Pumasok ako sa opisina ng KR Cyber Corporation nang may baong kaba at bigat sa dibdib. Mahigit tatlong linggo na rin mula nang magdesisyon akong bumangon muli mula sa pagkawasak ng puso ko. Kahit na kasama ko sa trabaho ang walanghiya kong ex-boyfriend at ang traydor kong bestfriend, pero kailangan kong maging matatag dahil umaasa sa akin ang pamilya ko sa probinsya.
"Hoy dzai, alam mo bang meron daw tayong bagong CEO na papalit kay Don Ricardo. Balita ko ang apo raw nitong lalaki ang hahalili sa kanya," wika sa akin ni Carol. Bilib din naman ako sa isang ito, at hindi talaga nahuhuli sa balita.
"Ganu'n ba? Ang lakas talaga ng radar mo noh?" nakangiti kong wika.
"At ngayon daw darating ang bago nating boss."
Tango lang ang itinugon ko saka nagpatuloy sa ginagawa.
Makalipas ang ilang oras,
"Dzai, nandito na raw ang bagong CEO. Tara at kailangan nating i- welcome sa entrance door," yaya sa akin ni Carol.
"Naku, tatapusin ko lang muna 'tong ginagawa ko. Tutal naman pormal ding ipapakilala sa atin 'yan mamaya di ba?"
"Sabagay, pero para namang curious akong makita siya dzai, kaya doon muna ako ha," wika nito.
Tango lang ang itinugon ko at muling itinuon ang atensyon sa pagtipa ng keyboard sa computer.
Matapos ang ilang sandali, nakabalik na ng opisina si Carol. Abot tenga naman ang ngiti nito na parang kinikilig.
"Oh napano ka naman dyan?" tanong ko.
"Naku dzai, napakgwapo ng bagong boss natin. Napaka-hot at malakas ang sex appeal."
"Tapos?"
"Kitang-kita ko ang kilig sa mga mata ng mga kababaihan habang nakatingin sa kanya dzai. Yong iba pa nga halos tumulo ang laway."
Bigla naman akong natawa sa sinabi niya.
"Alam mo, kung ma-meet mo siya dzai, nasisiguro kong makalimutan mo na ang sakit ng ginawang panloloko ng gagong Ramon na 'yon sa 'yo.
"Ganu'n ba? Gwapo ba talaga?" pabiro kong tanong.
"Sobrang gwapo dzai, makalaglag panty, jusko."
Nagkibit-balikat lang ako. Ito naman kasing si Carol, iba ang definition ng gwapo niya. Sabagay, 'ika nga, 'beauty is in the eye of the beholder.' Eh kung gwapo naman para sa kanya, so wala tayong magagawa di ba?
Mayamaya pa'y tumunog ang telepono sa opisina.
"Everyone, pinapatawag tayong lahat sa conference hall, para pormal na maipakilala sa atin ang bagong CEO," wika ni Mrs. Perez, ang aming Department Head.
"Oh. Aira, let's go." Nakangiting wika ni Carol, sabay hila sa kamay ko.
"Pwede bang dito na lamang ako?" sabi ko. "Ayoko ng makita pa si Ramon at ang taksil kong kaibigan."
"Hay naku dzai, hayaan mo na nga 'yong Ramon na 'yon. Pag makita mo sila, eh dedmahin mo nalang,"
"Tayo na. At baka mapagalitan pa tayo kapag hindi tayo pumunta roon, Syempre, ipapakilala sa atin yong bagong CEO natin di ba? And at the same time, ipapakilala din tayong lahat sa kanya."
"Okay. Tayo na," sabi ko.
Papunta pa lamang kami sa conference hall, nang bigla na lamang kumabog ng malakas ang dibdib ko.
''Okay ka lang ba dzai?" untag sa akin ni Carol. "Ba't parang nininerbyos ka?
"Ewan ko. Bigla nalang akong kinakabahan eh," sagot ko naman.
"Hmm...baka naman excited ka lang na makilala ang bago nating boss?" nakangiti nitong wika.
"At bakit naman ako ma-e-excite, aber?"
Ngumisi lang ito, halatang nanunukso lang sa akin.
"Pustahan tayo dzai, magiging type mo siya."
"Hay ewan ko sa 'yo Carol, kung anu-ano na lang yang naiisip mo eh."
Natigil ang pag-uusap namin nang makarating na kami sa conference hall. Naroon na ang mga empleyado at tahimik na nakaupo.
"Nandu'n yong upuang nakatalaga sa atin dzai. Doon tayo," ani Carol.
Kapag nasa conference hall kasi kami, nakapwesto ang mga upuan sa bawat Departamento kaya dapat doon kami maupo sa mga upuang nakatalaga para sa amin.
Hindi ko sinadyang mapasulyap sa kinaroroonan nina Ramon at Charlotte. Malapit lang kasi ang upuan nila sa amin.
Bigla kong naramdaman ang paninikip ng aking dibdib nang muli na namang sumagi sa isip ko ang pagtataksil na ginawa nila.
"Aira, relax ka lang ha. H'wag kang paapekto sa dalawang 'yan," bulong sa akin ni Carol. Naisip ko marahil nawalan man ako ng matalik na kaibigan, meron pa naman akong kasamahan na mapagkakatiwalaan at talagang concern sa akin.
Ilang minuto ang lumipas bago bumukas ang pintuan at pumasok si Don Ricardo kasama ang isang matangkad at makisig na lalaki.
Parang tumigil ang mundo ko nang mamukhaan ko ang lalaking 'yon. At nang magtama ang aming paningin, parang naparalisa ang buo kong katawan.
"Diyos ko!" mahinang wika ko.
"Dzai, bakit?" tanong sa akin ni Carol.
"Uhm, wala naman."
Muli ko siyang tiningnan at baka namalik-mata lang ako. Pero siya talaga. Siya ang lalaking nakasama ko sa gabing ayaw ko nang balikan.
Mabilis kong iniwas ang aking paningin, pero naramdaman ko ang bigat ng mga mata niyang nakatuon sa akin. Para bang sinusuyod ng titig niya ang buo kong pagkatao, at muling bumalik sa aking alaala ang init ng gabing iyon.
"Di ba dzai, ang gwapo niya?" bulong uli ni Carol sa tenga ko.
Hindi ako umimik. Hindi kasi talaga ako makapaniwala na siya pala ang magiging boss namin.
Diyos ko, bakit pa kami nagkita?
“Ladies and gentlemen,” panimula ni Don Ricardo, “I want you to meet the new Chief Executive Officer of KR Cyber Corporation…ang nag-iisa kong apong lalaki, Mr. Kael Ramirez.”
Nagpalakpakan ang lahat. Ako lang ang nanatiling tulala, nakayuko, at pilit pinapakalma ang panginginig ng aking kamay.
Kael.
So iyon pala ang pangalan niya.
Umangat ang boses niya, malalim at may kumpiyansa. “Hello everyone, nice meeting you. I’m looking forward to working with you all. Together, we’ll bring this company to greater heights," seryoso niyang wika habang nakatuon ang paningin sa akin.
Bigla tuloy akong na-conscious at pinamulahan ng mukha. Mas lalo pang kumabog ng malakas ang dibdib ko nang ipakilala na kami ng aming Department Head.
"This is Aira Belmonte, top-performing sales consultant sa kumpanyang ito."
"G-good m-morning s-sir," nauutal kong wika, kasabay ng bahagyang pagyuko ng aking ulo.
"Hello Miss Belmonte. Nice meeting you," sabi niya sa baritonong boses.
Nang matapos na ang pagpapakilala sa lahat ng mga Departamento, muli siyang nagsalita.
"That's all for now, see you all tonight."
"Yes sir," sabay-sabay na tugon ng lahat bago isa-isang lumabas ng conference hall.
Ang tinutukoy niya ay ang gaganaping Welcome Party mamayang gabi bilang pormal na pagbati sa kanya, as the new CEO. Ganito naman talaga sa KR Cyber Corporation, kapag may bagong VIP na ma-assign. Uhm, kaya pala KR, it stands for Kael Ramirez.
Habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng elevator, narinig ko ang komento ng mga kababaihan.
"He's so hot," wika ng isa.
"Ang gwapo niya," sabat naman ng pangalawa.
"Naku, ilan na kayang babaeng naikama niya noh?" wika naman ng pangatlo.
Parang may kung ano namang kirot ang naramdaman ko sa aking puso nang maisip ko na bukod pa sa akin, marami pang mga babaeng nakatalik nito.
"Oy dzai, ba't ang tahimik mo dyan?" untag sa akin ni Carol nang makabalik na kami sa trabaho.
"Uhm wala naman. Naisip ko lang ang ginawang pagtataksil ni Ramon at Charlotte," pagsisinungaling ko.
"Naku, hayaan mo na 'yong dalawang 'yon, at magfocus ka nalang kay sir Kael," nakangisi nitong turan.
"Hoy, ang bunganga mo, baka marinig ka pa dyan!"
"Uhm, alam mo may napapansin ako."
"Ano na naman 'yan?" wala sa loob kong tanong.
"Hmm..malagkit ang titig ni sir Kael sa 'yo kanina."
"Hoy gaga, h'wag mong bigyan ng ibang kahulugan 'yon," seryoso kong tugon habang binunuksan ang computer.
"Ah basta, iba ang kutob ko dzai. Parang—hmm...parang na love at first sight sa 'yo."
"Ano?" natatawa kong sabi. "Naku, ikaw talaga. Tumigil ka sa panunukso mong yan ha. Kung anu-ano nalang ang lumalabas dyan sa bibig mo eh. Napaka-imposible naman yang sinasabi mo. Boss natin 'yon hoy. Di 'yon magkakagusto sa isang ordinaryong empleyado lang."
"Well...no one can tell," nakangisi nitong turan. "Maganda ka naman at seksi kaya walang imposible dzai."
"Kung totoo yang sinasabi mo, bakit nagawa akong lokohin ni Ramon?"
"Hmm. Ang totoo, atat na atat yon na maka-iskor sa 'yo ikaw lang naman itong ayaw magpabembang kaya naghanap ng iba. At bumukaka naman itong walanghiya mong kaibigan kaya, ayun."
"Hay naku. Bahala na sila. Tinapos ko na kung ano man meron kami ni Charlotte. And now, we're back to being strangers again. O sya, let's concentrate na dito sa work natin at baka mapagalitan pa tayo."
Kinagabihan, pasado alas sais pa lamang nasa loob na kami ng Function Hall. Seven thirty daw magsisimula ang party kaya konti pa lang ang dumating.
"Uhm, alam mo dzai, para naman akong naaasiwa dito sa suot ko eh. Ikaw naman kasi, pinilit mo pang magsuot ako ng ganito," nakangusong wika ko.
"Bakit? Ang ganda-ganda mo kaya. Litaw na litaw ang seksi mong katawan. Naku, kapag nakita ka ng Ramon na 'yon, tiyak magsisisi 'yon sa ginawa niyang panloloko sa 'yo. At saka, dapat lang na magsuot ka ng ganyan dzai, at nang malaman ng walanghiya mong kaibigan noon, na may ibubuga ka palang alindog."
"Hindi naman kasi ako sanay sa ganitong damit eh. Parang nako-conscious ako."
"Naku, tama lang naman yan dzai. Hindi naman gaanong revealing. Saka party naman, kaya, libre tayong magsuot kung anong gusto natin di ba?"
Napabuntung-hininga na lamang ako. Makaraan ang ilang sandali, nagsidatingan na ang ibang mga empleyado, at hindi nakaligtas sa paningin ko ang dalawang traydor. Abot tenga naman ang ngiti ni Charlottte habang naka-abresyete kay Ramon. Agad akong nag-iwas ng tingin at nagbusy-busyhan sa cellphone ko.
Mayamaya pay' biglang natahimik ang lahat nang pumasok sa bulwagan si Kael. Muli na namang kumabog ng malakas ang dibdib ko lalo na nang magtama ang aming paningin.
Hindi ito maaari.
Ilang sandali pa'y nagsimula na ang kainan at sayahan. Habang kumukuha ako ng pagkain, biglang pumwesto si Kael sa kabilang dulo ng mesa at nang makita kong papalapit siya sa kinaroroonan ko, mabilis akong kumuha ng kung ano, at agad na umalis bago pa siya tuluyang makalapit sa akin.
Nang magsimula ang tugtog at inanyayahan ang mga empleyadona sumayaw, napansin kong papalapit sa akin si Kael at parang ako ang target nitong yayain. Kaya dali-dali akong tumayo.
"Excuse me dzai, pupunta lang ako ng ladiesroom," paalam ko kay Carol saka nagmamadaling tumalikod.
Kinabukasan, habang nagfocus ako sa pag-encode ng mga sales report,"Aira, pinapatawag ka sa opisina ni sir Kael," wika ni Mrs. Perez.Biglang nanlaki ang mga mata ko. "Po? A-ako?" "Oo, kailangan raw niyang makausap ang top-performing sales consultant sa kumpanyang ito," ani Mrs. Perez. "Uhm, pakidala mo nalang itong sales report, last quarter. Gusto raw niyang makita."Muli na namang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Hindi naman ako maaring tumanggi dahil nasa trabaho ako, baka mamaya masesante pa ako ng wala sa oras kung di ako sumunod. Wala na talaga akong kawala pa. Diyos ko."Dzai, goodluck." Bulong sa akin ni Carol, sabay ngisi na parang nanunukso na naman. Tumayo ako at binitbit ang folder. Palakas ng palakas ang tibok ng aking puso, habang tinungo ko ang elevator.Makalipas ang ilang minuto nasa third floor na ako at nasa doorstep na ng opisina ng CEO. Huminga ako ng malalim bago kumatok sa pintuan."Yes, come in."Pagkarinig ko ng malalim na tinig mula sa loob, halos nanghi
Pumasok ako sa opisina ng KR Cyber Corporation nang may baong kaba at bigat sa dibdib. Mahigit tatlong linggo na rin mula nang magdesisyon akong bumangon muli mula sa pagkawasak ng puso ko. Kahit na kasama ko sa trabaho ang walanghiya kong ex-boyfriend at ang traydor kong bestfriend, pero kailangan kong maging matatag dahil umaasa sa akin ang pamilya ko sa probinsya. "Hoy dzai, alam mo bang meron daw tayong bagong CEO na papalit kay Don Ricardo. Balita ko ang apo raw nitong lalaki ang hahalili sa kanya," wika sa akin ni Carol. Bilib din naman ako sa isang ito, at hindi talaga nahuhuli sa balita."Ganu'n ba? Ang lakas talaga ng radar mo noh?" nakangiti kong wika."At ngayon daw darating ang bago nating boss."Tango lang ang itinugon ko saka nagpatuloy sa ginagawa.Makalipas ang ilang oras,"Dzai, nandito na raw ang bagong CEO. Tara at kailangan nating i- welcome sa entrance door," yaya sa akin ni Carol."Naku, tatapusin ko lang muna 'tong ginagawa ko. Tutal naman pormal ding ipapakila
Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko, tila ba may mabigat na batong nakapatong dito. Idinagdag pa ang matinding kirot ng ibabang bahagi ng aking katawan. Para itong pinupunit at nanginginig sa bawat paggalaw ko. Napasinghap ako habang pilit na bumangon, ramdam ang hapdi na kumakawala mula sa pagitan ng aking mga hita. Para bang bawat kalamnan at litid doon ay may bakas ng isang gabing hindi ko inaasahan.“Diyos ko! anong nangyari?” bulong ko sa sarili, nanginginig ang boses at halos maiyak. Napuno ng takot ang puso ko, lalo na nang makita ko ang pulang mantsa sa bedsheet at mapansin ko ang mga nagkalat na damit sa sahig.Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang igawi ko ang paningin ko sa kama. Doon ko nakita ang lalaking mahimbing na natutulog, nakatihaya, at walang saplot pang-itaas. Bahagyang natakpan ng kumot ang ibabang bahagi ng kanyang katawan, ngunit sapat na ang nakita ko para lalo akong manginig sa kaba at hiya.Napatitig ako sa kanya at hindi ko maiwasang humanga
AIRA'S POV“Sa loob ng limang taon, ito lang pala ang gagawin niya sa akin?” Para akong baliw na kinakausap ang sarili habang nilalagok ang alak sa baso. Wala akong pakialam kung anong tingin sa akin ng mga tao sa bar. Kung lasinggera o desperada. Ang gusto ko lang ay makalimutan itong sakit na tumatagos hanggang sa kaibuturan ng aking puso. Itong bar ang una kong naisip na puntahan matapos kong masaksihan ang pagtataksil ng lalaking minahal ko sa loob ng limang taon.“Today was supposed to be our fifth year anniversary,” mahina kong bulong habang nagsasalin ng alak sa baso. Gusto ko sana siyang sorpresahin pero ako pala ang masosorpresa."Walanghiya ka Ramon. Niloko mo ako, kayo ng bestfriend ko!”Muling dumaloy ang luha sa aking mga mata habang tinutungga ang natitirang laman ng tequila. Ang pait at init nito’y parang kaakibat ng pait na iniwan niya sa puso ko.Unti-unti kong naaalala ang bawat salitang binitiwan niya sa harap ko, nang mahuli ko silang nagtatalik ng walanghiya kong