Share

KABANATA 6: Hangarin

HINDI NA kinailangan pa ni Aurelia na ipakita ang ID card nito sa guard nang sila'y makarating na sa tagong bar. Kilala na kasi ito sa lugar na iyon ngunit hindi maitatago ang kuryosidad sa mukha ng guard dahil ang kasama ng dalaga ay hindi ang mga dati nitong kainuman, idagdag pa na bagong mukha lamang si Xavier sa paningin nito. Paano nga ba naman sasama ang mga dating kainuman ni Aurelia kung wala na silang buhay ngayon dahil sa ginawa ng grupo ng kaniyang kapatid. Sa huli ay pinagpatuloy na lamang ng bantay ang trabaho nito nang may magsidatingan nang mga iba pa.

Bumungad sa kanilang pandinig ang naglalakasang tugtog ng musika. Inilibot ni Xavier ang kaniyang paningin sa paligid nito. May mga eksaheradong nagsasayawan, may mga mangilan-ilan namang umiiyak dahil siguro sa pagiging sawi nila, may mga lumalaklak din sa kani-kanilang mga alak, at ang mas ikinagulat pa niya ay iyong mga gumagawa ng kababalaghan na walang kahit na anong bahid ng kahihiyan na nararamdaman kahit hubo't hubad na ang kanilang mga damit.

Ibinaling na lamang niya ang tingin sa dalaga na mukhang balewala na lang dito ang mga kaganapan sa kanilang paligid. Marahil ay sanay na siya sa mga gano'ng eksena.

Maya't maya pa'y pahinto-hinto sila ng lakad dahil sa mga hindi pamilyar na taong bumabati kay Aurelia. Laking pasasalamat na lamang ng binata nang sila'y tuluyan nang makaupo matapos ang ilang minutong ginugol nila roon.

Nakapag-order na si Aurelia ng inumin. Napatingin siya nang wala sa oras sa binatang kaharap niya ngayon. Abala ito sa paglibot ng kaniyang tingin sa paligid na para bang ito pa lamang ang unang beses na siya ay magawi sa gano'ng lugar. Napangisi si Aurelia sa reaksyong nasaksihan niya sa binata dahil parang luluwa na ang mga mata nito sa mga natatanaw niyang naglalaplapang magnobya't nobyo.

Tumungga ng alak ang dalaga nang mailapag na sa lamesa ang kanilang order na may kasama na ring pulutan.

"Ngayon ka lang ba nakapunta sa ganitong lugar?" basag ng dalaga sa katahimikang namumutawi kanina lamang sa pagitan nilang dalawa.

Nahihiya namang tumango si Xavier. Natatakot siyang magsalita dahil baka hindi magustuhan ng dalaga ang mga lalabas na salita sa kaniyang labi't bigla na lamang siya nitong patayin din. Ayaw niya pang pumanaw sa mundong kinagagalawan niya sapagkat kahit na gano'n siya ay may pangarap pa rin naman ito sa kaniyang buhay.

Nagsalin ng alak si Aurelia sa babasaging kristal na baso bago iyon iabot kay Xavier. Sa pagkataranta ng binata ay walang paligoy-ligoy niya iyong ininom nang isahang lagok lamang.

Malakas na napahalakhak ang dalaga dahil sa hitsura ng binatang kaharap niya. Ang mukha kasi nito'y parang masusuka nang ewan. Hindi na siya magtataka pa kung birhen pa lamang ang binata.

"Bakit parang takot na takot ka naman sa'kin niyan. Hindi naman ako nangangain," natatawa pa ring usal ni Aurelia matapos niyang abutan ng tubig si Xavier.

Napailing nang agaran ito. "H-hindi naman po sa gano'n, M-major," uutal-utal nitong tugon.

Napailing na lamang ang dalaga. Balak sana niyang patayin din si Xavier kanina pero hindi na niya itinuloy pa dahil hindi naman ito makakahadlang sa mga planong gagawin niya. At isa pa'y mukhang mapagkakatiwalaan naman niya ito.

Sa gabing iyon ay gusto na munang libangin ni Aurelia ang kaniyang sarili nang walang ibang iniisip. Nais niyang makaramdam muna ng kaligayahan bago niya harapin ang masaklap na katotohanan kinabukasan.

"Tumayo ka nga," utos niya bigla sa binata na inosenteng sumunod sa nais ng dalaga. Pinasadahan ni Aurelia ang kabuoang pisikal na anyo nito. Noon lamang niya napansin ang angking kaguwapuhan ng binata. Hindi niya tuloy maiwasang mapatingin sa gitna ng hita nito na napangisi na lamang dahil pasado sa kaniya ang tanawing kaniyang napagmamasdan.

Sa kabilang banda ay hindi mapakali ang binata dahil sa mga ibinibigay na titig sa kaniya ng kaniyang boss. Hindi kalaunan ay inutusan muli siya ni Aurelia na tumabi sa kaniya. Bilang masunuring tao ay walang salitang tumabi na lamang ito.

Akala niya ay simple lamang siyang uupo roon pero laking gulat na lamang niya nang walang pasabing dinakma ng dalaga ang kaniyang alaga. Tanging mahihinang tawa lang ang narinig niya kay Aurelia.

"Xavier, malungkot ako ngayon. Puwede bang pasiyahin at libangin mo na muna ako kahit ngayong gabing ito lang?" Kahit na gano'n pa man ang naging asta kanina ng dalaga ay hindi maiwasan ni Xavier ang maawa rito sapagkat kahit nakakaloko ang tono ng boses ng boss niya ay hindi maitatago ang lungkot na nararamdaman niya roon.

'Nagpapanggap lamang na masaya si Major.' Iyon ang nasa isipan niya sa mga oras na iyon.

Gusto nitong pasayahin ang dalaga pero ano naman kaya ang pupuwede niyang gawin bukod sa pagiging lampa niya upang mapaligaya niya ito, sa huli ay problemadong buntonghininga lamang ang naitugon niya rito, hindi alam ang gagawin.

Bukod doon ay nanginginig pa rin siya lalo na noong paunti-unting tinatanggal ng dalaga ang zipper ng pants niya. Gusto niyang pigilan ang mapaglaro nitong kamay ngunit hindi man niya aminin ay alam niya sa kaniyang sarili na nagugustuhan niya iyon.

Inosenteng nilaro-laro ni Aurelia ang matigas at mahabang galit na alaga ni Xavier habang ang binata ay halos himatayin na mula sa kaniyang kinauupuan. Pilit niyang pinipigilan ang mga ungol na nais kumawala sa kaniyang mga labi at kahit na madilim sa parte nilang dalawa ay kitang-kita sa kaniyang mukha ang labis na pagkapula.

Kalaunan ay hindi na napigilan pa ni Xavier na mapaungol nang malakas lalo na noong mabilisang itinaas-baba ni Aurelia ang pagmasahe sa kahabaan nito. Lalabasan na sana siya nang biglang lumuhod ang dalaga matapos nitong tanggalin ang suot na brief ng binata.

Tinukso ng kaniyang mapaglarong dila ang dulo ng alaga nito bago dahan-dahang ipasok sa bunganga niya nang buo. Sa bawat segundong nagdaraan ay pabilis nang pabilis ang paggalaw ng kaniyang ulo. Inaamin niyang natatamaan ang kaniyang lalamunan pero mas nangingibabaw naman sa kaniya ang sarap na kaniyang nararanasan sa mga oras na iyon.

Wala na si Xavier sa kaniyang sariling katinuan. Namalayan na lamang niyang hinahawakan na niya ang malambot na buhok ng dalaga upang mas lalo pang idiin ang bunganga nito sa kaniyang alaga.

"Fvck!" Hindi mapigilang mura nito nang tuluyan na siyang labasan. Nilunok lahat ni Aurelia ang katas nito.

Nang makabawi si Xavier ay tumayo na siya upang buhatin ang dalaga nang sa gayo'y mailagay niya ito sa couch na inuupuan nila kanina. Nang magawa niya iyon ay walang pasabi naman niyang ipinasok ang daliri nito sa loob ng panty ng dalaga. Hindi na niya nakikilala pa ang mismong sarili niya, basta ang alam niya lang ay gusto niya ring ibalik sa dalaga ang ibinigay nitong kaligayahan sa kaniya.

Igagalaw na sana niya ang dalawang daliri nito papasok sa loob ng hiyas ngunit natigilan siya nang makitang mahimbing na palang natutulog si Aurelia. Ayaw naman niyang may mangyari sa dalaga nang wala itong kamalay-malay kaya sa huli ay tinanggal niya ang daliri nito bago buhatin ang boss niya papalabas.

Payuko-yuko ang binata na buhat si Aurelia habang naglalakad sa gitna ng mga taong nagsasayawan. Noon lamang siya natauhan sa kanilang ginawa. Hindi niya lubos akalaing gano'n pala ka-wild ang dalaga, ibang-iba sa kilala nitong pagkatao niya.

Dahan-dahang inilapag ni Xavier ang kaniyang boss sa back seat. Nang matiyak niyang maayos na roon ang dalaga ay isinara na niya ang pintuan. Nang makapuwesto siya sa driver's seat ay hindi niya maiwasang mapatingin sa rearview mirror at doon niya pinagmasdan nang taimtim ang dalaga.

Alam ng mapa-kahit sinong santo kung gaano ang pagpipigil na ginawa ni Xavier sa kaniyang emosyon nang mga oras na iyon. Ngunit hindi siya nagtagumpay dahil wala pang isang minuto ang nakalilipas ay sunod-sunod nang nagsituluan ang mga luha niyang kanina pang nais na kumawala mula sa kaniyang malungkot na mga mata.

"Kailanman ay hinding-hindi magbabago ang hangarin ko." Iyon lamang ang mahina niyang naituran bago paandarin ang sasakyan paalis sa lugar na iyon.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Eyyang Aspiras Estoque
Update pls..
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status