Nakasimangot na si Alyanna. Nag-effort pa siya na magbihis at magpagawa ng simpleng gown, mapansin lang siya ni Menard. At ang sumalubong sa kanya ang isang batalyon na security personnel ng Young Group. “Ma’am, hindi po talaga pwede itong ginagawa mo. Nakakaabala na po kayo sa mga trabahante dito oh,” sabi ng head ng security. “Kung tumawag kayo sa intercom ng opisina ni Menard, tapos ang problema. I don’t know if you guys can’t understand me or you're just trying to drive me away?” nagmamaktol na saad ni Alyanna. Napapadyak na lang siya lalo at parang nasa isang rally siya. Napaka OA kasi ng security protocol ng Young Group. Bakit kailangan may shield pa? “Ma’am, tawagan mo na lang si Sir sa cellphone niya,” suggestion ng isang tauhan. Paano ba niya ipapaliwanag dito na blacklisted na ang number niya kay Menard. Ginawa na niya ang lahat. Naroong nag-register siya ng bagong number at tinawagan ang number ni Menard. Ang ending block siya sa lahat ng nu
Tobias scratches his ears twice. Hindi makapaniwala na tinatanong siya ni Menard ng ganung bagay. “And why are you asking?” “Just answer my goddamn question!” naiiritang saad ni Menard. He just wants to confirm his wild guess. “Natural sa babaeng walang experience ang nahihiya,” paliwanag ni Tobias. “Are you telling me, wala pang nangyayari sa inyong mag-asawa” Hindi makapaniwala si Tobias sa teoryang nabubuo sa kanyang isip. Tahimik lang si Menard kaya naintriga si Tobias. “Gawin mo na lang ang pinapagawa ko sayo. Any update about my wife’s background?” Umupo na rin si Tobias sa tapat ni Menard. Inabot ang isang brown envelope. “Nasa loob ng envelope na ‘yan ang lahat ng detalye. So to save you from reading that, here’s the summary.” Napukaw ang interes ni Menard sa sinabi ni Tobias. Huminga muna ng malalim si Tobias bago nag-umpisa. “Graciella went through five foster families. Ang pinakahuling pamilya ang talagang nagmahal sa k
“I’ll sleep. I will have a lot of things to do in the office tomorrow,” sabi ni Menard. Hinayaan na ang asawa kong gusto nito maging audience sa kapitbahay na naglalampungan. Pero, para namang biniro ng pagkakataon si Menard. Ilang oras na siyang nakahiga pero hindi siya makatulog. ******* Kinabukasan, maagang gumising si Graciella para ipaghanda ng breakfast ang asawa. Actually, gumawa na siya ahead ng overnight oats matapos niyang bwisitin si Menard kagabi. Banana, blueberry, at strawberry ang nilagay niya sa oats. Nilagyan iyon ng fresh milk at cjia seeds at kaunting honey. Bumukas ang pinto ng silid ni Menard at lumabas mula doon. Napansin kaagad ni Graciella ang eyebags nito. “Masarap ba ang tulog mo, Mr. Young?” tukso ni Graciella habang nilalapag ang mason jar na may oats at ang freshly squeezed orange juice. “Kainin mo lahat itong hinanda ko. Maganda ito para sa kutis mo.” Umismid na lang si Menard at nag-umpisa ng kumain. G
Sa tangkad ni Menard, ang mukha ni Graciella ay natapat sa dibdib nito. Hindi pa ito nakuntento at marahang pinisil ang braso. “Wow, ang yummy naman ng asawa ko may muscles.” Nakapikit pa si Graciella habang nakangiti sa ginawa sa braso ni Menard. Gusto lang naman niya na may mayakap at mag-comfort sa kanya. Tila isang tuod na nakatayo lang si Menard habang yakap ni Graciella. Ramdam pa niya ang banayad na buga ng hininga ng asawa sa kanyang dibdib. Doon lang nahimasmasan si Menard at mahinang itinulak si Graciella. “Hey, this is harassment," Reklamo ni Menard. “Ano ba?” Mas nilakasan pa niya ang pagtulak sa asawa. “Ay, ano ba yan? Ang arte mo ha,” piksi ni Graciella pero hindi pa rin binibitawan si Menard. “Payakap muna. Malungkot ako ngayon. Gusto ko lang naman ng kausap.” “We can talk without you harassing me.” Sa wakas ay nakawala si Menard sa yakap ni Graciella. Marahang hinila si Graciella papasok sa sala. “Dito nga tayo sa loob mag-u
Sa unang pagkakataon, nakaramdam ng kaba si Harry habang pinagmamasdan ang kalmadong mukha ng asawa. Wala siyang nakikitang lungkot man lang o pagkabahala sa mga mata nito. “Sa tingin mo, kung makikipaghiwalay ka sa akin, may magkakagusto pa sa iyo? Sayo na wala man lang pakinabang sa lipunan?” insulto ni Harry sa asawa. “Bakit ko iisipin ang taong magkakagusto sa akin? Wala akong pakialam kung wala ng magkagusto sa akin. Ang mahalaga lang sa akin ang anak ko. Wala na akong intensyon na maghanap ng makakasama sa buhay,” mahinahong saad ni Rowena. Wala na rin kwenta magalit man siya. Matagal na siyang naubos sa relasyon nila mag-asawa. Wala na siyang dapat panghinayangan pa sa relasyon nila bilang mag-asawa. Para na lang sa anak na si Leya kaya siya nagdesisyon na makipaghiwalay na. HIndi makapaniwala si Harry na ang tahimik niyang asawa, may lakas ng loob ng magsabi na makikipaghiwalay. Bigal siyang nakaramdam ng galit. Nilapitan ang asawa at buong la
Umalis saglit si Harry at isinama ang kapatid at ina. Kailangan niya iyong ihatid sa sakayan ng taxi para makabalik na sa hotel na tinutuluyan ang dalawa. Habang nasa daan sila palabas mula sa looban nag-usap ang tatlo. “Walanghiya din ang asawa mo, kuya. Kulang na lang ipamukha sa akin na wala akong karapatan sa pera na ‘yon. Pera ‘yon ng pamangkin ko kaya may parte ka doon. Dapat nga kunin mo ang fifteen thousand para patas,” sulsol pa ni Hannah sa kapatid. Para namang nahimasmasan si Harry. “Tama ka nga, Hannah. Pero, alam mo, gusto ko ng layasan ang losyang na asawa ko. Nakakapikon na ang isang ‘yon,” reklamo naman ni Harry. “Huwag kang magpadalos-dalos, anak. Alalahanin mo, papasok pa sa university itong kapatid mo. Bakit hindi mo kausapin ang asawa mo na ipagluto ang kapatid mo araw-araw?” suhestiyon ni Henrietta. Nagtataka naman si Harry. “Ang ibig kong sabihin, uupa ka ng bahay malapit sa university tapos kailangan ni Hannah ng p