Home / Romance / Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire / Chapter 5  Nasaan ang lalaking ‘yon?

Share

Chapter 5  Nasaan ang lalaking ‘yon?

Author: Gala8eaGreen
last update Last Updated: 2025-01-13 23:09:41

         Midland Heights, iyon ang address na binigay ni Menard. Pangalan pa lang alam na ni Graciella na hindi basta basta ang renta sa naturang lugar. High rise condo na nasa pusod ng Quezon City kaya alam niya na mahal nga ang isang unit doon. Naisip niya na sana ang pinakamaliit na unit ang kunin ni Menard para hindi naman masyadong mabigat sa bulsa. Tiyak mamumulubi siya kung malaking unit ang rerentahan nila.

     “Bukas na tayo lumipat. Sabihan mo lang ako kung kailangan mo ng tulong,” alok pa ni Menard.

     “Sige, sasabihin ko na lang kung kailangan ko talaga. Pero, iilan lang naman ang mga gamit ko.

     Kinakabahan si Graciella lalo at nasanay siyang mag-isa lang. Bukas titira na siya sa isang bahay kasama ang isang estranghero sa iisang bubong. 

     Kailangan muna niya maobserbahan si Menard at kung magkakasundo sila at saka na niya ipapakilala sa pamilya ng isa’t isa. Mahirap naman na maaga niya itong ipapakilala at mauuwi lang sa wala ang lahat kung di naman sila magkasundo.

      Dapat lang na sumang-ayon si Menard. 

      Katatapos lang ng meeting ni Menard at naroon siya sa sasakyan habang nakikipagpalitan ng text kay Graciella. Tinanggal niya ang kanyang kurbata dahil tila nasasakal siya dahil sa pagod.

      Galing siya sa prominenteng pamilya at isa siyang heredero. Hindi niya pwedeng biglain si Graciella lalo at galing ito sa mahirap na pamilya. Gusto muna niya subukin ang pagkatao at intensyon nito. Kung mukhang pera ang babae, malaki ang rason na hihiwalayan niya ito’

     Ayaw niyang diktahan siya ng magulang at ipakasal sa babaeng nakakainis. Kaya kanina nga hinayaan niya si Graciella na humarap sa kanya na dala dala ang bag nito. Nakaawa itong tingnan pero bakas ang pagiging totoo sa bawat sinasabi.

     Alam niyang hindi si Graciella ang kanyang blindate nang nagpakilala ito sa kanya kanina. Pero, dahil naiinis siya sa ginawa ng ina, hinayaan na niya ito sa maling akala nito.

     Inaya niya sa kalapit na coffee shop si Graciella para hindi siya makita ni Alyanna, ang babae na gusto ng mama niya na katagpuin niya.

       Naging matapat naman si Graciella sa sitwasyon nito tungkol sa pamilya kaya gusto na nitong mag-asawa na. Kahit siya inamin niyang gusto niyang iwasan ang pagmamanipula ng ina para lang maikasal kay Alyanna.

      Inutusan pa nga niya ang katiwala na puntahan na at linisin ang bahay na uuwian nila ni Graciella. Gusto niyang sa lalong madaling panahon maiuwi doon ang asawa.

      “Ito na po ang susi ng unit na tutuluyan niyo, senyorito.”

      Kumunot ang noo ni Menard. Hassle na para sa kanya ang pagdadala ng susi. “Bilhan mo ng lock na pwedeng gamitan ng passcode. Ayokong naabala sa mga ganyang walang kwentang bagay,” utos ni Menard.

          Sa pamamahay naman nila Graciella habang nag-aalmusal ay panay tingin ni Rowena sa pinsan. Gusto niyang magtapat na si Graciella sa ina. Sumesenyas ito sa huli kaya napahugot ng hininga si Graciella bago magsalita.

      “Aalis na po ako ngayong araw dito, tiyang,” pagpapaalam ng dalaga.

       Wala ang asawa ni Rowena dahil nga panay ito overtime at ang Tiyong Roger naman ay hindi nakauwi at malamang na naroon sa mga kaibigan nito.

      Silang tatlo lang sa hapagkainan at nararamdaman ng isa't isa ang tensyon sa paligid.

      “Ang dami naman ng sibuyas na hinalo mo dito sa itlog!” Pabagsak na binaba ni Lupita ang sandok. 

      Nagpatuloy silang kumain nang tahimik at nagboluntaryo na rin si Graciella na maghugas ng pinagkainan nila. Huling bese na niyang paghuhugas ng pinggan sa bahay na iyon. 

      “Dagdagan mo naman ang ambag mo. Apat na libo lang ang binibigay mo sa akin para sa gastusin dito sa bahay samantalang mahigit dalawampung libo ang kita mo kada buwan.” Panay ang reklamo ni Lupita habang nagpapaypay sa sarili. Kung gaano kabilis bumuka ang bibig niya ay ganun din kabilis ang kumpas ng pamaypay na gamit.

      “Kailangan ko po pag-ipunan ang renta sa bagong pwesto na kukunin ko. Masikip na kasi ang dati kong pwesto,” paliwanag ng dalaga habang pinupunasan ng basahan ang mga hinugasang plato.

      “Mukhang pera ka talaga! Pero, sana naman lakihan mo ang binibigay sa akin. Sa laki ng ginastos ko para mabuhay ka lang, may karapatan akong singilin ka,” panay pa rin putak ni Lupita sa pamangkin.

       “Aalis na nga ako ngayong araw, tiyang,” pag-ulit ni Graciella sa sinabi.

      Hindi pa rin umiimik si Lupita kaya nagpatuloy si Graciella.

       “Magsasama na kami ng nobyo ko,” saad niya habang may hinugot sa bulsa. Bank book iyon na may lamang humigit kumulang na tatlong daang libong piso. “Ayan po ang security deposit ko sa pwesto at ang iba naman sa halagang iyan ay ang ipon ko. Maraming salamat sa lahat ng sakripisyo niyo ni tiyong sa mahabang panahon.”

       Doon lang nahimasmasan si Lupita. “May nobyo ka? Bakit ka nagmamadaling mag-asawa? May ibibigay ba silang dowry sa pamilya natin?” sunod-sunod ang katanungan ni Lupita sa pamangkin.

      Hindi umimik si Graciella. Bagkus, nagpatuloy siyang nagwawalis sa kanilang kusina.

      “Kalahating milyon, iyon dapat ang ibigay nila sa akin kung gusto nilang mapangasawa ka.”

     Natigalgal si Graciella sa sinabi ng tiyahin na kalahating milyon ang katumbas niya.

      “Akala ko ba kahapon na walang gusto man lang na siputin ako sa blind date? Ngayon pepresyuhan niyo ako ng kalahating milyon, tiyang? Ayokong tumanggap ng kahit magkanong halaga mula sa iabng tao.” 

      Desidido na talaga si Graciela sa lahat ng sinabi niya. Tutal naman aalis na siya. Wala ng karapatan ang tiyahin na panghimasukan ang mga desisyon niya. Binayaran na niya ang taon na pag-aruga nito sa kanya.

       Sa buong maghapon nga pasulpot-sulpot si Lupita sa paglapit kay Graciella na abalang inaayos at nililinis ang buong bahay.

       “Huwag kang padalos-dalos sa desisyon mo. Dapat may dowry ka pa rin kahit paano,” singit pa ni Lupita habang nag-eempake na si Graciella.

      Napabuga na lang ng hangin si Graciella. Noon, panay pintas nito sa kanya. Kesyo wala siyang karapatan mag-inarte dahil wala naman siyang ipagmamalaki. Baka daw hindi na siyang makapag-asawa sa sobra niyang pihikan. Ngayon, baliktad na ang ihip ng hangin.

        Natapos na rin siya mag-empake. Kahit anong hintay niya sa tiyuhin hindi pa rin ito umuuwi kaya nagpasya siyang umalis na.

        “Dadalaw naman ako palagi dito, tiyang. Huwag kang mag-alala,” sabi pa ni Graciella habang hila ang kanyang suitcase.

       Nasa bungad na siya nang masilayan ang namumulang mata ni Rowena. Kalong nito ang anak na si Leya. Nagpaalam na siya rito.

      Sumakay na siya ng taxi sa labasan at nagpahatid na nga sa address na binigay ni Menard. Binayaran niya ang pinatak ng metro nang marating ang matayog na condominium building.

       Tumingala si Graciella sa tayog ng building na sinabi ni Menard. Nasa ika labingwalong palapag ang unit na sinabi nito.Sumakay na siya ng elevator.

      

     Tumunog ang prompt ng elevator at bumukas na ang pinto. Nasa dulong pasilyo ang unit 1218 kaya binaybay niya ang pasilyo. Nakailang pindot na siya sa doorbell pero walang sumasagot.

      “Wala yatang tao sa loob,” mahinang usal niya bago kunin ang cellphone na nasa kanyang bag. “Nandito na ako sa unit na sinasabi mo,” saad ng mensahe na tinitipa niya. “Walang sumasagot kanina pa ako dito sa labas ng pinto.”

      Nakita niya ang electronic lock na naroon. May icon ng doorbell kaya pinindot niya ulit iyon. Pero, halos mapudpud na lang ang daliri niya wala pa ring sumasagot.

     Pinadalhan ulit niya ng mensahe si Menard. “Ano ba ang password para makapasok na ako? Kanina pa ako dito sa tapat ng unit mo.”

       Samantala, nasa madilim na conference room si Menard. Nakasindi ang projector at naroon ang mga company director para ipaliwanag sa kanya ang annual report.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 175: Tama na!

    Tumaas ang kilay ni Menard nang matanggap ang mensahe ni Louie. Kalakip ng message nito ang video ni Harry na nakadungaw sa bintana ng kotse nito at sumisigaw. Napatiim ang bagang ni Menard sa napapanood. He is worried na baka kung anong pananakit ang abutin ng asawa nito sa kamay ng walanghiyang lalaki na iyon. “Sundan kaya natin ang mag-asawa,” naibulalas na lang ni Menard. Naawa siya kay Rowena lalo at bitbit pa nito ang walang muwang na anak. “Hangga’t maaari, hindi ako manghihimasok sa magiging usapan nila, Menard. Iba na si Rowena. Hindi nas siya ang dating walang imik at duwag na babae. Kaya na niyang ipaglaban ang sarili niya. Ang gagawin na lang natin ay suportahan siya sa magiging desisyon niya sa hinaharap,” saad ni Graciella. Para kasi sa kanya, buo na ang desisyon ng pinsan na makipaghiwalay sa asawa nito. At kung mag-aaway man ito sa bahay nila, kaya na nito ang sarili. ******* Samantala, naunang dumating si Rowena sa b

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 174: Sa bahay na tayo mag-usap

    “It seems like the idiot is not afraid of someone,” matigas na saad ni Menard habang nakatitig kay Harry. “Huh! Ang lakas ng loob mo magmayabang! Parehas lang tayong mga empleyado ng Young Group! Kung makaasta ka para kang CEO ng kumpanya, pwe!” Bwelta ni Harry sa pasaring ni Menard. Si Rowena, panay hila na sa braso ni Harry pero pumiksi kaagad ang huli kaya halos sumadsad si Rowena sa sahig. Mabuti na lang at naagapan ng manager ang huli. “You are disgusting! You treat your wife in public in the most shameful way,” kutya ni Menard kay Harry bago alalayan ang mag-ina na tumayo at itago ito sa likuran niya. Sinenyasan si Graciella na dapat ma-secure ang kaligtasan ng mag-ina “Kaya naman namin ayusin ang gusot namin mag-asawa. Pero kayong dalawa ng walang kwentang babae na nobya mo ang dakilang sulsol bakit nagkaganito ang asawa ko,” akusa ni Harry sabay duro sa dibdib ni Menard. Hindi man lang natinag si Menard. Di hamak na mas matangkad naman siya

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 173: Umuwi ka sa bahay

    Naningkit kaagad ang mata ni Graciella nang makita ang bagong dating na si Harry. Nakapamaywang ito habang malakas ang boses na pinagsasabihan ang asawa. Binilisan nila ni Sheila na lumapit pabalik sa table nila. Kinailangan niyang ilapag muna ang plato sa lamesa dahil nanginginig siya sa mga naririnig na salita mula kay Harry. “Ano hindi ka uuwi? Siguro may lalaki kang kinatagpo at dinala mo pa talaga si Leya sa kabababuyan mo,” akusa ni Harry sa asawa habang dinuduro ang asawa. Isang malakas na hampas sa braso ang binigay ni Graciella kay Harry kaya natigil ito sa pagsasalita. “Wala kang pinipiling lugar para ibuka ang madumi mong bibig, Harry. Nasa restaurant ka at sana ilagay mo sa lugar at gumamit ka nang maayos na mga salita. Naririnig ka ng anak mo,” babala dito sa mahinang boses. Hindi namans iya katulad ni Harry na walang urbanidad. Kalalaking tao, ang hilig nitong mamahiya ng asawa sa publiko. Namula si Harry. Matagal na itong nag

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 172:  Buffet

    Samantala, patapos na ang meeting ni Menard kaya tinanggap ang tawag mula sa asawa. “Baka mag overtime na naman ako mamaya. Ikaw na ang bahala kung saan mo sila dadalhin para kumain mamaya,” sagot ni Menard. “Okay lang ba sa sa atin muna tutuloy ang mag-ina? Nasa kanila kasi ang biyenan at hipag niya. Ayaw niyang umuwi muna sa kanila,” pagbibigay alam ni Graciella sa asawa. “No problem. She can stay as long as she wants. Kung hindi siya kumportbale umuwi sa kanila, sa atin na muna ang mag-ina, Sige na at marami pa kaming tatapusin.” Binaba na kaagad ni Menard ang tawag. ******* Ang lapad ng ngiti ni Graciella habang binabalik sa bag ang cellphone. “Okay na. Walang problema sa asawa ko. Narinig niyo naman sinabi ni Menard, Rowena na pwede kayo ni Leya sa unit namin hanggang kailan niyo gusto,” masayang pahayag ni Graciella. Confident naman talaga si Graciella na papayag ang asawa lalo at katulad niya, kinagigiliwan ni M

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 171; Can they stay?

    Napangiti si Rowena sa panulsol ni Sheila. Kilala na niya ang kaibigan ng pinsan sa kwento pa lang ni Graciella sa kanya. “Ate Sheila, ewan ko ba dito kay Ate Graciella. Pareho lang talaga silang nagpapakiramdaman ni Kuya Menard. Halata naman sa mga kilos nila na may feelings sila sa isa’t isa ayaw pa rin nila umamin sa mga nararamdaman nila,” dagdag pa ni Rowena. Kumunot ang noo ni Graciella. Hindi kasi niya nakikita na ganun nga sila ni Menard. O dahil ba sila mismo hindi alam ang sarili nila pero obvious iyon sa mata ng ibang tao? May katotohanan kaya ang sinasabi ng mga ito sa kanya. “Ayan na naman kayong dalawa. Marriage for convenience lang ang sa amin ni Menard. Alam niyo ang rason kung bakit ako nagpakasal sa kanya. At ang rason ni Menard ay para takasan ang pagmamanipula ng nanay niya na ireto siya sa babaeng hindi niya gusto,” tangi pa rin ni Graciella. “Uh huh! Diyan ka nagkakamali my friend. Halata naman sa tingin pa lang ni Menard sayo. Kun

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 170:  Unfair

    Panay simangot pa rin si Trent habang binabaybay ang daan papunta sa canteen. Bumili siya ng pagkain at nagmamadali na bumalik sa opisina ng pinsan. “Bumalik ka pa?” Tanong ni Menard. Nagtataka kung anong sadya ng pinsan. Nakatingin siya sa bitbit na tray ng pagkain ni Trent. “Doon ka na kumain sa canteen.” “Gusto ko rin naman tikman ang luto ni ate Graciella,” nakasimangot na saad ni Trent. Nagdadabog na lumapit sa table ng pinsan at saka nilapag ang tray ng pagkain na bitbit. “Bigyan mo ako ng chicken kahit dalawang hiwa lang.” Kumunot ang noo ni Menard. “Who gave you the right to taste my wife’s cooking?” Sita sa pinsan. “You are so unfair! Sa akin ibinigay ni Ate Graciella ang lunchbox na ‘yan,” katwiran ni Trent. Kinuha ang tinidor at umaktong kukuha ng slice ng manok. Mabilis naman na inilag ang lunchbox. Marahang hinampas ni Menard ang kamay ni Trent. “This is supposed to be my meal. Maaga lang ako umalis kasi may meeting tayo.” “

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status