NAIINIS si Zaver ngayon dahil nakikita niya na naman ang babaeng kinaiinisan niya. The only woman who dared to forget his name. Nandito sila ng mga kaibigan niya sa isang resto ni Aiden, kumakain.
Nakikita na naman niya ang nakakainis na babaeng 'yon dito sa loob ng resto. Kapag pinagtitripan talaga siya ng tadhana, talagang pinagkita pa sila nito.Naniningkit ang mga mata niyang nakatingin sa dalaga habang kasama ang lalaking noong isang araw ay halos lunurin na ang sarili sa alak dahil brokenhearted ito pero ngayon ay ang laki na nang ngiti.Bilis maka-move on ah. Napa-tsk siya nang ngumiti ang babaeng 'yon. Ngingiti-ngiti, akala mo naman maganda. Lihim na umikot ang mga mata niya. Masyado silang masakit sa mga mata niya.“Hoy! Parang badtrip ka diyan, ah.” Napatingin siya kay Dylan. Hindi niya napansin na nakatingin na pala sa kanya ang mga kaibigan niya.“Ano bang problema mo? Simula nang pumasok tayo dito, bigla na lang sumama ‘yang mukha mo,” tanong ni Wyatt.Okay naman kasi sila kanina, tumatawa pa nga sila habang papasok pero nang makapasok sila dito ay agad niyang nakita ang dalaga na kasama ang lalaking 'yon kaya bigla na lang siyang nainis.“Problema ba sa bahay?” tanong naman ni Aiden.“Pini-pressure ka na naman ba ng mga magulang mo na bigyan mo sila ng apo?” tanong naman ni Dylan.Iniwas na niya ang tingin doon sa babaeng 'yon saka sila tiningnan. Baka kasi makahalata pa ang mga kaibigan niya na nakatingin siya dito, ano pang isipin nila. Madumi pa naman ang mga utak nito.“As usual. Tuwing uuwi na lang ako ng bahay ay ‘yan lagi bumubungad sa akin.”“Bakit kasi hindi mo na lang sila bigyan ng apo?”Binatukan niya si Wyatt. “Gago ka, ah! Eh, di goodbye freedom at chicks ako?”Natawa ito. “Sabagay.”“Teka nga, Dre. May balita ka na ba sa babaeng ikaw ang nauna?” tanong naman ni Dylan.“Tsk! Wala,” pagde-deny niya. “At wala akong pakialam sa kanya,” singhal niya sa kanilang tatlo.“Hala siya! Para nagtatanong lang, eh. Galit agad?” Nagtawanan silang tatlo na hindi niya naman pinansin dahil doon lang sa babaeng ‘yon naaagaw ang atensyon niya.Hindi niya alam kung bakit, pero parang mina-magnet ang mga mata niya papunta sa dalaga. Tss! Mangkukulam ata ang babaeng ito at kinukulam na nga siya kaya siya nagkakaganito.“MOM, naman,” pagmamaktol ni Zaver habang kausap ang mommy niya sa kabilang linya.“Wala ka ng magagawa kasi nandiyan ka na. Don’t disappoint me, son. Bye.”“Wait, Mom—aish!” Nainis siya nang bigla na lang pinutol nito ang tawag.Napatingin siya sa babaeng nasa harapan niya ngayon saka pilit na ngumiti. Tinawagan siya ng mommy niya kanina para papuntahin sa isang Italian resto dahil kakain daw sila doon. If only he know na iba-blind date lang pala siya nito ay hindi na sana siya pumunta pa.Ayaw niya talaga sa lahat ng mga babaeng nirereto sa kanya ng mommy niya. Magaganda naman sila pero mukhang runner, maghahabol. Okay lang sana ‘yong mga babae na nasa mga club kasi alam nila kung hanggang saan lang sila. No string attachment.“Ahm, ganito kasi ‘yon, Madeline—”“It’s Melanie,” putol nito sa sinasabi niya.Napakamot siya sa batok dahil nakalimutan niya ang pangalan nito. “Ah, oo nga, Maxine pala.”“I said, it’s Melanie. Kasasabi ko lang sa ‘yo ng pangalan ko kung kahit kanino ng mga pangalan ang binabanggit mo.” Galit itong tumayo. “You're such a jerk!” sabi nito sabay sampal sa kanya.Inaasahan na niya ang sampal na 'yon dahil ito ang nangyayari kadalasan sa mga dates niya. Hindi naman masakit dahil talagang sinadya niya 'yon para mawalan na ng gana ang mga ito sa kanya.Napatingin siya sa harapan niyang upuan nang may umupo doon at laking gulat na lang niya na ang babaeng kinaiinisan niya na ang nakaupo doon. Biglang nanliit ang mga mata niya habang nakatingin sa dalaga.Napapailing ito. "Masakit ba masampal?" nakangisi nitong tanong.Hindi niya maiwasan na paikotan ito ng mga mata. “Tsk! Try mo kaya ng malaman mo,” inis niyang sabi sa dalaga. “Wow!” Itinaas nito ang dalawang kamay nito na tila sumusuko. “Bakit parang sa akin ka nagagalit? Ako ba nanampal sa 'yo?” Mas lalo siyan naiinis sa ngisi nito.Pakiramdam niya ay pinagtatawanan siya nito dahil sa nangyari kanina. Kapag minamalas nga naman siya, oh. Bakit sa dinami-dami ng tao na pwedeng makita ang pangyayaring ‘yon ay ito pang babaeng ito?"Ano bang ginagawa mo dito?""Nagugutom ako, eh. Waiter," tawag nito sa waiter saka um-order. "Hoy!"Bigla siyang napakurap-kurap dahil sa mahina nitong sigaw kasabay nang pagpalakpak nito sa harap ng mukha niya. "Ha?""Tulala ka na naman diyan."Napaiwas siya nang tingin dito. Hindi niya napansin na nakatulala na pala siyang nakatingin sa dalaga. Ano bang nangyayari sa kanya?"Anong order mo?""Ikaw na ang bahala,” walang gana niyang sabi dahil wala naman siyang balak na kumain dahil nawalan na siya ng ganang kumain nang makita niya ito."Bahala ka, ikaw din naman magbabayad." Bigla siyang napatingin dito dahil sa sinabi nito. "Yan lang, please. Thank you."Umalis na ang waiter pagkatapos nitong um-order. Masama ang mga tingin na ipinukol niya dito."Bakit ako magbabayad ng mga in-order mo?" Tinaasan niya ito ng isang kilay.Hindi sila gano’n ka-close para siya ang magbayad ng mga in-order nitong pagkain at saka wala siyang balak na ilibre ito lalo na’t naiinis siya sa pang-aasar nito sa kanya.“Ahm…” humawak naman ito sa baba, tila nag-iisip. “kasi ikaw ang lalaki?" Natawa siya ng mahina sa sinabi nito. "Umalis na din naman ang ka-date mo kaya sasamahan na kita, baka magmukha kang kawawa.” Napanganga siya sa sinabi nito. “Total wala din naman akong kasama kaya you have my time." Naiiling siyang nakatingin sa dalaga. This woman is unbelievable. "I'm sorry if I didn't remember you last time.""So, naaalala mo na ako?""Sort of."Nagkasalubong ang mga kilay niya. Umayos na siya nang upo dahil mukhang maayos na itong kausap ngayon. "Anong sort of?""Hmm…" nag-isip ulit ito. "Zayn?" Napanganga siya. "Saber? No. I think it started with letter Z. Zack?"Napabuga siya ng hangin dahil kung kani-kaninong mga pangalan ang pinagsasabi nito sa mismong mukha niya. Binabawi na niya ang sinabi niya kanina na mukha na itong matinong kausap. Mukha lang pala pero hindi."Stop." Mas lalo siyang nainis dito dahil kung kani-kaninong pangalan ng lalaki ang lumalabas sa bibig nito. "It's Zaver. Zaver Balley,” may diin niyang sabi para matandaan talaga nito at pumasok sa kukute nito ang maganda niyang pangalan."Oh, now, I remember." Sinamaan niya ito nang tingin. "Sorry, I'm not good at memorizing the peoples name.""Tsk! You should remember my name. It's Zaver Balley. Ako ang nauna sa 'yo at nagpaligaya tapos kakalimutan mo lang ako." May kinuha siyang calling card saka binigay dito. "Oh, baka makalimutan mo na naman pangalan ko."Kinuha nito ang card. "Nice name." Sinamaan niya na naman ito nang tingin. Nice name pero kinakalimutan. "CEO ka pala?""Yeah, bakit?""Hindi kasi halata." Tumawa ito na ikinasama nang tingin niya dito.Kung nakakahubad lang ang tingin niya ay baka n*******d na ang babaeng ito at pinaparusahan na niya sa kama nang tumahimik at mawala ang mapang-asar nitong salita.Pakiramdam niya ay iniinsulto talaga siya ako. Damn this woman! Ang lakas naman ng loob nito para pagtawanan siya. "Nandito ka ba para insultuhin ako?"Umiling ito habang nagkibit-balikat. "Nah, nandito ako para damayan ka kasi iniwan ka ng ka-date mo.""Like I care." Pinaikotan niya ito ng mga mata.Ito ang unang beses na nagsungit siya sa isang babae. Hindi niya kasi maiwasan dahil sa tuwing kinakausap siya nito ay may halong pang-iinis sabayan pa nito nang nakangisi nitong mga labi."SKY," tawag ni Zaver sa dalaga."Oh, you actually remember my name?"Nagulat siya sa sinabi nito. He actually did? Napailing siya. Naalala niya kasi ang pangalan nito nang mapatingin siya sa langit. Nandito sila ngayon ni Sky sa park, naglalakad. Pagkatapos nilang kumain kanina ay dumiretso sila dito, malapit lang naman ito sa resto kung saan sila kumain."Sa mga nasagap kong balita, hindi mo daw naaalala ang mga nakaka-one night stand mo."Tumaas ang isang kilay niya. "So, you're my stalker now?" Nagkibit-balikat ito. "May tanong ako sa 'yo.""Oy, nagiging interested na siya sa akin," panunukso na naman nito sa kanyaSinamaan niya ito nang tingin. "Asa ka!"Natawa ito. "Biro lang.” Umikot ang mga mata niya. Para sa kanya ay hindi iyon isang magandang biro. “Ano ba 'yon?""Bakit parang hindi ka naiilang na kasama ako? Like, may nangyari sa atin ng isang gabi. Kung ang ibang virgin pa diyan ay baka namumula na ang mukha nila o kaya nahihiya na kapag kaharap ang taong alam mo na, ‘yong taong unang nakakuha sa kanila.”"Gano'n ba dapat ‘yon? Damn! Hindi ko alam na gano'n dapat,” sabi nito saka tumawa ito."Ang saya mo talaga kausap,” sarkastiko niyang sabi. Ang ayos-ayos ng tanong niya tapos tatawanan lang siya nito."Hindi naman lahat ng babae gano'n. Hindi din lahat ng babae ay maghahabol sa lalaking nauna sa kanila at mas lalong hindi lahat ng babae ay lolokohin ka, at sasaktan. Lagi mong tatandaan na magkakaiba ang mga tao. Hindi tayo ipinanganak sa iisang magulang kaya magkakaiba ang mga ugali natin."Napahinto siya sa paglalakad ng bigla itong ngumiti ng matamis sa kanya. He know at that time…I'm in trouble.May isang malaking chandelier sa gitna ng kisame ng reception hall kung saan magaganap ang event pagkatapos ng kasal nina Zaver at Sky. Napapalibutan ito ng mga bulaklak. There all also small chandeliers while there are purple delphiniums hanging from the ceiling. Napupuno ng mga delphiniums ang ceiling ng reception hall. Animo’y isang garden kung tingnan ang kisame.Sa dulo ng reception hall ay nandoon ang malaking stage na may mahabang mesa kung saan uupo ang bagong kasal. May isang mala-bridge na gawa sa bamboo ang stage na nagsisilbing maliit na kisame at napapalibutan ito ng mga orange blossoms.Bamboo is a sign of strength and loyalty. Si Zaver mismo ang pumili nito dahil gusto nitong kagaya ng bamboo ay maging matatag ang pagsasama nila ni Sky and of course he will always be a loyal husband to her, no matter what happen.Orange blossoms is a sign of eternal love and marriage. He wish that Sky will never get tired of loving him and they will grow old together, loving each other,
Lahat ng tao sa bahay ng mga Balley at De Guzman ay busy dahil sa isang napakalaking event na magaganap para sa dalawang pamilya ngayong araw. Ngayong araw na ito ay ikakasal ang dalawang taong akala noon ay hindi magpapakasal. Sinong mag-aakala na ikakasal sila sa taong ayaw din magpakasal noon. Pareho nilang binago ang pananaw ng isa tungkol sa kasal at sa pagmamahal They found their perfect match.“Ikakasal na talaga siya. Iiyak na ba ako nito?” Nagtawanan sina Zaver at mga kaibigan niya sa biro ni Wyatt.“I’m so happy for you, Dude.” Inayos ni Ice ang bow sa suot niyang suit. Nakikita niya sa mukha nito na masaya talaga ito para sa kanya. “I’m happy that you finally found the right woman for you.”“Aww… Mukhang kailangan ko nang humanap ng akin. Kailan ko kaya siya makikilala?” buntong-hiningang tanong ni Wyatt habang nakapahalumbaba.“Gago!” signahl ni Ice dito. “Nahanap mo naman na kasi, matagal na. Nasa harap mo na, nagbubulag-bulagan ka pa.”Kumunot ang noo nito. “Sino naman
Ilang araw nang iniiwasan ni Zaver si Sky dahil sa nangyari. Kapag dadalaw naman siya sa mga bata ay hindi niya pinapahalata sa mga ito na may hindi sila pinagkakaunawaan ng mommy ng mga ito. Alam niyang malulungkot ang mga bata kapag nagkataon na malaman ng mga ito at ayaw niyang mangyari ‘yon.Hanggang ngayon ay nasasaktan pa din siya sa naging huli nilang pag-uusap ng dalaga pero wala siyang magawa para maibsan ang sakit na nararamdaman niya. Mabigat sa dibdib niya ang nangyari. Sa ngayon, ang mga anak niya lang ang tanging nagpapakasaya sa kanya.Sa ngayon ay ang mga anak niya muna ang pagtotoonan niya ng pansin. He’s gonna fix his broken heart, piece by piece, soon… Hindi niya alam kung kailan ito gagaling pero alam niyang balang araw ay matatanggap din niya ang katotohanan na wala talaga siyang pag-asa sa dalaga. Na kahit kailan ay hindi siya nito mamahalin. Na naging parte lang siya nang paggawa sa mga anak nila pero kahit kailan ay hindi siya magiging parte sa buhay ng dalaga
Nakatingin si Sky sa malaking building ng Balley Inc. saka napatingin sa calling card na hawak niya na ibinigay pa noon ni Zaver sa kanya. Talagang tinago niya ‘yon in case na hanapin niya ang binata balang araw.Pumasok siya sa loob ng building saka dumiretso sa receptionist. “Excuse me, miss,” tawag pansin niya sa babaeng nakayuko at nakaharap sa computer nito.Ngumiti naman ito sa kanya. “Yes, ma’am? How can I help you?”“Itatanong ko lang sana kung nandito ba si Mr. Zaver Balley.?”“May appointment po ba kayo sa kanya?”Umiling siya. “Wala. Can you just call him and tell him that I’m his friend looking for him.”“Okay, ma’am. Let me just call his secretary.” Tumango naman siya dito saka nagpasalamat. Kinuha nito ang telepono saka nag-dial. “Hello, Miss Lisa. Itatanong ko lang po sana kung nandiyan ba si Mr. Balley sa opisina niya. May naghahanap po kasi sa kanya. Kaibigan niya po daw… Oh, okay po. Thank you.” Binaba na nito ang telepono saka tumingin sa kanya. “I’m sorry, ma’am, p
“Sky.” Napalingon si Sky sa tumawag sa kanya at saka nakita si Fin na papalapit sa kanya.Nakaupo siya sa isang rocking chair habang nakahawak sa malaki na niyang tiyan. Kabuwanan na niya at ilang oras o araw na lang ay manganganak na siya at makikita na niya ang mga anak niya.Kambal ang kanyang anak at hindi niya ‘yon inaasahan. Natatawa na lang siya kapag naiisip na isa lang naman ang hiningi niya kay Zaver pero dalawa ang binigay nito sa kanya.Nang maalala niya ang binata ay napapatanong siya sa isip kung kumusta na kaya ito ngayon? Napailing na lang siya. Kailangan pa ba ‘yong itanong? Syempre, maayos lang ang lalaking ‘yon at ginagawa nito ang gawain nito noon.“Here’s your milk.” Kinuha niya ang inilahad nitong isang baso ng gatas.“Thank you.” Ininom naman niya ito.Kasama niya si Fin na umalis ng bansa. Ayaw man niya dahil may sarili itong buhay ay wala siyang nagawa dahil nagpumilit ito. Ayaw siya nitong iwan lalo na’t buntis siya ngayon. Mag-aalala lang ito sa kanya habang
Five years ago…“Sky.” Napatingin si Sky sa lolo niya nang tawagin siya nito.Nakangiti siyang lumapit dito. “You need something, Grandpa?”“Yes.”“What’s that?”Napabuntong-hininga ito. “Kailan mo ba ako bibigyan ng apo?” Nagulat siya sa naging tanong nito at the same time ay nasanay na din. Palagi na lang kasi iyong tinatanong sa kanya ng lolo niya simula pa noon. Pero isang buwan na ang nakakalipas simula ng huli siyang tanungin nito tungkol sa apo. Akala niya ay titigil na ito sa pagtatanong sa kanya pero hindi pala. Akala niya ay napagod na ito sa pagtatanong, nagpahinga lang pala sandali.Napabuntong-hininga na lang siya. “Grandpa, you already know that I don’t want to be married.”“Hindi pwede na hindi ka mag-asawa, Sky. Paano mo naman kami mabibigyan niyan ng apo kung hindi ka mag-aasawa?” Sinamaan siya nito nang tingin.“Why do you always ask this hard favor from me? Bakit ba gustong-gusto niyong humingi ng apo mula sa akin? Bakit hindi na lang kayo humingi ng isa pang-apo k