MasukMariing kumatok si Roberto sa pintuan ng kwarto ni Margaret habang nagsasalita.“Margaret, ako ito! Buksan mo agad ang pinto at may sasabihin ako!”Sa loob ng silid, tahimik na nakaupo si Margaret sa gilid ng kama. Hindi siya kumilos. Wala siyang balak harapin ito.“Alam kong nariyan ka, Margaret!” ani Roberto sa malakas na boses. “Buksan mo na ang pinto! Magbibilang ako hanggang tatlo. Kung hindi ka pa rin lalabas, sisipain ko itong pinto!”Nataranta ang katulong sa labas dahil sa sinabing iyon ni Roberto.“Mr. Aguilar, h-huwag n’yo pong sipain ang pinto! Kung may sasabihin kayo, pag-usapan n’yo nang maayos!”Ngunit hindi na siya pinansin ni Roberto.“Isa…” malamig niyang bilang.Saglit na kumunot ang noo ni Margaret, ngunit nanatili siyang nakaupo.“Dalawa…”Sa huli, napabuntong-hininga siya. Wala na siyang pagpipilian.Tumayo siya at naglakad papunta sa pinto. Walang emosyon ang kanyang mukha habang binubuksan ito.Pagkabukas, agad niyang nasilayan ang matangkad at tuwid
Samantala, galit na galit naman si Monica. Namumula ang kanyang mukha habang nanginginig ang kanyang boses sa pagpipigil ng inis.“Maxine, ano ang ginagawa mo? Pribadong usapin ito ng pamilya namin. Ano'ng karapatan mong manghimasok?”Dahan-dahan namang bumaba si Imelda mula sa kama. Kanina pa niya pinipigilan ang sarili, ngunit ngayon ay tuluyan nang nabasag ang kanyang maingat na itinayong imahe. Ang gabing ito ay matagal niyang pinagplanuhan. Bawat hakbang, bawat galaw ay kontrolado sana. Ngunit sa isang iglap lang, winasak iyon ni Maxine.Unti-unting nawala ang kanyang mahina at inosenteng anyo. Sa halip, isang malamig at matalim na titig ang ipinukol niya kay Maxine.“Miss Garcia,” malamig niyang saad. “Talagang mahilig kang makialam sa buhay ng iba.”Hindi natinag si Maxine. Tahimik niyang pinagmasdan si Imelda mula ulo hanggang paa, tila sinusuri ang bawat detalye nito. Pagkaraan ng ilang sandali, bahagya siyang ngumiti. Isa klase ng ngiti na hindi umaabot sa kanyang mga ma
Mabilis naman na sumunod si Monica kay Margaret at nagsalita.“Mom, hindi ko alam na ginagawa iyon nina dad at Tita Imelda. Pasensya na, hindi ko dapat hinayaan na m-makita mo iyon.”Ramdam ni Margaret ang unti-unting panlalamig ng kanyang katawan, na para bang may yelong bumabalot sa kanyang puso. Marahan siyang tumingin kay Monica, bago sumagot.“Ayos lang, Monica. Hindi mo kasalanan ito. Sa totoo lang, wala lang naman 'yon. Matagal nang nakatira rito si Imelda kaya malamang, matagal na rin silang may relasyon ng tatay mo.”Matagal na ring pinaghihinalaan ni Margaret ang bagay na iyon. Sa kaibuturan ng kanyang isipan, handa na sana siya. Ngunit ang makita iyon mismo at sa sarili niyang mga mata ay ibang usapan na.“Mom…” mahinang tawag ni Monica.“Monica, uuwi na ako.”Gusto na lamang niyang makaalis sa lugar na iyon sa lalong madaling panahon. Ang hangin ay tila mabigat, at ang bawat segundo ay nagdudulot nang matinding pagkasuklam sa kanyang kalooban.Tahimik na pinanood ni
Agad na nagbago ang ekspresyon ni Monica. Hindi niya inaasahan na darating sina Margaret at Maxine sa napakahalagang sandaling iyon. Isang sandaling hindi kailanman kasama sa plano niya.Agad siyang tumayo, bahagyang nagmamadali. “Mom, b-bakit narito ka?”Kalmadong tumingin si Margaret sa kanya, tila sinusukat ang bawat galaw at reaksyon nito. “Monica, napadaan lang ako para tingnan kung kumusta ka.”Bahagyang ngumiti si Monica, ngunit may halong pilit ang kanyang mga labi. “Mom, okay lang ako. Hindi mo na kailangang mag-alala pa, pero bakit mo dinala si Maxine dito?”Kumindat si Maxine kay Monica, may bakas ng panunukso sa kanyang mga mata. “Miss Aguilar, kamusta?”Agad na lumapit si Monica at kumapit sa braso ni Margaret, para bang naghahanap ng kakampi. “Mom, hindi mo naiintindihan. May nakaraan kami ni Maxine. Palagi niya akong binu-bully noon. Hindi ko siya gusto.”Marahang huminga si Margaret bago sumagot sa sinabi ng anak.“Monica, sinabi na sa akin ni Maxine an
May malambot at banayad na mukha si Imelda. Napakaganda at pino, tila walang bahid ng pagod o paglipas ng panahon.Labis ang kumpiyansa niya sa sarili. Ngayong gabi, sigurado siyang makukuha niya si Roberto.Samantala, si Roberto ay abala sa kanyang study. Dahil matagal na niyang tinanggap ang desisyong isakripisyo ang sariling buhay para sa kapakanan ng iba, marami pa siyang kailangang tapusin at ayusin.Ngunit maya-maya lamang, nakaramdam siya nang hindi pangkaraniwang init na unti-unting kumakalat sa kanyang katawan. Hinila niya ang mga butones ng kanyang damit, ngunit imbes na kumalma, lalo lamang lumakas ang apoy na tila sumisiklab sa loob niya.Tumayo siya at pumasok sa kanyang silid, saka nagmadaling naligo ng malamig.Ngunit kahit ang yelong tubig ay hindi nakapagpawi ng init na iyon. Sa halip, lalo pa itong nag-alab at naging mas hindi matiis.Huminga siya nang malalim at isinuot ang itim na silk robe bago lumabas muli. Naupo siya sa kama, tila sinusubukang kalmahin ang
Maingat na kinuha ni Imelda ang isang pakete ng pulbos at iniabot ito kay Monica.“Heto.”Tinanggap iyon ni Monica at tiningnan nang may pagtataka ang hawak niya.“Ano po ito, Tita Imelda?”Bahagyang ngumiti si Imelda, isang ngiting may halong kumpiyansa at pagtatago ng tunay na intensyon.“Ito ay klase ng gamot. Mamaya, ipagagawa mo si Roberto ng kape at ilalagay mo ito rito.”Bahagyang lumalim ang kanyang tinig habang nagpapatuloy.“Ang powder na ito ay maaari lamang ma-neutralize sa pamamagitan ng pagtatalik ng lalaki at babae. Ngayong gabi, ako ang magiging babae ni Roberto.”May kislap ng determinasyon sa kanyang mga mata, tila matagal na niyang pinaghandaan ang sandaling ito.Bukod pa roon, matagal na niyang inihanda ang sarili. Kung magtatagumpay siya ngayong gabi at magiging babae ni Roberto, sigurado siyang mabubuntis siya agad. Isang anak na lalaki at iyon ang kanyang sandata.Kapag nagkaroon siya ng anak kay Roberto, siya ang mananalo. Si Margaret ay tuluyang matat
Tumingin si Shawn kay Roberto at mariing nagsalita.“Uncle Roberto, uulitin ko. Hindi ko papakasalan ang anak ninyo na si Monica. Ang taong mahal ko ay si Maxine.”Agad na napuno ng sakit at hinanakit ang mukha ni Monica nang marinig 'yon.“Shawn!”Bigla namang hinila ni Shawn si Maxine, tuluyan
“So, don’t you think it’s shameless, holding onto Maxine like that?”Sa unang pagkakataon sa buong buhay ni Roberto, ngayon lang may nagsabi sa kanya na walang-hiya.Kaya naman ay batigilan siya. Hindi siya agad nakapagsalita.Ang butler ang unang bumawi sa katahimikan. Mabagal ngunit may diin an
Sa kabilang banda, napangiti naman nang bahagya si Franco.“Maxine, ano ba talaga ang nangyari ngayon? Ginawa mo ba 'yon nang sadya para ipakita kay Mr. Velasco?”Dahan-dahang iniangat ni Maxine ang maliit niyang mukha mula sa dibdib ni Franco at tumingin sa kanya.“Brother, wala talagang maitago
Muling nagsalita si Roberto, kalmado ang tinig ngunit mabigat sa awtoridad.“Nasaan ang anak ko?”Hindi na lihim ang dahilan kung bakit unti-unting nawala sa paningin ng publiko ang pinakamayamang tao sa mundo na si Roberto sa loob ng maraming taon. Hinahanap niya ang matagal nang nawawala niyang







