Nasa kalagitnaan nang pakikipaghalikan si Zack sa kanyang babae na nakilala niya lang sa club nang biglang may tumapik sa kanyang balikat.
Napahinto siya at napatingin sa mapangahas na taong talagang inisturbo siya sa ginagawa niya. Nakikitang nitong nag-e-enjoy na siya sa ginagawa, eh, tapos may iistorbo lang sa kanya."Maiden, what are you doing here?" inosente niyang tanong sa dalaga na kanyang secretary na poker face na nakatingin sa kanya.Pinanliitan siya nito ng mga mata. "Hindi pa ba obvious, Sir Zack, kung bakit ako nandito? Kailangan mo pa ba talaga 'yang itanong sa akin?" Tinaasan siya nito ng isang kilay. "I bet alam mo na kung bakit nandito ako."Bahagya na lang siyang natawa nang taasan siya nito ng kilay. Bakit ang sungit nito sa kanya ngayon? May nagawa ba siyang kasalanan dito at nasusungit na naman ito sa kanya?"How the hell did you find me, Baby?" Kahit saan ata siya magpunta ay nahahanap siya ng dalaga. Sa isip-isip niya ay baka may nilagay itong gps sa cellphone niya kaya mabilis siya nitong nahahanap.Umikot ang mga mata ng dalaga. "May dinner meeting ka pa with Mr. Fowler, Sir Balley." Ngumiti ito pero alam naman niyang isa lang iyong pekeng ngiti.He know his secretary well. Alam niya kung kailan totoo ang ngiti nito, at kung kailan peke. And the smile that she's giving to him right now is a fake one."Come on, Maiden, Baby. It's already six o'clock." Tinuro niya ang relong pambisig para makita nito ang oras. "The work hour is already done kanina pa. Can't you just cancel it and appoint it tomorrow morning?" Bumaling siya sa babaeng katabi niyang nakikilala niya lang dito sa club. "Can't you see? I'm busy right now."Napabungisngis naman ang babaeng katabi niya nang haplusin niya ang baba nito. Hahalikan na naman sana niya ito nang tapikin na naman siya ni Maiden sa balikat.Napabuga siya ng hangin na napatingin dito. "What now?" Malapit na siyang mainis dito dahil pinipigilan talaga siya nito or rather he say, ayaw siya nitong payagan na mag-enjoy ngayong gabi.Hindi ba nito alam na ilang linggo na siyang hindi nagkaroon ng babae dahil kay Maiden at dahil nagiging busy sila sa opisina? Ngayon nga lang siya makakapag-enjoy, kill joy naman itong secretary niya."You have a dinner meeting with Mr. Fowler now, Sir Zack Balley!" madiin nitong sabi kasabay nang pagsabi ng buo niyang pangalan.Minsan talaga ay hindi niya maisip kung sino ba talaga ang boss sa kanilang dalawa dahil kung titingnan ay parang mas bossy pa ito sa kanya. Parang ito pa ang nananakot sa kanya."Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Zack?" singit naman ng babaeng katabi niya dahilan para mas tumaas ang kilay ni Maiden. "Bukas na nga daw dahil busy siya, 'di ba? Bakit ba ang kulit mo? Pwede ba? Umalis ka na at iniistorbo mo na kami sa kaligayahan namin.""Ops!" Natigilan ang babae nang pinatigil niya ito gamit ang palad niya. "Hindi ka dapat nagsasalita ng ganyan sa kanya, Babe.""Bakit naman?" Napanguso na lang ito."Because she is my secretary.""Sorry, Babe." Hinawakan nito ang dibdib niya dahilan para mapangiti siya. Masyado namang clingy ang babaeng ito. "Nakakainis lang kasi. Kung makaasta siya ay parang siya itong boss at minamadali ka pa. Eh, secretary lang naman siya.""Hayaan mo na.""What did you said?" sabay silang napatindin kay Maiden nang magsalita ito. Ngumisi si Maiden dahilan para mapalunok siya. "Huwag kang makikisabat sa usapan namin ni Sir Balley dahil hindi ka naman kasali. You're just one of the chip girls he got at the club."Napanganga ang babae sa sinabi ni Maiden habang siya naman ay napangiti. This girl never failed to amuse him. Napasandal na lang siya sa upuan habang prenteng nakatingin sa dalawa. This would be a good show and he needs a popcorn."Anong sabi mo?" galit na tanong ng babae."Hindi ba? Tell me, I'm wrong from calling you chip." Napatiim bagang na lang ang dalaga. Naka-cross arm si Maiden habang tinataasan ng kilay ang dalaga. Mukha pa lang talaga ay alam ng palaban itong babae. "Hindi ba chip ang tawag sa inyo kapag madali lang kayong makuha ng isang lalaki. In a place like this pa." Bahagya itong natawa. "At nagpabola ka naman sa lalaking ito?" Napanganga siya nang masali na siya sa usapan. "Hindi mo ba alam na womanizer ang lalaking ito?" Turo nito sa kanya na ikinailing niya. "One night stand lang ang habol niya sa 'yo. Look at his face." Ngumisi ito. "Mukha ba 'yang titino para sa isang katulad mo?""Shut the f*ck up, slut!" Nagulat na lang ito nang paliguan ito ni maiden nang iniinom nilang alak na nasa mesa. Napanganga ito at hindi ito makapaniwala sa ginawa ni Maiden."I'm not a slut, Babe. Tumingin ka muna sa sarili mo bago mo sabihin sa akin 'yan, okay?" Maiden smiled at her sweetly, but it disappeared when her gaze look at him. Inayos nito ang suot na coat. "Aalis na ba tayo, Sir o kailangan pa kitang kaladkarin palabas ng club? Alam mo naman na madali lang akong kausap."Natatawa na lang siyang tumayo. "You are really scary, Baby.""What? Talagang iiwan mo ako dito, Zack?" Napahinto siya sa paglalakad at napatingin sa babae na kahit pangalan nito ay hindi niya alam. Nasabi naman ata nito sa kanya ang pangalan nito pero hindi niya lang naaalala. "Hindi mo man lang ba ako ipagtatanggol sa babaeng 'yan? I'm your girl, remember? Sinabi mo 'yan sa akin kanina.""You're right, Babe. You are my girl, but that was an hour ago." Napanganga ito sa sinabi niya. "And besides, Maiden is right. I can't stick to one woman, I'm a womanizer. Bye..." Halos malaglag ang panga nito dahil sa gulat.Naglakad na sila papalabas ng club. Inakbayan na niya ito ng tuluyan na silang makalabas. "Bakit mo naman ako dinamay sa pang-iinsulto kanina, Maiden? Hindi mo ba alam na nasaktan ako sa mga sinabi mo?" Hinawakan pa niya ang dibdib at umaarte na tila nasasaktan.Inalis ni Maiden ang pagkakaakbay niya dito. "Bakit ka naman masasaktan, Sir? Eh, totoo naman ang mga sinasabi ko. Sa bagay, truth hurts," natatawa nitong sabi.Natawa na lang siya sa sinabi nito. "Kahit kailan ay ang prangka mo talaga. Walang preno ang bibig mo. Kagaya ni mommy," bulong nito pero narinig naman niya. "Kaya nga ayaw kitang pakawalan, eh." Kumunot ang noo nito sa kanya. "Syempre bilang secretary ko.""Linawin mo ang sinasabi mo, Sir Zack. Baka masampal ka ng wala sa oras.""What?" Natatawa na naman siya. "Are you assuming na hindi kita papakawalan dahil gusto kita?"Tumitig ito ng seryoso sa kanya. "Isa kang womanizer, Sir Zack, kaya hindi na ako magtataka kung pati ako na secretary mo ay papatulan mo. Gaya na lang ng ginawa mo sa iba. Pero syempre hindi naman ako 'yong tipo ng babae na papatol sa isang womanizer na katulad mo. And of course, I have a boyfriend.""Kaya nga hindi kita pinatulan dahil may boyfriend ka, eh," nakanguso niyang sabi. "Pero if ever na wala kang boyfriend, may chance ba na sagutin mo ako?"Napatitig naman ito sa kanya ng maigi at napailing-iling. "Wala pa din po dahil womanizer ka. And for me, once a womanizer always a womanizer. Hindi kayo magiging stick to one dahil maghahanap kayo ng ibang babae na mas better, mas sexy, at mas maganda sa girlfriend mo.""Diyan ka nagkakamali, Maiden." Nginitian niya ito. "May kakilala akong womanizer na naging loyal sa mga babaeng minahal nila. Like my father and tito's." Kilala ni Maiden ang ama niya dahil minsan din ay pumupunta ito sa bahay sa tuwing hindi siya pumapasok. "Alam naman natin na dati siyang womanizer, and as you also can see, nagbago ang daddy ko dahil sa mommy ko. He is a loyal husband now.""Magkaiba kayo, Sir Zack. Nakikita ko kay Sir Zaver na mahal na mahal niya ang asawa niya kaya nagbago siya. Pero hindi por que na nagbago ang daddy mo ay magbabago ka na din. Syempre nasa tao pa din 'yon." Ngumisi ito sa kanya. "Ikaw pa. Sa tingin ko nga ay walang babae na makapagbabago sa 'yo." Napailing-iling ito. "Anyway, huwag na natin pag-usapan ang tungkol sa pagbabago mo dahil alam kong hindi ka magbabago kaya walang saysay ang pag-uusap natin. Kailangan na nating umalis bago pa tayo ma-late sa dinner meeting. Nakakahiya kay Mr. Fowler."Kinuha niya ang susi mula sa bulsa ng coat niya at binigay ito kay Maiden. "Ikaw na ang mag-drive, baka kasi mamaya ay sa hotel kita dalhin kapag ako pa ang nag-drive," biro niya dito.Napangiwi ito. "Kapag talaga ginawa mo 'yon ay mawawala ako sa 'yo." Ngumisi ito sa kanya. "Ayaw mong mangyari 'yon, 'di ba?"Natigilan na lang siya at napatitig kay Maiden. Alam na alam talaga nito ang kahinaan niya. Nailing na lang siya habang natatawa ng mahina. "You really know my weakness, Maiden."Nginisihan lang siya nito, at inagaw ang susi sa kanya. "Tara na. Puro ka kalokohan. Kapag talaga nahuli tayo sa meeting kay Mr. Fowler ay mababatukan kita. Wala akong pakialam kung boss pa kita." Naglakad na ito papunta sa driver seat."Masyado kang hot, Miss Secretary." Sinamaan siya nito nang tingin. "Hot... I mean, nagmamadali." Ngumiti siya dito pero inikotan lang siya nito ng mga mata.Sumakay na ito ng kotse kaya natawa na lang siya. Minsan talaga ay naaaliw siya kapag inaasar niya ang dalaga. Kakaiba kasi ito sa ibang babae. Lumalaban kasi ito sa tuwing inaasar niya ito. Masyadong palaban kaya nga nagustohan niya ito.Kung wala lang itong boyfriend ay niligawan na niya ito. Pero hindi niya magawa dahil nirerespito niya ang dalaga. Napailing na lang siya sa iniisip niya. Ano ba itong iniisip niya? Alam naman niyang hindi niya pwedeng patulan si Maiden dahil baka lumayo ito sa kanya ay 'yon ang ayaw niyang mangyari.Muli siyang nailing at sumakay na lang din sa kotse. Mukhang tinamaan na siya ng alak kaya kung anu-ano na lang ang iniisip niya.Nagising si Maiden na masakit ang ulo at may tuyong lalamunan. Napahawak siya sa ulo at napabangon. Ano ba ang nangyari at bakit nagising siya na masakit ang ulo niya? Nagulat na lang siya ng gumalaw ang kamang hinihigaan niya at may biglang yumakap sa kanyang bewang.Dahan-dahan at puno ng kaba na bumaling si Maiden sa may-ari ng kamay. Kinakabahan kung sino ito. Halos lumuwa ang mga mata niya ng makita si Zack na mahimbing ang tulog habang nakayakap sa bewang niya. May parte sa kanya na nakahinga siya ng maluwag dahil si Zack ito pero may parte naman sa kanya na nagtatanong kung bakit si Zack pa? Ewan niya. Nalilito na siya sa sarili niya ngayon.Gusto niyang sumigaw pero pinigilan niya dahil alam niyang magigising niya ito at mas lalong hindi niya alam ang gagawin."Shit!" malutong pero mahina niyang mura.Dahan-dahan at puno ng ingat na inangat niya ang kamay ni Zack para ialis ito. Halos hindi na din siya huminga para lang hindi ito magising. Para siyang naging mannequin ng gumal
Dahan-dahan na inihiga ni Zack si Maiden, magkatitig ang mga mata nila. Hindi alam ni Zack kung lasing pa ba ang dalaga o seryoso ito sa sinasabi nito.Hinalikan niya ito sa noo dahilan para mapapikit ito. "Are you serious about this, Maiden, baby?" malambing niyang tanong dito. Hinaplos niya ang pisngi nito. "Ayaw kong paggising mo bukas ay pagsisihan mo ito."Ngumiti si Maiden at hinalikan siya sa labi dahilan para bahagya siyang magulat. Hindi niya talaga maiwasan na magulat dahil si Maiden ang gumagawa ng first move."Pwede na ba 'yong sagot sa 'yo, Zack? Mas matindi pa 'yon sa oo."Napatiim-bagang siya dahil hindi na talaga niya mapigilan ang sarili. Talagang inuubos ni Maiden ang pasensya niya at ang pagpipigil niya dito all this years. Hinalikan niya ito sa noo, sa pisngi, at sa labi nito."Always remember, Baby, that I love you with all of my heart."Hindi sumagot si Maiden at hinawakan lang ang batok niya at hinalikan siya sa labi. Hindi man sumagot si Maiden ng I love you to
Kinuha ni Maiden ang cell phone at sinubukan na tinawagan si Ryan pero nasaktan siya ng tiningnan lang nito ang cell phone at hindi sinagot ang tawag niya. Ibinalik lang bito ang cell phone sa bulsa ng suot nitong coat.Gusto niyang maiyak sa nasaksihan pero huminga lang siya ng malalim. Hindi siya pwedeng umiyak lalo na't maraming tao sa paligid niya. Ayaw niya din ipakita sa ibang tao na mahina siya."Hey, you okay?" Napatingin siya kay Zack ng tapikin siya nito. Napatingin ito sa cell phone niya ng hindi siya nakasagot. "Why are you calling that jerk?" Hindi siya nakasagot dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot. "Himala ata at hindi mo pinagtanggol ang ugok mong boyfriend?"Napaiwas na lang siya ng tingin at hindi na sumagot. Muli siyang napatingin kay Zack ng hawakan nito ang kamay niya."Hey, are you okay? Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong nito at nakikita niyang nag-aalala na ito sa inaasta niya ngayon.Ngumiti siya ng maliit. "I'm okay." Tinitigan siya ng maigi ni Zack,
Kinabukasan ay nakatulog naman ng mahimbing si Maiden, salamat sa ininom niyang gatas. Nang mag-alas tres ay naghanda na din siya para sa charity ball mamaya. Nagligo na siya, nag-make up at nagbihis. Simpleng make up lang ang nilagay niya habang ang buhok naman niya ay kalahati ang nakatali at ang kalahati ay nakalugay.Napatingin si Maiden sa salamin at napangiti ng makita na maganda na siya. Tiningnan niya ang kabuoan. Tamang-tama lang sa kanya ang damit na napili ni Zack. He really have a taste.Hindi nagtagal ay may kumatok na sa apartment niya at alam niyang si Zack 'yon kaya naman kinuha na niya ang pursue niya at binuksan ang pinto. Nakita niya si Zack na nakasuot ng black tuxedo at nakaayos ang buhok nito. Mukha itong kagalang-galang na tao."Mukha kang hindi womanizer sa mukha mo ngayon," biro niya."I'll take that as a compliment, Baby." Napatitig naman ito sa kanya. "You look gorgeous." Namula naman ang mukha niya kaya nagpanggap siya na tatalikod para isara ang pinto."Ta
Natigilan si Maiden sa tanong nito. Napalunok siya at napaiwas ng tingin sa binata. "N-Nakikita ko naman." Inipit niya ang buhok sa gitna ng tenga niya at napaiwas ng tingin dito. Hindi niya ito matingnan sa mga mata.Napabuga ng hininga si Zack at hindi na nagsalita. Nagtataka na naman siya dahil parang bad mood na naman sa ito. Napapansin niya na parang nag-iiba ang ugali ng binata sa kanya."Sir, may sama ka ba ng loob sa akin?"Napatingin ito sa kanya habang nasa bibig nito ang kutsara. "Wala naman. Bakit mo naman naitanong?" Kumain ulit ito."Pansin ko kasi ang bilis mag-iba ng mood mo pagdating sa akin."Napangisi ito dahilan para mas magtaka siya. "Trip ko lang, paki mo ba?"Napanganga na lang siya sa sagot nito. Napailing na lang siya. "Ewan ko sa 'yo, Sir Zack. Hirap mo din kausap. Anyway, hindi naman mahalaga kung sa tingin ko ay nagbabago ka na basta ang mahalaga ay nakikita 'yon ng babae na nagugustohan mo." Tumayo na siya dahil kailangan na din niyang bumalik sa mesa niya
Nakapasok na si Zack sa opisina niya pero hanggang ngayon ay mabilis pa din ang pagtibok ng puso ni Maiden dahil sa seryosong mukha ni Zack habang sinasabi ang mga katagang 'yon.What the hell is wrong with him? Bakit gano'n makatingin sa kanya ang binata habang sinasabi 'yon? What the hell is wrong with her? Bakit gano'n na lang din ang pagbilis ng tibok ng puso niya? Hindi naman siya ganito dati, ah. Hindi siya madaling madala sa mga matatamis na salita nito.Napailing na lang siya. Wake up, Maiden! You can't fall in love with that womanizer! You just can't! Isa pa, may boyfriend ka. Napabuga na lang siya ng malakas na hangin. She needs to focus on her work and not on what Zack said.Hindi lang 'yon ang huling beses na nakatanggap si Maiden ng mga bulaklak tuwing umaga. Hindi na nga lang bulaklak ang natatanggap niya kung hindi pati na din chocolates. Hindi na niya mabilang kung ilang chocolate na ang natanggap niya. May balak ata ang Y na ito na i-diabetes siya.Napabuntong hininga
Nagtataka si Maiden dahil sa kakaibang inaasta ni Zack nitong mga nakaraan dalawang araw. Parang mas naging kalma ito bilang boss nila at mas lalong naging mabait. Hindi na din mainit ang ulo nito sa tuwing may nagkakamali sa trabaho. Hindi kaya nauntog ito kaya biglang nag-iba ang ugali o baka dahil ito sa lagnat niya noong nakaraang araw?Alin man sa dalawa ay wala na siyang pakialam. She like the new Zack today. Hindi na nga din ito tumatakas para lang mambabae. Hindi na din niya ito nakikita na may kasamang babae na ikinapagtaka niya. Magugunaw na ba ang mundo kaya nag-iba na ang womanizer na ito?"So, Mr. Balley." Hindi niya maiwasan na mapatingin sa babaeng client nila. Katatapos lang nila ng meeting dito. Hinawakan nito ang kamay ni Zack na nasa mesa. "Would you like to have a dinner with me tonight?" Dahan-dahan nitong iginapang ang kamay nito mula sa kamay ni Zack papunta sa braso hanggang sa balikat nito. She can clearly see that she was seducing him. "After that, I can be yo
Bumalik si Maiden na may dalang mainit na lugaw, tubig, at gamot na nilagay niya sa tray. Nang makapasok siya sa kwarto ni Zack ay nakapikit ito, hindi niya alam kung natutulog ba ito o hindi. Inilagay niya ang tray sa bed side table."Zack, wake up." Mahina niyang tinapik ang balikat ni Zack. "Kumain ka na muna para makainom ka ng gamot."Iminulat ni Zack ang mga mata at napatingin sa kanya. "Wala akong ganang kumain."Kapag talaga may sakit ay walang ganang kumain kaya nga lugaw ang niluto niya para kahit papaano ay magkalaman ang tiyan nito. Hindi naman ito pwedeng uminom ng gamot ng walang kain."Pero kailangan mong kumain. Papaano ka makakainom ng gamot kung hindi ka kakain? Lugaw lang naman itong niluto ko kaya madali mo lang itong makakain."Napatitig ito sa kanya dahilan para magtaka siya. "Ikaw ang nagluto? You cooked for me?"Tumango naman siya. "Oo, nagluto pa ako para sa 'yo kaya kailangan mong kumain. Huwag mong sayangin ng effort ko."Kahit walang gana si Zack ay pipiliti
"Mag-iingat kayo mga anak," sabi ng ina ni Maiden sa kanila ni Zack.Babalik na kasi sila ng Manila ngayon dahil may pasok na sila kinabukasan. Nasa labas sila ng bahay para ihatid sila sa pag-alis nila.Niyakap niya nang mahigpit ang ina. "Opo, Ma. Kayo din po, mag-iingat kayo ni Mark." Tinapik nito ang likod niya kaya naman kumalas na siya dito. Sunod naman na niyakap niya ay ang kapatid. "Mag-iingat kayo ni mama, Mark. Alagaan mo ng mabuti si mama. Huwag mo din pabayaan ang pag-aaral mo."Niyakap din siya nito pabalik. "Pangako, Ate. Huwag kang mag-alala kasi ako na ang bahala kay mama. Basta, mag-iingat ka din sa Manila at tungkol naman sa pag-aaral ko ay hindi mo na kailangan mag-alala dahil mas bubutihin ko pa. I will make you proud of me."Kumalas na siya at tumango dito. Ayaw pa man niya sanang umalis ay hindi pwede. Kailangan niyang magtrabaho para sa pamilya niya, para sa pangangailangan ng mga ito. Kaya titiisin niya ang pangungulila sa pamilya para mabigyan lang ito ng maga