Nag-aabang sa bar si Zaver ng chicks dahil bored na siya at medyo stress na din siya sa trabaho. Masyadong marami ang pinapagawa ng daddy niya sa kompanya.
Wala na tuloy siyang oras para mag-enjoy. Sa loob ng isang linggo, ni isang chicks ay wala siyang nakasama. Ang saklap tuloy ng buhay niya.Ininom niya ang alak na nasa baso saka napatingin-tingin ulit sa paligid. Putek! Wala pa siyang nahahanap na babae na makakasama niya ngayong gabi."Wala ka pa bang nahahanap, Dre?" tanong ni Wyatt nang makalapit ito sa kanya na nakatayo sa may counter.Hinarap niya ito saka umiling. "Wala pa, eh."Nagtataka itong tumingin sa kanya. "Ang daming magagandang isda diyan, pero ni isa ay wala ka pang nahahanap?""Lintek nga, eh. Wala akong matipuhan." Napakunot-noo siya nang tingnan siya ni Wyatt ng kakaiba. "Bakit ganyan ka makatingin?" Tinaasan niya pa ito ng kilay.Napailing ito. "Baka kasi kaya wala kang matipohan kasi iba ang hinahanap mo." Uminom ito ng alak. “May nagmamay-ari na ng katawan mo.”Mas lalong tumaas ang isang kilay niya. "Sino naman 'yon?" Hindi niya kasi maintindihan ang gusto nitong iparating at kung sino ang tinutukoy nito.Nagkibit-balikat ito. "Ewan ko sa 'yo. Sa ating dalawa ikaw dapat ang mas nakakalam."Binatukan niya ito dahilan para mapa-aray ito. "Ewan ko din sa 'yo. Ang labo mong kausap."Tumingin-tingin na lang siya ulit sa paligid at napangisi nang may makita siyang magandang babae. Jackpot! Nilapitan niya ito at saka sila nagpakilala sa isa't-isa at ang ending? Alam niyo na 'yon.ZAVER was mixing a drink in his friend's club when a man sat. Mukhang sawi sa pag-ibig. He knows the face of a man that is broken dahil ganyan din ang itsura niya noon."What is your order, sir?" tanong niya sa binata."Give me the strong one,” sagot nito nang nakayuko.Napailing siya, mukhang sawi nga ito sa pag-ibig. Binigay niya dito ang pinakamatapang na alak sa club. Iniisang lagok lang ito ng binata saka muling um-order na naman ng isa.Lumipas ang ilang oras pero hindi pa din tapos uminom ang lalaki. Halatang lasing na lasing na ito dahil namumula na ang maputi nitong mukha, malumay na din ang mga mata nito. Kinuha nito ang cellphone saka may tinawagan."Dude," lasing nitong sabi.Ayaw niya sana itong pansinin pero naaawa siya sa lalaking ito. Nakikita niya kasi ang sarili niya dito noong mga panahon na nawasak din siya dahil sa lintek na pag-ibig na 'yan."Nandito ako sa club na pinupuntahan natin.” Pagkatapos nitong magsalita ay tinapos na nito ang tawag.Napailing na lang siya saka nagpatuloy sa ginagawa niya. Binibigyan niya ng mga orders ang mga customers. High class ang club na ito kaya mayayaman ang pumupunta dito.Wala sa sarili na napatingin siya sa entrance ng club—ewan ba niya, parang hinihila ang mga mata niya sa part na ‘yon—at nagulat siya nang makita ang babaeng ilang linggo na din niyang hindi nakikita.Ano nga bang pangalan niya? Hindi niya na maalala sa tagal nilang hindi nagkita pero hindi niya naman nakakalimutan ang simple at maganda nitong mukha.Lumapit ito sa kinaroroonan niya. Lintek ang kaba niya. Baka kasi nandito ito para sabihing panagutan niya ito. Akala niya ay okay na kasi ilang linggo na itong hindi nagpakita sa kanya pero ito ngayon. Nandito na ito sa harapan niya.Napakurap-kurap siya nang tingnan siya nito nang nakakunot ang noo. Magsasalita na sana siya nang biglang magsalita ang lalaki na kanina pa naglalasing sa counter."Dude," tawag nito sa—napatingin siya sa babae. Lumapit ito sa lasing na lalaki. Magkakilala sila? "You are here,” nakangiti nitong sabi kahit na halos pumikit na ang mga mata nito dahil sa kalasingan."Why are you so drunk?" may bahid ng inis nitong tanong sa binata.Ano nga bang pangalan nito? Hindi niya matandaan eh. Pinipilit niya pa ring tandaan hanggang ngayon ang pangalan nito."Damn, Dude. Bakit hindi ako magpapakalasing kung hiniwalayan ako ni Sheila?" Tumawa ito. "Niloloko niya lang pala ako. Nakita ko siyang may kasamang ibang lalaki. Ang saya, ‘di ba?"Napailing ang babaeng nasa harap niya na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin naaalala ang pangalan.Nakapa-cross arm ito. "I told you so. Ayaw mo kasing maniwala sa akin."Humagikhik ito. "Ikaw naman kasi, Dude." Sinindot-sindot nito ang braso ng dalaga. "Kung sana sinagot mo na lang ako. Eh, di sana hindi ako nasasaktan ngayon.""Kung sinagot kita, mas lalo ka lang masasaktan.""Eh, kasi pusong bato 'yang puso mo. Tayo na lang kasi, Dude,” nakanguso nitong sabi.Napangiwi siya saka napatingin sa babaeng hanggang ngayon ay hindi niya pa rin maaalala ang pangalan."Tara na nga. Lasing ka lang. Iuuwi na kita sa inyo." Kumuha ito ng pera saka inilagay sa counter bilang bayad sa ininom ng lalaki.Nagulat siya ng hindi man lang siya tinapunan nito nang tingin. Damn! Hindi din ba siya nito naaalala? Imposible. Maliban sa ang gwapo at ang galing niya sa kama ay siya pa ang nakauna sa dalaga. Siya ang nakakuha ng v-card nito.Nakalabas na ng club ang dalawa. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya at sinundan sila. Nang makalabas siya ng club ay nakita niyang kasasara lang ng dalaga sa pinto ng kotse. Hinawakan niya ito sa braso saka hinila dahilan para mauntong ito sa matigas niyang dibdib."Bakit ka ba nanghihila diyan?" nakakunot-noo nitong tanong sa kanya. Nang makita nito ang mukha niya ay tumaas ang kilay nito at tinitigan siya nang mabuti."Kasi parang hindi mo ako nakita sa loob ng club kanina, eh."Nagtaka ito sa sinabi niya at kahit siya man ay nagtaka din. Naninibago din siya sa sarili dahil hindi siya ganito sa ibang babae. Wala siyang pakialam sa kanila o ni hindi nga niya nakikilala ang mga pangalan nito, pero bakit pagdating sa babaeng ito ay hindi siya mapakali na hindi siya nito pinansin kanina?Siguro ay dahil siya ang nakauna sa dalaga at kinakabahan siya dahil baka bigla na lang itong humarap sa kanya isang araw na malaki na ang tiyan. Tama! Iyon ang ikinababahala niya at wala ng iba pa."Bakit ba? Sino ka ba?"Nalaglag ang panga niya sa naging tanong nito. Damn! Kaya ba hindi siya nito pinapansin kanina ay dahil hindi siya nito naaalala? Gusto niyang matawa dahil mukhang gawain niya ‘yon, pero bakit parang bumabalik sa kanya ngayon?"Damn, woman! You are the only woman in this town who dares to forget my name." Tumawa ito na ikinainis niya. "What's so funny, woman?""Hindi ka nga kilala ng mommy ko, eh.""What?"Natawa ulit ito. Damn! Ito ang ikalawang beses na pinagtawanan siya ng isang babae. "Sabi mo, ako lang ang babaeng hindi naaalala ang pangalan mo. Damn, man, hindi din naaalala ng mommy ko ang pangalan mo."For the second time. Nalaglag na naman ang panga niya. Hindi niya napansin na nawala na pala ito sa harapan niya. She already disappeared with that man.Akala niya ay iba ito.Iba ito sa mga babaeng dumaan sa buhay niya. Natawa siya. Dahil lang sa birhen ito ay naiisip niya kaagad na kakaiba ito?What a stupid you are, Zaver? Huwag mong kalimutan na lahat silang mga babae ay manloloko at gagamitin ka lang. Wake up, man!May isang malaking chandelier sa gitna ng kisame ng reception hall kung saan magaganap ang event pagkatapos ng kasal nina Zaver at Sky. Napapalibutan ito ng mga bulaklak. There all also small chandeliers while there are purple delphiniums hanging from the ceiling. Napupuno ng mga delphiniums ang ceiling ng reception hall. Animo’y isang garden kung tingnan ang kisame.Sa dulo ng reception hall ay nandoon ang malaking stage na may mahabang mesa kung saan uupo ang bagong kasal. May isang mala-bridge na gawa sa bamboo ang stage na nagsisilbing maliit na kisame at napapalibutan ito ng mga orange blossoms.Bamboo is a sign of strength and loyalty. Si Zaver mismo ang pumili nito dahil gusto nitong kagaya ng bamboo ay maging matatag ang pagsasama nila ni Sky and of course he will always be a loyal husband to her, no matter what happen.Orange blossoms is a sign of eternal love and marriage. He wish that Sky will never get tired of loving him and they will grow old together, loving each other,
Lahat ng tao sa bahay ng mga Balley at De Guzman ay busy dahil sa isang napakalaking event na magaganap para sa dalawang pamilya ngayong araw. Ngayong araw na ito ay ikakasal ang dalawang taong akala noon ay hindi magpapakasal. Sinong mag-aakala na ikakasal sila sa taong ayaw din magpakasal noon. Pareho nilang binago ang pananaw ng isa tungkol sa kasal at sa pagmamahal They found their perfect match.“Ikakasal na talaga siya. Iiyak na ba ako nito?” Nagtawanan sina Zaver at mga kaibigan niya sa biro ni Wyatt.“I’m so happy for you, Dude.” Inayos ni Ice ang bow sa suot niyang suit. Nakikita niya sa mukha nito na masaya talaga ito para sa kanya. “I’m happy that you finally found the right woman for you.”“Aww… Mukhang kailangan ko nang humanap ng akin. Kailan ko kaya siya makikilala?” buntong-hiningang tanong ni Wyatt habang nakapahalumbaba.“Gago!” signahl ni Ice dito. “Nahanap mo naman na kasi, matagal na. Nasa harap mo na, nagbubulag-bulagan ka pa.”Kumunot ang noo nito. “Sino naman
Ilang araw nang iniiwasan ni Zaver si Sky dahil sa nangyari. Kapag dadalaw naman siya sa mga bata ay hindi niya pinapahalata sa mga ito na may hindi sila pinagkakaunawaan ng mommy ng mga ito. Alam niyang malulungkot ang mga bata kapag nagkataon na malaman ng mga ito at ayaw niyang mangyari ‘yon.Hanggang ngayon ay nasasaktan pa din siya sa naging huli nilang pag-uusap ng dalaga pero wala siyang magawa para maibsan ang sakit na nararamdaman niya. Mabigat sa dibdib niya ang nangyari. Sa ngayon, ang mga anak niya lang ang tanging nagpapakasaya sa kanya.Sa ngayon ay ang mga anak niya muna ang pagtotoonan niya ng pansin. He’s gonna fix his broken heart, piece by piece, soon… Hindi niya alam kung kailan ito gagaling pero alam niyang balang araw ay matatanggap din niya ang katotohanan na wala talaga siyang pag-asa sa dalaga. Na kahit kailan ay hindi siya nito mamahalin. Na naging parte lang siya nang paggawa sa mga anak nila pero kahit kailan ay hindi siya magiging parte sa buhay ng dalaga
Nakatingin si Sky sa malaking building ng Balley Inc. saka napatingin sa calling card na hawak niya na ibinigay pa noon ni Zaver sa kanya. Talagang tinago niya ‘yon in case na hanapin niya ang binata balang araw.Pumasok siya sa loob ng building saka dumiretso sa receptionist. “Excuse me, miss,” tawag pansin niya sa babaeng nakayuko at nakaharap sa computer nito.Ngumiti naman ito sa kanya. “Yes, ma’am? How can I help you?”“Itatanong ko lang sana kung nandito ba si Mr. Zaver Balley.?”“May appointment po ba kayo sa kanya?”Umiling siya. “Wala. Can you just call him and tell him that I’m his friend looking for him.”“Okay, ma’am. Let me just call his secretary.” Tumango naman siya dito saka nagpasalamat. Kinuha nito ang telepono saka nag-dial. “Hello, Miss Lisa. Itatanong ko lang po sana kung nandiyan ba si Mr. Balley sa opisina niya. May naghahanap po kasi sa kanya. Kaibigan niya po daw… Oh, okay po. Thank you.” Binaba na nito ang telepono saka tumingin sa kanya. “I’m sorry, ma’am, p
“Sky.” Napalingon si Sky sa tumawag sa kanya at saka nakita si Fin na papalapit sa kanya.Nakaupo siya sa isang rocking chair habang nakahawak sa malaki na niyang tiyan. Kabuwanan na niya at ilang oras o araw na lang ay manganganak na siya at makikita na niya ang mga anak niya.Kambal ang kanyang anak at hindi niya ‘yon inaasahan. Natatawa na lang siya kapag naiisip na isa lang naman ang hiningi niya kay Zaver pero dalawa ang binigay nito sa kanya.Nang maalala niya ang binata ay napapatanong siya sa isip kung kumusta na kaya ito ngayon? Napailing na lang siya. Kailangan pa ba ‘yong itanong? Syempre, maayos lang ang lalaking ‘yon at ginagawa nito ang gawain nito noon.“Here’s your milk.” Kinuha niya ang inilahad nitong isang baso ng gatas.“Thank you.” Ininom naman niya ito.Kasama niya si Fin na umalis ng bansa. Ayaw man niya dahil may sarili itong buhay ay wala siyang nagawa dahil nagpumilit ito. Ayaw siya nitong iwan lalo na’t buntis siya ngayon. Mag-aalala lang ito sa kanya habang
Five years ago…“Sky.” Napatingin si Sky sa lolo niya nang tawagin siya nito.Nakangiti siyang lumapit dito. “You need something, Grandpa?”“Yes.”“What’s that?”Napabuntong-hininga ito. “Kailan mo ba ako bibigyan ng apo?” Nagulat siya sa naging tanong nito at the same time ay nasanay na din. Palagi na lang kasi iyong tinatanong sa kanya ng lolo niya simula pa noon. Pero isang buwan na ang nakakalipas simula ng huli siyang tanungin nito tungkol sa apo. Akala niya ay titigil na ito sa pagtatanong sa kanya pero hindi pala. Akala niya ay napagod na ito sa pagtatanong, nagpahinga lang pala sandali.Napabuntong-hininga na lang siya. “Grandpa, you already know that I don’t want to be married.”“Hindi pwede na hindi ka mag-asawa, Sky. Paano mo naman kami mabibigyan niyan ng apo kung hindi ka mag-aasawa?” Sinamaan siya nito nang tingin.“Why do you always ask this hard favor from me? Bakit ba gustong-gusto niyong humingi ng apo mula sa akin? Bakit hindi na lang kayo humingi ng isa pang-apo k