Kinabukasan ay maaga akong nagising para magluto ng almusal. Habang nagluluto ay nagkakape na rin. Hindi ko na muna kinatok si Kael sa kwarto habang hindi pa ako nakakaluto. Pero mayamaya lamang ay nakita ko na itong lumabas ng kuwarto habang palinga-linga sa paligid suot ang iniwan kong pamalit na damit at sweat pants kagabi. “Good morning!”“Ay kabayo!” gulat nitong naibulyaw sabay tingin sa akin. Napahawak pa ito sa kanyang dibdib dahil sa gulat. Natawa ako. “Sorry.”“Bossing, bahay mo 'to?“Yeah.”“Hala! Ang ganda! Teka. Bakit nga pala ako nandito?” Naglakad ito papalapit sa akin sa may kusina. “You were drunk last night. Hindi kita matanong kung saan kita ihahatid kaya... dito na lamang kita dineretso.”“E saan ka natulog? Huwag mong sabihing tumabi ka sa akin? Papupulis kita!”“What? Of course not! Syempre nandoon ako sa kwarto ko.”“Ah... Magaling na 'yung malinaw.”“Hindi ba masakit ang ulo mo?” tanong ko habang pinagtitimpla ko siya ng kape. Kinapa naman nito ang kanyang
"You mean, mala aso't pusa kayo nyan noon?" tanong ni Gavriel na tinanguan ko naman. "At ang lakas ng loob mong insultuhin na mukhang taong grasa pero patay na patay ka naman ngayon?" Mapang-asar na sabi naman ni Kurt kaya sinamaan ko ito ng tingin. "Tss. Kahit naman kayo ang nakakita sa kanya noon yun din ang masasabi nyo.""Hindi rin!" Asik naman ni Rio. "Sa ganda nyang 'yan, kahit dungisan mo pa maganda pa rin.""Tigilan mo pagpapantasya mo sa kanya, Rio, ha!" Banta ko. "Ulol! Sinabi lang maganda pantasya agad?""Bakit? Hindi ba?" Tanong naman ni Gav sa kanya. "Syempre... N-nung una. Noong hindi ko pa alam na sya pala ang kinababaliwan ng lover boy natin na 'to.""Paano pala kung hindi itong si Crius ang naging kaagaw mo?" Tanong naman sa kanya ni Cassian. "Ibang usapan na 'yon. Aagawin ko talaga sya!"Napataas ang kilay ko. Nakangisi naman akong tinignan nina Cassian, Kurt at Gav. "Mukhang ikaw 'tong patay na patay ah?" tanong ko. "Tss. Hindi naman. Type ko lang talaga sya.
"Hey, are you still okay?" Tanong ko kay Kael nang mapansin kong mapula na ang mukha nito. "Oo naman, bossing! Ikaw? Okay ka pa?""O-oo. Okay pa naman ako." Nag-aalinlangan kong sagot. Mukhang tinamaan na talaga sya sa aming iniinom."Miss Kael, pwedeng magtanong?" Mabilis akong napalingon kay Kurt at agad na pinagtaasan ito ng kilay, nagtatanong ang aking tingin."Relax, okay? Wala pa. Sabi kasi nila nagsasabi ng totoo ang mga babae kapag may tama na ng alak.""Mag-ingat ka sa mga itatanong mo, Kurt. Ibabaon talaga kita sa pwesto mo kasama ang dalawang 'yan!""Oh, bakit pati kami? Nananahimik na nga kami e." Agad na sagot ni Gav."Oo nga. Makikinig na nga lang kami sa itatanong ni Kurt, hindi na kami sasali. Kung hindi kailangan." Sagot naman ni Rio sabay ngisi."Hoy, kayong tatlo, umayos kayo ha. Babae pa rin 'yan at kasama ni Crius, mahiya kayo." Ito naman ang banta ni Cassian sa mga ito."Huwag nga kayong OA! Wala pa nga e," ani Kurt.Tumingin muli ito sa katabi ko na katatapos
“Uhm... Gabi na, ihahatid na kita. Bukas mo na lang kunin ang motor mo.” Alok ko kay Kael habang nanunuri ang tingin nito sa akin. “Ano 'yon?” tanong nito. “A-ang alin?” Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Nagtaas ito ng kanyang kilay, mabagal na humahakbang palapit sa gawi ko habang nakahalukipkip. Napapaatras ako sa maliliit na paraan dahil sa paglapit nito. “His friend's girl?” May diin nitong tanong.Napalunok ako at hindi makatingin sa kanya ng diretso. Mabuti na lamang at maliit ang babaeng ito kaya hindi mahirap umiwas ng tingin. “You heard it wrong, Minion. I told him that you're my mechanic. A girl mechanic.” “Ohh... Mali pala ang rinig ko?” Nakangisi nitong tanong na parang nang-aasar na naman. “Tss. Tara na, hindi pa tayo nagdi-dinner. Dahil nanalo ka ngayon, treat kita for dinner. Okay ba?”Naningkit pa lalo ang mga mata nito dahil sa pagpapalit ko ng aming usapan. “Naku, ikaw bossing ha! Umayos ka, 'wag kang maglaro ng hide and seek at baka hindi mo makita.”
"What are you doing here?" Ang alam ko ay nasa ibang bansa sya para sa kanyang photoshoot doon. Ngumisi naman ang mokong."Ano bang ginagawa rito? Hindi naman ako pwedeng matulog dito, dude." Sinamaan ko ito ng tingin. "Chill! I'm just kidding.""Akala ko ba nasa abroad kayo para sa photoshoot? Teka, sinong kasama mo rito?" Napalinga ako sa paligid at baka kasama nya pa ang tatlo pero wala akong nakita. So, it's just Rio."Ako lang. Gav is still on his photoshoot, Kurt is busy in the fast food chain, nagpapataba ata ang isang iyon. And ofcourse, Cassian, busy magpayaman habang nilalango sa alak ang mga tao sa kanyang bar. Ikaw? Hindi ka busy?" Mahaba nitong saad. Napatingin na ako sa race track nang magsimula na ang laban."Tapos na ang trabaho ko. Why are you here?" tanong ko habang hindi inaalis ang tingin kay Kael."I'm bored. Saka may nabalitaan ako na magandang chicks na racer na lalaban ngayon kaya gusto kong makilala." Doon na ako mabilis na napalingon sa kaibigan. Mula sa pano
From: JassieWill you pick me up later or I'll come to your office? Kanina pa akong tulala rito sa office ko. Matapos ang usapan namin kanina ni Kael ay agad kong tinapos ang mga pinipirmahan ko at natulala dahil sa text ni Jassie. Nakalimutan ko na may dinner kami pagkatapos ng aking trabaho pero nasabi ko na rin kay Kael na sasama ako mamaya sa kanya. “What now, Crius?”Sabihin ko na lang kaya na may importante akong lakad mamaya kaya hindi muna kami tuloy? Halos araw-araw na rin naman kaming nagkikita. “Importanteng lakad? Talaga ba?” tanong ko rin sa sarili. “Ugh! Bahala na nga! Itetext ko na lang s'ya na may lakad ako ngayon.”I picked up my phone on my table and composed a text message for Jassie. To Jassie:Sorry, Jassie, but I have urgent meeting with someone today. Maybe next time? I'm sorry.Naglakad ako patungong sofa at pagod na isinandal ang aking batok. Halos nakahiga na ang kalhati ng aking katawan nang biglang may kumatok sabay bukas ng pinto. “Bossing!” Dahil sa