Share

KABANATA 4

Author: Spinel Jewel
last update Last Updated: 2025-09-03 15:53:24

Kinabukasan, habang nagfocus ako sa pag-encode ng mga sales report,

"Aira, pinapatawag ka sa opisina ni sir Kael," wika ni Mrs. Perez.

Biglang nanlaki ang mga mata ko. "Po? A-ako?" 

"Oo, kailangan raw niyang makausap ang top-performing sales consultant sa kumpanyang ito," ani Mrs. Perez. "Uhm, pakidala mo nalang itong sales report, last quarter. Gusto raw niyang makita."

Muli na namang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Hindi naman ako maaring tumanggi dahil nasa trabaho ako, baka mamaya masesante pa ako ng wala sa oras kung di ako sumunod. Wala na talaga akong kawala pa. Diyos ko.

"Dzai, goodluck." Bulong sa akin ni Carol, sabay ngisi na parang nanunukso na naman. 

Tumayo ako at binitbit ang folder. Palakas ng palakas ang tibok ng aking puso, habang tinungo ko ang elevator.

Makalipas ang ilang minuto nasa third floor na ako at nasa doorstep na ng opisina ng CEO. Huminga ako ng malalim bago kumatok sa pintuan.

"Yes, come in."

Pagkarinig ko ng malalim na tinig mula sa loob, halos nanghina ang aking mga tuhod. Dahan-dahan kong pinihit ang door knob at marahang pumasok.

Pagkapasok ko sa loob, bumungad agad ang presensya ni Kael. Nakaupo siya sa swivel chair, nakasandal habang nakatitig sa akin. Para bang binabasa niya ang laman ng aking isip.

“Miss Belmonte,” malalim niyang wika, sabay turo sa upuang nasa tapat ng mesa niya. “Please, have a seat.”

Inilapag ko ang folder ng sales report sa ibabaw ng mesa, pagkatapos tahimik akong umupo. Pilit kong pinapakalma ang sarili, kahit na halos hindi ako makahinga.

“Thank you, sir." Mahina kong sagot.

Binuksan niya ang folder at marahang tiningnan ang mga dokumento. “I’ve heard a lot about you. Top performer ka raw sa sales.” Tumigil siya sandali at muling iniangat ang paningin sa akin. “Impressive.”

Hindi ako makatingin nang diretso sa kanya. “Ginagawa ko lang po ang trabaho ko, sir.”

Ngumiti siya nang bahagya, halos hindi ko alam kung may halong panunukso o pormal lang talaga siya.

“Sir? Hmm. You can just call me Kael kapag tayong dalawa lang.”

Nanlaki ang mga mata ko. “P-po?” halos pabulong kong sagot.

“Kael,” mariin niyang wika saka matamang tumingin sa akin. "Hindi pa naman ako matanda para po-po-in mo ako."

"By the way, alam mo bang pinapahanap kita, after that night?"

Napasinghap ako sa sinabi niya. Mas lalo akong nanginginig habang patuloy sa pagkabog ang aking puso.

Bigla siyang tumayo at naglakad papalapit sa akin. Parang hindi ako makahinga sa bigat ng presensya niya.

"Sir, p’wede na po ba akong lumabas?" sabi ko sabay tayo, pilit na iniwas ang tingin sa kanya.

"No. May kasalanan ka pa sa akin."

Napakurap ako at agad na lumunok. "Po? A-anong k-kasalanan ko?"

Mas lalo pang dumilim ang tingin niya habang mabagal siyang lumapit. Ramdam ko ang unti-unting panghihina ng tuhod ko, lalo na nang bahagya niyang idikit ang kanyang kamay sa aking braso.

"Una, umalis ka nalang bigla noon habang natutulog ako sa kwarto. Pangalawa, iniwasan mo ako kagabi sa Welcome Party. Now, bigyan mo ako ng magandang dahilan kung bakit mo ginawa 'yon."

"Sir..."

"I said call me Kael."

"K-kael, uhm...ayaw ko lang na makita mo pa ako pagkatapos ng n-nangyari sa hotel.  It was just a mistake. At 'yong kagabi, ayaw ko lang na magkalapit tayo, dahil boss kita, kaya kailangan kong mapanatili ang distansya sa pagitan ng empleyado at ng boss."

"Mistake ba 'kamo yong nangyari nung gabi na 'yon?" Tumingin siya ng diretso sa akin. "If that was just a mistake, then it was the best mistake I've ever had."

At bago pa ako muling makapagsalita, siniil niya ako ng isang mapusok at mariing halik. Para akong nawala sa sarili. Saglit akong napapikit at ninamnam ang init ng kanyang labi, ang lalim ng halik na tila sumasakal sa aking katinuan. Ang kamay niya’y gumapang sa aking bewang, at mariin niya akong hinapit upang hindi ako makagalaw.

Ngunit nang magbalik ang aking ulirat, agad akong nag-ipon ng lakas at itinulak siya. Halos hingal na hingal ako, ngunit nararamdaman ko pa rin ang init ng kanyang halik.

"Hindi ito tama. You're my boss," halos pasigaw kong sambit, habang nanginginig ang aking boses.

Ngumiti siya nang mapanganib, saka dumikit muli ang mukha niya sa akin, halos maglapat muli ang aming mga labi.

"I can do whatever I want at hindi mo ako mapipigilan," mariin nitong wika habang nakatitig nang malalim sa aking mga mata. "I claimed you once, kaya akin ka lang at paulit-ulit kitang aangkinin hangga’t gusto ko."

"Tumigil ka at baka may makarinig sa atin."

"So ayaw mong malaman ng lahat diba?" aniya, at sinadya pa talagang lakasan ang boses. 

"Of course, isa 'yong kahihiyan at malaking pagkakamali."

"So kung ayaw mong may makaalam na naka one—"

Mabilis kong tinakpan ng kamay ang bibig niya upang patigilin siya. 

Ngumisi siyang habang nakatitig sa akin, saka dinampian ng halik ang kamay kong nakabusal sa bibig niya.

Bumilis ang tibok ng aking puso. Hindi ko alam kung dahil ba sa takot o dahil sa kakaibang sensasyong hindi ko kayang ipaliwanag.

Naramdaman ko ang biglang pamumula ng aking mukha, tila ba unti-unting nawawala ang lakas ng aking katawan. Pilit kong hinila ang kamay kong nakatakip sa bibig niya, ngunit mabilis niya itong hinawakan at mariing ikinulong sa kanyang palad. Ramdam ko ang init ng kanyang balat na dumadaloy sa akin.

“Kael, tama na,” halos pakiusap ko habang nag-iiwas ng tingin.

Pero imbes na sumunod, marahan niyang inilapit ang labi niya sa aking tainga. “Why are you trembling? Kung totoong ayaw mo sa akin, bakit ganyan ang reaksyon ng katawan mo?” bulong niya na nagdulot ng kakaibang kiliti at matinding sensasyon.

Pinilit kong tumayo nang tuwid at ilayo ang sarili, pero mas lalo niya akong hinapit palapit sa kanya. Ang mukha niya'y halos ilang pulgada na lang ang layo sa akin, kaya nararamdaman ko ang mainit niyang hininga.

“Tell me honestly, Aira,” aniya habang nakatitig nang diretso sa aking mga mata, “Isang pagkakamali lang ba talaga iyon para sa’yo? Dahil sa akin… hindi.”

Napalunok ako at pilit na nag-ipon ng lakas. “Oo, Kael, isang pagkakamali lang ‘yon. Gusto ko lang makalimutan ang heartbreak ko nu'ng time na 'yon kaya pumunta ako ng bar. Niloko ako ng boyfriend ko at ng matalik kong kaibigan kaya ako naglasing para makalimot. It was never my intention na pumasok sa kwarto mo."

Sa unang pagkakataon, nakita ko ang biglang pagdilim ng kanyang mga mata. Napakuyom siya ng kamao at marahang humakbang palayo, ngunit hindi inaalis ang tingin sa akin. Nanatili pa rin sa buong silid ang bigat ng kanyang presensya na para bang hindi ako makalabas hangga’t wala siyang sinasabi.

“Okay,” malamig niyang sambit. “Pero tandaan mo, Aira… akin ka lang. At hindi ako bumibitaw sa kahit anuman na pag-aari ko na. Kung patuloy mo lang akong iiwasan mas lalo lang akong magiging determinado. Hindi ako papayag na basta mo na lang burahin ang nangyari.”

Bago pa ako makasagot, tumalikod siya at muling naupo sa swivel chair, kunwaring binabalikan ang folder ng report.

"Pwede ka nang lumabas,” aniya, malamig ngunit mariin ang tono ng kanyang pananalita.

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Mabilis akong tumayo at halos nagmamadaling lumabas ng kanyang opisina. Ngunit habang naglalakad ako sa hallway, patuloy pa rin ang mabilis na pagtibok ng aking puso at nararamdaman ko pa rin ang init ng kanyang haplos na ayaw mawala sa aking balat.

Pagkalabas ko ng opisina, halos manghina ako sa bigat ng emosyon na iniwan ng mga sinabi at ginawa ni Kael. Para akong binuhusan ng mainit at malamig na tubig nang sabay, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.

“Aira?” mabilis na tawag ni Carol nang makabalik na ako sa aming departamento. “Anong nangyari? Para kang namumutla.”

“W-wala… hiningi lang niya ‘yong report,” pilit kong pinakalma ang sarili, kahit nanginginig pa ang mga kamay ko.

“Talaga? Sigurado ka?” nakataas ang kilay niyang tanong, parang may nabasa sa ekspresyon ko.

“Carol, please, h'wag mo na nga akong kulitin,” mariin kong sagot at itinuon muli ang mga mata sa computer.

Subalit hindi ko maiwasang mapansin ang mga tingin ng ilang kasamahan ko. Pero imposible namang may nakarinig sa pag-uusap namin ni Kael. Sarado naman 'yong pinto ng opisina niya kaya mas lalong walang nakakita sa paghalik niya sa akin.

Kinagabihan, habang nakahiga ako sa kama, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga salita niya. “Akin ka lang… hindi ako bumibitaw sa kahit anuman na pag-aari ko na.”

Napapikit ako at pinisil ang aking sentido. “Diyos ko, ano itong nangyayari sa akin?" 

Nasa ganun ang kalaliman ng aking pag-iisip nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Hindi naman nakaregister ang number, pero iniisip ko baka importante.

"Hello," sagot ko.

"Hello." Isang baritonong boses ang narinig ko sa kabilang linya. Hindi ako maaring magkamali. Si Kael ang tumatawag.

"P-pano mo nalaman ang numero ko?" tanong ko sa kanya.

"Nothing is impossible for me, Aira. Remember, sa akin ka nagtatrabaho kaya may access ako sa mga personal information mo."

"Uhm, anong kailangan mo?" 

"Wala. I just want to hear your voice."

Parang may kung ano namang kuryente ang dumaloy sa katawan ko at bigla nalang uminit ang aking pakiramdam. 

"Kael, I don't know, kung bakit ginagawa mo ito sa akin," lakas-loob kong sabi.

"Well it's simple, Aira. Hindi ko makalimutan ang gabing 'yon. And I want to have more nights with you."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Wrong Room, Right Mistake   KABANATA 4

    Kinabukasan, habang nagfocus ako sa pag-encode ng mga sales report,"Aira, pinapatawag ka sa opisina ni sir Kael," wika ni Mrs. Perez.Biglang nanlaki ang mga mata ko. "Po? A-ako?" "Oo, kailangan raw niyang makausap ang top-performing sales consultant sa kumpanyang ito," ani Mrs. Perez. "Uhm, pakidala mo nalang itong sales report, last quarter. Gusto raw niyang makita."Muli na namang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Hindi naman ako maaring tumanggi dahil nasa trabaho ako, baka mamaya masesante pa ako ng wala sa oras kung di ako sumunod. Wala na talaga akong kawala pa. Diyos ko."Dzai, goodluck." Bulong sa akin ni Carol, sabay ngisi na parang nanunukso na naman. Tumayo ako at binitbit ang folder. Palakas ng palakas ang tibok ng aking puso, habang tinungo ko ang elevator.Makalipas ang ilang minuto nasa third floor na ako at nasa doorstep na ng opisina ng CEO. Huminga ako ng malalim bago kumatok sa pintuan."Yes, come in."Pagkarinig ko ng malalim na tinig mula sa loob, halos nanghi

  • Wrong Room, Right Mistake   KABANATA 3

    Pumasok ako sa opisina ng KR Cyber Corporation nang may baong kaba at bigat sa dibdib. Mahigit tatlong linggo na rin mula nang magdesisyon akong bumangon muli mula sa pagkawasak ng puso ko. Kahit na kasama ko sa trabaho ang walanghiya kong ex-boyfriend at ang traydor kong bestfriend, pero kailangan kong maging matatag dahil umaasa sa akin ang pamilya ko sa probinsya. "Hoy dzai, alam mo bang meron daw tayong bagong CEO na papalit kay Don Ricardo. Balita ko ang apo raw nitong lalaki ang hahalili sa kanya," wika sa akin ni Carol. Bilib din naman ako sa isang ito, at hindi talaga nahuhuli sa balita."Ganu'n ba? Ang lakas talaga ng radar mo noh?" nakangiti kong wika."At ngayon daw darating ang bago nating boss."Tango lang ang itinugon ko saka nagpatuloy sa ginagawa.Makalipas ang ilang oras,"Dzai, nandito na raw ang bagong CEO. Tara at kailangan nating i- welcome sa entrance door," yaya sa akin ni Carol."Naku, tatapusin ko lang muna 'tong ginagawa ko. Tutal naman pormal ding ipapakila

  • Wrong Room, Right Mistake   KABANATA 2

    Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko, tila ba may mabigat na batong nakapatong dito. Idinagdag pa ang matinding kirot ng ibabang bahagi ng aking katawan. Para itong pinupunit at nanginginig sa bawat paggalaw ko. Napasinghap ako habang pilit na bumangon, ramdam ang hapdi na kumakawala mula sa pagitan ng aking mga hita. Para bang bawat kalamnan at litid doon ay may bakas ng isang gabing hindi ko inaasahan.“Diyos ko! anong nangyari?” bulong ko sa sarili, nanginginig ang boses at halos maiyak. Napuno ng takot ang puso ko, lalo na nang makita ko ang pulang mantsa sa bedsheet at mapansin ko ang mga nagkalat na damit sa sahig.Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang igawi ko ang paningin ko sa kama. Doon ko nakita ang lalaking mahimbing na natutulog, nakatihaya, at walang saplot pang-itaas. Bahagyang natakpan ng kumot ang ibabang bahagi ng kanyang katawan, ngunit sapat na ang nakita ko para lalo akong manginig sa kaba at hiya.Napatitig ako sa kanya at hindi ko maiwasang humanga

  • Wrong Room, Right Mistake   KABANATA 1

    AIRA'S POV“Sa loob ng limang taon, ito lang pala ang gagawin niya sa akin?” Para akong baliw na kinakausap ang sarili habang nilalagok ang alak sa baso. Wala akong pakialam kung anong tingin sa akin ng mga tao sa bar. Kung lasinggera o desperada. Ang gusto ko lang ay makalimutan itong sakit na tumatagos hanggang sa kaibuturan ng aking puso. Itong bar ang una kong naisip na puntahan matapos kong masaksihan ang pagtataksil ng lalaking minahal ko sa loob ng limang taon.“Today was supposed to be our fifth year anniversary,” mahina kong bulong habang nagsasalin ng alak sa baso. Gusto ko sana siyang sorpresahin pero ako pala ang masosorpresa."Walanghiya ka Ramon. Niloko mo ako, kayo ng bestfriend ko!”Muling dumaloy ang luha sa aking mga mata habang tinutungga ang natitirang laman ng tequila. Ang pait at init nito’y parang kaakibat ng pait na iniwan niya sa puso ko.Unti-unti kong naaalala ang bawat salitang binitiwan niya sa harap ko, nang mahuli ko silang nagtatalik ng walanghiya kong k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status