LOGINTumalikod si Maxine upang umalis, ngunit agad hinarangan ni Shawn ang kanyang daraanan. Ang presensya niya ay parang anino na malaki, nakakapigil, at imposibleng lampasan.“Maxine, wala ka bang gustong sabihin sa 'kin?” tanong ni Shawn sa kanya.Dahan-daha namang iniangat ni Maxine ang kanyang malinaw at maningning na mga mata, malamig ang tingin na parang wala nang natitirang emosyon para sa lalaking nasa harapan niya.“Sabihin ano?”Nagtama ang kanilang mga mata. Kay Maxine ay malinaw at tahimik, habang kay Shawn naman ay nahaharangan ng kumpiyansa at pag-aangkin. Pinagdikit niya ang maninipis na labi at huminga nang malalim bago muling nagsalita.“Ang mamahaling kotse na minamaneho mo, ang condo na tinitirhan mo. Saan galing ang mga 'yon? Kaninong pera ang ginagastos mo?”Hindi kumurap si Maxine. Sa halip, marahan niyang inunat ang likod na payat, elegante, at puno ng dignidad. Ang sagot niya ay simple ngunit matalim.“Mr. Velasco, hangga’t hindi pera mo ang ginagamit ko, wal
Nagulat sina Noran at Amanda nang makita si Monica na biglang pinabagsak sa sahig. Agad silang sumugod, sinusubukang iligtas siya.“Bitawan mo si Monica!” sigaw nila nang sabay.“Ito na ang iyong pangatlong babala. Kailangan na namin kayong paalisin sa lugar na ito!” tugon ng mga gwardiya.At sa isang iglap, itinaboy sina Monica, Amanda, at Nora mula sa Haven Condominium. Sa isang malakas na pagsara, bumagsak ang gate sa kanilang likuran.Si Monica ay nanatiling nakatitig, tahimik, habang si Amanda at Nora naman ay parehong nagulat.Sa isip nila, kailan pa ba sila hinarap nang ganito? Lalo na si Monica, palagi siyang tinatrato bilang isang iginagalang na bisita kahit saan siya magpunta kasama si Shawn. Ngunit ngayon, malamig siyang tinangay at pinauwi nang walang paalam. Ito ay tiyak na unang beses sa kanyang buhay.Galit na galit naman si Amanda, halos hindi mapigilan ang sarili niya.“Lahat nang ito ay kasalanan ni Maxine! Monica, ano ba ito? Mayroon si Maxine ng isang mamahal
“Maxine, huwag mong sabihin na hindi mo sinusundan si Mr. Velasco? Halata naman talaga ma sinusundan mo siya hanggang dito!”Ito ang sinambit ni Nora sa kanya. “Maxine, talagang magaling ka, ano? Alam mo pa na nakatira si Shawn sa ika-siyam na palapag. Parang may obsesyon ka sa pagsunod sa kanya. May problema ka ba sa ulo o ano?”Tumingin naman si Maxine kay Shawn nang walang ekspresyon.“Mr. Velasco, nakatira ka sa ika-siyam na palapag?” tanong ni Maxine.Itinuro naman Shawn ang pintuan naman may numerong twenty-eight.“I am staying here.”“Ah,” sagot naman ni Maxine.Lumapit naman siya sa pintuan ng room twenty-seven, inilagay, at may malutong na click ang lumitaw. Bumukas ang pinto.Nabigla sina Monica, Amanda, at Nora sa kanilang nakita. Hindi nila akalain iyon.'Nakatira pala talaga si Maxine sa twenty-seven? Talagang nakatira siya sa Haven Condominium at ang kanyang pinto ay ilang hakbang lang kay Shawn?'Pumasok si Maxine sa loob, at bago isara ang pinto, sinulyapan
'Imposible. Paano 'yon maaaring mangyari?'Napangiti si Shawn sa sarili. Paano niya naisip na maiuugnay si Maxine sa tanyag at kamangha-manghang founder na iyon? Ang ideya ay tila katawa-tawa, at sa kabila ng lahat, nakakaaliw.“Mr. Velasco, pwede mo ba akong ihatid?”Kanina pa nakatayo si Maxine sa labas ng kanyang sasakyan, malinaw na nagmumungkahi na siya ay ihatid pauwi. Napangiti si Shawn. Sa isip niya, may sarili naman na kotse si Maxine, ngunit sinadya niyang pakinggan ito. Alam niyang may rason ang tanong. Gusto niyang tuksuhin si Monica. At saka, may halong pagsubok rin. Lalo lang nagiging matapang ang babaeng ito sa bawat pagkakataon.Sa sandaling iyon, sumakay na sina Monica, Amanda, at Nora sa kanyang sasakyan. Umupo si Monica sa pasaherong upuan, habang sina Amanda at Nora ay sa likod. Pinindot ni Shawn ang accelerator, at maayos na gumulong sa kalsada ang luxury car niya.Talagang hindi matanggap ni Monica ang katotohanan. Nagmamaneho si Maxine ng isang Rolls‑Royce,
Tila nawalan ng mga salita si Maxine. Sa sandaling iyon, dumating na ang kanyang bagong kotse na kumikislap sa liwanag sa labas ng ospital.“Naghihintay lang ako ng kotse ko rito, kaya hindi na ako makikipagkwentuhan. Kailangan ko nang sumakay,” ani Maxine sa kanila.“Naghihintay ng kotse? O, naghihintay ng taxi?” natawa si Monica nang may halong pangungutya sa boses nang sabihin'yon. “Maxine, mahirap talagang makakuha ng taxi sa labas ng ospital.”Noon, palaging taxi ang sinasakyan ni Maxine, kaya hindi nakapagtataka na iyon ang naiisip ni Monica.Tumingin naman si Amanda kay Maxine nang may paghamak sa mga mata nito.“Talagang ang liit ng tingin ko sa 'yo, Maxine. Tingnan mo ang mga nakatatanda, sino ba sa kanila ang walang bahay o kotse? Lahat sila ay maayos. At ikaw? Nag-ta-taxi ka pa rin. Talagang napapahiya mo ang titulong babaeng henyo!” bulalas ni Amanda.Hinila naman ni Nora si Amanda, ang kanyang tingin ay sobrang lamig.“Amanda, tigilan mo na. Huwag mong sabihin iyan.
Nag-angat ng tingin si Shawn at doon niya nakita si Maxine.Nasa ospital sila ng Hope. Isang lugar na tila hindi man lamang niya inasahan na muling pagsasalubungan nila ng landas.Sa mismong sandaling iyon, mahigpit na nakayakap sa braso ni Shawn si Monica, halos hindi ito humihinga sa sobrang takot at pagkabalisa. May panginginig sa tinig niya nang magsalita.“B-Bakit narito si Maxine? Shawn, a-ayoko siyang makita. Sa tuwing nakikita ko siya, parang may h-humihiwa sa puso ko,” utal na sambit ni Monica.Nag-angat ng tingin si Shawn kay Maxine. Isang tingin na blanko lamang, walang init, tila walang galaw. Pagkatapos ay marahan niyang inalis ang kanyang braso mula sa pagkakahawak ni Monica. Walang sinabi ang kanyang mga mata, ngunit ang kilos niya ay malinaw at diretso.“Bumalik na tayo. Ako na ang magmamaneho.”Pagkasabi no'n, tumalikod na siya at lumabas nang hindi na muling nilingon si Maxine.Sa pagtalikod nila, lalo pang kumapit si Monica sa kanya, parang natatakot na kung b







