Share

Kabanata 2

last update Terakhir Diperbarui: 2024-12-30 20:41:51

Colter POV

Araw-araw, parang nakakasawa na ‘yung mga ginagawa ko. Weird lang kasi wala ng thrill ang buhay ko kasi kahit anong gusto ko, kayang-kaya kong makuha ko.

Paulit-ulit na lang na puro meeting sa mga business kong hawak, bonding sa mga kaibigan kong nandiyan lang para sa connection, makipaglandian sa mga babaeng yaman ko lang ang gusto.

Nakakainis lang isipin na kahit trilyonaryo na ako, saka pa ganito, walang sumiseryoso sa akin. Imposibleng pakinggan pero ‘yun ang totoo. Wala na akong nakikitang babae na seryosong mahalin ako. Napakatanga nila kasi ako na ‘to, Colter Alcazan, isa sa sikat na trilyonaryo sa Pilipinas, pero bakit ginagago nila ako?

Ako na lang ang natitira sa pamilya Alcazan. Wala nang magulang, wala ring kapatid. Ang mga magulang ko, kinuha ng mundo sa paraang hindi makatarungan. Assassination. Pinaulanan ng bala ang sasakyan nila habang papunta sila sa isang business event. Nandito ako sa mansiyong ito noon, abala sa pakikipag-meeting sa mga shareholders, nang malaman kong wala na sila.

Sa kabila ng lahat ng pera at kapangyarihan ko, hindi ko sila nailigtas.

Ang yaman ng pamilya namin ay nagmula sa negosyong sinimulan pa ng lola ko—luxury bags, sapatos, at alahas na paborito ng mga elite. Sa industriyang ito, ang pangalan ng Alcazan ay nangangahulugang karangyaan at kasikatan. Pero anong silbi ng lahat ng ito kung wala kang taong masasandalan?

Nag-iisa akong anak at apo. Wala akong ibang kasama sa mundong ito kundi ang sarili ko. Kung mawala ako bukas, sino ang magmamana ng lahat ng ito? Sino ang magpapatuloy ng pangalan ng Alcazan?

“Bro, maybe the reason why you’re still single is because you’re aiming too high,” sabi ng matalik kong kaibigang si Damien habang nag-iinuman kami sa rooftop ng penthouse ko.

“I don’t aim too high,” sagot ko habang pinaglalaruan ang baso ng alak sa kamay ko. “They’re the ones who fail to meet my standards.”

Damien laughed, shaking his head. “No, you’re the one failing. You keep dating these rich girls, expecting them to love you for who you are. But come on, man, they’re just after your money.”

Napaisip ako sa sinabi niya. Hindi ko rin maitatanggi ang totoo. Mula sa una kong nobya hanggang sa huli, pare-pareho lang sila. Maganda, sosyal, pero walang iba kundi pera ang habol. Palagi silang nagtatapos sa pagsasamantala at ako, naiwan sa gitna ng kawalan, nagtataka kung bakit ako malas sa pag-ibig.

“You know what? Maybe it’s time to lower your standards,” dagdag pa ni Damien. “Try someone... ordinary. A nanny, perhaps. Who knows? Baka siya na ang magpapatino sa'yo.”

Napangiti siya, tila nagbibiro, pero ako, seryosong tumango. “Maybe you’re right. A nanny, huh?”

Sa araw-araw kong pamumuhay, pagod na ako sa gulong ng lipunan. Hindi ko naman kailangan ng babae na kasingyaman ko. Hindi ko rin kailangan ng babaeng magpapanggap na mahal ako para lang maabot ang lifestyle na gusto niya. Gusto ko ng totoo—isang babae na mamahalin ako, hindi ang laman ng bank account ko.

At saka, kailangan ko nang gumawa ng anak. Nakakatawang pakinggan, pero totoo. Gusto kong mag-iwan ng tagapagmana bago pa ako matulad sa mga magulang ko. Gusto ko ng pamilya.

“Mag-disguise ka kaya, maglakad-lakad ka sa lansangan, mag-ikot-ikot sa mga lugar sa company mo na hindi mo napupuntahan. Malay mo, ladyguard, janitress o waitress talaga ang para sa ‘yo,” udyok pa niya habang tumatawa.

“Damien, gago ka. Hindi tama na ginagawa mong katatawanan sila. Sa totoo lang, okay lang kahit sino sa kanila. Kahit ano pang trabahong mayroon sa kanila. Sa ngayon kasi, oo nga, malas ako sa mga golddigger na babae. Sawa na ako sa mga acting-an nilang napapasarap ng ungöl sa kama. Sawa na ako sa mga request nilang mga kotse at kung ano-anu pang luho, mga gago sila. Hindi nila deserve ng gaya kong loyal ang hanap na babae,” sabi ko sa kaniya kaya natahimik siya.

Saglit siyang tumitig sa akin. “Siguro, oras na rin para maglaan ka ng oras sa gym. Alam mo kung bakit?”

Nagtaka ako. “Bakit?” tanong ko tuloy sa kaniya.

“Kasi panay inom ka ng alak. Ang laki ng bilbil mo, panay tagyawat din mukha mo. Kung pumorma ka pa para kang hindi mayaman. Sorry bro, pero jologs ka pumorma kung minsan. Isa siguro ‘yan kung bakit walang nagseseryoso sa ‘yo, kung bakit pera lang ang habol nila,” prangkang sabi ni Damien kaya nasaktan ako pero sa totoo lang, tama siya.

**

Nung nasa kuwarto na ako. Humarap ako sa salamin at saka nagtanggal ng damit pang-itaas. Napangiwi ako nang mapagtanto kong para na ngang matanda ‘yung katawan ko. Masyado ko nang napapabayaan ang sarili ko. Ang pangit na rin ng mukha ko.

Oras na nga siguro para magbago ng anyo. Para saan pa at marami akong pera kung pangit naman ako.

Ngayon, malilibang tuloy ako sa pag-aayos ng sarili ko. After nito, promise ko sa sarili ko na hindi mayamang babae ang hahanapin ko. Hahanap ako ng kagaya ni Cinderella, kasambahay na maganda, busilak ang puso at mamahalin ako ng totoo.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 26

    Satya POVKahit busog na ako mula sa dinner sa restaurant nina Nanay at Tatay, wala akong nagawa kundi umupo sa hapag-kainan para sabayan si Colter. Kitang-kita pa rin sa mukha niya ang pagod at bahagyang galit, pero hindi na kasing tindi ng kanina.“Eat,” sabi niya habang inaabot ang isang plato sa akin. “I don’t want you skipping meals.”Ewan ko ba, parang siya ang tatay ko. Hindi siya galit dahil late ako, galit pala siya kasi akala niya ay nagpapalipas ako ng gutom. Hindi niya alam, busog na ako dahil kakakain ko lang.“Okay,” sagot ko habang pilit na ngumingiti. Kahit gusto kong sabihin na busog pa ako, alam kong hindi niya iyon tatanggapin bilang sagot. Kaya kahit mabigat na ang tiyan ko, kumuha ako ng kaunting pagkain at sinimulan itong kainin.Dahan-dahan na lang ako sa pagkain para hindi ako mabusog lalo.Tahimik kaming dalawa habang kumakain. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang usapan o kung kailangan pa bang magsalita. Pero kahit paano, gumaan ang pakiramdam ko dahil mas

  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 25

    Satya POVMaaga pa naman at hindi pa ako gaanong pagod, kaya naisip kong dumaan sa bagong bahay nina Nanay at Tatay. Ilang na rin mula nang huli kong makita sila, at curious din akong makita ang bahay na para sa kanila.Akala nila ay kaya hindi rin ako umuuwi sa bagong bahay namin ay dahil naka-stay ako sa mansiyon ng pamilya gabaldon pero ang totoo ay sa bahay ni Colter ako umuuwi tuwing gabi.Bumaba ako sa tricycle pagkaabot ko ng bayad kay Manong. Pagdating ko sa harap ng bahay nila nanay at tatay agad kong napansin ang bagong at maayos na nilang bahay. Ang dating maliit na bahay na halos hindi namin mapuno ng gamit ay ngayon puno ng magagarang kagamitan sa bagong bahay na ito. May Malaking fridge, flat screen TV, mga bagong upuan, at dining set na parang galing pa sa mamahaling furniture shop. Parang hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.“Wow,” bulong ko habang iniikot ang paningin ko sa sala. Walang tao sa bahay. May susi lang ako kasi inabutan ako ni Terter ng susi ng bahay na

  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 24

    Satya POV Pagod man, hindi ko mapigilan ang excitement na maramdaman nang mag-aya si Taylin na kumain sa labas pagkatapos ng trabaho ko. Isang mahabang araw na naman ang natapos sa Pamilyang Gabaldon, at ang simpleng pagkain sa labas ay parang malaking reward na para sa akin. Kasama pa namin ang kaibigan naming si Orin, kaya sigurado akong mas masaya ang gabi. Libre na naman ako ng mga friend kong rich kid. “Libre ko,” sabi ni Taylin habang nilalakad namin ang daan palabas ng Gabaldon mansion. “Kaya order lang kayo ng gusto niyo.” “Sigurado ka?” tanong ko sabay tawa. Kahit ang totoo ay dati namang puro siya ang nanlilibre sa amin. “Baka magalit ang wallet mo.” “Walang problema,” sagot niya sabay wink. “Deserve ko rin namang gumastos paminsan-minsan para sa mga kaibigan ko.” Sumakay kami sa sasakyan ni Orin at habang bumibiyahe, nagkukulitan kami sa mga kuwento mula sa trabaho at buhay-buhay. Nakaupo ako sa likod habang si Taylin at Orin ay nasa harap. Napansin kong parang may pina

  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 23

    Satya POVPagmulat ng mga mata ko, masarap sa pakiramdam kasi parang napaka-perfect ng tulog ko. Hindi manlang ata ako naalimpungatan, pero nang maramdaman kong may kakaiba ay doon na ako tuluyang dumilat. Putangina! Ano ‘to—bakit ako nakayakap sa natutulog na si Colter?!Parang tumigil ang mundo ko habang napatingin ako sa mukha niya—banayad ang paghinga, perpekto ang bawat anggulo, at parang gawa ng mga diyos ang mukha niya. Anong ginagawa ko? tanong ko sa sarili ko habang nanlalamig ang buong katawan ko sa gulat. Grabe, ang umbok ng dibdib niya na yakap-yakap ko. Ang matipuno ng katawan niya. Ibig sabihin ay matagal na akong nakaganito sa kaniya?Hindi ko alam kung aalis ba ako sa posisyon ko o hindi. Nakapako ako sa mukha niya. Napakaguwapo naman talaga ng lalaking ito. Ang makapal niyang kilay, ang matangos niyang ilong, at ang natural na linya ng kanyang labi—para bang isang obra maestra na hindi kayang pantayan ng kahit sinong artist. Napaisip tuloy ako kung paano naging posibl

  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 22

    Colter POVNang tawagin ko si Satya, nakita kong para siyang estatwa na nakatayo lang sa may harap ko paglapit niya rito sa dining area, parang walang buhay, mukhang pagod na pagod, at halatang galing sa iyak. Ang bigat sa dibdib tingnan ang ganoong kalagayan, pero hindi ko alam kung bakit. Sa unang tingin, halatang may mabigat siyang pinagdaraanan.Napakunot ang noo ko. Bukod ba sa pagiging kasambahay, may iba pa siyang trabaho? Hindi ko maiwasang mag-isip. May mga taong nagkakandarapa sa pera, at minsan, kahit ang katawan ay nagiging puhunan na. Hindi naman siguro ako nakakuha ng asawa na pokpök? Sana ay hindi kasi maaga palang ay paaalisin ko na siya."Hindi naman siguro," bulong ko sa sarili ko. Pero alam mo iyon, kapag ganoon ang itsura ng isang tao, mahirap pigilan ang mag-isip ng masama."Eat," malamig kong sabi sa kaniya habang nakaupo na ako sa dulo. Hindi ko na iniwasang magmukhang brusko. "I don’t want to sleep beside someone who smells bad and feels filthy. So after you e

  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 21

    Satya POVPagkatapos ng isang buong araw ng walang katapusang trabaho, halos wala na akong lakas na maglakad palabas ng mansiyon ng pamilyang Gabaldon. Tatlong kuwarto ang pinaglilinis sa akin ngayong araw, at parang binitiwan na rin ng katawan ko ang anumang natitirang energy ko.“Satya, maaga ka na lang umuwi,” sabi ni Tita Linda—ang mayordoma dito sa mansiyon ng pamilyang gabaldon, habang pinupunasan niya ang pawis sa noo ko. “Mukha kang babagsak sa pagod. Kami na ang bahala dito. Wala naman na sila, kaya sige, uwi na at magpahinga ka na.”Gusto ko sanang tumanggi, pero hindi ko na kaya. Ang bigat ng pakiramdam ko, at alam kong kung pipilitin ko pang manatili doon, baka mag-collapse lang ako sa gitna ng sala. Tumango ako bilang pasasalamat bago ako naglakad palabas ng malaking gate ng mansiyon.Habang nasa daan, hinugot ko ang cellphone ko mula sa bag ko at tinawagan si Taylin, ang matalik kong kaibigan.“Hello, Taylin?” tanong ko nang sagutin niya ang tawag.“Satya? Ano’ng nangyar

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status