcia. Tila naputol ang kanilang paghinga sa matinding pagkagulat.“Ano?!” halos magkasabay nilang sambit, mga mata ay nanlaki sa hindi makapaniwalang ekspresyon.“Mr. Damian, bakit naman si Maxine ang dapat naming hanapin? Ano ba ang magagawa niya para sa amin?”“Tama!” sabat ng
“Of course they should find someone who knows Surgery Master. Amanda was Damian's prized disciple, after all. She could ask him for help, or…”Napatigil si Shawn ng ilang sandali, parang sinasadya ang pagbibitin.Napalunok si Monica, may tensyon sa tinig nang magsalita.“O, sino?” tanong niya.“Kanina, nabanggit ni Franco na pamilyar pa rin siya kay Surgery Master. Sinabi rin niyang babae si Surgery Master,” ani Shawn, habang ang kanyang mga tingin ay sobrang talim, tila may laman ang bawat salita. “Maaari nilang lapitan si Franco at alamin ang totoo.”Pagkasabi no'n, pinutol niya ang tawag. Mabigat ang katahimikan na sumunod, saka lumapit si Amanda kay Monica. Kanina ay halos hindi makapag-isip ang sinuman dahil sa labis na kaguluhan pero ngayon ay malinaw na sa kanilang harapan ang dalawang landas. Si Damian, o si Franco.Walang alinlangan, mariing nagsalita si Amanda. “Pumunta tayo agad kay Mr. Damian.”Lahat ay sumang-ayon, tila iyon ang tanging sagot na maaari nilang pang







