Satya POV
Napabuntong-hininga ako habang nililingon ang mansyon ng mga Galbaldon. Parang palasyo, pero hindi kailanman nagdulot ng kasiyahan sa akin ang pagtatrabaho doon. Kung hindi lang dahil sa pamilya ko, matagal na akong umalis sa lugar na iyon. Napakasakit sa pakiramdam na araw-araw kang inaapakan ng mga taong akala mo’y nasa pedestal. Wala pa akong sahod ngayong linggo, pero kailangan kong magtiis. Tahimik akong naglakad palabas ng street na iyon, dala ang kaunting lakas ng loob para umuwi kahit walang dalang ulam o bigas. Habang naglalakad ako, umalingawngaw ang tunog ng cellphone ko. Agad ko itong kinuha mula sa bulsa ng luma kong bag. “Satya,” boses ni Papa sa kabilang linya, malungkot. “Pa, pauwi na po ako.” Subukan ko mang itago ang pag-aalala sa boses ko, alam kong ramdam niya iyon. “Anak... wala tayong bigas ngayon. Puro bayad sa utang ang kinita ng Mama mo sa palengke,” aniya. Parang bumagsak ang buong mundo ko sa sinabi niya. Napahinto ako. Muli, wala kaming kakainin ngayong gabi. Palaging ganito kapag kapos kami pare-pareho sa pera. Nakakasawa na talagang maging malas at mahirap. “Pa, ako na ang bahala,” sagot ko, kahit hindi ko rin alam kung saan ako kukuha ng pangkain. Pagkababa ng tawag, mabilis kong binuksan ang phone number list ko at tinawagan ang matalik kong kaibigang si Orin. “Satya, hindi mo na kailangang mahiya. Alam mo namang handa akong tumulong,” sabi ni Orin habang inaabot sa akin ang isang supot ng bigas at ilang de-lata. Nakangiti siya, parang wala siyang iniisip na kabigatan kahit palagi ko na lang siyang inaabala. Isang tawag ko lang sa kaniya kanina ay oo agad siya kaya nagmadali akong pumunta sa bahay nilang malaki. Siya lang ‘yung nag-iisang guwapong lalaki na super close friend ko. Ewan ko ba, sabi ng ibang kakilala ko ay manhid daw ako, bakit daw hindi ko ma-feel na may gusto si Orin sa akin. Hindi naman daw kasi sweet at namamansin sa ibang babae si Orin, sa akin lang. Pero kasi, kaibigan lang ang tingin ko sa kaniya. Nahihiya din kasing isipin na kung magiging kami, parang nakakahiya dahil halos alam na niya ang lahat ng takbo ng buhay ko. Parang di niya deserve magkaroon ng gaya kong mahirap lang at kasambahay lang. Ayokong pagtawanan siya ng ibang tao nang dahil sa akin. “Salamat talaga, Orin,” sabi ko na halos maluha. “Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala ka.” “Basta ikaw,” sagot niya, sabay kindat. “Ikaw ang pinakamabait kong kaibigan, kaya kahit kailan, nandito lang ako para sa iyo.” Gusto pa niya akong ihatid ng kotse pauwi sa amin pero umayaw ako kasi sobrang nakakahiya na talaga. Habang naglalakad ako pauwi, pinapasan ko ang supot ng bigas at iniisip kung paano ko mababayaran si Orin sa susunod na linggo. Ang bayad lang naman dito ay bonding. Pabor pa rin sa akin, kailangan ko lang siyang samahang kumain sa labas, ganoon lang. Ang problema lang ay nawawalan ako ng time dahil sa trabaho ko sa pamilyang gabaldon. Maya maya, habang patuloy akong naglalakad, at biglang may magarang kotse na dumaan nang mabilis at halos masagasaan ako. “Hoy!” sigaw ko, ngunit huli na. Nabuwal ako sa kalsada at nabitawan ang bigas. Nabutas ang supot at natapon ang laman sa lupa. Hindi ko napigilan ang inis. Tumayo ako, nagpagpag ng dumi sa damit at hinampas ang kotse. “Ano ba naman ‘yan! Wala na ngang sahod, sinira mo pa ang bigas ko!” Biglang bumukas ang pintuan ng kotse at lumabas ang isang lalaking maraming tagyawat sa mukha at malaking tiyan. Mukha siyang mayaman, pero halatang pinapabayaan ang sarili dahil sa itsura niya. “I’m so sorry, miss! Are you hurt? Let me take you to the hospital,” alok niya na halatang kinakabahan. Napakunot ang noo ko. “Hospital? Hindi ko kailangan ‘yun! Ang kailangan ko, bigas!” Mukha siyang naguluhan pero biglang dinukot ang wallet niya. Naglabas siya ng makapal na pera at iniabot iyon sa akin. “Here, take this. I hope it covers your loss.” Nanlaki ang mga mata ko. Ang dami niyang binigay! Halos hindi ako makapagsalita. “Wait, what? You’re just giving me this?” tanong ko, ngunit mabilis siyang bumalik sa loob ng kotse at pinaandar iyon na parang may hinahabol. Natulala ako, hawak-hawak ang perang iniabot niya. Sa tantiya ko, lampas limampung libo ito. ** Pagkauwi ko sa bahay, bitbit ko ang isang plastic ng ulam, gulay, at prutas na nabili ko gamit ang pera ng mayamang lalaki. Bumili rin ako ng bagong bigas, mas marami pa sa nawala. “Anak, ang dami mong dala,” sabi ni Mama, nagulat nang makita ako. “Ma, Pa, huwag na kayong mag-alala. May pang-ulam na tayo,” sabi ko habang inaabot ang isang parte ng pera sa kanila. “Anak, saan mo nakuha ito?” tanong ni Papa, halatang nag-aalala. “Ma, Pa, huwag kayong mag-isip nang masama. May nakabangga lang sa akin kanina, at binayaran nila ako,” paliwanag ko. Hindi na ako nagdetalye. Ayokong mag-alala pa sila nang husto. Ang mahalaga, maganda ang hapunan namin ngayong gabi. Sa gabing iyon, habang kumakain kaming pamilya, ramdam ko ang kakaibang saya. Minsan, kahit mahirap ang buhay, may dumadating na biyaya sa hindi inaasahang pagkakataon.Satya POVKahit busog na ako mula sa dinner sa restaurant nina Nanay at Tatay, wala akong nagawa kundi umupo sa hapag-kainan para sabayan si Colter. Kitang-kita pa rin sa mukha niya ang pagod at bahagyang galit, pero hindi na kasing tindi ng kanina.“Eat,” sabi niya habang inaabot ang isang plato sa akin. “I don’t want you skipping meals.”Ewan ko ba, parang siya ang tatay ko. Hindi siya galit dahil late ako, galit pala siya kasi akala niya ay nagpapalipas ako ng gutom. Hindi niya alam, busog na ako dahil kakakain ko lang.“Okay,” sagot ko habang pilit na ngumingiti. Kahit gusto kong sabihin na busog pa ako, alam kong hindi niya iyon tatanggapin bilang sagot. Kaya kahit mabigat na ang tiyan ko, kumuha ako ng kaunting pagkain at sinimulan itong kainin.Dahan-dahan na lang ako sa pagkain para hindi ako mabusog lalo.Tahimik kaming dalawa habang kumakain. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang usapan o kung kailangan pa bang magsalita. Pero kahit paano, gumaan ang pakiramdam ko dahil mas
Satya POVMaaga pa naman at hindi pa ako gaanong pagod, kaya naisip kong dumaan sa bagong bahay nina Nanay at Tatay. Ilang na rin mula nang huli kong makita sila, at curious din akong makita ang bahay na para sa kanila.Akala nila ay kaya hindi rin ako umuuwi sa bagong bahay namin ay dahil naka-stay ako sa mansiyon ng pamilya gabaldon pero ang totoo ay sa bahay ni Colter ako umuuwi tuwing gabi.Bumaba ako sa tricycle pagkaabot ko ng bayad kay Manong. Pagdating ko sa harap ng bahay nila nanay at tatay agad kong napansin ang bagong at maayos na nilang bahay. Ang dating maliit na bahay na halos hindi namin mapuno ng gamit ay ngayon puno ng magagarang kagamitan sa bagong bahay na ito. May Malaking fridge, flat screen TV, mga bagong upuan, at dining set na parang galing pa sa mamahaling furniture shop. Parang hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.“Wow,” bulong ko habang iniikot ang paningin ko sa sala. Walang tao sa bahay. May susi lang ako kasi inabutan ako ni Terter ng susi ng bahay na
Satya POV Pagod man, hindi ko mapigilan ang excitement na maramdaman nang mag-aya si Taylin na kumain sa labas pagkatapos ng trabaho ko. Isang mahabang araw na naman ang natapos sa Pamilyang Gabaldon, at ang simpleng pagkain sa labas ay parang malaking reward na para sa akin. Kasama pa namin ang kaibigan naming si Orin, kaya sigurado akong mas masaya ang gabi. Libre na naman ako ng mga friend kong rich kid. “Libre ko,” sabi ni Taylin habang nilalakad namin ang daan palabas ng Gabaldon mansion. “Kaya order lang kayo ng gusto niyo.” “Sigurado ka?” tanong ko sabay tawa. Kahit ang totoo ay dati namang puro siya ang nanlilibre sa amin. “Baka magalit ang wallet mo.” “Walang problema,” sagot niya sabay wink. “Deserve ko rin namang gumastos paminsan-minsan para sa mga kaibigan ko.” Sumakay kami sa sasakyan ni Orin at habang bumibiyahe, nagkukulitan kami sa mga kuwento mula sa trabaho at buhay-buhay. Nakaupo ako sa likod habang si Taylin at Orin ay nasa harap. Napansin kong parang may pina
Satya POVPagmulat ng mga mata ko, masarap sa pakiramdam kasi parang napaka-perfect ng tulog ko. Hindi manlang ata ako naalimpungatan, pero nang maramdaman kong may kakaiba ay doon na ako tuluyang dumilat. Putangina! Ano ‘to—bakit ako nakayakap sa natutulog na si Colter?!Parang tumigil ang mundo ko habang napatingin ako sa mukha niya—banayad ang paghinga, perpekto ang bawat anggulo, at parang gawa ng mga diyos ang mukha niya. Anong ginagawa ko? tanong ko sa sarili ko habang nanlalamig ang buong katawan ko sa gulat. Grabe, ang umbok ng dibdib niya na yakap-yakap ko. Ang matipuno ng katawan niya. Ibig sabihin ay matagal na akong nakaganito sa kaniya?Hindi ko alam kung aalis ba ako sa posisyon ko o hindi. Nakapako ako sa mukha niya. Napakaguwapo naman talaga ng lalaking ito. Ang makapal niyang kilay, ang matangos niyang ilong, at ang natural na linya ng kanyang labi—para bang isang obra maestra na hindi kayang pantayan ng kahit sinong artist. Napaisip tuloy ako kung paano naging posibl
Colter POVNang tawagin ko si Satya, nakita kong para siyang estatwa na nakatayo lang sa may harap ko paglapit niya rito sa dining area, parang walang buhay, mukhang pagod na pagod, at halatang galing sa iyak. Ang bigat sa dibdib tingnan ang ganoong kalagayan, pero hindi ko alam kung bakit. Sa unang tingin, halatang may mabigat siyang pinagdaraanan.Napakunot ang noo ko. Bukod ba sa pagiging kasambahay, may iba pa siyang trabaho? Hindi ko maiwasang mag-isip. May mga taong nagkakandarapa sa pera, at minsan, kahit ang katawan ay nagiging puhunan na. Hindi naman siguro ako nakakuha ng asawa na pokpök? Sana ay hindi kasi maaga palang ay paaalisin ko na siya."Hindi naman siguro," bulong ko sa sarili ko. Pero alam mo iyon, kapag ganoon ang itsura ng isang tao, mahirap pigilan ang mag-isip ng masama."Eat," malamig kong sabi sa kaniya habang nakaupo na ako sa dulo. Hindi ko na iniwasang magmukhang brusko. "I don’t want to sleep beside someone who smells bad and feels filthy. So after you e
Satya POVPagkatapos ng isang buong araw ng walang katapusang trabaho, halos wala na akong lakas na maglakad palabas ng mansiyon ng pamilyang Gabaldon. Tatlong kuwarto ang pinaglilinis sa akin ngayong araw, at parang binitiwan na rin ng katawan ko ang anumang natitirang energy ko.“Satya, maaga ka na lang umuwi,” sabi ni Tita Linda—ang mayordoma dito sa mansiyon ng pamilyang gabaldon, habang pinupunasan niya ang pawis sa noo ko. “Mukha kang babagsak sa pagod. Kami na ang bahala dito. Wala naman na sila, kaya sige, uwi na at magpahinga ka na.”Gusto ko sanang tumanggi, pero hindi ko na kaya. Ang bigat ng pakiramdam ko, at alam kong kung pipilitin ko pang manatili doon, baka mag-collapse lang ako sa gitna ng sala. Tumango ako bilang pasasalamat bago ako naglakad palabas ng malaking gate ng mansiyon.Habang nasa daan, hinugot ko ang cellphone ko mula sa bag ko at tinawagan si Taylin, ang matalik kong kaibigan.“Hello, Taylin?” tanong ko nang sagutin niya ang tawag.“Satya? Ano’ng nangyar