Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko, tila ba may mabigat na batong nakapatong dito. Idinagdag pa ang matinding kirot ng ibabang bahagi ng aking katawan. Para itong pinupunit at nanginginig sa bawat paggalaw ko. Napasinghap ako habang pilit na bumangon, ramdam ang hapdi na kumakawala mula sa pagitan ng aking mga hita. Para bang bawat kalamnan at litid doon ay may bakas ng isang gabing hindi ko inaasahan.
“Diyos ko! anong nangyari?” bulong ko sa sarili, nanginginig ang boses at halos maiyak. Napuno ng takot ang puso ko, lalo na nang makita ko ang pulang mantsa sa bedsheet at mapansin ko ang mga nagkalat na damit sa sahig.
Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang igawi ko ang paningin ko sa kama. Doon ko nakita ang lalaking mahimbing na natutulog, nakatihaya, at walang saplot pang-itaas. Bahagyang natakpan ng kumot ang ibabang bahagi ng kanyang katawan, ngunit sapat na ang nakita ko para lalo akong manginig sa kaba at hiya.
Napatitig ako sa kanya at hindi ko maiwasang humanga sa gwapo niyang mukha, na parang modelo sa men's magazine. Matangos ang ilong at may perpektong jawline. Ang mga labi niya’y bahagyang nakabuka habang payapang natutulog. Dumako ang paningin ko sa matipuno niyang dibdib at hindi ko maiwasang maramdaman ang init na unti-unti na namang bumabalot sa akin.
"Aira umayos ka," saway ng isang bahagi ng aking utak. Nang matauhan ako, dali-dali akong tumayo at nagbihis. Hindi niya ako dapat makita kaya kailangan kong makaalis kaagad bago pa siya magigising.
Maingat akong lumabas ng kwarto ngunit bago ako tuluyang humakbang papalayo, saglit akong huminto at napatingin sa numero na nasa pintuan. Room 806 nga ang napasukan ko.
"Ang tanga-tanga ko talaga", mahina kong wika saka mabilis na tinungo ang elevator.
Kahit sobrang sakit ang nararamdaman ko sa pagitan ng aking mga hita, ngunit sinikap ko pa ring makapaglakad ng maayos. Hanggang sa makasakay ako ng taxi papunta sa inuupahan kong apartment. Buti nalang at walang pasok sa trabaho at nang makapagpahinga ako buong araw.
Ilang sandali ang lumipas at nakarating na ako sa apartment.
"Aira, kumusta dzai?" kaagad na bungad na tanong ni Carol, ang nag-iisa kong kasama sa apartment. Katulad ko, isa rin siyang sales consultant sa KR Cyber Corporation.
Alam niya ang sorpresang inihanda ko kahapon para sana sa fifth anniversary namin ni Ramon pero wala siyang kaalam-alam sa totoong nangyari.
"Kumusta ang anniversary celebration niyo? H'wag mong sabihing—" Ngumisi ito ng makahulugan na parang nanunukso.
Napabuntung-hininga ako kasabay ng pangingilid ng aking mga luha.
"Dzai, bakit? May problema ba?" biglang sumeryoso ang mukha nito.
Hindi ko na napigilang mapahagulgol. "Niloko niya ako Carol."
"Ano? P-papanong niloko? Teka...anong nangyari?" tanong nito bakas sa mukha ang labis na pagkagulat.
Bigla akong napaupo sa sofa habang hindi mapigil ang pag-agos ng aking mga luha. Parang biglang bumigat ang lahat. Ang katawan, ang puso, at maging ang kaluluwa ko.
"Niloko niya ako, Carol. Sa loob ng limang taon, ganun lang pala 'yon… ipagpapalit niya ako sa iba. At ang pinakamasakit, sa bestfriend ko pa!" halos pasigaw kong sambit habang yakap-yakap ang unan.
"You mean, si Charlotte?"
"Hindi ko akalaing magawa niya akong lokohin. Since college magkasama na kami, higit pa sa kapatid ang turingan naming dalawa. Kaya pala, nag-iba na ang pakikitungo niya sa akin nitong mga nakaraang araw."
"Aira..." mahinang tawag niya sabay lapit sa akin at hinaplos ang likod ko. Kita ko sa mga mata niya ang magkahalong awa at galit.
"Alam kong masakit dzai, pero kailangan mong magpakatatag. Hindi ikaw ang nawalan kundi siya. Hayaan mo na ang gagong 'yon. Magsama sila ng kaibigan mong traydor!"
"Actually, may nahalata na ako noon pa sa kanila. Pero hindi ko lang sinabi sa 'yo. Madalas ko silang nakikitang magkasama pero iniisip ko baka part lang ng trabaho dahil assistant ni Ramon 'yong Charlotte na 'yon."
"Hindi ko na alam ang gagawin ko, dzai. Parang sa isang iglap lang, gumuho ang lahat. Sobra akong tanga!"
Bahagyang napakunot si Carol habang nakatingin sa akin.
"Ano bang ibig mong sabihin? Teka lang, saan ka ba pumunta kagabi pagkatapos mong malaman ang pagtataksil nila?" naguguluhan niyang tanong.
Natigilan ako. Dapat ko bang sabihin sa kanya ang nangyari? Paano kung husgahan niya ako? Paano kung isipin niya na ako ang nagkamali at nagpagamit?
"Wala, uminom lang ako sa bar. Pagkatapos nag-booked ako ng kwarto at doon ako nagpalipas ng gabi."
"Buti na lang at walang nangyaring masama sa 'yo dzai. Marami pa namang loko-loko ngayon. Aira, hindi ka dapat nagpapakalunod sa alak. Tandaan mo, hindi ikaw ang may kasalanan kundi sina Ramon at Charlotte. Ang kakapal ng mga mukha nila!"
Mas lalo akong napahagulhol. Sa loob-loob ko, gusto kong sabihin ang totoo—na hindi lang pagtataksil ang naranasan ko, kundi pati ang isang gabing hindi ko alam kung matatawag bang aksidente o trahedya.
"O sya, inumin mo muna 'tong tubig at nang lumuwag ang pakiramdam mo."
"Teka lang, kumain ka na ba?" tanong nito.
"Hindi pa. Hindi pa naman ako nagugutom eh. Matutulog muna ako dzai," sabi ko saka ako tumayo. Lihim akong napangiwi nang maramdaman ko ang kirot sa pagitan ng aking mga hita. Pero ayaw ko namang makahalata si Carol, kaya sinikap kong ayusin ang paglalakad.
Habang nakahiga ako sa kama, muli na namang sumagi sa isipan ko ang pagtataksil ni Ramon. Inaamin kong nasasaktan talaga ako, pero saglit itong napawi nang magbalik sa aking alaala ang ginawang pag-angkin sa akin ng lalaking 'yon sa room 806. Ang katawan ko lang naman ang mahina kagabi dahil sa alak na nainom ko, pero buhay na buhay naman ang diwa ko kaya naalala ko pa ang bawat detalye ng pagniniig naming dalawa.
"Aira, stop thinking about him," saway ko sa aking sarili.
Gusto kong matulog at saglit na makalimutan ang lahat ng mga pangyayari. Para bang kung makakatakas man ako kahit sa ilang oras lang, sapat na iyon para hindi ko maramdaman ang bigat sa dibdib ko.
Ilang sandali pa’y naghari ang katahimikan. Unti-unti akong binalot ng antok, hanggang sa tuluyan na akong nahulog sa bisig ng kawalan.
Ngunit bigla na lamang akong nagising, habol ang hininga. Naramdaman ko ang mabilis na tibok ng aking puso. Basa na ng pawis ang aking katawan, ngunit mas ikinagulat ko pa nang maramdaman ko rin ang sariling pagkababae na tila ba nagising mula sa isang panaginip na hindi ko dapat napanaginipan.
“Diyos ko…” napakagat-labi ako, halos hindi makapaniwala. “I-I had a wet dream…”
Nanginig ang kamay ko habang pinipilit alalahanin kung ano ang napanaginipan ko. Mga malabong imahe ang pumapasok sa isip ko—mga halik, mga haplos, at isang pamilyar na tinig na bumulong ng mga salitang hindi ko mawari. Hanggang sa unti-unti ng luminaw ang imahe ng isang lalaki sa aking panaginip.
"Siya! Siya ang napanaginipan ko," usal ko sa aking sarili.
Parang may kumurot sa puso ko. Galit, hiya, at isang damdaming hindi ko kayang pangalanan ang biglang nagsiksikan sa dibdib ko. Bakit siya? Bakit hindi ko siya makalimutan?
Napahawak ako sa dibdib ko, sinusubukang pakalmahin ang sarili. “Hindi tama ito… hindi pwede…” bulong ko, halos may luha na namuong muli sa aking mga mata. "Ayaw ko ng masaktan pa."
Pinilit kong bumangon at dumiretso sa banyo. Binuksan ko ang gripo ng malamig na tubig at hinayaan kong dumaloy ito sa aking mga palad bago ibinusik sa mukha ko. Kailangan kong magising sa reyalidad. Kailangan kong ipaalala sa sarili na isa iyong pagkakamali—isang gabing ayaw ko nang balikan.
Ngunit sa likod ng isip ko, naroon pa rin ang alaala ng kanyang titig, ng kanyang mga labi, at mga haplos niya sa aking katawan.
Ah, hindi ako dapat magpadaig sa emosyon ko. Sa isip ko, kung nagawa nga akong saktan at pagtaksilan ni Ramon na boyfriend ko na for five years, how much more na kaya sa isang lalaking naka-one night stand ko lang?
"Isang gabing pagkakamali lang 'yon, Aira. Kalimutan mo na 'yon. Hindi lang ikaw lang ang babaeng naka-sex niya," saway ng isang bahagi ng aking utak.
Yes tama. Isa lang ako sa mga babaeng naging pampalipas oras ng lalaking 'yon, kaya hindi ko na kailangan pang alalahanin.
Kinabukasan, habang nagfocus ako sa pag-encode ng mga sales report,"Aira, pinapatawag ka sa opisina ni sir Kael," wika ni Mrs. Perez.Biglang nanlaki ang mga mata ko. "Po? A-ako?" "Oo, kailangan raw niyang makausap ang top-performing sales consultant sa kumpanyang ito," ani Mrs. Perez. "Uhm, pakidala mo nalang itong sales report, last quarter. Gusto raw niyang makita."Muli na namang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Hindi naman ako maaring tumanggi dahil nasa trabaho ako, baka mamaya masesante pa ako ng wala sa oras kung di ako sumunod. Wala na talaga akong kawala pa. Diyos ko."Dzai, goodluck." Bulong sa akin ni Carol, sabay ngisi na parang nanunukso na naman. Tumayo ako at binitbit ang folder. Palakas ng palakas ang tibok ng aking puso, habang tinungo ko ang elevator.Makalipas ang ilang minuto nasa third floor na ako at nasa doorstep na ng opisina ng CEO. Huminga ako ng malalim bago kumatok sa pintuan."Yes, come in."Pagkarinig ko ng malalim na tinig mula sa loob, halos nanghi
Pumasok ako sa opisina ng KR Cyber Corporation nang may baong kaba at bigat sa dibdib. Mahigit tatlong linggo na rin mula nang magdesisyon akong bumangon muli mula sa pagkawasak ng puso ko. Kahit na kasama ko sa trabaho ang walanghiya kong ex-boyfriend at ang traydor kong bestfriend, pero kailangan kong maging matatag dahil umaasa sa akin ang pamilya ko sa probinsya. "Hoy dzai, alam mo bang meron daw tayong bagong CEO na papalit kay Don Ricardo. Balita ko ang apo raw nitong lalaki ang hahalili sa kanya," wika sa akin ni Carol. Bilib din naman ako sa isang ito, at hindi talaga nahuhuli sa balita."Ganu'n ba? Ang lakas talaga ng radar mo noh?" nakangiti kong wika."At ngayon daw darating ang bago nating boss."Tango lang ang itinugon ko saka nagpatuloy sa ginagawa.Makalipas ang ilang oras,"Dzai, nandito na raw ang bagong CEO. Tara at kailangan nating i- welcome sa entrance door," yaya sa akin ni Carol."Naku, tatapusin ko lang muna 'tong ginagawa ko. Tutal naman pormal ding ipapakila
Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko, tila ba may mabigat na batong nakapatong dito. Idinagdag pa ang matinding kirot ng ibabang bahagi ng aking katawan. Para itong pinupunit at nanginginig sa bawat paggalaw ko. Napasinghap ako habang pilit na bumangon, ramdam ang hapdi na kumakawala mula sa pagitan ng aking mga hita. Para bang bawat kalamnan at litid doon ay may bakas ng isang gabing hindi ko inaasahan.“Diyos ko! anong nangyari?” bulong ko sa sarili, nanginginig ang boses at halos maiyak. Napuno ng takot ang puso ko, lalo na nang makita ko ang pulang mantsa sa bedsheet at mapansin ko ang mga nagkalat na damit sa sahig.Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang igawi ko ang paningin ko sa kama. Doon ko nakita ang lalaking mahimbing na natutulog, nakatihaya, at walang saplot pang-itaas. Bahagyang natakpan ng kumot ang ibabang bahagi ng kanyang katawan, ngunit sapat na ang nakita ko para lalo akong manginig sa kaba at hiya.Napatitig ako sa kanya at hindi ko maiwasang humanga
AIRA'S POV“Sa loob ng limang taon, ito lang pala ang gagawin niya sa akin?” Para akong baliw na kinakausap ang sarili habang nilalagok ang alak sa baso. Wala akong pakialam kung anong tingin sa akin ng mga tao sa bar. Kung lasinggera o desperada. Ang gusto ko lang ay makalimutan itong sakit na tumatagos hanggang sa kaibuturan ng aking puso. Itong bar ang una kong naisip na puntahan matapos kong masaksihan ang pagtataksil ng lalaking minahal ko sa loob ng limang taon.“Today was supposed to be our fifth year anniversary,” mahina kong bulong habang nagsasalin ng alak sa baso. Gusto ko sana siyang sorpresahin pero ako pala ang masosorpresa."Walanghiya ka Ramon. Niloko mo ako, kayo ng bestfriend ko!”Muling dumaloy ang luha sa aking mga mata habang tinutungga ang natitirang laman ng tequila. Ang pait at init nito’y parang kaakibat ng pait na iniwan niya sa puso ko.Unti-unti kong naaalala ang bawat salitang binitiwan niya sa harap ko, nang mahuli ko silang nagtatalik ng walanghiya kong