แชร์

Kabanata 322

ผู้เขียน: Glazed Snow
Agad naman na inabot ni Wilbert ang remote at pinatay ang TV. Sa sandaling iyon, lumapit si Nora sa kanya. Sinulyapan naman siya ni Wilbert at nagtanong dito.

“Tulog na ba si Monica?”

Puno ng pag-aalala ang mukha ni Nora nang tumango siya.

“Umiyak siya hanggang makatulog. Honey, gustong-gusto talaga ni Monica na mapangasawa si Shawn Velasco. Hindi mo ba siya matutulungan?” tanong ni Nora sa kanya.

At dahil diyan, nagdilim ang paningin ni Wilbert.

“Ano ba ang gusto mong sabihin?” galit niyang tanong sa babae.

“Honey, akala mo ba hindi ko alam? Hindi mo naman tunay na anak si Monica,” sagot ni Nora.

At dahil diyan, biglang tumikom ang bibig ni Wilbert. Hindi siya makapagsalita sa sinabing iyon ni Nora.

“Napakataas ng pinanggalingan ni Monica. Kapag inilabas mo ang tunay niyang pagkakakilanlan, mawawala lahat ng hadlang. At saka niya madaling makakamit si Shawn Velasco,” dagdag na sabi Nora.

Ngunit biglang tumayo si Wilbert at hinarap si Nora sa kanyang malamig na ekspresyon.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก
ความคิดเห็น (6)
goodnovel comment avatar
Alyn Jen
possible na pinagpalit ni Nora ang anak ni Wilbert at Anak ni Nora na si Monica ngayon,Dahil may sakit ito sa puso kaya need nya ng mayaman..pro nasaan ang tunay na anak ni Wilbert, si Maxine talaga ang hinahanap na anak ni Mr.Aguilar,ero bakit kaya sinabing ayaw ng ina ni Maxine na bumalik sya dun?
goodnovel comment avatar
Alyn Jen
Si Monica yun ang anak ni Nora,may nabasa ako sa mga nauna,na nag isip si Nora na kailanman di na malalaman ni Wilbert ang katotohanan tubgkol sa tunay na anak nya,It means may anak din sya,si Nora ang tunay na nakakaalam ng lahat baka pati si Wilbert niloko nya pinaniwala na anak si Monica
goodnovel comment avatar
arvie
sabe na ea SI Monica talqa anq anak.. hndi SI Maxine Kase Patay na anq tatay niya
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 357

    'Imposible. Paano 'yon maaaring mangyari?'Napangiti si Shawn sa sarili. Paano niya naisip na maiuugnay si Maxine sa tanyag at kamangha-manghang founder na iyon? Ang ideya ay tila katawa-tawa, at sa kabila ng lahat, nakakaaliw.“Mr. Velasco, pwede mo ba akong ihatid?”Kanina pa nakatayo si Maxine sa labas ng kanyang sasakyan, malinaw na nagmumungkahi na siya ay ihatid pauwi. Napangiti si Shawn. Sa isip niya, may sarili naman na kotse si Maxine, ngunit sinadya niyang pakinggan ito. Alam niyang may rason ang tanong. Gusto niyang tuksuhin si Monica. At saka, may halong pagsubok rin. Lalo lang nagiging matapang ang babaeng ito sa bawat pagkakataon.Sa sandaling iyon, sumakay na sina Monica, Amanda, at Nora sa kanyang sasakyan. Umupo si Monica sa pasaherong upuan, habang sina Amanda at Nora ay sa likod. Pinindot ni Shawn ang accelerator, at maayos na gumulong sa kalsada ang luxury car niya.Talagang hindi matanggap ni Monica ang katotohanan. Nagmamaneho si Maxine ng isang Rolls‑Royce,

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 356

    Tila nawalan ng mga salita si Maxine. Sa sandaling iyon, dumating na ang kanyang bagong kotse na kumikislap sa liwanag sa labas ng ospital.“Naghihintay lang ako ng kotse ko rito, kaya hindi na ako makikipagkwentuhan. Kailangan ko nang sumakay,” ani Maxine sa kanila.“Naghihintay ng kotse? O, naghihintay ng taxi?” natawa si Monica nang may halong pangungutya sa boses nang sabihin'yon. “Maxine, mahirap talagang makakuha ng taxi sa labas ng ospital.”Noon, palaging taxi ang sinasakyan ni Maxine, kaya hindi nakapagtataka na iyon ang naiisip ni Monica.Tumingin naman si Amanda kay Maxine nang may paghamak sa mga mata nito.“Talagang ang liit ng tingin ko sa 'yo, Maxine. Tingnan mo ang mga nakatatanda, sino ba sa kanila ang walang bahay o kotse? Lahat sila ay maayos. At ikaw? Nag-ta-taxi ka pa rin. Talagang napapahiya mo ang titulong babaeng henyo!” bulalas ni Amanda.Hinila naman ni Nora si Amanda, ang kanyang tingin ay sobrang lamig.“Amanda, tigilan mo na. Huwag mong sabihin iyan.

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 355

    Nag-angat ng tingin si Shawn at doon niya nakita si Maxine.Nasa ospital sila ng Hope. Isang lugar na tila hindi man lamang niya inasahan na muling pagsasalubungan nila ng landas.Sa mismong sandaling iyon, mahigpit na nakayakap sa braso ni Shawn si Monica, halos hindi ito humihinga sa sobrang takot at pagkabalisa. May panginginig sa tinig niya nang magsalita.“B-Bakit narito si Maxine? Shawn, a-ayoko siyang makita. Sa tuwing nakikita ko siya, parang may h-humihiwa sa puso ko,” utal na sambit ni Monica.Nag-angat ng tingin si Shawn kay Maxine. Isang tingin na blanko lamang, walang init, tila walang galaw. Pagkatapos ay marahan niyang inalis ang kanyang braso mula sa pagkakahawak ni Monica. Walang sinabi ang kanyang mga mata, ngunit ang kilos niya ay malinaw at diretso.“Bumalik na tayo. Ako na ang magmamaneho.”Pagkasabi no'n, tumalikod na siya at lumabas nang hindi na muling nilingon si Maxine.Sa pagtalikod nila, lalo pang kumapit si Monica sa kanya, parang natatakot na kung b

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 354

    Napatigil naman si Nora, tila may biglang naalala.“Mayroon akong natatandaan. Naging publiko ang Hope sa ibang bansa noong March 11. Ang tawag nila roon 'The Legend 311',” ani Nora sa kanila.Tumango naman si Amanda, tila kumpirmado ang alaala.“Tama 'yon.”Tumingin naman si Monica sa gamot na hawak-hawak niya, may bahagyang pagtataka sa mga mata.“Sa narinig ko, ang founder na ito ay itinuturing na isang pambihirang genius. Shawn, kilala mo ba ang founder?” sabat naman ni Monica.Sa loob-loob ni Monica, tila apoy ang kumukulo. Galit na pilit niya iyong nilulunok. Hindi niya maipakita kay Shawn ang tunay na bagabag sa dibdib niya, kaya idinidiretso niya ang lahat ng tensyon kay Maxine. Kailangan niyang maging maingat, mahigpit ang kapit sa sarili, at huwag hayaang makita ng iba ang pagkirot ng kanyang puso.Nag-isip sandali si Shawn bago tumugon.“Nakilala na natin siya minsan.”At sa isang iglap, bumalik sa alaala niya ang nakaraan.Anim na taon ang nakalipas, nasa Australi

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 353

    “Sandali!”Agad na sumabat si Maxine sa panglalait ni Monica. Tila biglang huminto ang hangin sa pagitan nila, parang napunit ang manipis na pisi na nagdurugtong sa dalawang babaeng matagal nang nagtatagong may bitbit na galit.“Monica, nagkakamali ka!” mariin niyang wika. “Kagabi, hindi ako ang nang-akit kay Shawn. Sa katunayan, buong-lakas ko siyang nilabanan, pero ginamit niya ang pagkakataon. Ang lagnat ko, ang panghihina ko, at pinilit niya ako.”'Ano?' ani Monica. 'Gumamit ng dahan si Shawn!?'Hindi agad nakapagsalita si Monica. Alam niya kung ano'ng uri ng lalaki si Shawn. Hindi kulang sa babaeng lumalapit sa kanya, ngunit madalas ay malamig at mailap. Ilang ulit na itinapon ni Monica ang sarili niya, lumapit, nagbigay-lambing, ngunit palagi siyang tinatanggihan nito. Kung ang pagpipigil sa sarili ay may mukha, iyon ay kay Shawn.'Pero pinilit niya si Maxine?'“Imposible!” mariing sigaw ni Monica. “Hindi ako naniniwala. Lahat ng sinasabi mo ay kalokohan lamang 'yan!”Lumi

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 352

    “Jared, bakit mo ako tinitingnan nang ganyan? Pinaghihinalaan mo ba ako? Iniisip mo ba na gusto kong pasabugin kayong dalawa kasama siya?”Nagsimulang tumaas ang boses ni Monica, puno ng hinanakit na halatang sinadya upang maka-apekto sa damdamin ni Jared. “Jared, ako kabigan mo rin ako at ang taong minahal at pinagkatiwalaan mo. Napakasakit na pagdudahan mo ako. Nagbago ka na,” dagdag ni Monica.Hindi pa siya nakuntento. Lumapit pa siya nang kaunti, pilit hinuhuli ang mga mata nito.“Bakit hindi ka nakabalik sa oras? Sa bangka, nag-atubili ka bang lumapit o gumawa nang kahit ano kay Maxine?”Matalino at mapanganib si Monica. Tumira siya nang nauuna, inunahan ang akusasyon, at ginamit ang emosyon para kontrolin si Jared. Bago niya pa man masabi ang alinmang pagdududa, siya na agad ang umarte bilang biktima.Nang maalala ni Jared ang nangyari sa bangka, ang katotohanang hindi niya kayang saktan si Maxine ay bahagyang lumambot ang matalim niyang anyo.“Monica, hindi 'yon ang ibig

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status