Share

Kabanata 10

Author: Glazed Snow
Sa Villa ng mga Garcia.

Pagsapit ng gabi, nakadamit pantulog na si Nora habang nakaupo sa sofa sa malawak na sala. Hinihintay niya si Wilbert. Noong kabataan niya, isa siyang marikit na dalagang galing Batangas at labis siyang minahal ni Louie Garcia—pinagpala at hindi kailanman pinahirapan.

Nang naglaon, pinakasalan ni Nora si Wilbert, na siyang nagmana ng mga negosyo at kompanya ni Louie, saka pinalago niya ito. Naging mayaman siya at sa paglipas ng mga taon, inalagaan ni Nora ang sarili nang mabuti kaya nanatili ang kanyang alindog.

Bumukas ang malaking pintuan ng villa at inihayag ng isang katulong ang pagdating ni Wilbert. Agad na ngumiti si Nora at masayang sinalubong ang asawa at tinulungan itong alisin ang coat nito.

“Mahal, bakit ngayon ka lang umuwi?”

Hindi katulad ni Louie na tahimik at tapat, si Wilbert ay makisig at mapanukso noong kabataan niya. Sa mga sumunod na taon bilang CEO, lalo siyang naging makapangyarihan kaya naman tuluyang nahulog si Nora sa bitag niya.

“May social gathering kami ngayong gabi,” sagot ni Wilbert.

Biglang naamoy ni Nora ang pabangong nakadikit sa coat ni Wilbert. Alam na alam niya ang amoy na iyon, pabango iyon ng bagong sekretarya nito.

Hindi na napigilan ni Nora, namula na ang mga mata niya nang sabihin, “Mahal, kasama mo na naman ba ang sekretarya mong iyon?”

Nainis si Wilbert. “Nora, bakit ba lagi ka na lang naghihinala? Hindi ba hindi ginamot ni Legend M si Monica? Sigurado akong masama ang loob ng anak natin. Ang mas mabuti pa, aliwin mo na lang siya. I-comfort mo. Pagod na ako. Aakyat na ako para magpahinga.”

Akmang aakyat na si Wilbert nang muling magsalita si Nora. “Alam ko kung paano mahihikayat si Legend M.”

Tumigil sa pagpanhik si Wilbert at agad na bumalik para yakapin si Nora. “Mahal! Napakagaling mo talaga! Hindi mo talaga ako binibigo. Ikaw talaga ang kayamanan ko.”

Magaling si Wilbert pagdating sa paglalambing, lalo na sa mga babaeng gaya ni Nora na galing sa probinsya ng Batangas na mahina sa matatamis na salita.

Kumapit si Nora sa asawa at mapanuksong tiningnan ang lalaki. “Pero may kondisyon ako. Palayasin mo ang sekretarya mong iyon.”

Tumango si Wilbert. Maliit na sakripisyo lang ‘yon para sa anak. “Walang problema. Iyon lang pala. Tatanggalin ko siya bukas na bukas din.”

Pagkasabi niyon, binuhat na ni Wilbert si Nora sa mga bisig. Dahil dito, lumambot ang katawan ni Nora, halos pikit ang mga mata. “Hindi ba sabi mo kanina, pagod ka na?”

Lumuwag ang silk robe niya at lumitaw ang mapang-akit na lace lingerie sa loob.

Ngumisi si Wilbert. “Ha? Nakita kitang ganyan kaganda, paano ko pa mapipigilan ang sarili ko niyan?”

Hinampas ni Nora nang marahan at puno ng lambing ang lalaki. “Ang pilyo mo talaga—”

Tumawa si Wilbert, “Bakit, ayaw mo ba?”

****

Kinabukasan, nasa apartment si Maxine nang makatanggap siya ng tawag mula kay Nora. Mula sa kabilang linya, ginamit ni Nora ang isang mapagkunwaring tono ng isang mabuting ina.

“Maxine, tumawag ako para mag-sorry. Mali ako. At saka nagluto ako ng paborito mong mga putahe. Pwede bang umuwi ka muna?”

Sumilip si Althea mula sa kusina. Naka-speaker ang tawag kaya narinig niya.

“Max, huwag kang pumunta. Masama ang kutob ko. At saka, sunod-sunuran lang ‘yang nanay mo kay Wilbert. Sa edad niyang ‘yan, parang teenager pa rin kung umarte. Nakakahiya,” paalala ni Althea sa kanya.

Tahimik lamang ekspresyon ni Maxine nang sabihin, “Sorry, wala akong oras. Busy ako.”

Papatayin na sana niya ang tawag nang magsalita ulit si Nora.

“Max, alam mo bang may binigay sa ‘yo ang tatay mo? Nahanap ko na. Gusto ko sanang ibigay sa ‘yo ngayong nasa hustong edad ka na.”

Nanginig nabg bahagya ang mga daliri ni Maxine. Hanggang ngayon, alam na alam pa rin ng ina kung saan siya mahina.

Dumating si Maxine sa villa ng mga Garcia. Wala roon sina Wilbert at Monica pero totoong naghanda nga si Nora ng isang magarbong handaan para sa kanya. May isang lumang wooden box din sa mesa at iyon marahil ang ibinilin sa kanya ng ama.

Ang nakasulat sa ibabaw ng wooden box ay sulat kamay mismo ng ama. Pasuray-suray ang pagkakasulat, tanda ng kakulangan sa edukasyon, ngunit ang tatay ni Maxine ay isang lalaking pinaghirapan ang lahat mula sa wala. Nagsimula ito sa ilalim. Hindi katulad ni Wilbert na nakatapos ng kolehiyo.

Dahan-dahang hinaplos ni Maxine ang mga letra. Nanumbalik ang lahat sa kanya—masaya ang pagkabata niya noon at walang ibang minahal ang ama kung hindi si Maxine.

Masaya si Nora, tila napakaganda ng mood nito. Nagbukas siya ng alak at nagsalin sa dalawang baso—isa para sa kanya at isa para kay Maxine.

“Max, mag-toast tayo.”

Tumango si Maxine kay Nora, malamig ang boses niya. “Sabihin mo nga sa akin, paano namatay ang tatay ko?”

Nanginig ang kamay ni Nora, muntik pa sanang matapon ang mamahaling alak kasabay nang pag-iwas ng tingin. “Max, namatay ang tatay mo sa sakit. Sabi ko na sa ‘yo noon, hindi mo maiintindihan kahit ipaliwanag ko dahil hindi ka naman doktor!”

Ngumisi lang si Maxine habang sisimsim ang laman ng wine glass niya. Alam niyang malalaman din niya ang totoo.

Ibinalik niya ang wine glass. “May lakad pa ako. Aalis na ako.”

Pero biglang dumating si Dr. Roel Catacutan at mabilis itong lumapit kay Maxine na parang matagal na silang magkakilala.

Kumunot ang noo ni Maxine, “Teka, sino ka?”

Matino naman ang itsura ni Roel Catacutan. May edad na rin ito pero ang mga mata ay puno nang malisyosong pagnanasa. Habang tinitingnan niya si Maxine ay lalo siyang nasasabik.

Ibinaba ni Nora ang inumin. “Max, siya si Dr. Roel Catacutan. Doon din siya nagtatrabaho sa ospital kung saan dinala si Monica. Kilala niya si Legend M at maaari niyang kumbinsihin ito na gamutin si Monica.”

Nilingon ni Maxine si Roel. ‘Talaga? Kilala niya si Legend M?’

Lumapad ang ngiti ni Maxine. “Eh, ano naman ngayon?”

Tuluyan nang nawala ang pagkukunwari ni Nora. “Maxine, matulog ka kay Dr. Roel ng isang gabi at maliligtas si Monica.”

Hindi makapaniwala si Maxine. Para iligtas si Monica, handa si Nora na ibugaw ang sariling anak. Kaya pala siya nito pinabalik sa villa.

Biglang uminit ang pakiramdam ni Maxine. May kakaiba siyang nararamdaman. Tiningnan niya ang bote ng alak at napagtanto niya na na-drugs siya!

Kung ano pang kayang gawin ni Nora ay hindi niya alam. Namumula ang mga mata ni Maxine dahil sa luha. Hindi niya alam kung ano ang kasalanan na nagawa niya para hindi siya kailanman nito mahalin.

Umiwas si Nora ng tingin at agad na tumalikod.

“Dr. Catacutan. She’s all yours.”

Sabik na sabik ang may edad na doktor, pinagkiskis pa nito ang mga kamay at sumugod para lapitan si Maxine. “Halika rito! Tingnan nga natin kung maganda ka ring katabi sa kama!”

Umalis na si Nora.

Pagkaalis ni Nora, biglang bumagsak sa sahig si Dr. Catacutan at wala na itong malay. Naapektuhan siya sa ininom niyang pampagana bago magtungo sa villa ng mga Garcia.

Samantalang si Maxine naman ay tinamaan rin ng gamot na nasa alak. Wala pa naman siyang dalang gamot na pwedeng pangontra sa pumasok sa sistema niya. Kabisado niya ang villa kaya tinungo niya ang dating kwarto sa pag-asang may laman pa ang medicine cabinet niya. Sa kasamaang palad, wala ng laman nang tingnan niya. Marahil ay nilinis at tinapon ng mga kasambahay.

Hindi umiinom si Maxine kaya tinamaan siya ng alak. Nahihilo siya at dahil sa drogang nakahalo doon—parang sinisilaban ang katawan niya sa init.

Bigla siyang nakarinig ng mga yabag mula sa labas ng pinto.

‘May dumarating…si Shawn ba ‘yon?’ nagliwanag ang mga mata ni Maxine.

Bumukas ang pinto at iniluwa si Shawn. Ang mainit at nanghihinang katawan ni Maxine ay agad na bumagsak sa mga bisig ng lalaki.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (4)
goodnovel comment avatar
❤Charmz❤
wlang kwentang ina oa Nora
goodnovel comment avatar
H i K A B
Malamang may kinalaman si Wilbert at pati na rin si Nora sa pagkamatay ng ama ni Maxine..
goodnovel comment avatar
Lea Suarez
Walang kwentang Ina talaga
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 375

    Sandaling napangiti si Jessica. Sa pagitan ng hibla ng kanyang buhok, kumikislap ang hairpin na tinutukoy ni Andrea. Isang mamahaling regalo mula sa kanyang tiyahin.Ngumisi si Andrea, puno ng panunuya, at pagkatapos ay nagsalita.“Hairpin ng isang Chanel na nagkakahalaga ng five hundred thousand, tapos isinusuot mo lang nang basta-basta? Ang perang ‘yan, ilang taon pang bubunuin ni Raven bago niya kitain. Sa tingin mo ba talaga ay bagay kayong dalawa?”Matapang na itinukod ni Jessica ang kanyang mga kamay sa baywang, ang baba niya ay nakataas na parang ayaw magpatalo kay Andrea.“Bagay man kami o hindi ay wala ka nang pakialam doon. At isa pa, hindi rin kayo bagay ni Raven!” saad ni Jessica sa kanya.“Ikaw—” mabilis na saad ni Andrea, puno ng inis at pang-iinsulto, ngunit biglang sumingit ang malamig at matigas na tinig ni Raven, sapat para manahimik ang lahat.“Ayoko na makita ka pa ulit. Huwag mo akong piliting ulitin ang sinabi ko ng tatlong beses.”Nagmamahal man siya ay pa

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 374

    Bigla at walang pag-aalinlangan na binitiwan ni Raven ang pulso ni Jessica. Umurong siya ng dalawang hakbang na may tamang layo upang mawala ang init ng pagkakalapit nila, at tamang distansyang tila kailangan niya upang huminga muli.Napakurap si Jessica, at isang mainit na kirot ang dumampi sa kanyang ilong. Inabot niya ito gamit ang kanyang daliri, at nang makita ang pulang bakas, nanlaki ang mata niya.“I-I'm bleeding!” sigaw niya, puno ng gulat, parang bata na nadapa sa unang pagkakataon.Tiningnan lang siya ni Raven. Walang halong bagabag at walang pagkataranta, pero malinaw sa mata niya na alam niyang totoo ang sinabi nito. Dumudugo nga ang ilong ng dalaga.Tahimik niyang hinugot ang dalawang pirasong tisyu mula sa bulsa, iniabot iyon sa kanya.“Itagilid mo ang ulo mo,” malamig ngunit mahinahong wika Raven. “Titigil din ‘yan agad.”Kinuha ni Jessica ang tisyu at sumunod. Habang hawak ang ilong, hindi niya mapigilang magtaka.“Bakit kaya ako biglang nag-bleeding?” takang ta

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 373

    “Raven, nakita mo ako n-na hubad...”Mabagal, malinaw, at may halong pagkapahiya ang pagbigkas ni Jessica sa bawat salita. Tahimik lamang siyang tinitigan ni Raven. Ang kanyang tingin ay malamig at walang bakas ng pagkabalisa.“Hindi ko nakita,” mahina ngunit matatag na tugo ni Raven.“Patuloy ka pa ring nagsisinungaling?” nanlilisik ang mata ni Jessica, halatang hindi kumbinsido sa sagot ng lalaki. “Hindi mo ba ako nakita kanina?”Hindi sumagot si Raven, ngunit dumaan ang ilang segundo na parang mabigat na katahimikan sa pagitan nila. Nakita niya. Hindi siya bulag. At alam iyon pareho nilang dalawa.Namula naman ang malambot at magandang mukha ni Jessica. Sa simpleng pag-alala ng nangyari, parang kumulo ang init sa kanyang pisngi. May halong hiya, inis, at pagkabigla. Inaasahan niyang si Maxine ang papasok sa silid, pero hindi. Si Raven ang dumating. At nakita siya nang wala ni isang saplot.“Ano ang nakita mo kanina? Ano ang narinig mo?” kalmado, ngunit mariing tanong niya, h

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 372

    Sa loob ng locker room, hinila ni Jessica ang kanyang bagong damit, nakatalikod habang isinuot ang kanyang panloob. Ang bawat galaw ay maingat, ngunit ramdam ang pagod at kirot sa katawan matapos ang nangyaring away.Sa sandaling iyon, may marahang katok sa pinto ang umalingawngaw. May tao sa labas."Dumating na ba si Maxine?" bulong niya sa sarili, may halong pag-asa at kaba.“Pumasok ka,” utos niya, tinutok ang tingin sa pinto.Bumukas ang pinto, at isang pamilyar na anino ang pumasok sa silid. Hindi ito si Maxine. Si Raven ang nasa loob.Tumigil siya sa kanyang mga galaw nang masulyapan ang dalaga. Nakasuot si Jessica ng paldang uniporme sa ibaba, at sunod niyang isinusuot ay ang bagong panloob. Ang maliliit at puting mga kamay niya ay abala sa pagsara ng mga hook sa likod.Hindi maiwasang mamangha si Raven. Natigilan siya sa tanawing iyon. Hindi niya inasahan na masaksihan ang ganitong eksena. Ang balat ng dalaga ay sobrang puti, halos nakasisilaw sa liwanag ng silid. Ang mah

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 371

    Hindi nagtagal, ang ilang mga estudyante ay nagsimulang pumalibot sa paligid, pinagmamasdan ang nangyayaring kaguluhan.“Naku! May nag-aaway dito!” bulong ng isa, sabay takip sa kanyang bibig dahil sa kaba at kasiyahan.Samantala, naramdaman naman ni Andrea ang matinding takot. Ang makipag-away sa paaralan ay palaging nagdudulot ng problema, hindi lamang sa disiplina kung hindi lalo na sa katawan. At higit sa lahat, napakasakit kapag siya ang tinatamaan.Sa gitna ng kaguluhan, biglang pinadapa ni Jessica si Andrea sa sahig at sinaktan siya. Kahit may ilang babaeng sumugod kay Jessica upang ipagtanggol si Andrea, hindi ito nakahadlang sa kanya. Patuloy siyang umaatake nang walang tigil. Pakiramdam ni Andrea, humahapdi ang bawat pulgada ng kanyang katawan sa sakit at pangamba.Sa desperasyon, itulak ni Andrea si Jessica palayo. “Jessica, sandali lang! Hahanap ako ng tulong!” sigaw niya, sabay talon at takbo kasama ang ilan sa kanyang mga kaibigan.Si Jessica, may mga pasa at punit

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 370

    “Ang ama ni Raven ay isang drug dealer, tama?” tanong ng isang babae, puno ng panunukso ang boses.Tumango si Andrea, hindi man lang nag-alinlangan.“Oo. Si Raven ang anak ng isang drug dealer. Bulag ang kanyang ina, may nakababatang kapatid na nasa middle school pa. Sobrang hirap ng buhay nila. Pero ang drug‑dealer na ama, ang bulag na ina, may isang batang kapatid, at broken na lalaki, lalo ko siyang gustong sakupin at paamuhin.”Pagkatapos no'n, nagkatawanan ang grupo nang malakas, magaspang, tila musika ng pangungutya. Halos hindi makahinga sa tawa si Andrea at ang kanyang mga kasama, walang pakundangang tinatrato na parang biro ang sakit at paghihirap ng pamilya ni Raven.Unti-unting dumilim ang ekspresyon ni Jessica. Pinatay niya ang gripo, ang tubig ay huminto na tila kasabay ng kanyang pasensya. Itinaas niya ang kanyang magandang pares na mga mata at malamig na tumitig sa grupo.“Tapos na ba kayo tumawa?” malamig niyang tanong na siyang dahilan para matahimik ang paligid.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status