Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)

Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-01-22
Oleh:  LiyaCollargaSiosaOn going
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
4 Peringkat. 4 Ulasan-ulasan
26Bab
3.0KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Satya Cordovez never imagined her simple life as a nanny could spiral into chaos overnight. It started with an invitation—an exclusive, high-society event na hindi niya dapat pinuntahan, pero sinama siya ng amo niyang mapilit. Sa unang pagkakataon, nakatikim siya ng mamahaling alak at sa sobrang saya ng gabing 'yun, she let her guard down. Lasing na lasing siya, her memories of the night a blur. Ang huling natatandaan niya ay ang mapanuksong ngiti ng isang lalaking hindi niya kilala at ang init ng kanyang tingin na tila ba siya lang ang nakikita nito sa buong kwarto. Kinabukasan, nagising siya sa isang kuwarto na napakalaki na parang kuwarto na ng isang hari. Napansin din niya na may suot na siyang wedding ring sa kanyang daliri. Sa tabi niya, naroon si Colter Alcazan, ang kilalang trillionaire na hindi lang makapangyarihan, kundi isa ring tanyag na bachelor na hinahabol ng lahat. “Good morning, Mrs. Alcazan,” bati nito sa kaniya na may confident na ngiti. “Wait, what?” Napaangat siya ng upo habang nanginginig ang boses at tinitingnan ang singsing sa kaniyang Daliri. “You’re my wife now,” sagot ni Colter, his voice dripping with authority. Satya’s life just turned into a whirlwind she wasn’t prepared for—and there was no way out.

Lihat lebih banyak

Bab 1

Kabanata 1

Satya POV

Nasa ikalawang palapag ako ng mansiyon ng pamilyang Galbaldon, nagpupunas ng mga antigong muwebles na hindi ko kailanman magagawang bilhin kahit buong buhay kong ipunin ang sahod ko. Sa liit ng suweldo ko bilang kasambahay, sakto lang ‘to para sa mga kailangan ng pamilya ko. Pero ganito ang buhay ko ngayon—isang hamak na yaya, katulong at punching bag ng mga anak ng amo kong sina Madam Leonora at Sir Miguel.

“Hey, Satya!” sigaw ni Rian sa akin ang bunso sa magkapatid. Napalingon ako sa hagdan, hawak pa rin ang basahang basa ng furniture polish.

Ang mukha ni Rian, na para bang laging nasa gitna ng isang tantrum ay masama ang tingin sa akin ngayon kaya nakaramdam agad ako ng takot.

“What are you doing standing there? Do you think you're some kind of princess? Go clean my room. It's disgusting!” hiyaw niya habang ang boses ay umaalingawngaw sa buong mansiyon.

“Sandali lang po, Ma’am Rian,” sagot ko habang pilit na pinapalabas ang lambing sa tinig ko kahit gusto ko nang sumigaw. Bawat salita niya ay tila kutsilyong dumidiin sa aking pagkatao. Ang sakit sa akin na ganituhin, pero wala akong magagawa kasi mahirap lang ako at trabaho ko ito.

Nasanay na akong tawagin nilang “Tanga,” “Tamad,” at “Inutil.” Sinasabi ko sa sarili kong trabaho lang ito at darating ang araw na matatapos din ang lahat ng ito. Ngunit sa araw-araw na pang-aapi, nararamdaman ko kung paano ako unti-unting nawawala.

Pagod na akong apihin.

Sa bahay namin, ako ang breadwinner. Ako ang bumubuhay sa pamilya ko. Ang tatay ko, putol na ang isang paa dahil sa diabetes. Nasa bahay lang siya, kadalasan ay tulala, pinagmamasdan ang kanyang pilay na paa habang tila nawawala sa sarili. Ang nanay ko naman, nagtutulak ng kariton ng mga gulay sa palengke. Alas-tres pa lang ng umaga, nasa bangketa na siya, nagtitinda para lang may maiuwi kahit kaunting kita.

Ako? Dalawang gawain ang pinagsasabay ko—ang pagiging kasambahay sa mga Galbaldon at ang pag-aaral sa kolehiyo. Gusto kong makatapos para mabigyan ng mas magandang buhay ang pamilya ko. Pero habang pinapasan ko ang bigat ng responsibilidad, mas lalo kong nararamdamang nabibigatan ako.

“Tanga ka ba?”

Bumalik sa akin ang boses ni Rhea, ang panganay na anak ng Galbaldon, habang nakatayo siya sa harap ko, ang kanyang cellphone ay halos ipukpok na sa mukha ko. Mabuti na lang at hindi tumama sa akin.

“I said no sugar in my coffee! Can you even follow simple instructions?” sigaw niya. Tumulo ang kape sa sahig matapos niya itong ibagsak sa mesa. Ako ang kailangang maglinis, syempre.

“Pasensya na po, Ma’am Rhea,” sagot ko habang pilit na pinapakalma ang sarili ko. Ayaw kong umiyak. Hindi ako puwede umiyak sa harap nila.

“Stupid maid,” bulong niya, pero malinaw ko itong narinig. Lumapit siya sa akin at itinulak ako nang bahagya sa balikat. “Clean this up, and don’t mess up again. If you can't even do your job right, maybe we should just fire you!”

Kung sana puwede lang. Pero hindi ako puwedeng mawalan ng trabaho.

“Satya…”

Ito ang pinakakinatatakutan ko—ang malalim na boses ni Sir Miguel. Hatinggabi na at tapos na ang mga gawain ko. Nakaupo ako sa kusina, tahimik na iniinom ang natitirang mainit na tubig sa tasa ko, nang bigla siyang sumulpot.

“What are you still doing up?” tanong niya, ang mga mata niya ay tila nag-aapoy habang nakatitig sa akin. Napalunok ako habang pilit na inilalayo ang tingin ko sa kanya.

“Ah… tapos na po ako sa trabaho. Maliligo na po sana ako bago matulog.”

Lumapit siya sa akin. Napansin ko ang bahagyang ngisi sa kanyang labi. “You look tired, Satya. Want me to help you relax?”

Halos malaglag ko ang hawak kong tasa. Hindi ito ang unang beses na sinubukan niya akong bastusin, pero tuwing ginagawa niya ito, tila nadudurog ang kaluluwa ko.

“H-hindi na po, Sir. Okay lang po ako,” sagot ko sabay tayo. Tumalikod ako at nagmadaling pumunta sa quarters ko.

Araw-araw, ganito ang buhay ko. Gising sa madaling araw, trabaho buong araw at pag-aaral sa gabi. Ang katawan ko, napapagod na, pero ang puso ko, mas pagod pa. Paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko kung hanggang kailan ako magtitiis.

**

Habang naglalakad pauwi mula sa kolehiyo isang gabi, iniisip ko ang kwento ni Cinderella. Hindi ako naniniwala sa mga fairytale, pero minsan hindi ko maiwasang umasa. Kailan kaya darating ang araw na makakahanap ako ng prinsipe na mag-aahon sa akin mula sa impyernong ito?

Gusto ko lang naman mabigyan ng maayos na buhay ang pamilya ko. Ngunit sa gitna ng lahat ng ito, nararamdaman kong unti-unting nawawala ang sarili ko na para bang gusto ko nang mabaliw dahil sa mga nararanasan kong paghihirap sa buhay ko.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magtitiis. Pero isa lang ang sigurado ko—kailangan kong magtiis. Para sa pamilya ko. Para sa sarili ko. Para sa pag-asa na balang araw, magbabago rin ang lahat.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

user avatar
Haydie Lucero
pwede po pa update nman ang ganda sana kaya lang mdyo putol ang kwento...
2025-02-09 07:10:46
0
user avatar
Athena Beatrice
Recommended!
2025-01-07 20:20:20
2
user avatar
LiaCollargaSiyosa
Title palang ay tiyak na mabe-bet-an ninyo na 🫶🏻
2025-01-07 14:57:11
2
user avatar
Deigratiamimi
Highly recommended ...
2025-01-07 14:43:25
2
26 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status