"Hindi ka pa ba tapos?" Napatingin si Maiden kay Zack na ngayon ay nasa harapan niya. Hindi niya napansin na nakalabas na pala ito ng opisina nito dahil naka-focus lang siya sa pagta-type sa computer niya. Napatingin ito sa relong pambisig. "Lunch time na, ah. Hindi ka pa ba kakain? Hindi ka pa ba nakakaramdam ng gutom?"
Bumalik ang tingin niya sa computer at nagpatuloy sa pag-type. "Mamaya na lang. Tatapusin ko na lang ito. Kakain din naman ako kapag gutom na ako."Naupo si Zack sa gilid ng mesa niya. "Pwede mo naman 'yan tapusin mamaya, Maiden. Mahalaga ang kumain kaysa sa trabaho.""You know me, Sir Zack. Gusto kong natatapos ang trabaho ko bago magpahinga o kumain."Narinig niya ang pagbuntong hininga nito. "Aanhin mo ang pagtapos ng trabaho kung magkakasakit ka naman?"Napatigil na naman siya at napatingin dito. "You look like you're concern with me, Sir." Inayos niya ang suot niyang anti radiation glass."Of course, I am. Womanizer lang ako, Maiden pero hindi ako walang puso na tao. Nakakasakit ka na talaga ng damdamin, Maiden, alam mo ba 'yon?" Um-acting naman ito na parang nasasaktan.Napailing na lang siya dahil sa kadramahan ng boss niya. "Ang o.a mo talaga kahit kailan. Salamat sa concern, Sir, pero ayos lang ako at para hindi ka mag-alala ay kakain ako pagkatapos nito."Napatitig ito sa kanya kaya ngumiti siya dito. Napabuga na lang ito ng malakas na hangin dahil alam naman nito na wala itong magagawa sa gusto niya."Fine! Kahit kailan talaga napakatigas ng ulo. Manang-mana ka sa bato, masyadong matigas."Ngumisi siya dito. "Mana lang po sa inyo.""Whatever!" Hindi niya maiwasan na matawa nang umikot ang mga mata nito. "Mauna na ako sa 'yo. Basta kumain ka na kapag tapos ka na. Ayaw kong magkakasakit ang secretary ko.""Noted, Sir." Tumango siya dito.Umalis na din ito kaya naman nagpatuloy na siya sa ginagawa. Hindi niya namalayan ang oras at tapos na pala ang lunch break na hindi man lang siya nakakakain. Napatingin na lang siya sa isang bento box na kakapatong lang sa mesa niya.Napatingin siya sa naglagay nito at nakita si Zack. "Ano po ito, Sir?""Bento box, malamang."Umikot ang mga mata niya dahil sa kapilosopohan nito. "Alam ko, ang ibig kong sabihin anong gagawin ko dito?""Hindi pa ba obvious? Eh, di kakainin mo. Ano bang ginagawa sa bento box, Maiden? Iniinom ba?" Napasapo ito sa noo na para bang sumasakit ang ulo nito sa kanya. "Nalipasan ka lang ng gutom ay lutang ka na. Kaya dapat hindi ka nalilipasan ng gutom, eh."Huminga siya nang malalim at pinapakalma ang sarili. Iniisip niya na boss niya ito kaya hindi niya ito pwedeng batukan.Ngumiti siya dito pero alam niyang alam ng binata kung anong ibig sabihin ng ngiti niya ngayon. "Ako ba'y sasagutin mo ng maayos, Sir Balley o---""Binili ko 'yan para sa 'yo, okay? Alam ko kasi na hindi ka pa kumakain kaya binilhan na kita. Alam mo naman na ayaw kitang nagugutom, eh. Magkakasakit ka pa, pag-aalahanin mo pa ako."Lihim siyang natawa sa sarili. Sa lahat ng nagustohan niya kay Zack ay ang pagiging masunurin nito at tila ba takot na magalit siya dito at mas lalong ayaw nitong magkasakit siya. Siguro ay ayaw lang nitong mawalan ng isang secretary na kagaya niya."Salamat, Sir Zack. Magkano po pala ito lahat?" Kinuha niya ang petaka sa bag niya para bayaran ang binata."It's free." Natigilan siya sa pagbukas ng petaka niya at napatingin dito. "Libre ko na 'yan sa 'yo.""Sigurado ka?""Ano ba ang tingin mo sa akin, Maiden? Poor?" Pinanlakihan siya nito ng mga mata.Imbis na matakot ay natawa na lang siya dahil ang cute din kasi nito mainis. "Salamat, Sir Zack."Hindi niya alam kung tama ba ang nakita niya na namula ang mukha nito. Bigla kasi itong napaiwas nang tingin sa kanya kaya hindi niya masyadong nakita."Welcome," tila padabog nitong sabi. "Kainin mo na muna 'yan bago ka magpatuloy sa pagtatrabaho." Magsasalita na sana siya nang magsalita ulit ito, "Huwag ka ng tumutol at kumain na lang. Nandiyan na 'yong pagkain sa harap mo, oh. Hindi mo na kailangan umalis pa."Napailing na lang siya. "Hindi naman kasi 'yon ang sasabihin ko.""Eh, ano?"Tinuro niya ang hawak nitong milktea. "Itatanong ko sana kung akin din ba ang milktea na 'yan? Mahirap din naman kasi na walang panulak sa binili mong pagkain."Nanlaki ang mga mata nito at hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. "Aba, Miss Cruz, abuso ka na, ah. Akin kaya ang milktea na ito. Ako ang bumili kaya sa akin ito."Napahawak siya sa bibig at natawa. "Hindi ko alam na Maiden na pala ang pangalan na nilalagay mo sa baso ng milktea mo. Napaghahalataan kang crush mo ako," natatawa niyang sabi habang nakatakip sa bibig ang kamay.Namula ang mukha nito sa sinabi niya at napatingin sa baso kung saan nakasulat ang pangalan niya. Gusto niyang matawa dahil sa nahihiya nitong mukha habang namumula pa ang magkabilang pisngi."K-Ka... Kasi, ano... Ano..." Mas lalo pa siyang natatawa dahil sa pagkautal nito. "Sige na nga! Sa 'yo na 'yan." Inilagay nito sa mesa niya ang milktea. "Masyado kang abusado. Sa susunod hindi na kita bibilhan kahit secretary pa kita." Dinuro pa siya nito na akala mo'y galit pero para sa kanya ay hindi naman. "Diyan ka na nga!" Umikot pa ang mata nito bago umalis."Thank you, Sir Zack. The best ka talaga.""Tse!" Natawa na lang siya sa sinagot nito sa kanya.SUMAPIT ang hapon at tapos na ang oras ng trabaho. Nililigpit na niya ang mga gamit nang mapatingin siya sa opisina ni Zack na kakabukas lang at kalalabas lang ng binata. Napakunot noo siya sa mukha nito."Anong mukha 'yan?" naiiling niyang tanong at saka bumalik sa pagliligpit niya."I'm so tired, Baby," nakanguso nitong sabi at saka lumapit sa kanya.Napailing na lang siya sa tinawag nito sa kanya. Noon ay palagi niya itong pinagsasabihan sa tuwing tinatawag siya nitong baby pero matigas pa din ang ulo nito kaya naman pinabayaan na lang niya. Wala lang din naman kasi sa kanya ang pagtawag nito ng baby."Anong gusto mong gawin ko? I-massage ka?" sarkastiko niyang tanong dito.Inilapit nito ang mukha sa kanya kaya naman medyo napaatras siya. "Can you do that for me, Baby?"Tinakpan niya ang mukha nito at inilayo ito sa kanya. "Masyado kang malapit, Sir Zack." Inalis na niya ang kamay sa mukha nito. "At saka hindi ko 'yon gagawin dahil hindi naman ako masahista. Doon ka sa massage spa kung gusto mo. Or better yet," ngitian niya ito. "maghanap ka na lang ng babae na pwedeng magmasahe sa 'yo. Pwede ka ng mag-enjoy ngayon dahil tapos na ang trabaho natin.""But I want you. Only you, Maiden," malambing nitong sabi.Bigla siyang kinilabutan sa sinabi nito. "Maghunos dili ka nga diyan, Sir. At saka hindi ka ba kinikilabutan sa sinasabi mo diyan?""Why should I?"Napailing na lang siya at kinuha ang bag. Naglakad na din siya papunta sa elevator. Sumunod naman sa kanya si Zack at sabay silang sumakay. Iilan na lang din ang natitira sa building kaya silang dalawa lang ang tao sa elevator."Are you free today?" Napatingin siya dito nang nagtatanong. "Baka gusto mong kumain muna tayo bago ka umuwi sa inyo. Libre ko," nakangiti nitong sabi."Ayaw ko nga baka mamaya pagkatapos nating kumain ay dalhin mo ako sa hotel," biro niya.Natawa naman ito sa sinabi niya. "You're funny, Maiden. Alam mo naman na hindi ko magagawa sa 'yo 'yon. Takot ko lang sa 'yo, no."Napailing na lang siya. "I know, but I'm still not available today.""Ay, bakit naman?" Umikot ang mga mata niya nang makita niyang nagpapa-cute ito sa kanya ngayon para lang pumayag siya."May date kami ni Ryan ngayon. Susunduin niya ako kaya kailangan kong magmadali."Biglang sumungit ang mukha nito nang marinig ang pangalan ng boyfriend niya. "That guy again." Napailing na lang siya. Kahit kailan ay hindi nagustohan ni Zack ang boyfriend niya at hindi niya alam kung bakit mainit ang dugo nito kay Ryan. "Sinabi ko naman sa 'yo na hiwalayan mo na ang lalaking 'yan dahil niloloko ka lang niya.""Hindi naman ikaw ang kasama niya for five years, Sir Zack, kaya hindi mo siya kilala. And besides, hindi magagawa sa akin ni Ryan 'yon dahil mahal niya ako at hindi siya katulad mo.""Yeah, right." Umikot ang mga mata nito. "Hindi mo lang alam na kagaya ko pala siya dahil ako lantaran ang ginagawa ko habang siya naman ay patago kung gumalaw. Magaling magtago kaya hindi mo alam." Napailing na lang siya. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na itong sinabi sa kanya ni Zack. "Sinasabi ko talaga sa 'yo, Maiden, niloloko ka lang ng lalaking 'yon." Lumabas na siya ng elevator kasama si Zack. Naglalakad na sila ngayon palabas ng building. "Maiden, listen to me."Natigilan ito nang humarap siya dito. "Sir Zack, pwede niyong pakialaman kung ano man ang ginagawa ko sa loob ng opisina, but let me remind you na hindi mo pwedeng pakialaman ang buhay ko, ang private life ko. I know what I'm doing and I can take care of myself.""Nag-aalala lang naman ako sa 'yo, eh. Alam mo naman na kaibigan na din ang tingin ko sa 'yo. Ayaw kitang masaktan."Ngumiti siya dito, at tinapik ang balikat nito. "Thank you for the concern, but I will be fine, Sir Zack. Buhay pag-ibig ko ito kaya kami lang dapat ni Ryan ang nai-involve dito. Hindi ko hahayaan na may ibang taong magdedekta kung ano ang gagawin namin sa relasyon namin." Napabuntong hininga siya. "Goodbye, Sir. See you tomorrow."Naglakad na siya at pumasok sa kotse ni Ryan na kakarating lang. "Let's go?' tanong nito."Yeah," sagot niya naman.Nang umandar na ang sasakyan ay hindi niya napigilan na mapatingin kay Zack sa side mirror. Nakatingin pa din ito sa kotse nila kahit medyo malayo na sila. Napabuntong hininga na lang siya. Alam naman niya na nag-aalala talaga si Zack sa kanya pero mas kilala niya si Ryan dahil limang taon na din sila.Alam niya na hindi siya nito lolokohin dahil bago pa niya ito sinagot noon ay dalawang taon din itong nanligaw sa kanya. Talagang sinubukan niya ang binata kung hanggang saan ang kaya nito sa paghihintay sa kanya.Sinagot na niya ito nang makita niya na dalawang taon na itong nanliligaw ay sige pa din. Hindi talaga ito tumigil hangga't hindi siya napapasagot. Nakilala naman niya na isang mabait na tao si Ryan at gano'n din ang tingin ng mga taong nakakakilala sa binata.Nagising si Maiden na masakit ang ulo at may tuyong lalamunan. Napahawak siya sa ulo at napabangon. Ano ba ang nangyari at bakit nagising siya na masakit ang ulo niya? Nagulat na lang siya ng gumalaw ang kamang hinihigaan niya at may biglang yumakap sa kanyang bewang.Dahan-dahan at puno ng kaba na bumaling si Maiden sa may-ari ng kamay. Kinakabahan kung sino ito. Halos lumuwa ang mga mata niya ng makita si Zack na mahimbing ang tulog habang nakayakap sa bewang niya. May parte sa kanya na nakahinga siya ng maluwag dahil si Zack ito pero may parte naman sa kanya na nagtatanong kung bakit si Zack pa? Ewan niya. Nalilito na siya sa sarili niya ngayon.Gusto niyang sumigaw pero pinigilan niya dahil alam niyang magigising niya ito at mas lalong hindi niya alam ang gagawin."Shit!" malutong pero mahina niyang mura.Dahan-dahan at puno ng ingat na inangat niya ang kamay ni Zack para ialis ito. Halos hindi na din siya huminga para lang hindi ito magising. Para siyang naging mannequin ng gumal
Dahan-dahan na inihiga ni Zack si Maiden, magkatitig ang mga mata nila. Hindi alam ni Zack kung lasing pa ba ang dalaga o seryoso ito sa sinasabi nito.Hinalikan niya ito sa noo dahilan para mapapikit ito. "Are you serious about this, Maiden, baby?" malambing niyang tanong dito. Hinaplos niya ang pisngi nito. "Ayaw kong paggising mo bukas ay pagsisihan mo ito."Ngumiti si Maiden at hinalikan siya sa labi dahilan para bahagya siyang magulat. Hindi niya talaga maiwasan na magulat dahil si Maiden ang gumagawa ng first move."Pwede na ba 'yong sagot sa 'yo, Zack? Mas matindi pa 'yon sa oo."Napatiim-bagang siya dahil hindi na talaga niya mapigilan ang sarili. Talagang inuubos ni Maiden ang pasensya niya at ang pagpipigil niya dito all this years. Hinalikan niya ito sa noo, sa pisngi, at sa labi nito."Always remember, Baby, that I love you with all of my heart."Hindi sumagot si Maiden at hinawakan lang ang batok niya at hinalikan siya sa labi. Hindi man sumagot si Maiden ng I love you to
Kinuha ni Maiden ang cell phone at sinubukan na tinawagan si Ryan pero nasaktan siya ng tiningnan lang nito ang cell phone at hindi sinagot ang tawag niya. Ibinalik lang bito ang cell phone sa bulsa ng suot nitong coat.Gusto niyang maiyak sa nasaksihan pero huminga lang siya ng malalim. Hindi siya pwedeng umiyak lalo na't maraming tao sa paligid niya. Ayaw niya din ipakita sa ibang tao na mahina siya."Hey, you okay?" Napatingin siya kay Zack ng tapikin siya nito. Napatingin ito sa cell phone niya ng hindi siya nakasagot. "Why are you calling that jerk?" Hindi siya nakasagot dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot. "Himala ata at hindi mo pinagtanggol ang ugok mong boyfriend?"Napaiwas na lang siya ng tingin at hindi na sumagot. Muli siyang napatingin kay Zack ng hawakan nito ang kamay niya."Hey, are you okay? Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong nito at nakikita niyang nag-aalala na ito sa inaasta niya ngayon.Ngumiti siya ng maliit. "I'm okay." Tinitigan siya ng maigi ni Zack,
Kinabukasan ay nakatulog naman ng mahimbing si Maiden, salamat sa ininom niyang gatas. Nang mag-alas tres ay naghanda na din siya para sa charity ball mamaya. Nagligo na siya, nag-make up at nagbihis. Simpleng make up lang ang nilagay niya habang ang buhok naman niya ay kalahati ang nakatali at ang kalahati ay nakalugay.Napatingin si Maiden sa salamin at napangiti ng makita na maganda na siya. Tiningnan niya ang kabuoan. Tamang-tama lang sa kanya ang damit na napili ni Zack. He really have a taste.Hindi nagtagal ay may kumatok na sa apartment niya at alam niyang si Zack 'yon kaya naman kinuha na niya ang pursue niya at binuksan ang pinto. Nakita niya si Zack na nakasuot ng black tuxedo at nakaayos ang buhok nito. Mukha itong kagalang-galang na tao."Mukha kang hindi womanizer sa mukha mo ngayon," biro niya."I'll take that as a compliment, Baby." Napatitig naman ito sa kanya. "You look gorgeous." Namula naman ang mukha niya kaya nagpanggap siya na tatalikod para isara ang pinto."Ta
Natigilan si Maiden sa tanong nito. Napalunok siya at napaiwas ng tingin sa binata. "N-Nakikita ko naman." Inipit niya ang buhok sa gitna ng tenga niya at napaiwas ng tingin dito. Hindi niya ito matingnan sa mga mata.Napabuga ng hininga si Zack at hindi na nagsalita. Nagtataka na naman siya dahil parang bad mood na naman sa ito. Napapansin niya na parang nag-iiba ang ugali ng binata sa kanya."Sir, may sama ka ba ng loob sa akin?"Napatingin ito sa kanya habang nasa bibig nito ang kutsara. "Wala naman. Bakit mo naman naitanong?" Kumain ulit ito."Pansin ko kasi ang bilis mag-iba ng mood mo pagdating sa akin."Napangisi ito dahilan para mas magtaka siya. "Trip ko lang, paki mo ba?"Napanganga na lang siya sa sagot nito. Napailing na lang siya. "Ewan ko sa 'yo, Sir Zack. Hirap mo din kausap. Anyway, hindi naman mahalaga kung sa tingin ko ay nagbabago ka na basta ang mahalaga ay nakikita 'yon ng babae na nagugustohan mo." Tumayo na siya dahil kailangan na din niyang bumalik sa mesa niya
Nakapasok na si Zack sa opisina niya pero hanggang ngayon ay mabilis pa din ang pagtibok ng puso ni Maiden dahil sa seryosong mukha ni Zack habang sinasabi ang mga katagang 'yon.What the hell is wrong with him? Bakit gano'n makatingin sa kanya ang binata habang sinasabi 'yon? What the hell is wrong with her? Bakit gano'n na lang din ang pagbilis ng tibok ng puso niya? Hindi naman siya ganito dati, ah. Hindi siya madaling madala sa mga matatamis na salita nito.Napailing na lang siya. Wake up, Maiden! You can't fall in love with that womanizer! You just can't! Isa pa, may boyfriend ka. Napabuga na lang siya ng malakas na hangin. She needs to focus on her work and not on what Zack said.Hindi lang 'yon ang huling beses na nakatanggap si Maiden ng mga bulaklak tuwing umaga. Hindi na nga lang bulaklak ang natatanggap niya kung hindi pati na din chocolates. Hindi na niya mabilang kung ilang chocolate na ang natanggap niya. May balak ata ang Y na ito na i-diabetes siya.Napabuntong hininga