Share

chapter 007 stupid woman

Author: Gala8eaGreen
last update Huling Na-update: 2025-01-23 10:30:40

Namilog ang mata ni Graciella nang mahawakan ang sandata ni Menard. Nagulat siya sa haba nito. Parang napapaso ang kamay na binawi iyon. Hindi siya nakaimik at muling sinubukan na bumangon. Mag-asawa na sila pero nahihiya pa rin siya kay Menard.

Napahawak na lang sa pader si Graciella. Muling inabot ni Menard ang kamay pero todo tangi si Graciella. Pero mapilit si Menard. Hinawakan niya ang kamay ni Graciella at inalalayan itong tumayo.

"Dahan-dahan lang kasi. Bakit ka nahiga dito sa hallway? Ang lamig ng sahig," pangaral niya. Marahan silang lumapit sa maindoor.

"Mr. Young, akin na ang passcode ng pinto para makapasok na tayo," tanong pa ni Graciella.

Napakamot sa batok si Menard. Nagmamadali siyang pumunta sa lugar na iyon pero nakalimutan pa niyang itanong kay Louie ang passcode. Lumapit siya sa pinto at basta na lang nagtipa ng mga numero

131421……

Hindi man lang bumukas ang pinto. Gusto na lang magpalamon ni Menard sa sahig dahil sa hiya.

Muli niyang tinipa ang passcode at nakahinga nang malalim nang tuluyan nang bumukas ang pinto.

"Halika na," yakag niya kay Graciella. Nilapitan ito at siya ang nagkusa na hilahin ang dala nitong bagahe.

Gusto malula ni Graciella sa bumungad na unit sa kanila. Malawak iyon lalo at halos walang muwebles ang naroon. Binilang niya at limang silid ang naroon. Hindi pa kasali ang maluwang na dining room at living room. May malalaking flat screen TV na nakakabit sa wall.

Pinagpawisan ng malapot si Graciella. Pati ang kanyang palad ay basa na rin sa pawis. Sa laki ng espasyo ng unit na iyon tiyak siyang mahal ang renta.

Napapikit siya at nasapo ang sintido. Iniisip niyang hindi siya binigyan ng konsiderasyon ni Menard. At saan siya kukuha ng ibabayad sa upa ng unit?

Kalmado lang si Menard lalo at inalis na nila Louie ang ibang mga furnitures na naroon. Ayaw niya ng maraming gamit kaya pinalinis niya iyon kahapon. Ang mga naiwan lang doon ay ang ilang libro na gusto niya. Pero sa kabuuan kitang kita pa rin ang rangya ng unit.

Malinis, maaliwalas, at simple. Patok sa panlasa niya.

Inikot ni Graciella ang kabuuan ng unit. Bagaman satisfied naman siya pero kinakalkula na niya ang renta na bayad sa unit.

"Menard, magkano ba ang renta dito?" Kinakabahang tanong ni Graciella. Hinahanda ang sarili sa malaking halaga na babanggitin ng kausap.

"Mura lang," tipid nitong sagot.

Patay na! Mahal nga talaga. Gusto na lang ni Graciella na humanap ng ibang unit. Hindi niya kakayanin ang renta. “Gaano ba kamahal? Baka mamulubi ako.”

Napakunot ang noo ni Menard dahil sa paulit-ulit na tanong ni Graciella sa renta. “Affordable naman ang one hundred thousand pesos,” kaswal niyang saad.

Gustong malalag ng panga ni Graciella sa sahig. Napadilat siya sa mahal ng renta. Oo nga art mamahalin at malawak ang unit pero overpriced ito. “Paanong one hundred thousand pesos?”

“Ang original na renta ay one hundred thousand. Pero dahil kamag-anak ko naman ang may-ari, ten thousand pesos lang ang hinihingi niyang renta,” paliwang pa ni Menard.

Para namang nabunutan ng tinik si Graciella. Afford na niya ang five thousand. Marangya naman ang unit kaya payag na siya. Kung mas mahal sa sampung libo ay nuncang kukunin nila ang unit na ito.

Prinsipyo na ni Graciella na ayaw niyang manlamang ng kapwa. Napag-usapan na nila ni Menard iyon at gusto niyang maintindihan ng lalaki ang pinupunto niya.

Nilibot ng paningin ang kabuuan ng unit. Kahit paano naman hindi na siya magtatyaga sa makipot, masikip, at luma ng bahay. Marangya kung marangya ang unit at iniisip niyang ang ganda pa ng balcony. Tamang tama na maraming damit ang pwede niyang isampay doon.

Kahit na ang mga silid tulugan ay may tig isang banyo at may ward robe pa. Excited na siyang iayos doon ang iilan niyang dalang gamit. Napako ang tingin niya sa master’s bedroom. Tiyak siyang si Menard ang ookupa ng silid na iyon.

Pinili niya ang ikalawang silid. Magand at maaliwalas ito at maganda ang kulay ng kurtina. Berde ito at siyang paborito niyang kulay. Nilabas na niya ang kanyang mga gamit at sinalansan sa ward robe na naroon.

Paglabas niya sa silid, tinungo niya ang kusina. Wala siyang makita ni isang kagamitan kahit man lang sandok o kaldero. “Bibili na lang ako ng mga kitchen utensils na babagay dito sa kusina. Sayang naman kung masisira ang aesthetic kung di bagay sa interiors ang bibilhin ko,” mahinang bulong niya sa sarili.

Mabuti na lang at kompleto ang mga beddings na naroon. May quilt at ilang pirasong bed cover na nag-match sa kulay ng kurtina. “Ambait naman ng mga kamag-anak mo at pinaghandaan nila ang paglipat natin,” saad pa ni Graciella.

Wala man lang sagot na nakuha si Graciella kay Menard kundi isang simpleng tango. Tumirik ang mata ng una lalo at napaka walang pakialam nito.

Pianahanda na talaga ni Menard ang unit para wala ng aberya mamaya. Alam niyang magiging awkward kung sa iisang silid mananatili ni Graciella.

Inayos na ni Graciella ang mga beddings sa dalawang silid. “Magkano ba ang ibibigay kong ambag sa renta?” tanong pa niya habang palapit kay Menard.

“Have I told you? Pagmamay-ari ito ng kamag-anak ko kaya huwag na. Ako na ang bahala,” sagot ni Menard.

Hindi kontento si Graciella sa sagot ni Menard kaya kinuha ang kanyang cellphone at nag-transfer ng pera kay Menard.

Kakaupo lang ni Menard sa sofa nang tumunog ang kanyang cellphone .Napakunot ang noo nang makita ang confirmation notice ng e-money. May five thousand pesos din iyon.

“What’s this?” tanong pa niya sa papalapit na si Graciella. Minuwestra ang kanyang cellphone kay Graciella.

“Ambag ko nga sa renta. Hindi naman pwede na ikaw lahat magbabayad,” saad pa ni Graciella.

Hindi alam ni Menard kung maiinis siya o matatawa. Anong klaseng babae ba ang pinakasalan niya? Bakit kakaiba ang ugali nito.

“Kasal tayo at ako ang provider sa pamilyang ito. My God! Graciella, give it a rest,” bulalas ni Menard.

“Hindi pa naman tayo gaanong magkakilala. Ayokong isipin mo na sinasamantala ko ang generosity mo,” dahilan pa rin ni Graciella.

Napailing na lang si Menard at muling tinipa ang kanyang cellphone. Binalik niya ang money transfer.

“Hindi naman tayo nagkasundo sa finances natin,” naiilang pa rin niyang tangi.

“You have your cousin’s daughter, right? Bilhan mo siya ng regalo. Ayaw sayo ng auntie mo ‘di ba? Bilhan mo ng kung anong gusto niya ‘pag bisita natin sa kanila.” Sa totoo lang inaantok na si Menard at gusto na niyang matulog. Pero, masyadong mapilit at makulit si Graciella.

“Handa na ang master’s bedroom. Matulog ka na at inaantok ka na yata,” sabi pa ni Graciella.

Tinitigan ni Menard si Graciella.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 175: Tama na!

    Tumaas ang kilay ni Menard nang matanggap ang mensahe ni Louie. Kalakip ng message nito ang video ni Harry na nakadungaw sa bintana ng kotse nito at sumisigaw. Napatiim ang bagang ni Menard sa napapanood. He is worried na baka kung anong pananakit ang abutin ng asawa nito sa kamay ng walanghiyang lalaki na iyon. “Sundan kaya natin ang mag-asawa,” naibulalas na lang ni Menard. Naawa siya kay Rowena lalo at bitbit pa nito ang walang muwang na anak. “Hangga’t maaari, hindi ako manghihimasok sa magiging usapan nila, Menard. Iba na si Rowena. Hindi nas siya ang dating walang imik at duwag na babae. Kaya na niyang ipaglaban ang sarili niya. Ang gagawin na lang natin ay suportahan siya sa magiging desisyon niya sa hinaharap,” saad ni Graciella. Para kasi sa kanya, buo na ang desisyon ng pinsan na makipaghiwalay sa asawa nito. At kung mag-aaway man ito sa bahay nila, kaya na nito ang sarili. ******* Samantala, naunang dumating si Rowena sa b

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 174: Sa bahay na tayo mag-usap

    “It seems like the idiot is not afraid of someone,” matigas na saad ni Menard habang nakatitig kay Harry. “Huh! Ang lakas ng loob mo magmayabang! Parehas lang tayong mga empleyado ng Young Group! Kung makaasta ka para kang CEO ng kumpanya, pwe!” Bwelta ni Harry sa pasaring ni Menard. Si Rowena, panay hila na sa braso ni Harry pero pumiksi kaagad ang huli kaya halos sumadsad si Rowena sa sahig. Mabuti na lang at naagapan ng manager ang huli. “You are disgusting! You treat your wife in public in the most shameful way,” kutya ni Menard kay Harry bago alalayan ang mag-ina na tumayo at itago ito sa likuran niya. Sinenyasan si Graciella na dapat ma-secure ang kaligtasan ng mag-ina “Kaya naman namin ayusin ang gusot namin mag-asawa. Pero kayong dalawa ng walang kwentang babae na nobya mo ang dakilang sulsol bakit nagkaganito ang asawa ko,” akusa ni Harry sabay duro sa dibdib ni Menard. Hindi man lang natinag si Menard. Di hamak na mas matangkad naman siya

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 173: Umuwi ka sa bahay

    Naningkit kaagad ang mata ni Graciella nang makita ang bagong dating na si Harry. Nakapamaywang ito habang malakas ang boses na pinagsasabihan ang asawa. Binilisan nila ni Sheila na lumapit pabalik sa table nila. Kinailangan niyang ilapag muna ang plato sa lamesa dahil nanginginig siya sa mga naririnig na salita mula kay Harry. “Ano hindi ka uuwi? Siguro may lalaki kang kinatagpo at dinala mo pa talaga si Leya sa kabababuyan mo,” akusa ni Harry sa asawa habang dinuduro ang asawa. Isang malakas na hampas sa braso ang binigay ni Graciella kay Harry kaya natigil ito sa pagsasalita. “Wala kang pinipiling lugar para ibuka ang madumi mong bibig, Harry. Nasa restaurant ka at sana ilagay mo sa lugar at gumamit ka nang maayos na mga salita. Naririnig ka ng anak mo,” babala dito sa mahinang boses. Hindi namans iya katulad ni Harry na walang urbanidad. Kalalaking tao, ang hilig nitong mamahiya ng asawa sa publiko. Namula si Harry. Matagal na itong nag

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 172:  Buffet

    Samantala, patapos na ang meeting ni Menard kaya tinanggap ang tawag mula sa asawa. “Baka mag overtime na naman ako mamaya. Ikaw na ang bahala kung saan mo sila dadalhin para kumain mamaya,” sagot ni Menard. “Okay lang ba sa sa atin muna tutuloy ang mag-ina? Nasa kanila kasi ang biyenan at hipag niya. Ayaw niyang umuwi muna sa kanila,” pagbibigay alam ni Graciella sa asawa. “No problem. She can stay as long as she wants. Kung hindi siya kumportbale umuwi sa kanila, sa atin na muna ang mag-ina, Sige na at marami pa kaming tatapusin.” Binaba na kaagad ni Menard ang tawag. ******* Ang lapad ng ngiti ni Graciella habang binabalik sa bag ang cellphone. “Okay na. Walang problema sa asawa ko. Narinig niyo naman sinabi ni Menard, Rowena na pwede kayo ni Leya sa unit namin hanggang kailan niyo gusto,” masayang pahayag ni Graciella. Confident naman talaga si Graciella na papayag ang asawa lalo at katulad niya, kinagigiliwan ni M

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 171; Can they stay?

    Napangiti si Rowena sa panulsol ni Sheila. Kilala na niya ang kaibigan ng pinsan sa kwento pa lang ni Graciella sa kanya. “Ate Sheila, ewan ko ba dito kay Ate Graciella. Pareho lang talaga silang nagpapakiramdaman ni Kuya Menard. Halata naman sa mga kilos nila na may feelings sila sa isa’t isa ayaw pa rin nila umamin sa mga nararamdaman nila,” dagdag pa ni Rowena. Kumunot ang noo ni Graciella. Hindi kasi niya nakikita na ganun nga sila ni Menard. O dahil ba sila mismo hindi alam ang sarili nila pero obvious iyon sa mata ng ibang tao? May katotohanan kaya ang sinasabi ng mga ito sa kanya. “Ayan na naman kayong dalawa. Marriage for convenience lang ang sa amin ni Menard. Alam niyo ang rason kung bakit ako nagpakasal sa kanya. At ang rason ni Menard ay para takasan ang pagmamanipula ng nanay niya na ireto siya sa babaeng hindi niya gusto,” tangi pa rin ni Graciella. “Uh huh! Diyan ka nagkakamali my friend. Halata naman sa tingin pa lang ni Menard sayo. Kun

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 170:  Unfair

    Panay simangot pa rin si Trent habang binabaybay ang daan papunta sa canteen. Bumili siya ng pagkain at nagmamadali na bumalik sa opisina ng pinsan. “Bumalik ka pa?” Tanong ni Menard. Nagtataka kung anong sadya ng pinsan. Nakatingin siya sa bitbit na tray ng pagkain ni Trent. “Doon ka na kumain sa canteen.” “Gusto ko rin naman tikman ang luto ni ate Graciella,” nakasimangot na saad ni Trent. Nagdadabog na lumapit sa table ng pinsan at saka nilapag ang tray ng pagkain na bitbit. “Bigyan mo ako ng chicken kahit dalawang hiwa lang.” Kumunot ang noo ni Menard. “Who gave you the right to taste my wife’s cooking?” Sita sa pinsan. “You are so unfair! Sa akin ibinigay ni Ate Graciella ang lunchbox na ‘yan,” katwiran ni Trent. Kinuha ang tinidor at umaktong kukuha ng slice ng manok. Mabilis naman na inilag ang lunchbox. Marahang hinampas ni Menard ang kamay ni Trent. “This is supposed to be my meal. Maaga lang ako umalis kasi may meeting tayo.” “

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status