Share

Kabanata 8

Author: Glazed Snow
Hindi makapaniwala si Shawn na ang junior niya sa Harvard University ay diretsahang tinanggihan ang friend request niya!

Sa mismong sandaling iyon, pumasok sa opisina si Mike at may dalang kape. Nang ilapag niya ang kape sa mesa ng CEO, hindi sinasadyang nakita niya ang screen ng cellphone nito.

‘Ha? May tumanggi sa friend request ni sir?’ gulat na tanong nito sa sarili. ‘Imposible! Paano naman nangyari ‘to?’

Hindi na nakapagpigil si Mike. “Sir, ang junior niyo na ‘yan, kakaiba talaga siya.”

Ngumisi si Shawn. Kakaiba nga ang junior niyang ito dahil ito ang kauna-unahang tumanggi ng friend request niya sa social media.

‘Sige, kung ayaw niya, bahala siya.’

Dinampot ni Shawn ang kape at ininom iyon pero agad din siyang napakamot ng noo.

Muling nagsalita si Mike. “Sir, may problema po ba? Hindi niyo po ba gusto ang kape? Gusto niyo po bang palitan ko ng bago?”

Biglang naalala ni Shawn ang ginagawang kape ni Maxine para sa kanya noon. Hanggang ngayon, iyon lang ang kapeng talagang bagay sa panlasa niya.

Nanatiling walang emosyon ang mukha ni Shawn habang nag-uutos, “Mike, gumawa ka ng cheque na may walong zero. ‘Yan ang bayad para sa diborsyo namin ni Maxine.”

Sinabi nito sa kanya na aalis ito nang wala kahit anong dalang ari-arian—pero hindi naniniwala si Shawn.

Si Maxine ay isang probinsyanang tumigil sa pag-aaral sa edad na disi-sais. Sa isip niya, anong magagawa nito para kumita? Tiyak niyang nagpapakipot lang ito para mas makakuha nang mas malaking halaga mula sa kanya.

Ang tseke na may walong zero ay ang magiging kabayaran para sa tatlong taon nilang pagsasama. Simula sa araw na ito, wala na silang utang na loob sa isa’t-isa.

Tumango si Mike. “Yes, sir.”

Sa sandaling iyon, tumunog ang cellphone ni Mike. Nang sagutin niya ang tawag, napasigaw ito sa tuwa.

“Sir, magandang balita! Tinanggap na ng Legend M na operahan si Miss Monica! Pumayag na siya!”

Si Legend M ay isang magaling na doktor, isang legend sa larangan ng medisina. Ang mga pinakamayayamang tao sa bansa ay pumipila para magamot niya.

Ngunit tatlong taon na ang nakalipas nang bigla siyang mawala na parang bula at walang nakakaalam kung saan siya nagpunta. Basta lang siyang nawala.

Pagkatapos ng tatlong taon, bumalik na ang Legend M na tinatawag nila.

May sakit sa puso si Monica mula pa ng pagkabata. Ilang beses na siyang naospital at sumailalim sa iba’t-ibang uri ng gamutan, pero hindi pa rin bumuti ang lagay niya. Ngayon, ginamit na ni Shawn ang yaman niya para mapagamot si Monica kay Legend M.

Dahil sa narinig, lumambot rin sa wakas ang ekspresyon ni Shawn at bahagyang ngumiti. Maliligatas na si Monica!

Kinabukasan, dumating si Maxine sa pinakamalaking ospital sa lungsod. Sa mga oras na iyon, dumating ang grupo ng mga lalaking naka-itim. Nagdulot sila ng kaguluhan habang sinusubukang paalisin ang mga tao. Napilitang umatras si Maxine kasama ng iba pang naroon.

Sa gilid, nagkwekwentuhan ang dalawang teenager.

“Ano daw ang nangyayari?”

“Hindi mo ba alam? Si Monica, ‘yong sikat na babae dito sa Metro Manila, ang beauty queen, at lead dancer ng Ballet Philippines ay nahilo daw kanina habang nagtatanghal. Ang sabi, si Mr. Velasco daw mismo ang nagsugod sa kanya sa ospital.”

“Talaga? Ginawa ‘yon ni Mr. Velasco? Ang bongga naman,” kinikilig na pahayag ng isa pang teenager.

Kinabahan si Maxine sa narinig. Hindi niya akalaing makakasalubong niya sina Shawn at Monica sa ospital ngayon. Pakiramdam niya tuloy ay pinaglalaruan siya ng tadhana.

“Tingnan mo, nariyan na sila!” Tili ng isa pang dalagita.

Pagtingin ni Maxine, nakita niya agad ang matangkad at gwapong pigura ni Shawn kahit sa malayuan. Suot ang isang itim na handmand suit na nagbigay sa kanya ng ranya at tikas.

Nasa bisig niya si Monica.

Pinalibutan sila agad ng ilang mga doktor at nurse mula sa emergency room ng ospital.

“Mr. Velasco, dito po.”

Nagpatuloy si Shawn sa paglalakad dala pa rin ang babaeng walang malay. Tuwang-tuwa ang mga dalagita sa paligid.

“Grabe, ang gwapo talaga ni Mr. Velasco. Siya talaga ang pinaka-gwapong CEO!”

“Tapos, ang ganda at ang puti ni Monica. Classy, sobra! Bagay na bagay talaga sila ni Mr. Velasco!” dagdag ng isa.

“Ay! Ang gwapong CEO at ang sikat na mananayaw—naku, bagay na bagay ang love story nila!”

Hindi sila masisisi ni Maxine. Ang kasal nila ni Shawn ay isang lihim. Ilang tao lang ang may alam nito. At sa mata ng publiko, ang pinagtatambal naman ay sina Shawn at Monica.

Pinanood lang ni Maxine ang eksena habang papalayo sina Shawn sa kinatatayuan niya. Hindi man lang siya napansin nito dahil ang mga mata nito ay nakatuon lang kay Monica.

Sa istoryang ito, isa lang siyang extra sa love story ng dalawa. Huminga nang malalim si Maxine at sinundan ang appointment number sa kanyang cell phone—papunta siya sa Room 120 ng ospital.

Hindi nagtagal, nakita niya sina Shawn at Monica sa loob kasama sina Wilbert at Nora. Nasa kama na si Monica at nasa gilid ang mag-asawa. Hindi siya pinababayaan at inaasikaso ang babae tulad ng isang batang prinsesa.

Dinig na dinig ni Maxine ang usapan nila.

Masaya si Wilbert, “Monica, ang galing! Nakuha na ni Shawn ang Legend M para gamutin ka!”

Napaiyak sa tuwa si Nora. “Oo nga! Grabe! Ang daming tiniis ni Monica dahil sa sakit niya. Pero ngayon, may pag-asa na. Gagaling ka na! Pagkatapos ng gamutan mo, pwede ka na ikasal kay Shawn at magiging masaya na kayo!”

Matamis ang ngiti ni Monica kay Shawn.

Naroon ito sa tabi ng babae habang hinahaplos ang ulo ng babae. Isang napakagandang tanawin ang ipinamalas ng apat.

Natigilan si Maxine sa may pintuan. Hindi niya inakalang ganoon kaliit ang mundo. Ang heart surgery na inayos ni Bernard para sa kanya ay para pala kay Monica.

Ang mainit at masayang tagpo sa loob ay nagpaluha sa mga mata niya. At sa sandaling iyon, tila may napansin si Shawn, lumingon siya at tumama ang matalim na tingin niya kay Maxine.

Hindi nakapaghanda si Maxine sa sulyap na iyon.

Mabilis siyang nilapitan ng lalaki. “Maxine, anong ginagawa mo rito?”

Namutla si Maxine, “H-Ha?”

Lumamig ang boses ni Shawn. “Maxine, sinusundan mo ba ako?”

“Hindi…”

Napansin din siya nina Wilbert at Nora at agad na sinermunan si Maxine. Iniwan nila ang tabi ng pasyente para lapitan siya.

“Anong ginagawa mo rito?” singhal ni Nora. “Hinihintay namin ang Legend M para gamutin si Monica tapos, bigla kang susulpot para manggulo?”

Hindi rin natuwa si Wilbert. “Maxine, wala ka talagang modo. Umalis ka na!”

Hindi nagsalita si Monica pero mula sa kama, tiningnan niya si Maxine nang may yabang.

Lumapit pa lalo si Shawn at hinawakan ang payat na braso ni Maxine. Malamig ang boses nitong sinabi, “Tama na ang pagpapakipot mo. Hindi ka pa nakuntento, sinusundan mo pa ako. Umalis ka na, ngayon din!”
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 100

    “H-Hindi!” agad na tanggi ni Maxine sa lalaki. “Hindi ako kasama ni Mr. Velasco kagabi!”Narinig ni Shawn ang kanyang pagtanggi at palihim na ngumisi.‘Talaga namang takot na takot si Maxine na malaman ni Lucas na magkasama kami kagabi? Marunong talaga siyang magsinungaling sa mga lalaki,’ ani Shawn sa sarili. ‘What a pretty liar.’Lumapit si Lucas kay Shawn, at seryoso itong tiningnan.“Shawn, bakit hindi ka nagsasalita?” tanong niya sa lalaki.Ang maringal at guwapong mukha ni Shawn ay nanatiling walang emosyon habang nakatitig kay Lucas.“Hindi ba sinabi na niya ang lahat?”Sa isip ni Shawn, hayaan na lang kung ano man ang sinabi ni Maxine.Nakaramdam naman ng kaunting pagkailang si Maxine, at sinabi, “Shawn, Lucas, mag-usap na lang kayo. Lalabas muna ako.”Pagkasabi nito ay agad na siyang tumalikod at lumabas ng silid. Lumapit naman si Lucas kay Shawn at pabulong na nagreklamo rito.“Shawn, sa susunod dapat marunong ka nang dumiskarte,” saad ni Lucas sa kanya.Tinaas naman ni Shawn

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 99

    Napakunot ang noo ni Shawn habang iniaangat ang tingin mula sa dokumento papunta kay Mike.“Saan siya nagpunta?” seryosong tanong ni Shawn sa kanya.“Pumunta si Elias sa bahay ng pamilya Garcia, at inimbitahan na ni Mr. Jared Montelban ang mahigit sampung mga media outlets mula sa buong Luzon upang magsagawa ng isang press conference. Sa nasabing conference, balak nilang akusahan si madam Maxine ng pang-aabuso at pag-abandona sa kanyang adoptive father,” paliwanag ni Mike kay Shawn.Nang dahil diyan, pinagdikit ni Shawn ang kanyang maninipis na labi sa narinig.‘Ano na namang binabalak ni Jared?’ inis niyang tanong sa sarili.“Paano ba ninyo hinahawakan ang mga bagay-bagay? Lampa na si Elias, pero nakatakas pa rin siya?” tanong ni Shawn sa assistant niya.Namuo ang malamig na pawis sa noo ni Mike nang makita ang pag-init ng ulo ng kanyang boss.“S-Sir, ito po ay—”Hindi natapos ni Mike ang kanyang sasabihin nang biglang magsalita si Maxine.“Ako ang nag-utos kay Mike,” biglang tumambad

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 98

    “Madam Nora, kailangan niyo akong iligtas! Ikinulong ako ni Mr. Velasco at nakalabas lang ako nang palihim. Kapag nahuli niya ako at dinala pabalik, tapos na ako!”Nagmamakaawa si Elias kay Nora habang nanginginig pa rin sa takot dahil kay Shawn.Siyempre, kailangang protektahan ni Nora si Elias. Siya ang alas niya at hinding-hindi niya hahayaang maging inutil ito.“Mom, ano na ang gagawin natin ngayon?” tanong ni Monica nang may kaba sa kanyang boses.Hindi naman natuwa si Wilbert sa mga nangyayari. Sa wakas ay may ginawang tama si Nora para matuwa siya, tapos ngayon may bago na namang gulo.“Ano sa palagay mo ang dapat gawin, Nora?” tanong ni Wlibert sa kanya.Agad naman na humarap si Nora sa kanya at kalmadong sumagot, “Mahal, huwag ka munang magalit. Hindi pa tapos ito.”Nagliwanag ang mga mata ni Monica, at sinabi, “Mom, may plano ka ba?”“Monica, tawagan mo na si Jared Montelban. Hindi ba ikaw ang pinakagusto niya? Hindi ba’t palagi siyang nakikinig sa 'yo? Ngayon ang tamang oras

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 97

    Tila kumikinang ang mga mata ni Maxine sa ilalim ng kumot habang nakatingin kay Shawn, saka biglang napatawa.“Bakit ka tumatawa?” tanong ni Shawn sa paos niyang boses.Tiningnan siya ni Maxine at sinagot, “Dapat ko bang sabihing pagod ako o hindi?”Tamang-tama lang ang kanyang biro. Malabo ngunit nakakakilig.Napatawa na rin si Shawn at muling hinalikan ang kanyang mapupulang labi.****Kinabukasan, sa mansyon ng mga Garcia...Sa kwarto, nakasandal si Nora sa dibdib ni Wilbert na may ngiting kuntento sa kanyang mga labi. Niyakap niya ito sa leeg at nagkunwaring nagtatampo.“Masyado kang marahas kanina. Medyo masakit.”Pilyong ngumiti si Wilbert at kinurot ang kanyang baba.“Pero busog na busog ka naman ngayon, hindi ba?” sambit niya kay Nora.“Nakakainis ka talaga.”Matapos makatanggap ng tawag mula kay Monica, agad na umuwi si Wilbert para aliwin si Nora na matagal nang nakakaramdam ng lungkot at pangungulila sa kanya.Habang yakap-yakap niya ito, nagtanong si Wilbert. “Talaga bang

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 96

    Hinalikan ni Maxine si Shawn. Namumula na nang husto ang mga mata ni Shawn sa sobrang tensyon, at agad niyang itinulak si Maxine palayo.“Maxine!”Tumingala si Maxine sa kanya, ang maliit niyang mukha na kasing laki ng palad, at ang dati ay inosente niyang mga mata, ngayon may halong kahiya-hiyang alindog.“Hindi mo ba sasagutin ang tawag ni Monica?” tanong ni Maxine sa kanya.Yumuko si Shawn at mariing sinelyuhan ang mapupulang labi ni Maxine.Patuloy pa rin sa pag-vibrate ang telepono, at tuloy pa rin ang tawag ni Monica kay Shawn. Muling naramdaman ni Maxine ang kilig na hindi niya kayang pigilan. Legal na silang mag-asawa ni Shawn, ngunit pakiramdam niya’y para silang may itinatagong lihim mula kay Monica.Mapusok siyang hinahalikan ni Shawn ngayon, tila ba pinaparusahan siya nito. Kinagat nito ang malambot niyang labi, tapos ay sinalakay siya na parang isang mananakop, at tila inaataki ang kanyang hininga na parang buhawi.Ang babaeng ito ay talagang mahilig mang-akit para kay Sha

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 95

    Paulit-ulit na tinatawag ni Maxine si Shawn. Ang kaaya-aya niyang tinig ay muling nagpalingon sa binatang nasa tabi ni Shawn. Isa itong klase ng boses na likas na pumupukaw ng pansin, na para bang gusto mo siyang tingnan muli at muli pa.Walang nagawa si Shawn kung hindi tingnan siya, at ang mukha niya ay madilim na pero sadyang kaakit-akit pa rin.Nasa kama na si Maxine nang lumapit siya. Tiningnan niya ito nang may inis.“Ano bang sinisigaw mo? Tumatawag ka ba ng multo?” tanong ni Shawn sa kanya.Kumurap lang si Maxine nang tahimik. Mabuti lang naman ang kanyang intensyon.“Maliligo lang ako sa malamig na shower,” bulong ni Shawn, habang patungong banyo upang palamigin ang sarili.Ilang minuto pa, bumalik na siya at iniangat ang kumot upang mahiga ulit sa kama.Magkatabi na silang dalawa ngayon ngunit tahimik lamang. Gayunman, nagpapatuloy ang mga ingay mula sa kabilang kwarto, ang nakakalokong halakhakan ng isang lalaki at babae. Kahit may humaharang na pader, malinaw pa rin itong n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status