Share

Kabanata 9

Author: Glazed Snow
Walang sinuman ang tumanggap sa pagdating ni Maxine. Lahat sila ay nagsasabi sa kanyang umalis na siya at nakakatawa ito para sa kanya. Pinagmasdan niya nang malamig ang mga mukha nina Nora, Monica at Wilbert.

Pagkatapos ay marahas niyang binawi ang payat na braso mula sa pagkakahawak ni Shawn at ngumiti nang bahagya. “Sige, aalis na ako pero tandaan niyo, kayo ang nagtulak sa akin para umalis!”

Tumalikod na si Maxine at umalis.

Pero hindi nagtagal, bumalik siyang muli. Inayos niya ang nagulong buhok at saka ngumiti.

“Mr. Velasco, gusto mo bang malaman kung bakit nandito ako sa ospital na ‘to ngayon?”

Sinalubong ni Shawn ang tingin ng babae—ang maputing kutis ni Maxine ay tila porselana kapag nadadampian ng liwanag at ang manipis na balahibong naroon ay lalo lang nagpatingkad ng kanyang kagandahan.

Ngunit malamig ang ekspresyon ni Shawn, tila walang interes sa tanong niya. “Maxine, kung magpapaligoy-ligoy ka pa, huwag na lang. Nakakainis na ‘yang ginagawa mo.”

Lumapit si Maxine na may pilyang ngiti sa labi. “Nandito ako para hanapan ka ng doktor,” at saka niya inabot ang isang maliit na card. “Ayan, para sa ‘yo ‘yan.”

Tiningnan ni Shawn ang card—luma na iyon at parang isiniksik lang sa ilalim ng pinto. Ngunit ang nakasulat doon ang nagpakulo ng dugo niya.

Lumalim ang kunot sa noo ni Shawn. “Ano?”

Inagaw ni Maxine ang card at isiniksik iyon sa bulsa ni Shawn. “Kung may sakit si Monica, baka ikaw rin. Magpatingin ka, ha?”

Pagkatapos ay tuluyan nang lumakad palayo si Maxine.

Nanggigil si Shawn, ‘Ang babaeng ito, wala na siyang ibang alam gawin kundi ang painitin ang ulo ko!’

Doon na nagsalita si Monica, “Shawn, hayaan mo na si Maxine. Sayang lang ang oras natin sa mga kagaya niya.”

Tumango si Nora. “Oo nga. Pero nasaan na si Legend M? Hindi pa siya dumarating.”

Nang marinig ang pangalan ng premyadong doktor, nagbago ang mood ng lahat—mula sa tensyon patungo sa pag-asa. Ang doktor na ito lang ang tanging pag-asa ni Monica ngayon.

Sinilip ni Shawn ang suot na relo at lampas na sa nakatakdang oras pero wala pa rin ang doktor.

Biglang may pumasok na medical staff. “Mr. Velasco?”

Nagsilapit ang mga naroon. “Nasaan na siya? Dumating na ba ang Legend M?”

Tumingin ang staff kay Shawn, hindi nito pinansin ang iba. “Sir, dumating na po siya.”

“Ano? Nasaan?”

Sinilip ni Shawn ang pasilyo pero ang tanging nakita niya ang anino papalayo lang ni Maxine.

Nawala rin ito nang lumiko.

Sumimangot si Shawn, “Wala akong nakitang doktor dito.”

Sumagot ulit ang staff. “Dumating po siya, pero umalis din agad.”

“Ano?!” nagbago ang mukha nina Monica, Wilbert at Nora. “Bakit umalis siya ng basta-basta? Hindi pa naman niya nagagamot si Monica!”

“Pasensya na po, pero nagpasya siya na huwag nang ituloy ang paggamot niya kay Miss Monica,” paliwanag ng staff.

Nanlamig ang mukha ni Monica. “Hindi niya ako gagamutin? Pero bakit?”

Parang binuhusan sila ng malamig na tubig. Ang saya nila kanina ay napalitan ng pagkabigla.

Napahagulgol si Monica. “Bakit nga? Bakit ayaw niya akong gamutin? Bakit?”

Mabilis na niyakap nina Wilbert at Nora ang anak, pilit siyang pinapakalma. “Anak, huwag ka na malungkot. Hahanap tayo ng paraan. Magpapagamot ka pa rin.”

Tumalim ang mukha ni Shawn. Muli niyang tinapunan ng tingin ang tahimik na pasilyo—ang titig niya ay malamig at mapanganib.

Lumabas si Maxine ng ospital. Pasakay na sana siya ng taxi ng may tumawag sa pangalan niya.

“Maxine! Maxine!”

Tumigil siya at lumingon. Si Nora iyon.

Lumapit ito sa kanya at may inabot. “Maxine, para sayo ‘to.”

Ang bagay na inabot sa kanya ni Nora ay isang tseke na nagkakahalaga ng twenty million pesos.

“Hindi ka gusto ni Shawn, Maxine. Tigilan mo na siya. Ibalik mo na lang siya sa kapatid mo. Mag-file ka na ng divorce. Gamitin mo ang perang ‘yan at manirahan ka na lang ulit sa probinsya.”

Napangiti si Maxine. Isang ngiting mapait. Kung hindi lang niya sinilip ang DNA test result ni Nora at Monica, baka maniwala pa siyang mag-ina talaga sila. Pero hindi naman talaga.

Hindi tunay na anak ni Nora si Monica.

Pero dahil sa mahal ni Nora si Wilbert—minahal din niya ang anak nitong si Monica na parang kanya.

Tiningnan ni Maxine si Nora—mata sa mata. “Ito lang ba ang halaga ng pagiging asawa ni Shawn sa paningin mo? O, baka naman, ito lang ang halaga ko?”

Nagulat si Nora. “Maxine, para rin ito sa kabutihan mo. Hindi ka bagay dito…”

“Para sa kabutihan ko?” napangiti si Maxine sa salitang iyon. “Itinapon mo na nga ako sa probinsya noon, ngayon, gusto mo ulit akong ipadala doon. Ang bait mo talagang ina.”

Hindi na lumingon pa si Maxine. Itinuloy na niya ang pagsakay sa taxi.

Sa loob, pumuwesto siya sa likod. Kumuha siya ng candy mula sa bag at binalatan iyon nang dahan-dahan saka isinubo.

Nakatingin ang matandang driver mula sa rearview mirror. Ang dalagang pasahero niya ay tahimik at elegante. Pero sa malapitan, sobrang puti ng kutis nito at tila babasagin.

Napangiti ang driver. “Iha, mahilig ka pala kumain ng candy.”

Nasa labas ang atensyon ni Maxine. Bukas ang bintana kaya nagugulo ng hangin ang buhok niya. “Opo, kahit paano ay napapatamis nito ang araw ko.”

Naroon pa rin si Nora. Pinanood niya ang papalayong taxi ni Maxine.

May lumapit sa kanya. “Mrs. Garcia.”

Paglingon ni Nora, nakita niya si Dr. Roel Catacutan, isang doktor mula sa ospital. Lumapit siya kaagad.

“Doc! Hello! Alam kong marami kang koneksyon dito at sa iba pang ospital. Makikisuyo sana ako. Pwede mo bang kausapin si Legend M para ituloy niya ang paggamot sa anak ko?”

Ngumiti ang lalaking doktor. “Mrs. Garcia, kilala ko si Legend M. Pwede ko kayong ipakilala.”

Nagningning ang mga mata ni Nora. “Talaga? Maraming salamat, doc!”

Tiningnan ni Dr. Catacutan ang direksyong tinungo ni Maxine. Dahan-dahang lumitaw ang mapanganib na ngiti sa kanyang labi. “‘Yong babae kanina, siya ba ang panganay mong anak na galing sa probinsya? Hindi ko inaasahang ganoon siya kaganda. Ang akala ko ay nakakita ako ng anghel.”

Biglang nawala ang ngiti sa labi ni Nora at napalitan ng malamig at walang emosyon na ekspresyon.
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 200

    Agad naman na tumawa si Gregorio sa isang banda.“Ang Maxine na ito ay siguradong naiinggit kay Amanda natin. Kaya nga sinabi niya ang mga iyon dahil gusto niyang sirain ang hapunan na ito,” wika ni Gregorio.“Ang simpleng batang ito na galing sa probinsya ay nangahas pang tawaging manloloko si Surgery Master? Nakakatawa,” dagdag naman ni Katie.Hinawakan ni Amanda ang kamay ni Surgery Master at agad na nagsalita sa kanya.“Surgery Master, huwag mong masamain si Maxine. Naiinggit lang siya sa atin dahil hindi maayos ang kanyang isipan,” paliwanag ni Amanda.Tumingin naman si Surgery Master sa direksyon kung saan nawala si Maxine at bahagyang huminga. Kahit hindi niya eksaktong alam kung ano ang nadiskubre ni Maxine, ramdam niya ang pagkabalisa at takot.Sa kabutihang palad, pinaalis siya ng pamilya Garcia.Tiningnan naman ni Surgery Master ang pamilya Garcia na parang pag-aari niya at ngumiti nang mahinahon. “Ayos lang. Wala akong pananagutan sa mga sinasabi niya,” saad naman

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 199

    Naramdaman ni Mrs. Marivic na ito na ang pinakamagandang sandali ng kanyang buhay. Pinapayaman siya ng kanyang dalawang pinakamamahal na apo.Ngumiti nang may pagmamalaki sina Monica at Amanda. Ang dalawang gintong bulaklak ng pamilya.Puno naman nang kagalakan ang ikalawa at ikatlong sangay ng pamilya Garcia.Samantala, tahimik namang pinanood sila ni Maxine mula sa sulok. Ang kasiglahan at karangyaan ng pamilya Garcia ay hindi kailanman magiging sa kanya. Ang tanging taong mahalaga, ang kanyang ama ay matagal nang wala, nakalibing na, at ganap nang nakalimutan ng buong pamilya Garcia.Sa sandaling iyon, biglang naramdaman ni Maxine ang isang tingin na nakatuon sa kanyang mukha. Tumingin siya pataas at nakita si Shawn.Nakatayo si Shawn sa ilalim ng maliwanag na ilaw, direktang nakatingin sa kanya.'Ano ang tinitingnan niya?' aniya sa kanyang isipan.Ngayong gabi, kasama niya si Monica pabalik sa lumang mansyon, upang suportahan ito.Tila nakalimutan ng lahat dito na siya ang

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 198

    Lahat ng mga katulong ay labis na nasasabik, puno ng paghanga kay Amanda.Sa sandaling iyon, bumaba naman si Mrs. Marivic kasama si Gregorio mula sa ikatlong sangay at si Katie. Lahat sila ay nakabihis nang pormal, habang may ngiti sa kanilang mga mukha.Nang makita ni Marivic si Maxine, agad siyang nagsalita nang malamig.“Maxine, ngayong gabi ay dadalhin ni Amanda si Surgery Master sa bahay para sa hapunan. Mas mabuting manahimik ka at huwag mong saktan si Surgery Master o baka hindi kita patatawarin!”Napatingin naman sina Gregorio at Katie kay Maxine nang casual. “Ma, narito na si Amanda at si Surgery Master. Halika, salubungin natin sila.”Pagkatapos nilang magsalita, huminto ang isang mamahaling sasakyan sa garahe ng mansyon ng pamilya Garcia.Magkahawak-kamay na pumasok si Amanda kasama si Surgery Master sa kanilang bahay.Ngayong gabi, nakasuot si Amanda ng mahabang gown, nagliliwanag at nakakaakit ang kanyang postura. “Lola, Mom, Dad, ipakikilala ko sa inyo si Surge

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 197

    Habang naririnig ang halakhak ng dalawang babaeng empleyado, tumingin si Arriana patungo sa Velasco Corporation.Bilang isang estudyante ng pag-arte, natural niyang naiintindihan na ang Global Entertainment ng Velasco Corporation ay kumokontrol sa kalahati ng industriya ng entertainment, taglay ang mga pinakamahuhusay na resources at koneksyon. Mga bagay na karamihan sa tao ay pwedeng pagsikapan sa buong buhay nila at hindi man lang maaabot.Lahat nang iyon ay pag-aari ni Shawn, ang lalaking ito.Dahan-dahang sumilay ang mga mata ni Arriana sa isiping iyon.Samantala, bumalik naman si Shawn sa opisina ng CEO at tinapik nang malakas ang mga dokumento sa mesa.Inilabas niya ang kanyang telepono at binuksan ang messenger. Hindi pa rin sumasagot si Maxine.Sa sandaling iyon, tahimik na pumasok si Mike at mahina ang boses na nag-ulat sa kanya.“Sir, wala raw po si madam sa paaralan ngayon. Pumunta po siya sa ospital para alagaan si sir Lucas.”Sa mga nakaraang araw, laging ni-re-rep

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 196

    Habang nagsasalita, ngumiti si Jessica kay Maxine na tila may halong pahiwatig. “Maxine, mahusay talaga ang performance ng asawa mo sa pagkakataong ito.”Nagulat naman si Arriana at tumitig kay Maxine. “Maxine, si Mr. Velasco ba ang asawa mo? Talaga bang ikaw ang Mrs. Velasco?” takang tanong ni Arriana.Tumango naman si Jessica at sinabi, “Oo, siya nga ang totoong Mrs. Velasco. Ang Maxine nga natin!”Hindi naman makapaniwala si Arriana sa kanyang narinig. Hinawakan niya ang kamay ni Maxine, puno ng inggit ang mukha. “Maxine, ang swerte mo talaga.”Ngumiti naman si Maxine nang pahilis at may halong komplikadong emosyon. Hindi niya alam kung ano talaga ang pakiramdam ng kaligayahan.Humiga siya sa kama at inilabas ang kanyang telepono, binuksan ang messenger at hinanap ang pangalan na asawa. Pagkatapos nang sandaling pag-aatubili, nagpadala siya ng mensahe rito.Maxine:Salamat.Isang simpleng salita lamang iyon, ngunit makabuluhan. Ilang sandali lang, bigla namang tumuno

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 195

    Biglang binuksan ni Shawn ang pintuan sa likod, hinawakan si Filipe sa kwelyo, at hinila palabas ng sasakyan.Nanginginig nang todo si Filipe dahil sa ginawa ni Shawn. “M-Mr. Velasco, a-ano... ano ang nagawa ko para magalit ka nang ganito? Pakiusap—”Ngunit, hindi siya binigyan ni Shawn nang pagkakataong magsalita. Isang suntok ang kanyang tinama sa mukha nitoBumangga ang katawan ni Filipe sa sasakyan dahil sa lakas ng impact.Kapag nakikipaglaban si Shawn, tense at malalakas ang mga kalamnan sa ilalim ng kanyang suit at kamiseta. Bawat suntok ay eksakto at walang awa. Sunod-sunod na suntok ang tumama, at natabunan ng dugo ang mukha ni Filipe. Hindi na siya makapagsalita para humingi ng kapatawaran.“Aling kamay ang humawak sa kanya? Ito ba?”Isang hampas lang at nabasag ni Shawn ang kanang kamay ni Filipe.Samantala, nahulog naman si Filipe sa lupa, mababaw at hindi pantay ang kanyang hininga.Sa sandaling iyon, dumating naman si Mike kasama ang grupo ng mga tauhan niya.“

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status