Tumirik ang mata ni Sheila. “Hindi mo man lang ako suportahan sa pantasya ko!” Sumbat ni Sheila. May sasabihin pa sana si Sheila pero napako ang tingin ni Graciella sa screen. “Sa tablet mo nga panoorin ang footage at may gusto akong kumpirmahin,” utos kay Sheila. “At ano naman ‘yon?” Kahit nagtataka, binuksan ni Sheila ang tablet niya at hinanap ang footage ng pinapanood sa internet. “I-zoom mo nga ang video. Kung ‘yan si Mr. Young, mukhang nagkita na kami ng personal,” hayag ni Graciella. “Talaga!” Kahit si Sheila, nagulat sa sinabi ng kaibigan. “Oo nga. Pero hindi Mr. Young ang pangalan na sinabi niya sa akin kundi Tobias Sy. Siya yong pumunta dito para sana mag-a commission ng mga paintings sa opisina niya. Niyaya ko pa nga siya kumain sa isang food stall diyan sa baba,” paliwanag ni Graciella. “Hindi nga? Tapos gwapo ba siya in person? “ Naiintriga si Sheila. Kung na-meet na pala ni Graciella si Mr. Young, ang swerte naman
Samantala, busy naman si Graciella sa ginagawang scenery painting. Si Sheila naman kararating lang. Unlike Graciella, hindi ito kailangan kumayod nang todo lalo at galing ito sa mayamang pamilya. “Hmp, ang tanga talaga ng babaeng bida dito sa binabasa kong nobela. Kung pinili niya ang mayamang lalaki na napakabait, hindi na sumakit ang ulo niya. Bakit kasi pinili niya pa ang lalaking mahirap na nga, magaspang pa ugali?” Himutok ni Sheila habang hinahagis ang librong hawak. Napailing na lang si Graciella at binaba na ang hawak na paint brush. Tapos na ang ginagawang painting at kailangan na lang niya patuyuin ito. “Bakit ka ba nakokonsumi sa mga nababasa mo? Nobela ‘yan at kahit fiction ‘yan, baka naman realistic ang approach ng may akda,” komento ni Graciella. Hindi na siya nagtataka kung bakit napaka choosy nito sa mga nirereto ng magulang nito sa kanya. “Kung ako ang bida na babae, pipiliin ko talaga ang mayaman na manliligaw. Hello?
Samantala, natunugan na ng mga reporter ang nangyari sa harap ng building ng Young Group. May mga photographer na kinukuhanan ng mga litrato ang mga kaganapan. Dumating ang convoy ng mga sasakyan. Kulay midnight blue ang Rolls Royce na sakay si Alfred Alferez. Mabilis ang kilos ng mga tauhan at inutusan na paalisin na ang mga reporter na naroon. “Nasaan na si Menard Tristan Young? Ilabas niyo ang amo niyo!” Sigaw pa rin ni Alyanna. Iyon ang naabutang eksena ni Alfred. Namumula na ang mukha niya sa inis sa kapatid. Walang babala niyang hinawakan ang braso ng kapatid kaya napalingon ito. Automatic ang pag-iba ng timpla ng mukha ni Alyanna. Kung kanina, gigil na gigil siya, napawi ito. Napalitan ng alanganing ngiti. “What are you doing?” Matigas na saad ni Alfred habang buong higpit na hinihila ang kapatid. “You are making a scene here, Alyanna. Umuwi na tayo.” “But, Kuya Alfred. I need to see Menard. Sayang naman ang ginastos ko sa g
Nakasimangot na si Alyanna. Nag-effort pa siya na magbihis at magpagawa ng simpleng gown, mapansin lang siya ni Menard. At ang sumalubong sa kanya ang isang batalyon na security personnel ng Young Group. “Ma’am, hindi po talaga pwede itong ginagawa mo. Nakakaabala na po kayo sa mga trabahante dito oh,” sabi ng head ng security. “Kung tumawag kayo sa intercom ng opisina ni Menard, tapos ang problema. I don’t know if you guys can’t understand me or you're just trying to drive me away?” nagmamaktol na saad ni Alyanna. Napapadyak na lang siya lalo at parang nasa isang rally siya. Napaka OA kasi ng security protocol ng Young Group. Bakit kailangan may shield pa? “Ma’am, tawagan mo na lang si Sir sa cellphone niya,” suggestion ng isang tauhan. Paano ba niya ipapaliwanag dito na blacklisted na ang number niya kay Menard. Ginawa na niya ang lahat. Naroong nag-register siya ng bagong number at tinawagan ang number ni Menard. Ang ending block siya sa lahat ng nu
Tobias scratches his ears twice. Hindi makapaniwala na tinatanong siya ni Menard ng ganung bagay. “And why are you asking?” “Just answer my goddamn question!” naiiritang saad ni Menard. He just wants to confirm his wild guess. “Natural sa babaeng walang experience ang nahihiya,” paliwanag ni Tobias. “Are you telling me, wala pang nangyayari sa inyong mag-asawa” Hindi makapaniwala si Tobias sa teoryang nabubuo sa kanyang isip. Tahimik lang si Menard kaya naintriga si Tobias. “Gawin mo na lang ang pinapagawa ko sayo. Any update about my wife’s background?” Umupo na rin si Tobias sa tapat ni Menard. Inabot ang isang brown envelope. “Nasa loob ng envelope na ‘yan ang lahat ng detalye. So to save you from reading that, here’s the summary.” Napukaw ang interes ni Menard sa sinabi ni Tobias. Huminga muna ng malalim si Tobias bago nag-umpisa. “Graciella went through five foster families. Ang pinakahuling pamilya ang talagang nagmahal sa k
“I’ll sleep. I will have a lot of things to do in the office tomorrow,” sabi ni Menard. Hinayaan na ang asawa kong gusto nito maging audience sa kapitbahay na naglalampungan. Pero, para namang biniro ng pagkakataon si Menard. Ilang oras na siyang nakahiga pero hindi siya makatulog. ******* Kinabukasan, maagang gumising si Graciella para ipaghanda ng breakfast ang asawa. Actually, gumawa na siya ahead ng overnight oats matapos niyang bwisitin si Menard kagabi. Banana, blueberry, at strawberry ang nilagay niya sa oats. Nilagyan iyon ng fresh milk at cjia seeds at kaunting honey. Bumukas ang pinto ng silid ni Menard at lumabas mula doon. Napansin kaagad ni Graciella ang eyebags nito. “Masarap ba ang tulog mo, Mr. Young?” tukso ni Graciella habang nilalapag ang mason jar na may oats at ang freshly squeezed orange juice. “Kainin mo lahat itong hinanda ko. Maganda ito para sa kutis mo.” Umismid na lang si Menard at nag-umpisa ng kumain. G